Chapter 15: A Selfless Man

1659 Words
Monie “ALFRED?” Mahigpit at mapang-ulilang yapos ang inalay ko sa taong nagligtas ng buhay ko. Ito ang mabilis na paraang ibinuga ng isipan ko--- ang bigyan siya ng mahigpit na yakap kung saan ito na rin ang maghahayag ng taos-pusong pasasalamat ko sa kaniya. Matinding gulat ang agad na rumihistro sa kaniyang ekspresyon nang makita ako. The hugging session was being interrupted dahil may naamoy akong something bad. “Ano ba ang perfume mo, daing na isda?” Inilayo ko ang ilong ko kay Alfred dahil sa naamoy kong nakasusukang aroma na maaaring magpabulok sa nostril ko. Tinakpan ko ito gamit ang aking palad nang sa gayon--- the aftermath smell won’t win against my majesty. In all fairness, kahit ganiyan ang amoy niya, ang comfy niyang i-hug--- ang broad and strong kasi ng mga muscles nito. Plus ang magandang mga ngipin--- pantay, mapuputi, at kumikislap na tila mamahaling perlas sa karagatan. Sa akin kasi ay one seat apart, e. Hindi pa rin siya makapagsalita dahil sa gulat. “Wui? Deads ka na? Wala kang reaction diyan?” Kinaway ko ang palad ko sa mukha niya para matigil siya sa pagiging tulala niya. “Kagagaling ko lang kasi sa pangingisda at dito kaagad ako dumiretso para dalawin ka.” Inangat ni Alfred ang suot niyang sandong manipis na kulay puti at inamoy kung may katotohanan ba ang sinabi ko. Ayon sa ekspresyon ng mukha niya, tila nahilo rin siya sa bagsik na hatid ng kaniyang amoy. “Ay shet sorry. Dapat pala, naligo muna ako bago ako tumungo rito,” nahihiya niyang wika nang magkaroon ng malay. “Oh, see? Hindi nagkakamali ang pang-amoy ko,” ang pagpapa-realize ko sa kaniya na malaki ang pagkakamali niya. “Alfred apo, tandaan mo na kahit ganiyan ang amoy mo, hindi mawawala ang katotohanan na guwapo ka pa rin. Naniniwala ako na daig ng guwapo ang mabango. Sa social media nga, naaamoy mo ba ang litrato? Hindi ba’t, hindi naman? Mukha kaagad ng tao ang mapapansin mo--- ang kagandahan at kaguwapuhan na taglay niya--- hindi ang bangong handog ng araw niya,” ang mga linya ni lola Sita. “Lost ka sa abilidad ng lola mo, oh!” ang bulong sa akin ni Monalya. Where on Earth kaya natutuhan ni lola Sita ang social media thingy. “Puwede mo bang gamitin ang fire power mo sa kaniya at sunugin mo siya now na?” ang hiling ko kay Monalya. Natatapakan ang ego at confidence ko kapag nasasapawan ako--- handa kong hamunin ang lahat ng hahadlang sa akin--- kahit pa kamag-anak ko or kahit sino. “Sa lahat ng pag-aalalang ginawa ko sa iyo apo, ganiyan lang ang igaganti mo?” Pinanlisikan ako ng mga mata ni lola Sita. Imposibleng narinig niya ang bulong ko. Not unless, napalakas ang pagkakasabi ko nito? May three more hidden ears siguro si lola? “Lola, charot lang iyon! Akala mo naman talaga ay magagawa ko ito, sa iyo, no?” ang natatawa kong sagot. Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng yakap din. Marahil nagtatampo siya dahil si Alfred ay yinakap ko nang makita ko for the first time, samantalang kanina ay siya pa ata ang yumakap sa akin. “Tama si lola Sita na kahit ganito ang amoy ko, guwapo naman ako!” Nag-angat pa si Alfred ng kaniyang sariling upuang pinuputakti na ng anay. If no one out there who’s ready to cheer and support u, we do not need anyone because we have ourselves. “Anong guwapo? Guwapuhin mo ang mukha mo. Walang guwapo-guwapo rito!” ang katwiran ko gamit ang pagsigaw. Kung sa totoo lang, talaga namang may itsura si Alfred kaso nga lang, kulang siya sa mabangong amoy. Ngayon ko lang siya naamoy ng ganiyan, siguro dahil ito sa nature ng work niya. I can’t blame him for smelling like that because he just wants to earn for a living. “Maupo muna kayo, maghahanda lang ako ng maaari niyong makain,” ang wika ni lola Sita. “Ano pong pagkain iyan, lola?” ang usisa ko. May cravings ako ngayon, my tummy aims for isang bucket ng fried chicken mixed of regular and spicy flavor--- large float overloaded of sundae, at isang kilong shanghai. Ako lang ang kakain hindi dahil sa gutom ako, kung hindi dahil trip ko lang. “Ayan lang ang mga paninda ko kanina, apo. Kung gusto mo pa ng iba, mamitas kayo ng bayabas at mangga diyan sa bakuran natin,” ang sagot niya bago tumungo sa kusina. “Tulungan ko na po kayo, lola Sita.” Sumunod sa kaniya si Monalya at naiwan kaming dalawa ni Alfred dito sa sala. Don’t worry, huwag kayong mag-expect dahil kurtina lang naman ang siyang nagsisilbing harang upang magkaroon ng division ang bawat parte ng bahay. Wala nang kineme pang solid foundation. “Bakit hindi ka muna naligo bago tumungo rito? Excited ka na bang makita, ako?” ang tanong ko kay Alfred. Naupo kaming dalawa sa mahabang upuan na likha gamit ang puno ng Narra. Ito ang pinakamatibay na materyal na bagay na pamana sa amin ng lolo ko. Sabi niya, kahit ilan siglo pa raw ang lumipas, mananatili itong matibay kagaya ng pagmamahal niya sa amin kahit hindi na niya kami nakakasama pa. Na-miss ko lang si lolo. Ang guwapo kasi no’n, bagay na bagay sila ng lola kong napakaganda--- inside and out. Napansin kong hindi nagsasalita si Alfred. Nakatahimik lang siya at nakatingin sa akin. Kung nakalulusaw lang ang pagtingin, baka liquid na ako ngayon. “Hoy, ano bang nangyari sa iyo? Bakit hindi ka nagsasalita?” Tinapik ko siya sa hita niya. Kung hindi pa siya sasagot ay kukurutin ko ang singit ng lalaking ito. Kanina pa siya ganiyan ih! “Hindi lang ako mapakaniwala na magaling ka na,” ang mahina nitong sambit. “Gumaling ako dahil sa tulong at pagdarasal niyo,” ang nakangiti namang saad ko. Sila talaga ang pangunahing dahilan kung bakit naging matatag ako. Hindi ko man alam kung ano ang mga nangyayari habang tulog ako at nakaratay, ngunit alam ng puso ko na sila ang dahilan kung bakit patuloy na nadaragdagan ang lakas ko para lumaban. “Kahapon lang nung dumalaw ako rito--- ang lungkot ng kalagayan mo ngunit ngayon, ibang-iba na. Nagbalik na nga ang kakilala kong si Monie na mapanglait at masiyahin,” saad nito at napangisi. “Wala manlang cute or maganda? Nakapanlalata naman! Parang gusto ko nalang muli bumalik sa pagkakaratay?” I pouted. Sa puntong ito, alam kong namumuo rin ang mga tanong sa isipan niya, kagaya ng kung paano ako gumaling ng biglaan. Syempre, malakas ako kay Lord kaya kahit humiling ako na bigyan niya ako ng sampung fafa ngayon din, iga-grant niya ang hiling ko. Hindi ko maaari na sabihin sa kaniya na si Monalya ang nagpagaling sa akin at sabihin ang sikreto nito kay Alfred. Wala ako sa tamang posisyon para ibahagi ito. Mag-iisip nalang siguro ako ng mga dahilan na magandang pakinggan at puwedeng katanggap-tanggap. “Sino nga pala ‘yung kasama niyong babae? Kamag-anak niyo ba siya?” Si Monalya ang tinutukoy niya. “Trip mo siya, no? Ganda ‘di ba?” ang tanong ko na may halong pang-aasar. Ayaw ko naman na maging seryoso ang mood ng usapan. “Hind, no.” Umiling siya. Bago lang kasi sa paningin ko kaya alam kong hindi siya taga-rito,” ang dahilan niya. “True. She’s Monalya, pinsan ko siya na taga ibang probinsya. Ngayon lang siya nakapunta rito, at naghahanap ng trabaho,” ang hayag ko. Oh jiva? Ang galing kong umisip ng emeng dahilan? Dati akong namemeke ng papers sa recto. Ito ang aking college degree- heart and heart. “Dito niya pa napiling maghanap?” ang gulat nitong tanong dahil may katotohan na hindi ganoon karami ang oportunidad sa aming bayan kumpara sa mga lungsod. Tumango ako. “Nakapag-aral ba siya?” ang maingat nitong tanong. Nakapag-aral? Kapag maghahanap ka ng trabaho, madalas talagang naitatanong diyan ay kung nakapag-aral ka. Kapag hindi ka nakapag-aral, huwag ka nang umasa na makakahanap ka ng magandang trabaho. Iyong uri ng trabaho na malaki ang kita at hindi ka pa masyadong pagod at hirap. You can enjoy more of your time --- to your family and your loved-ones. “Hindi rin, e. Kagaya rin natin siya na hindi pinalad sa buhay,” ang sagot ko na walang halong kahit anong panliliit sa katayuan sa buhay na mayroon ako. “Parang nakita ko nung napadaan ako ng isang araw na naghahanap ata ng katulong iyong Mansyon doon sa labasan., baka maaari siya?” wika ni Alfred. Hindi naman talaga naghahanap ng work si Monalya dahil iba ang misyon niya dito sa Earth. “Thank you, Fred! Matagal na rin akong walang malay sa mundo. Hindi ko na alam kung ano ang mga trending and updates about the world. Feeling ko, nakapagkakaiwanan na ako. I need to conform and evolve.” “Sabihin mo sa kaniya. Baka makatulong.” “Iyong totoo, ang mansyon ba talaga sa labasan ang naghahanap ng katulong or ikaw? Alfred, huwag mo akong ginogoyo dahil alam ko, na-love at first sight ka kay Monalya!” Hinampas ko ito sa braso niya. Huwag niya akong pinapabebehan dahil hindi ito gagana sa akin. “Nagandahan sa unang tingin? Oo? Hindi naman agad pagmamahal sa unang tingin,” ang pag-amin niya. “Nararamdaman kong siya ang nagpagaling sa iyo.” Hindi ko masyadong narinig ng malinaw ang huling sinabi nito. “Tayo nalang dalawa ang magkausap Alfred, bumubulong ka pa sa sarili mo? Isali mo naman ako sa usapan niyo nang hindi ako nagiging out of place, here. Baka nakakalimutan mo na nandito ka kaya sa bahay namin?” “Ano ba iyan, Monie? Para kayong aso’t pusang dalawa. Oh, mag-meryenda muna kayo ng lumamig-lamig ang mga ulo niyo.” Sumulpot sa tabi namin sina lola Sita at Monalya. Nakahanda na rin ang aming meryenda. Tomjows na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD