Chapter 18: Tranquility

1608 Words
Monie KATAS? Ang sarap-sarap talaga ng katas! Katas ng buko, ah? Baka kung anong katas na naman ang nasa isipan niyo. Oh basta, ‘wag niyo akong gagayahin kasi it’s bad for our mental health and emotional well-being. Monie is Monie, and you is different. Katas ng buko is proven by experts to be healthy. It’s like a sabon in human skin na siyang naglilinis sa inner organ though, it has specific target. Hindi ko na alam iyon dahil grade 2 nga lang ang natapos ko, ih. Chariz! Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. As far as I remember, Monalya just tapped me on my shoulder, then suddenly I felt the need to sleep. Hindi lang iyan dahil nanaginip pa nga ako kanina. “Itigil niyo na ang pakay niyo sa mundong ito dahil hinding-hindi kayo magtatagumpay! Sinisigurado ko ito,” ang siyang sigaw ko sa kaharap ko ngayon na mistulang lumalamon ng kapangyarihan. Sobrang nakanginginig at nakatatayo ng balahibo ang wangis niya. Ibig nang sakupin ng back out word ang isipan ko ngunit mas matimbang ang pangangailangan ng lahi ko. “Magtatagumpay ako at ito ang sinisigurado ko sa iyo. Ang katapusan mo, sigurado na rin sa mga kamay ko!” ang sigaw niya sa akin. Sa mabilis na sandali, nawala siya sa harapan ko. Ang tindi ng kapangyarihan niya ay bumaon sa likuran ko. “Tignan natin ngayon ang tapang mo sa gagawin ko!” Hindi ko na nakita pa ang susunod na gagawin niya dahil nagising na ako. Nagising na ako sa katotohanang hindi na nga niya ako mahal. Eh? Madalas ay dilat tayo pero hindi tayo gising. Ngunit, ano nga ba ang pagkakaiba ng salitang dilat sa salitang gising? Siguro para sa aking sariling pananaw, Monie is speaking, dilat is more of shallow term ng salitang gising. Kapag dilat ka, oo’t may kakayahan kang makita ang nasa paligid mo. On the other hand, kapag gising ka--- kasali na rito ang pagiging mulat, you can see not just the material manifestation of things but you can also assess non-material things and substance that made this material manifestation—possible. Makikita mo ang dahilan, at ang resulta ng mga bagay-bagay sa paligid. Sabi nga sa maikling kasabihan, ang mulat ay hindi na muling pipikit pa. “We’re here!” Napatalon ako sa sobrang tuwa at saya. Narating na namin sa wakas ang dalampasigan. Malakas at sariwang simoy ng hangin ang kaagad na bumungad sa akin. Binuka ko ng malapad ang braso ko na animo’y buong palad na handang yakapin ang pagdampi nito sa aking balat- ito ang magsisilbing manipestasyon ng panibagong pag-asa upang ngumiti, at mangarap. “Ito na ba ang dagat?” nakangiting tanong sa akin ni Monalya. Tumango sa kaniya ang kaisa-isang lalaking katabi namin ngayon therefore, I don’t need to answer her question anymore. Tila naging bata ako sa punong ito, mas inalala ko nalang ang sariling kagaliyahan ko kaysa intindihin pa kung ano ang ikasasaya ng iba--- ng mga kasama ko. Gamit ang dalawang bagay na ipinagkaloob sa akin ng Maykapal upang magawa ko ang gusto ko, hinayag ko ang mga ito palapit sa mismong pampang. “Nagbalik na muli ang inyong mahal na Reyna, mga anak. Patawad sa matagal na pagkakawalay. Wala manlang akong pasabi na matatagalan akong mawala. Ako bilang inyong reyna, lubos na humihingi ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawang kasalanan. Mapapatawad niyo pa kaya ang isang katulad ko na nagkasala ng panandalian?” ang kausap ko sa mga buhangin na nasa harapan ko. Ang mga ito ang nagsisilbing mata ng karagatan. Sila ang kauna-unahang nakatatanaw kung may paparating na bisita, bwisit-a or panganib sa kanilang lahi. Naniniwala ako na lahat ay may buhay at lahat ay kailangang bigyan galang. They have their unique purpose why they’re here. Walang kaakibat na lason ang tubig alat kaya naman buong laya ko itong pinayakap sa ating dalawang malambot na kamay. ‘Oh ayan, sigurado akong matagal na kayong hindi nakararamdam ng tubig kaya pinagbigyan ko na kayo. Enjoy mga bhie!’ “Hoy Monie, anong ginagawa mo?” Kilala ko ang boses na ito. Feminine e, kaya alam ko na si Monalya ito. Hindi ko na siya pinaglaanan pa ng panahon upang lingunin or sagutin. Sarili ko muna sa puntong ito, mamaya ko nalang sila iisipin pa. They should discover their own ways to make themselves happy, also. Ang lamig ng tubig sa dagat-- sobrang linis. Nagpapasalamat ako na isa ito sa mga pinaka-blessed na mayroon ang Earth. Hindi ko pa nakikita personally ang iba, ngunit kaya kong baunin ang kasabihan na halika’t ipagmalaki natin ang sariling atin. Sino pa ba ang mag-aangat sa sariling kayamanan kung hindi ikaw at tayo lamang. Naalala ko tuloy ang kuwento sa akin ni lola dati, si Hesus daw ay nagbibinyag ng mga tao sa pamamagitan ata ng pagluloblob sa tubig. Wala akong eksaktong kaalaman sa bagay na ito dahil aaminin ko, hindi ako super religious person but I know Him. Hindi ako makakalimot sa lahat ng ginawa niya sa mundo upang makalaya ito sa kadiliman. God offered His one and only son so that people on Earth will be saved from earthly desires which were created by our own faults too. Ito pa lang ay sapat ng patunay na walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Call of situation, eka nga-- just mentioned it again. “Alfred, handa na ba ‘yang bangka mo?” ang tanong ko kay frend na ngayon nga ay abala sa pagsasaayos ng kaniyang bangka. Napangiti ako dahil katulong niya si Monalya sa pagsasagawa nito. I can sense that bayahin act na siyang isa sa mga positive value nating mga Filipino which distinguished us from the other race. Sigurado ako na sa oras na nakarating kami dito, itong bangka na agad ang inatupag ni Alfred dahil kung matatandaan ay ipapasyal niya kami sa dagat. Hindi maaari na hanggang pampang lamang kami. Lulunurin ko siya, promise. “Mukhang ayos na ito, tara na dito,” ang pahiyaw nitong sagot. Huh? Bakit ako ang pinapapunta nila roon? Dapat ay dalhin nila ang bangka nila dito sa kinalalagyan ko. Tinamatad na akong maglakad. Hindi nalang ako sasama sa kanila kung hindi nila magagawa ang kaisa-isang hiling ko. Eme! Tumayo na ako. Ngumiti, at kumendengkendeng na nagtatatakbo palapit sa kaniya with swaying of both shoulders. Napanood ko kasi dati sa TV doon sa karinderya sa palengke, kapag nasa beach---iyong pupunta ka sa bebe mo, tapos bubuhatin ka niya nang nakayakap. Ipamukha niyo pang single ako, malawak naman ang buhangin kaya ito nalang ang yayakapin ko. “Sakay na?”ang wika ni Alfred nang makalapit ako. “Hawakan mo iyong sa bandang p***y mo, Mhie. Baka pasukin nang hangin iyan. Dalawa lang ang magiging consequences nito--- it’s either mabaliw ka or mangisay ka sa kilig,” ang mahabang bulong ko kay Monalya. Lumayo sa amin si Alfred dahil tinanggal niya ng mga tali ng bangka doon sa malaking tipak ng bato. “Paano ba sumakay diyan? Hindi ba tayo mahuhulog? Paano kung mahulog ako? May sapat ba kayong sandata or enerhiya para sagipin ako? Paano kung hindi niyo ako masagip? Ano nalang ang mangyayari sa akin?” ang sunod-sunod nitong tanong. Hinampas ko siya sa likuran niya dahil wala akong pake kung magsuka siya ng dugo. Ang lala niyang mag-overthink. Samantalang kung susumahin, siya nga ang may aking kapangyarihan sa amin, tapos kung matakot siya, ganern nalang? Like, wow, ha! “Aray! Kinagat ba ako ng maliit na insekto sa likod? Tignan mo nga, Monie,” ang daing nito. Ano raw? Insekto? Hindi niya alam na ako iyon? “Gaga, kinabog kita,” ang sagot ko. “Ah, kabog ba iyon? Ayos lang. Ang nga sarap sa pakiramdam. Isa pa nga? Lakasan mo ng kaunti, ah!” ang hiling niya. Natulala nalang ako. Mahina lang ang naging dating sa kaniya ng ginawa ko. Eh kung sa akin ginawa iyon, baka nagsusuka na ko ngayon ng tipak-tipak na dugo. True yet not so true. “Your wish is my command!” Bumuwelo ako ng malakas. Pinagkapit ko ang dalawang kamao ko saka ko ito buong lakas na binambo sa likuran niya. This is not to hurt her but just to test her strength, valor, and endurance. Charis! “Monie?!” Narinig ko ang pagsigaw ni Alfred sa likuran ko. Nalaman ko nalang na humampas ako sa dagat ng mabasa ang pagkatao ko. Tumalsik ako dahil sa ginawa ko kay Monalya. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin at nagtanong. “Ayos ka lang?” Hindi naman ako nasaktan. Nakabibigla lang. Ang lakas ni Monalya. Dapat siya ang masasaktan sa ginawa ko pero bakit ako ang tumalsik at hindi siya? Ang unfair talaga ng mundo! “Ano ba kasing ginagawa mo bakit naliligo ka d’yan? Gusto mo palang mag-swimming hindi mo sinabi,” ang sabi sa akin ni Alfred habang tinatayo niya ako. “Ano bang nangyari?” ang tanong pa nito. Hindi niya ba nakita na sinaktan ako ni Monalya? Mabuti nalang at baka mabisto pa ng maaga ang lihim ng baklang galing sa buwan. “Ang sabi ko kasi ay sumakay na kayo kung ano-ano pang pinaggagagawa niyo!” Tila isa siyang lalaking magulang na nanenermon sa kaniyang mga makukulit na anak. Take note, siya ay isang single parent na walang katuwang sa buhay. Kumbaga, siya ay balo na for 5 years, after maisilang ng kanilang bunsong anak ay ayon--- nategi na ang busawis. “Apo daddy,” ang sagot ko. Inalalayan kong makasakay si Monalya. Alam niyo naman na first time niya lang sa ganito at hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa kaniya, aba! Itutulak ko siya, later. Promise!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD