Chapter 17: Juice

1561 Words
Monalya ANO kaya ang ginagawa nina Starsa at Spacia ngayong mga oras na ito? Rumaragasa kaya ang dalamhati sa kanilang puso’t isip dahil sa pagkakawalay ko sa kanila? Bilang pa sa daliri ang oras na nandirito ako sa mundong ngayon lang nagisnan ng mga mata ko ngunit nalulumbay na ako na marinig ang mga tawa at makita ang mga ngiti ng mga kaibigan ko. Sa loob ng maraming taon, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ako ay nawalay sa kanila. Nakalulungkot kung iisipin kasi hindi ko mawari na wala nang maiingay at malilikot na nilalang ang parating nand’yan sa tabi ko. Iyong dapat na ilang sandaling ipapahinga mo, hindi na mailalan dito dahil sa pilit ka nalang kukulitin na gawin ang mga bagay na paulit-ulit nilang ginagawa--- tila sila ay walang kasawaan at hindi nauubusan ng saya’t kaligayahan. Ngunit hindi maitatanggi, ang mga maliliit na bagay na ito ang isa sa mga ala-alang babaunin ko kahit saan ako magtungo--- kahit saan ako ihayag ng mapagbirong tadhana. Mapaglaro ang tadhana, ilalagay ka nito sa lugar o sitwasyon na hindi mo gusto, hindi mo inaasahan ngunit wala ka nang magagawa sa oras na atakihin ka nito dahil sa hinaba-haba ng karanasan, maging ito ay pagkabigo at pagkanalo, ang pagkatuto ay parating nandito. Sabi nga sa akin ng isang nilalang sa mundo ko, hindi ko pa ngayon malalaman ang rason kung bakit ako nandito ngunit darating araw na ‘yon. Ma-suwerte pa rin ako, dinala ako ng tadhana sa lugar kung saan makikita ko ang tao na magiging katuwang ko na magawa ko ang aking plano. Kinakailangan ko nga kasi ng bakla rin na may mabuting puso, tapang, at dedikasyon na maaari kong gamitin ang kaniyang katawan upang mailabas ko ang kapangyarihan, at lakas ko. Si Monie, siya na ang napili ko, nararamdaman kong kakaiba siya, mabuti ang puso ng taong ito. Hindi dahil sa wala na akong choice at panahon kagaya ng sinabi ko sa kaniya ngunit, alam ko, hindi na ako makakahanap ng katulad niya. Ang ganda kaya ng damit na binigay niya sa akin. Ang powerful e. Bagay na bagay sa akin, sa itsura ko. Huwag siyang mag-iinarte kung matatalbugan ko siya. Namumuro na siya sa akin. Gumagawa siya ng mg kuwentong hindi naman totoo tungkol sa akin. Naghahanap raw ako ng ikabubuhay, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatulong. Sinabi pang pinsan niya raw ako na sa tingin ko ay ang ibig sabihin, na kaanak niya ako. Nakakaloka itong si Monie, hindi siya nalalayo sa dalawang kaibigan ko. Actually, mas intense pa nga siya, ang katauhan nina Starsa at Spacia ay pinagsama sa kaniya. Baka Monie ito, walang titibag, aba! Kasalukuyan naming tinatahak ang daang mabato, bako-bako, at pinaliligiran ng mga matataas na puno. Kung nasa amin ako, alerto na ako dahil sa madalas na pagkakataon, sa ganito nagkukuta ang mga kalaban--- ang mga nilalang na halimaw. Si Monie, sa sobrang pagod niya kakadaldal, ayan at bitbit siya ng kaibigan niyang si Alfred. Nakatulog, akala niya ata ay nakasakay siya sa sasakyang himpapawid. Tahimik ang ritmo ng mga sandaling ito dahil siya lang naman ang naglilikha ng mga ingay. Pinakikiramdaman ko na rin ang paligid. Kailangan ko na makakuha ng maraming kaalaman sa mundong ito. Hininto ko sandali ang pagyabag ng mga paa ko at hinawakan ang piraso ng dahong malapad. “Maligayang pagdating sa aming mundo munting mandirigma galing sa buwan. Kaming kapunuan ay nanalig sa kakayahan mo, pakiusap na huwag mong hayaan na maghari ang kadiliman sa mundong ito. Ikaw ang susi namin. Matagal na naming pinangangalagaan ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sariwang hangin-- mahirap kalaban ang mga makinang gawa ng tao. Kinakaya namin ito ngunit ang kalaban na wala na sa aming kalkulasyon, sa iyo na namin iaasa. Makakaasa ka ng tulong galing sa amin.” Tumaas ang balahibo ko sa binigkas niya. Hindi ko inaasahan na makatatanggap ako ng ganitong uri ng mensahe galing sa isang dahon. May laban silang matagal na nilang kinahaharap. Ito ang mga panganib na dulot mismo ng mga tao, ang mga makinang gawa nila, ang sumisira ng kanilang kalusugan kung hindi pati na rin ng kanilang mundo. Naaawa ako sa mga halaman at punong nadamay sa bahaging nagtatanaw ng mga mata kong tila tinupok ng malalang apoy at pinutol ng mga tao. “Hindi lahat ng tao ay mabuti--- ito ang tandaan mo. Maraming mga sakim, ganid, at tanging sarili lamang ang iniintindi ngunit kahit ganito ang katotohanan sa mundong ito, lahat ay nararapat na tulungan at ilayo sa kapahamakan gaano man sila kasama. Ngunit kung sila na ang pagpupumilit na tumungo sa lugar ng kapahamakan, wala na tayong magagawa sa bagay na ito,” ang dagdag pa niya. “Maraming salamat sa impormasyon munting kaibigan.” Bumitiw na ako sa kaniya dahil nararamdaman kong lilingon na si Alfred. Magtataka siya kung hindi ako nakasunod sa kaniya. Binilisan ko ang paglalakad. “Malayo pa ba tayo?” ang tanong ko rito. Ang tahimik kasi ng paligid. Baka mapanis na ang laway ko kapag hindi pa ako nagsalita. I feel the need to do it. Nasarapan naman si Monie sa pagkakatulog sa bisig ng binata. Hindi ba siya nagsasawa na matulog? Wala na nga siyang malay ng ilan linggo? Ipagdarasal ko lang na kapag nasa gitna kami ng laban, huwag siyang matutulog dahil uugain ko talaga ang ulo niya--- iuumpog ko ito hanggang sa sumabog. Mas mahalaga ang buhay ng mga bakla, kaysa sa buhay niya- biro lamang. “Malapit-lapit na rin. Napapagod ka na ba sa paglalakad? Maaari naman tayong huminto, at magpahinga muna sandali, gusto mo bang makatikim ng sariwang katas ng buko?” ang mahaba nitong tugon. “Ano iyong buko?” Hala. Ito na naman ang pagka-inosente ko. Alam niya naman ang dahilan kung bakit ako ganito. Ah, naumpog kasi ang ulo niyan sa troso. May illegal logging sa province nila, ayan, nakalimot ng mga ibang tiny details. Ako na ang humihingi ng pasenya sa kaniya. Ito ata ang tinahing kasinungalingan sa akin ni Monie na sinabi niya kay Alfred. Tandang-tanda at kuhang-kuha ko. Hindi ito makakalimutan ng isip ko. “Nakalimutan mo na rin kung ano ang buko?” ang tanong niya. Tumango nalang ako. Lumingon siya sa gilid niya at mukhang may nakitang bagay. “Ayon sakto, may buwal na puno, maaari tayong magpahinga roon.” Ngumiti nalang ako sa kaniya at naglakad kami ng patungo roon. Tinapik ko si Monie sa braso nito para gumising siya. Pagod na ang kaibigan niyang lalaki, hindi niya ba ito ramdam? “Ano ba, nagpapahinga iyong tao, ginigising niyo! Ngayon lang ako nakapagpahinga. Ayaw niyo pang ibigay sa akin ang pagkakataong ito. Matuto naman kayong makiramdam, baka gusto niyo lang,” ang ani nito oras nang makamulat siya. “Punasan mo muna iyong laway mo sa pisngi bago ka dumaldal- air pollution iyan. Maawa ka naman sa mga halaman at puno na silang nagpi-filter ng hangin para makahinga ka ng sariwang hangin, tapos kami, hahadalangan mo ang karapatan namin sa bagay na ito?” ang mahabang sagot ko sa mahabang sinabi niya. Nakita ko na nabasa rin ang sandong puti na suot ni Alfred. “Tinuluan mo pa ng laway si Alfred! Maawa ka naman sa tao. Pagod na nga, pababahuin mo pa. Monie, grow up! Ang tanda-tanda mo na ih,” ang dagdag ko pa. “Wala namang amoy iyan, aba! Saka teka lang, bakit nga pala tayo tumigil? Malapit na tayo ‘di ba, Alfred?” ang tanong niya nang magbalik ang ulirat na kami ay huminto sa paglalakad. “Hindi ko alam na malapit na tayo.” “Eh, napagod na ata sa paglalakad itong si Monalya. Saka susubukan ko siyang patikim ng katas…” Hindi natapos ni Alfred ang sasabihin niya dahil sumingit si Monie. “Anong katas ‘yan!? Itigil mo iyan, Junjun! Mga bata pa kayo pagpapatikim ng katas na agad ang nasa isipan niyo. Kung hindi pa ako nagising, baka nagkalaman na ng buko diyan sa tiyan mo, Monalya. Sabi ko don’t subo ‘di ba? It’s dirty!” “Ano bang iniisip mo, Monie?” ang kunot na tanong ni Alfred. Hihipuin ko ulit ang braso niya nang sa gayon, makatulog ulit ito. “Eh, ano ba kasing katas ‘yan? Ako, dala na sa mga katas-katas na iyan!” “Katas ng buko, ano ba kasing iniisip mo? Nakakaloka ka!” ang sagot ko. Ano bang katas ang iniisip nito? Kung may kakayahan lang akong magbasa ng isip, ginawa ko na ito ngayon. “Wow, ah? Parang alam iyong katas nung buko, e? Alam mo iyon?” ang tanong niya. “Eh, nand’yan naman si Alfred upang magpaliwang sa akin.” Tumingin ako kay Alfred at napatingin din si Monie rito. “Oo, ikukuha ko na kayong dalawa sandali,” ang sagot ng lalaki. Masunurin siya, angat baitdin. Hindi sila iyong depenisyon ng mga taong ganid at mapanlamang. Kitang-kita ang kanilang adhikain na pagtulong sa kapwa. “Wow, kasama pala ako?! Adi go, dalian mo!” Nabuhayan lalo ng dugo si Monie nang malaman niyang makatitikim din siya ng katas. “Kapag katas ang pinag-uusapan, aba’t nabubuhay ang diwa mo, ah?” ang natatawang tanong ko rito. “Katas na ang lumapit ate Monalya, tatanggi pa ba ako? Sunggab na agad at baka makaalis pa, ehe!” ang sagot nito at humagikgik ng malakas na pagtawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD