Chapter 19: Behind The Smiles

2415 Words
SA kabilang perspektibo, habang sina Monie at ang kaniyang dalawang kaibigan ay abala sa pagtamasa ng kasiyahang dala ng kanilang isipan at kasalukuyang pinagkakaabalahan, ang mundo ay nagsisimula nang sakupin ng nabubuhay na puwersa ng kadiliman. “Itik na ba ang earthsung?” ang tanong ng baklang lupa. Mayroon itong suot na kulay lupang tela na siyang nagtatabing sa kaniyang kabuuang anyo. Tila ang kaniyang wangis ay niluma nang panahon ngunit ang isipan niya, inosente sa mundong kinalalagyan niya ngayon. Ang kaniyang tingin ay napabaling sa kaniyang tagiliran. Nasira ang araw niya dahil sa malakas na sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha na ang itsura ay tila may el-ninong nagaganap. “Shuta kang kiyoraw ka nand’yanchie! For all the people living on the planet in the past, today, and tomorrow, why am I being chosen to receive all your sun rays? Is my condition right now, not worthy of magnificent greetings? Above all, I will not question you na kasi alam ko naman na wala akong ginawang mabuti sa buong buhay ko. I am a pure innocent brown gay who will be a queen of this planet, at the right time thru Her who gives me strength, ability, valor, courage, capacity, intelligence, wisdom, knowledge, and patience!” ang mahabang sigaw nito na animoy dala ang world-famous search engine sa kaniyang isipan. Nagnanais siya ng mainit na pagsalubong sa kaniyang pagtahan dito sa mundong mapanakit at mapang-akit, ngayong ipinagkaloob ito sa kaniya? Parang hindi siya masaya? Pagsasalaysay Ng Kalaban “Ang pangit-pangit mo!” Napalingon ako sa likuran ko dahil sa salitang hindi kaaya-aya sa aking pandinig. May little cute eyes kaya ako sa puwet kaya alam ko na ako ang tinatawag niya. Wala akong matatag na ideya sa nais na ipakahulugan ng salitang binabato sa akin ng paslit na ito pero alam ko na isa itong salitang mapanlait. “Gusto mo bang mategi agad, baby boi?” ang nakangisi kong tanong sa kaniya. Nilabas ko ang mga kuko kong mahaba at nanginig naman ang katawan niya sa takot. Sige lang, at gan’yan nga, matakot ka! Nagnanais ang mga mata ko na makita kang nangingisay sa sobrang pangamba at naliligo sa mismong pawis na dala ng pagkabalisa. Nais mahagkan ng aking mga kamay ang kaniyang kawawang laman. “Susumbong kita sa daddy ko!” ang sigaw niya sa akin. May tumalsik na maliit na butil ng laway sa aking pisngi ngunit mukhang bagong toothbrush naman ito kaya safe sa mabahong amoy. Nakita kong ihahakbang niya ang mga paa niya kaya’t bago siya tuluyang makaalis ay inangat ko ang lupa sa likuran niya at humarang ito sa kaniya. “Pulis ang daddy ko!” Matapang siya kahit bakas na ang takot sa kaniyang mukha. May future ang batang ito. Maaari rin siyang maging mandirigma ng kalawakan. Hindi ko alam kung anong pulis ang sinasabi niya. Walang pulis-pulis sa akin! “Gusto mo bang sumama sa akin? Dadalhin kita sa galaxy at makikita mo ang iba’t-ibang planeta at mga stars. Ang mga ito ang gusto mo, ‘di ba?” Lumumanay ang pagsasalita ko nang sa gayon mabawasan ang takot sa kaniyang mukha. Iwinaksi ko na rin ang harang na artipisyal na lupa sa kaniyang likuran. “I don’t want to go with you! You are so ugly. Walang magkakagusto na sumama sa mga katulad mo! Yuck iw. You are super drought, and you must drink a lot of water to get hydrated!” ang wika nito. Tumatagos ang mga salita niya sa dibdib ko. Sobra niyang mapanglait. Nangangati na ang mga kamay ko na saktan siya. Mababa pa naman ang tolerance ko sa mga ganitong bagay. “Sumusobra ka na!” Sinampal ko siya ng malakas. Tumalsik siya sa malaking poste sa gilid niya. Naging dahilan ang ginawa ko upang makuha ko ang atensyon ng mga nilalang na tao sa paligid. Well, you guys, enjoying maritesing dahil mamaya lang din ay susunod ko na kayong papaslangin. “Diyos ko! Sino siya? Paano niya nagawa iyon?” “Ang bata! Kawawa!” “Ang anak ko!” Narinig ko ang pagsigaw ng mamang naka-unipormeng asul. Siya ay isang pulis. Charot lang na hindi ko alam ang pulis. Kinuha ko ang mga impormasyong nalalaman ko ngayon sa taong nakita ko kanina bago ang bata kaya kahit papaano, hindi na ako nagmumukhang inosente. Ang kisig ng wangis niya- nakahahalina at nakabibighani. Gusto ko siyang makatambal. Hapit na hapit sa kaniyang suot ang kaniyang mga naglalakihang muscles sa katawan. Ang ideal niyang bigyan ng mainit na yakap na sa huli ay mauuwi sa paglalaro ng apoy. Nakangiti akong lumapit sa kaniya. May hinugot siya sa kaniyang tagiliran. Malaki ito, mataba… tumunog ito ng malakas at naramdaman ko nalang ang pagtama ng maliit na bagay sa aking katawan. Tinadtad niya ako ngunit mas tumataas lang bumabalot na kilig at pangangati sa aking kamalayan. Kailangan kong magpakamot sa nilalang na ito sa lalong madaling panahon! “Hindi siya tinalablan ng bala ng baril? Anong klaseng nilalang siya!?” ang sigaw ng mga marites. Sige, my role in life is maghasik ng takot, pangamba at panganib. Siguro ay naubusan na ng bala si daddy dahil tumigil na siya sa pagputok sa akin. Ang bilis niya namang masagad. Ayaw ko na ganiyan ang mangyayari kapag nagsiping na kami dahil sinisigurado ko na pagsisisihan niya ito. Kagaya ng ekspresyon na nabakas ko sa mukha ng kaniyang anak, sa mga taong nakakita sa ginawa ko, gumuhit din ang takot kay daddy dahil walang naging talab ang ginawa niya sa akin ngunit mas nagingibabaw ang kaguwapuhan niya at naramdaman ko rin ang laki ng bagay na kayang magpasaya sa akin minu-minuto habang ako ay nanatili rito. Tumakbo siya palapit sa anak niya. Naaawa ako sa kaniya dahil kahit anong gawin niya, sa lakas ng ginawa ko, hinding-hindi na mabubuhay pa ang kawawa niyang paslit. Hayaan na niya itong mamahinga sa malayong lugar, at kami nang dalawa ang magsama. “Hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko?!” Ang sigaw niya sa akin na may bitbit na sobrang hinagpis. Hindi ko gusto ang word niyang hayop. Very degrading! “Patawarin mo ako daddy at hindi ako sinasadya,” ang saad ko gamit ang malumanay, malandi, garapal, p****k at mapang-akit na salita. Hinawakan ko siya sa kaniyang malaking braso, ang kinis talaga nito--- maputi, matigas, at malapad. Hindi siya tumanggi, marahil ay gusto niya rin ang ginagawa ko. Naglalaway na ako mga, anakshie. Gusto ko na itong paliguan ng laway ngayon din mismo sa kinalalagyan namin. “Hands-off!” Nakita kong dumampot siya ng malaking bato sa gilid niya ngunit wala akong ginawa. Pumikit ako at hinayaan siyang saktan ako ng buong puso at buong laya. Tunog lamang ang naramdaman ko sa aking ulo--- walang sakit at kirot, marahil ay manhid na nga ako. Matapos nito, mapang-akit akong dumilat at tumingin sa kaniya. “Kaya kong pagalingin ang anak mo kung ibibigay mo sa akin ang katas na bumuhay sa kaniya,” ang sambit ko. This should be give and take--- sawa ako na ako lang ang nagbibigay. “Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin. Gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin sa amin dahil paparating na ang mga alagad ng batas. Dito nagsisimula at matatapos ang kahibangan mo,” ang wika niya. “Puksain mo na rin ako dahil wala nang saysay pa ang buhay ko dahil sa ginawa mo sa anak ko.” Naantig ang puso ko sa huling binanggit niya. Hindi ko siya kayang puksain dahil kapag ginawa ko ito--- papatayin ko na rin ang kaligayahan ko. Hindi ba’t kaligayahan nga ang bumubuhay sa atin? Kung hindi ako liligaya at sasaya, bakit pa ako naririto? Huh? Gusto niyong i-next ko kayong jombagin diyan hanggang sa lumabas lahat ng maaaring lumabas sa inyo? “Hinawakan ko siya sa mukha niya. Hindi ko kayang gawin sa iyo ‘yan, daddy.” Kinuha ko ang kamay niya at binigyan ito ng matamis at mapag-arugang halik. Hindi muli siya gumawa ng kahit anong aksyon. Maharil, napagod na siya dahil kahit ano namang laban ang gawin niya ay hindi nga ito talab sa akin. Sa ganitong pagkakataon ay mag-aaksaya lang siya ng lakas. Naramdaman ko na may paparating. Marami sila at dito sila patungo. Nababakas kong hindi sila mga normal na tao. May sinabi sila sa lipunan- ito na ang pagkakataon upang ipaalam sa sanlibutan na nasa sigalot ang mundo nila. Sa tingin ko, ito na ang sinasabi ni daddy na tatapos sa kahibangan ko. Dumating na sila, at mabilis na pumaikot sa kinalalagyan ko. “Huwag kang magtatangkang kumilos ng masama!” ang utos sa akin ng isa sa kanila. Huwag niya akong mandohan! “At bakit hindi ako kikilos, hanek?” Tumawa ako ng malakas at humarap sa kanila. “Nakikita po natin ang kasalukuyang nangyayari, may isang nilalang ang naghahasik ng lagim sa paligid, hindi natin matiyak sa mga oras na ito kung saan siya nagmula at bakit dito sa lugar na ito nito napiling maghasik ng lagim.” Ito… ito ang kanina ko pang hinihintay- ang reporter. Siya ang nagbibigay ng balita sa mga tao gamit ang kagamitang hawak-hawak ng taong nasa harapan niya. Nakatutok sa akin ang mga naghahabaang baril ng mga alagad ng batas na kagaya ng kay daddy ko natitibag sa kipalya ko. Hindi ko pinansin ang grupo ng kapulisan, imbis ay lumakad ako at lumapit sa reporter. “Puwede bang magpa-interbyu, anak-shie? Huwag kang matakot dahil ito na ang huling kabang mararanasan mo sa buong buhay mo matapos mo akong ma-interview. Kaya’t galingan mo dahil it’s your time to shine, baebi!” Hinila ko ang buhok niya dahil ang ganda-ganda nito. Straight and shinny. Inggit ako! Hindi siya sumagot at nagtakip ng kaniyang ilong. “Routine reveal naman po on how to achieve that straight and silky hair?” ang tanong ko sa kaniya. Ako na kaya ang mag-interview sa kaniya? Palit nalang kami ng role sa buhay. Siya ang manakot at ako ang maghahayag ng pananakot na gagawin niya sa publiko? What do you think? Is it a good idea or not? “Why ayaw mo naman magsalita? Mukha bang natatakot ang itsura ko? Ako, ‘wag mo akong ino-okray dahil sasamain ka sa akin!” Siniko ko siya ng malakas. She was forced to compose herself, and let her professional soul wins. “Mga kebekleen! Mga kebebeyen! This is Wah Mogie, My Puttok. Nagbabalita right now, ngayon po ay kasama po natin ang nilalang right beside me na super ganda, super special, super needed, super timely, and super powerful. Who are you? At bakit kayo nandito sa mundo namin?” ang tanong niya sa akin. I like the introduction. Ngayon pa lang ay na-capture niya na ang heart ko. Gagawin ko itong isa sa mga anakshie ko after ng interview na ito. “Everyone is surrounded by devilish souls, and I am here to make this place like hell. For that, I am Quetzobuloch Tlaloc. I am the patron ng mga bulok ang bagang. I am not alone. I am with other patrons for purpose of getting the blood of innocent gay people in order for our queen to experience how to live again. He will conquer the entire cosmos and that will come, will arrive in time.” Hiningahan ko sila to activate my signature--- ito ang ang napakabahong hiningang taglay ko dahil sinabi ko kanina na ako nga ang patron ng mga bulok ang bagang kaya hindi na ito nakapagtataka. Nagsitakipan sila ng ilong dahil sa aking ginawa, at ang iba ay tila nasusuka pa. Hiyang-hiya naman ang maamo kong mukha sa kanila. “Nababahuan ba kayo? Say, oo or ipapalamon ko layo sa lupa?” ang tanong ko sa kanila. Maganda ang hangarin ko sa kanila ngunit sila ang unang tumalikod sa akin. Nakita kong itatakas nila si Daddy sa aking piling. Wala akong balak na masamang bagay ngunit ‘wag na ‘wag nila itong magawa-gawa sa akin. “Huwag niyong gagalawin ang buhay ko!” Dumilim ang paligid at tumamlay ang ihip ng hangin. Ganito lamang ang mangyayari sa tuwing ako ay pagtataksilan. Inangat ko ang lupa at hinagis ang mga pasaway na nilalang. Mabilis akong nagtungo kay daddy. Kailangan ko siyang itakas ngunit nararapat ko munang unang durugin ang mga nilalang na naririto. Lumikha ako ng malakas na pag-uga ng lupa- niyanig ko ito hanggang sa tuluyang maalog ang mga nilamon nila sa kanilang mga sikmura. Kay dadakila ng mga tiyan ng mga pulesang, halatang kapag may ganito lang natatagtag ang mga bodily skills inemeng galurs. “Ramdam kong matagal nang nagugutom ang inyong mga tuyot na katawan. Ngayon mga anakshie ko, ito na ang inyong super meal for today kaya’t mag-enjoy kayo!” Nilabas ko ang bunganga ng lupa sa lugar na ito, at pinalamon sila ng walang awa sa mga anakshie ko. “Gan’yan… gan’yan ang nababagay sa mga suwail na kagaya niyo. Mabuti at ito lang ang ginawa ko sa inyo, hindi ko pa kayo ginawang kampon ko!” Masaya na naman ang atashing mima niyo. Inosenteng buhay na naman ang tumakas sa mundong ito. Ang saya sa pakiramdam kapag may nasasawi, may buhay na nawawala. Mission accomplished na naman ang mima niyo mga anakshie! Sino ang happy d’yan sa akin dahil sa ginawa ko? Say, yes master, yes sir! Bongga! “Saan mo ako dadalhin?” Nagising si daddy kow at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko sa kaniya. “Magsisimula na tayo ng panibagong buhay,” kinikilig kong wika. Hindi ko alam pero makita ko lang ang ngiti niya, ako’y super kinikilig kaagad, baebi! “Nasaan ang anak ko? Saan mo akong dadalhin halimaw ka!?” “Kung makasigaw ka sa akin, diring-diring, daddy ko? Hindi mo alam kung ilan taon akong naghintay sa pagdating ng tamang panahon. Ang tamang panahon na iyon ay ito na. Hindi ka na makatatakas dahil hawak na kita sa leeg. Saka, masasarapan ka rin naman sa akin kaya ‘wag ka nang umarte,” ang sploke ko kay atashing daddy ko. Hindi na naman siya sumagot. Sa wakas, natanggap na niya ang katotohanan- ang mapait niyang kapalaran. Wala ng paraan upang mabago ito dahil kagaya ng sabi ko, hawak ko na ang buhay niya- ako na ang magdidikta ng kahihinatnan nito. “People’s life on earth will be shocked because I am now here. They should embrace their fears with the most resilient rope because my peers will be on their way to make interventions.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD