Monie
NAKALAGAY sa puting platitong babasagin ang mga kakanin na dapat ay ititinda ni lola Sita kung hindi niya nakita ang walang malay na si Monalya sa labas ng aming tahanan. Isang piraso lang ata ang platito naming babasagin na nilalabas lamang sa tuwing mayroon kaming bisita.
“Love ko iyong juice na four seasons. Lakas maka-society, eh!” ang hayag ko nang makita ko ang juice na hinain nila. Saan kaya ito nabili ni lola Sita? Pero kung mapapansin sa katawan ko, hindi man lang ako nangayayat kahit ilan linggo akong naka-ratay pero ang realness for tudiz vidyow is gutom na gutom ako--- iyan ang truthfully, and constant right now.
“By the way highway jeeney driver motor cycle…” Lumapit ako kay Monalya upang ipakilala siya kay Alfred. “Monalya ito nga pala si Alfred, ang nagligtas sa akin, hindi niya pala ako niligtas kasi naaksidente na ako nung natagpuan niya ako pero siya ang nagdala sa akin sa Hospital, siya si Alfred again, ang maasim ngunit cute kong kakilala.” Strange things between the two of them will be lessen because of what I did.
Binigyan ng matamis na ngiti ni Alfred ang aklang tatalo sa ka-freshan ko. Kinuha niya ang kamay ni Akla, hindi sanay si Monalya sa ganito kaya wala siyang ideya kung para saan ito at kung ano ang nararapat niyang itugon.
“Hello?” ang nahihiyang sambit ko. Seems that I saw the resemblance of Maria Clara on the way she says hello- babaeng mahinhin at katangi-tangi ‘yarn?
“At Alfred, siya naman si Monalya--- ang maganda, fresh, mabait at sexy kong pinsan na galing sa malayong probinsya. She’s looking for a job. Tanong ko lang if gusto mo ng katulong sa bahay? Rather, sa buhay?” Hinampas ko si Afred. Nakita ko ang pagguhit ng linyang baluktot sa noo ni Monalya dahil sa pagpapakilala ko sa kaniya. “Monalya ang name niya dahil galing siya sa sun. Corny no? Hehe. Sabi ko nga kumain na tayo, aba!” Medyo nanliit ako sa joke kong hindi nag-work sa kanila.
“Hey Alfred, hope to have a good bond with you, soon- will pray and work for it,” ang wika ni Monalya sa kaibigan ko.
Ah ganoon? May kakatihan at kalandiang taglay din pala ang isang ito? Talagang ipagdarasal niya pa na magkaroon sila ng bonding ni Alfred together? Kay galing lang pero kung ako ang tatanungin, they can be partner e. Bagay na bagay sila to each other.
“Mukhang nakita na ni Alfred ang magiging misis ng kaniyang mga anak!” Nagtawanan kami sa binanggit na salita ni lola Sita.
“Gusto ko na pong kumain. Matagal ko nang hindi ulit natitikman ang handang kakanin ni lola Sita!”
“Me too! Attack na!” ang maligalig kong wika. Nagsimula na kaming lantakan ang pagkain sa harapan. No more daldal muna ako for tudiz event.
Humahagod sa lalamunan ko ang linamnam ng pagkain. Ilan piraso pa lang ang nakakain mo, busog ka na instantly! Wait, there’s more, hindi ka mabubulunan dahil, dahil…may panulak, hindi siya inumin but indeed na ako mismo ang siyang tutulak sa iyo kapag nilandi mo ang eme kong jowa. Zhariz!
Napansin kong hindi gumagalaw si Monalya. Nakatingin lang siya sa amin. Wala ba siyang ganang kumain? May dinadala ba siyang karamdaman? Bakit ngayon pa, Monalya? Kung kailan ready na akong mag-settle sa iyo? Kung kailan kaya ko nang ibigay nang buong-buo ang sarili ko, bakit ngayon mo pa ipapakita ang kahinaan mo? You should have shown your weaknesses the first day we met, hindi ngayon na malalim na ang nararamdaman ko sa iyo!
Huh?
“Paano nga pala iyan kainin? Saka, ano kaya ang lasa?” ang tanong niya.
Ayon naman pala e! Ang dami kasi agad conclusions nitong ni Monie, hindi pa naman alam ang tunay na dahilan kung bakit hindi kumakain si Monalya.
“Having uncertainties? Blurry questions formed in every neuron of your brain? Wanna clarify the questions that circle around your empty head? Okay, lemme teach you how to eat a kainin famously made by your lola Sita, the first thing that you’ll do is to get the pork, once your hand and pork collided, then it depends on your capacity to choke, you can eat the whole piece or just kagat-kagat lang para look babaihan at mahinhin kumain, gets mo? Or gusto mong subuan ka pa ni Alfred?” ang mahaba kong explanations.
“Huh? Bakit dinadamay mo ako diyan, Monie? Nanahimik ako rito, eh!” ang reklamo ni Alfred at napakamot nalang sa batok niyang hindi naman talaga makati.
“Kung ayaw mong nababanggit ka sa usapan, mas mabuti siguro kung umuwi ka nalang. Mabilis akong mag-sawa sa mukha ng isang tao,” ang sagot ko. Pinanlakihan ako ng mata ni lola Sita gayundin ay nakita ko ang kawawang mukha nitong si Alfred. “Joke!”
“Sa haba naman ng naratibong paliwanag mo, apo, hipit pa sa isang daang porsiyento ang kasiguraduhang nakuha ni Monalya ang bawat detalye ng paliwang mo,” ang singit ni lola Sita.
“Kumain ka na ‘te! Dami mo kasing daldal!” ang baling ko kay Monalya.
“Ako pa talaga Monie ang maraming daldal? Oh, gora!”
Kakainin is very traditional food nating mga Filipino. Hinding-hindi siya mawawala sa kahit anong handaan anuman ang uri ng okasyong pinagdiriwang natin. Hinahain din ito sa birthday ng any age, maging sa bata or matanda. Tapos it is also shared sa mga binyagan or kapag tapos ng isang yumao, or mayari ang siyam na araw nang pagkakalibing nito. Kakain is a general term at mayroon din siya mga specifics kagaya nalang ng puto bungbong, bibingka or other stuffs. I guess, among all the kinds, bibingka is my favorite which mayroong browned melted sugar in the top. Malasa, juicy, and affordable pa. Hence, once every two years lang akong makatikim nito. Charotz!
“Bilisan niyong kumain dahil ipapasyal ko kayo sa dagat mamaya.”
Bumuka ang pandinig ko dahil sa sinabi ni Alfred, muntik na akong mabulunan mabuti nalang at may juice sa tabi ko. Uminom ako kaagad and the problem has been solved. Kaya dapat kapag kakain kayo ng malagkit, ugaliing may katabi kayong panulak kung hindi, baka sa hukay na ang diretso niyo.
“Ano ang dagat?” inosenteng tanong ni Monalya habang nakatingin kay Alfred. Ang amo talaga ng mukha ng aklang ito. Nakakagigil e. Iyong itsura niya—ito ang tipo na hindi mo iisipan na kayang gumawa ng masama. Baby face yet maskulado ang katawan. Imz.
Napakunot ang noo ni Alfred dahil sa sagot ni Monalya. “Hindi niya alam ang dagat?”
“Ah, naumpog kasi ang ulo niyan sa troso. May illegal logging sa province nila, kaya ayan at nakalimot ng ibang tiny details. Ako na ang humihingi ng pasenya sa iyo,” ang wika ko.
Nanlalaki nalang ulit ang mga mata ni Monalya. Another kasinungalingan na naman ito, another new sin. Patawad, Lord.
“Yes apo, kaya minsan ay mabagal din mag-proseso ang utak niya,” ang segunda naman ni lola Sita sa sinabi ko.
Humahalakhak na ang isipan ko dahil sa kalokohan ko. Ito ang pinaka-gusto ko sa kaniya. Napaka-supportive kahit pagdating sa kasinungalingan, white lie naman ito. Magkadugtong na ang bituka namin ni lola dahil kami lang naman ang magkasama simula nang lumaki ako. May ibang nakakausap sa labas buhat nang pagtitinda pero mostly, siya at si Alfred lang.
“Ang dagat is sea in English, ito ang pinakamalaking uri ng tubig dito sa ating mundo. Many sea creatures are residing there. Nagbibigay rin siya food sa ating mga tao. Aquaculture is also a field of agriculture where they do farming on the water--- breeding and rearing fishes,” ang paliwanag ko.
“Ang interesting naman ng dagat. Bilisan na nating kumain at gusto ko na itong makita!” ang sagot ni Monalya.
Nakaka-excite kasi talagang mamasyal sa seaside. It’s a great shelter where your problems can be relieved. Every sound of the wave gives me tranquility which somehow helps to find my calling and redirected me to something I’ll soon be proud of.
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na kami kay lola Sita. Pinilit namin siyang sumama sa amin ngunit patuloy ang pagtanggi niya.
“Kayo nalang ang mamasyal mga apo, mapapagod lang ako riyan. Iintindihin niyo pa ako.”
This is exactly what she said. Good naman at naisip ito ni lola kasi kung ako, baka hindi ko rin siya maalalayan kahit gumapang pa siya sa hirap. Kaya kong magbulag-bulagan gaya ng ginawang pagpikit ng iba d’yan kahit alam naman nila na hindi sila tunay na minamahal ng mga jowa nila. Charot. Pero don’t settle for less. We know our value, and worth. Find someone you will appreciate your whole existence.
Look at me, saying things that I haven’t yet experienced. Single kasi me since birth so one of my hobbies is collecting life-advices rather than collecting boys. Nakakaloka lang kapag ang mga advices na ito ay hindi ko mismo ma-apply sa buhay ko.
“Tara na ba?” ang tanong ni Alfred sa amin nang makalabas kami ng kuwarto ni Monalya.
Nagpalit pa kasi kami ng outfit kahit kapapalit lang ni Monalya. Ako, nagsuot lang ng shorts na two inches above the knee, and white loose shirt. Samantalang si Monalya naman, hindi siya nagpatalo at nilaban niya talaga ang outfit niyang dress. Sabi ko, she should ware panty, if ever man na malakas ang hangin sa dagat, hindi makikita ng mga white sands ang kaniyang pinkish na petchay baguio.
Ayon sa mga matatanda, kapag daw nahanginan ito ay maaari kang masiraan ng ulo. I don’t know if it’s true or has scientific bases. Mainam na ang nag-iingat kaysa magsisi sa huli. Trew?
“Oh, mamaya na kaya ang pagtitig! Mga mata e!” ang pang-aasar ko kay Alfred kahit wala naman siyang ginagawang kakaiba. Napakamot nalang ito ng ulo dahil sa kalokohan ko.
“May kuto ka ba? Kanina ka pa kamot ng kamot dyan!” ang sabi ko.
“Tara na nga! Kiss kita dyan e!” May binulong si Alfred ngunit hindi ko ito narinig.
“What did you say?” Hinampas ko siya sa braso niya pero imbis na siya ang masaktan sa ginawa ko ay ako pa ang nasaktan dahil sa tigas nito. Pain brought by satisfaction.
Aray.
Naramdaman kong may kumurot sa tiligran ko. Sino pa ba ito? Wala nang iba kung hindi si Monalya. “Ang kire!”
Pinagkakaisahan niyo akong dalawa. Magbabayad kayo! Pagsisisihin niyo ang ginawa niyo sa akin dahil maghihiganti ako. Hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga’t hindi dumadanak ang dugo sa inyong mga katawan. Sabi ko, last keme ko na ang joke na waley kanina e.
“Tara na!” Hinila ako ni Alfred dahil hindi ako nagalaw sa puwesto ko.
“Aray!” Naramdaman ko na may tumama sa hinlalaki ko sa paa. May bato palang naka-usli sa daan. “Sabihin mo kung may galit ka sa akin, hindi iyong pa-simple ka pang saktan ako.”
Hinawakan ako ni Monalya sa braso hanggang sa maramdaman ko ang kapayapaan. Natahimik bigla ang bibig ko sa hindi ko malamang dahilan.
Anong ginawa ni Monalya sa akin?