Monie
“DAHIL member ka na ng pamilya namin--- the fact is may rules lang ako na kailangang ituro sa iyo. These rules are needed para hindi ka maloko ng mga mapanlinlang na mga tao whenever I am not with you. Okay? Kaya’t makinig ka dahil may quiz tayo mamaya. Identification--- 20 items.” ang wika ko kay Monalya habang sinusukat niya ang ilan sa mga damit kong hindi ko na nasusuot pa.
Kanina pa walang saplot ang kaniyang katawan at mapinis na tela lamang ang nagtatakip sa maputing balat nito kaya’t nagdesisyon na akong i-reveal sa kaniya ang walking closet ko kahit the fact na hindi pa kami gano’n ka-close--- hindi pa rin ganoon kalalim ang pagkakakilanlan naming dalawa. She gave me my second life that alone is enough justification and sole reason to be comfortable at her at all cost.
Sisisihin ko pa ang sarili ko kapag nagkapulmunya ang isang ito at malamigan ang kaniyang mga internal organs. Siguro naman ay bet niya rin ang mga damit ko kasi kung hindi, sako nalang ang ipasusuot ko sa kaniya. Huwag siyang mag-inarte sa akin, hindi pa kami napapaldahan ng sustento ng ama niya. Said na said na ako, hindi manlang ito magbigay na sapat na pera kahit para nalang sa anak niya--- kahit huwag na niya akong isipin ko. Bilang ina niya, hindi ko alam kung saan pa kami kukuha ng pera sa susunod na mga araw. Charot! Mas mukha pa nga siyang nanay kaysa sa akin.
“There are also bad people pala like in the galaxy--- living creatures there are both good and bad. The sole reason siguro kung bakit may mga mabubuti at may masasama para mag-create ng balance sa buong hinirang,” ang sambit ni Monalya.
Aminin man natin o hindi, maraming mga mapansamantalang tao. Mayroon ding mga mabubuti at katamtaman lang. Ang pinaka-importante, alam nating kumilatis kung sino ang magdudulot ng kabutihan sa buhay natin--- sino naman ang maghahayag at gagabay sa atin tungo sa tamang landas at sino naman ang maghahatid lang sa atin tungo sa kapahamakan. At the end, kapag hindi tayo naging matalino sa lahat ng bagay at pagkakataon, tayo ang matatalo at magiging kawawa.
Hindi pa sapat ang aking edad upang magbigay ng ganitong konklusyon--- maaga akong namulat sa realidad, marami na akong nakasalumuhang iba’t-ibang tao kaya hindi na ako baguhan sa langarang ito. Minsan na rin akong naloko kaya’t naririto, waiting aside, sa susunod. Zhariz!
“I like this one! Ang aesthetic niyang tignan sa akin. Ano nga ulit ang tawag niyo dito?” ang masayang wika niya habang suot-suot ang dress na floral at nakatingin sa bonggang salamin ng kuwarto ko.
May salamin naman ang kuwarto ko kahit simple lang ang tahanan namin at iilan lang ang mga kagamitan. Nakuha ko lang ito from the tabi-tabi. Minsan kasi ay may nagtatapon ng mga kevs na gamit sa labas ng bakod ng mga magagarang bahay sa labasan. Alam niyo na’t need mag-recycle, kaya kinuha ko ang salamin na ito--- ginawa ko into bago. Kung hindi ako magiging resourceful, hindi ako mag-qualify sa larangang ito. In this way, hindi lang ako nakatulog sa happy hormones ko, nakapagbigay rin ako ng tulong sa aking mother nature.
“Ah… ayan ba? That’s what you call dress mami!” ang sagot ko. Na-amaze rin ako sa kagandahan nitong si Monalya. Kahit kulay lang ang suot niya ngayon ay hindi mo mahahalata dahil ang elegante niyang tignan. Naniniwala akong kaya niyang daigin ang mga nasa Binibining Pilipinas. Isasali ko siya there kapag may time. Arot.
“Oh, pak! What if, sirain ko iyan kasi bagay na bagay nga sa iyo at natatapakan ang ego ko dahil sa ilan beses ko iyan nasuot, ay hindi manlang ako naging ganiyan ka-gold tignan? Fit na fit sa waist mo. Parang pinagbiyak na bunga ang katawan natin. Wait, lemme zip the back.” Lumapit ako sa kaniya at tinaas ang zipper sa likuran.
“Bagay ba? Sa akin na ba ‘to?” Kita ang kisap sa mga mata niya. This will be her first clothe on Earth. Ang saya-saya no’n para sa akin this is a big privileged for me. Included na ito sa history ng buhay niya--- at ngayon pa lang I am very honored because I occupied time in her existence.
“Sure thing mami--- nothing to worry about. Ang lahat ng magugustuhan mo riyan, sa iyo na. Just try to move 360 degree, so I can assess your outfit.” Kumunot ang noo niya kaya napagtanto ko, hindi na naman niya alam kung ano ang 360 degree. “Umikot ka mami para makita ko kung bagay ba ‘yan sa iyo kahit saang angle.”
Ginawa niya naman ang sinabi ko and she acted like of most-love princess in the carton universe.
“Mhie, I thought wala kayong pera? Eh, bakit marami kang damit? Feeling ko, binibili ang mga ito, right?” ang panunuri niya. Sinabi ko kasi kanina sa kaniya na pera ang most necessity dito sa Earth. Kapag wala kang pera, simple lang ang implication nito— you can’t attain things because you don’t what they call as purchasing power.
“I love buying things from ukay. Hayaan mo, minsan ay isasama kita sa ukay para maging aware ka kung anong magic ang nagaganap doon,” ang sagot ko sa kaniya. Sino ba naman ang may hindi gusto sa ukay? Magaganda na ang quality ng mga clothes, super affordable pa ng price. Yet, love local pa rin tayo.
“Sure! Monalya, would love to know what ukay is,” ang sagot niya.
“Ano ang itsura ng mga nilalang na nabanggit mong susugod dito?” Kanina pa ako nahihilo sa kaiisip ng sinabi niya kaya naitanong ko na ito. Mukha ba silang halimaw? As in, iyong type ng halimaw na very frightening and crazy ang itsura? Or maybe, they just look like a future descendants ni Doc Vicky Velo or what?
“Hindi ko kayang ipaliwanag ang itsura nila mami. Iba-iba. Ang pagkakatanda ko, nag-e-evolve sila at papangit ng mga papangit. Basta ang complicated, at need mo ng strong mental muscles to descriptively explain their looks. Ang tanda mo nalang at ang ilagay mo riyan sa heart mo, higit na mas maganda kayong mga tao kaysa sa kanila ng isang daang porsiyento. Nakapandidiri at nakasusuklam, ito ang ilan sa salita na kayang maghayag ng kanilang wangis,” ang mga hayag niya.
“Kaya mo silang talunin nang nag-iisa ka lang?” ang tanong ko.
“Hindi ako sigurado dahil marami sila pero kakayanin ko. Kailangan kong kayanin dahil ito lang ang paraan upang mabalik ako sa planeta namin--- mapagbayaran ang kasalanang hindi ko sinasadyang magawa.”
Malinaw na sa akin, kaya siya ang pinadala rito sa Earth dahil nakagawa siya ng aksyon na labag sa kautusan ng kanilang lahi? Akala ko naman, kusang loob ang pagpapadala sa kaniya or something volunteer, ganern. Monalya is a sinner who wants to be renewed so she needs to prove herself.
“Anong kasalanan naman ang ginawa mo? You can share if you want, kapag hindi ka comfortable, okay lang din. You can keep it yourself, sabihin mo nalang whenever you are comfortable to share it…”
“Kinain ko ang isang prutas ng kasalanan daw. Hindi ko naman sinasadya. Gutom na gutom na kasi ako that time. Wala na akong maisip na paraan--- tanging ayon lang ang nakikita kong maaaring kainin kaya pinitas ko na. Hindi ko talaga alam na pinagbabawal na kainin iyong prutas na iyon, kung alam ko lang, hindi naman ako tangga para ipagpilitan ang sarili kong kainin ito kahit alam kong pinagbabawal siya,” ang hayag niya.
“Grabe, sobrang laking kasalanan naman pala ang ginawa mo, grabe ang parusa sa iyo. Tapos kapag hindi mo sila nagawang talunin at protektahan kami, ano mangyayari? Forever ka nang mag-stay here?” ang pagsabat ko.
“Yes, natumpak mo. I don’t have any choice but to face it.” Nakita ko ang tapang sa mga ngiti niya. Mapnuri ako kaya’t nakikita ko pa rin ang pag-aalala mula rito.
“Mag-stay ka nalang dito dahil gusto ko rin magkaroon ng sister. Don’t worry dahil aawra tayo gabi-gabi para hindi maging boring ang stays mo rito. Dito mo na rin makikita ang love of your life. Magpaparami ka ng lahi. You will be called as the new contemporary hero, gusto mo iyorn?” ang hayag ko naman ng mga nabubuong scenario sa isipan ko.
“Ang gusto ko, makabalik sa amin sa lalo’t madaling panahon.” Naging seryoso siya at hinawakan niya ang kamay ko. Kailangan ko ng tulong mo Monie, kailangan ko ng tao na puwede kong makasapi upang magamit ko ang pangyarihan ko. Kinakailangan kita upang maisakaturapan ang misyon ko.” Ibang maghayag ng damdamin ang mga tingin ni Monalya. Nadadala ako rito kahit wala siyang sabihin kahit isang letra.
“Sandali, ako talaga ang napili mo? Baka may mas deserving diyan kaysa sa akin? Hindi naman porque ako ang unang nakita mo, ako na agad ang pipiliin mo. Ayaw kong i-fail ang expectation mo, Monalya kapag hindi ko nagawa ang best ko, ayaw ko na ako ang maging hadlang upang hindi mo makamit ang mga mithiin mo.”
“Walang panahon para pairalin mo ang pagdududa sa kakayahan na hindi mo pa nailalabas, Monie. You are greater than what you think you are--- you are more capable than your negative thoughts. Wala na akong sapat na oras, nararamdaman ko na napaparating na ang kampon ni Hazarda. Kung mananaliksik pa ako ng iba, hindi na ako aabot pa. Ikaw na ang napili ko. Pagtutulungan natin itong dalawa. Ikaw at ako lamang.”
“Bawiin mo iyong last line na sinabi mo sa dulo! Medyo nakakadiri dahil hindi tayo talo. Kahit kailan, hindi ako papatol sa baklang feminine na kagaya ko,” ang saad ko na may halong pandidiri.
Ikaw at ako lamang is should be said sa partner mo not sa friend mo.
“What if, maging strong man ako kapag ki-niss kita sa lips? What if, lalaki talaga ako at ginawa lang na ganito dahil nga nagkasala ako? What if, daks ako?” Muntik na akong maloka sa huling binanggit niya. Na-curious din, pakita nga ng daks.
“Ma, hindi talaga! Iw!”
“Hindi rin ako papatol sa isang baklang feminine dahil unang-una sa lahat babae ako no!”
Natawa ako sa sinabi ni Monalya dahil fully furnished ang pagganap niya.
“Friend, kahit anong sabihin mo--- kahit anong gawin mong pagpilit, ang katotohanan ang siyang mananaig, bakla tayo, unless transwoman ka na,” ang rebut ko sa sinabi niya. Assuming si bakla. Minsan, inasume ko rin na babae ako pero ‘wag naman sa point na ito. Hindi siya babae, at ito ang kailangan niyang tanggapin. Charis. If that’s how she sees and presents herself, wala akong magagawa roon dahil iyon ang kaniyang gender expression.
“Babae talaga ako Monie, pinarusahan lang ako na magiging bakla ako kapag pinatapon na ako dito sa Earth. Noong nasa moon pa ako, ganap na babae ako roon--- may kipay at walang bukayo,” ang saad niya.
“We? Paano ako maniniwala sa iyo? Kung magagawa mo akong babae, maniniwala ako pero kung hindi, sorry, hindi ako maniniwala,” ang pagmamatigas ko.
Nagulat nalang ako ng lumagapak ang pisngi ko. Lumabas ang litrato ni Monalya sa isip ko. Babaeng babae nga siya rit. Nakita ko ang petchay niya na pinkish. Shuta. Hindi nagsisinungaling ang isang ito. Totoo nga ang sinasabi niya!
“Ang sakit ha!” ang reklamo ko sa kaniya matapos mawala ang larawan.
“Oh, anong nakita mo? Naniniwala ka na?”
“Petchay baguio, atashi!”
“Sabi ko sa iyo pinkish ito, eh!” Hinampas na naman niya ako.
“Sa tingin ko, ito ang pinakawawang parusang gagawin sa akin ng Diyos, hindi ko kayang i-handle na gagawin niya akong hindi tunay na bilat, from tunay na girlalut ay papuntang aklang atashi. Everything has a purpose no. Sige sis, isang request nalang para mas maniwala ako sa iyo,” ang wika ko.
“Go spill,” she confidently stated. Ni walang pangamba at handang gawin kung ano mang sasabihin ko.
“Show me your powers,” ang diretso kong hayag.
Ano pa kaya ang kakayahan niya bukod sa pagpapagaling ng matinding karamdaman katulad ng sa akin? May espada ba siya? Kaya niya kayang lumipad? Keribels niya kayang magpagalaw ng mga bagay kagaya ng mga nakikita ko sa mga fantasy series and movies? Ack, gusto ko nang marinig ang sagot niya.
“Anong powers ang gusto mong makita? Ang weapon ko?” ang paglilinaw nito.
“Show it all na, ganern!!!” Para akong bata na sabik na sabik na makita kung anong weapon ang sinasabi niya. Mag-expect ako na powerful din ito kayaga ng binubuga niyang aura.
Hindi niya natuloy ang gagawin niya dahil narinig naming nagsalita si lola Sita. “Monie, nandito si Alfred, hinahanap ka.”