Monie
ORAS na mailagpas ko ang aking paa mula sa kurtina na siyang nagdi-division sa aming sala at kusina, kaakibat nito ay paghahanda ng aking sarili sa mga kuwento’t paliwanag na maririnig ng aking tainga at madarama ng aking puso.
“Halos dalawang linggo kang nawalan ng malay, apo…” Sapat na ang unang linyang ito upang maging paliwanag kung bakit ako nawalan ng malay sa reyalidad. Ngunit nag-aasam pa ang aking puso ng komprehensibong kuwento--- kuwentong mas mauunawaan ko ang mga nangyari habang wala akong pandama sa nakaraan.
Nakita kong huminga ng malalim si lola--- ito ay ritmo ng paghahanda sa kaniyang susunod na ituturan.
“Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang pagku-kuwento apo, ngunit si Alfred ang unang nakakita sa kung ano ang nangyari sa iyo. Siya ang nagdala sa iyo sa hospital dahil na bundol ka ng rumaragasang sasakyan sa madilim na daan. Wala kaming ideya kung four wheels ba ito apo or baka single lang na motor. Kaya ang tanong apo, ano ang dahilan mo kung bakit naisipan mong doon bumagtas samantalang, may mas ligtas na daan upang makauwi ka ng buo’t may malay.”
Sana all single! Sana all may four wheels! Charot. So iyan pala ang nangyari sa akin. Si Alfred? Gusto ko siyang makita’t yakapin dahil sa ginawa niyang himala sa buhay ko.
“Huwaat!? Ano pong ginawa sa akin ng driver? Sinamantala niya ba ang kahinaan ko, lola? Wala akong nagawa. Naaawa ako sa sarili ko---” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil tumama sa bumbunan ko ang kalendaryong papel na naka-paikot. Hinampas sa akin ito ni lola ngunit hindi naman kalakasan kasi gumaganti talaga ako kapag nasasaktan ako. Mag-iingat kayo sa akin dahil dangerous species ata itong makababangga niyo.
“Walang ganiyan, apo. Huwag kang mag-overthink,” ang hayag ni lola.
“Bakit wala po, lola? Gusto ko, mayroon- mayroon!” ang pagpupumilit ko at tila gigil na gigil ang ekspresyon. I feel something kinda painful sa bandang butt ko na mostly used for seating arrangement. Ito ang foremost na rason kung bakit ko nasabi ang nasabi ko, if not because of this--- verbally speaking, it will not be possible.
Hoping, guwapo iyong driver ng vehicle na bumundol sa akin. Kung guwapo, it will be easier for me to forgive him. Kung chaka siya at babae pa, hindi ako magda-dalawang isip na kalbuhin siya both sa itaas at sa ibabang buhok niya. Salbahe siya. Hindi niya manlang ako inalalayan pagora ng hospital!
“Apo, kahit alam ko na malubha ang kalagayan mo--- hindi ako nawalan ng pag-asa. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkapit ko sa Maykapal dahil naniniwala ako na may himalang darating. Isang araw, magugulat nalang ako at magigising ka na- nangyari na ang araw na ‘yon at nagbalik kang muli.”
Pilit ko lang tinatago sa mukha ng kasiyahan kung ano ang tunay na nararamdaman ng puso ko. Nanggigigil ako sa taong gumawa sa akin nito, hindi manlang siya nag-aksaya ng katiting na panahon upang tulungan ako. Gusto ko siyang saktan upang mapagtanto niya na kung sa ka-pamilya niya nangyari ang nangyari sa akin, sigurado akong madudurog din ang puso niya. Hindi ko gusto na ipakita pa kay lola Sita ang pagkagalit ng puso ko kaya’t ikukubli ko nalang ito. Maharil, may dahilan din ang taong iyon kung bakit siya tumakbo at hindi tumulong.
“Hindi ko alam kung paano pasasalamatan ng sapat si Alfred sa lahat ng tulong, abala at sakripisyong ginawa niya sa iyo, apo,” ang wika pa ni Lola. Hindi maitatanggi ang sensiridad na hayag ng mga salitang binanggit niya.
Sang-ayon ako kay lola. Mabait na tao talaga si Alfred. May katotohanan na madalas, mapang-asar siya ngunit kapag dumating ang panahon na kailangan ko ng tulong niya ay hindi siya magdadalawang isip na ibigay ang tulong na hinihingi ko. In the lowest part of my life, nandoon siya at hindi niya ulit ako binigo. Sa puntong ito, mas lalong tumibay ang pagmamahal ko sa kaniya bilang kaibigan, bilang isa sa mga taong iingatan ko dahil mahalaga sa buhay ko.
Dalawang linggo, kung susumahin, napakatagal na panahong ito para sa aming mahihirap. Ang laking purwisyo at abala nito para sa kagaya namin ni lola Sita na tila ba humaharap kami sa paulit-ulit na digmaan mapunan lang ang aming mga pang-araw-araw na pangangailangan--- nakakapagod pero wala ka namang kaparatan na magreklamo- matapang ang hiya mo kung aayaw at hahayaan ang pagsubok na mamayani.
“Nagbigay ng tulong ang tanggapan ni Mayor--- siya ang sumagot sa mga gastusin sa hospital sa loob ng isang linggo. Nang matapos ito, hindi ko alam pa kung saan kukuha ng pera upang patuloy na ipagamot ka, nagdesisyon na akong iuwi ka nalang dito sa kubo at dito ka hintayin na gumaling. Si Alfred, handa siyang magbigay ng tulong pinansyal ngunit hindi ko na ito tinanggap pa--- may sariling buhay rin ang binata at hindi niya tayo obligasyon pa.”
Malaking tulong ang ginawa ni Mayor sa akin---I highly appreciate that. Kaso nga lang, bakit hindi niya pa tinuloy-tuloy ang pag-finance ng mga gastusin ko sa hospital? Hindi ba siya aware na ako ang matagal na niyang nawawalang anak? Hanggang ngayon ba, wala pa rin siyang courage to admit it to his wife? Bakit ka gany’an, dad!? Itataga ko ito sa bato, darating ang araw na ipagmamalaki mo rin ako. At kapag dumating ang araw na iyon, ako naman ang handang tumalikod sa iyo. Charot! Character ka sa isang move revenge, akla?
“Bakit hindi niyo po nalaman kung sino ang nagmamaneho ng sasakyang bumungo kay Monie?” ang pagsingit ni aklang babaehan sa usapan. Hindi pa siya nag-introduce ng kaniyang gorgeous self, therefore, hindi ko pa siya malagyan ng pangalan.
“Walang CCTV sa daang iyon, liblib kasi doon at madalang lang kung may dumaan, kaya’t hindi priority ng gobyernong lagyan ng surveillance ang daang tila nilimot na ng panahon,” ang paliwang ko rito.
“Ano iyong CCTV?” ang inosente niyang tanong.
“Huh? Hindi mo alam? Saang lupalop ka ba galing? Nowadays, pati mga dukha at mga bata alam na ang CCTV,” ang hayag ko. Hindi naman in a way na parang kinukutsya ko siya dahil mararamdaman niya ito mismo sa kaniyang self. I find her so weird.
“I came from Buwan,” ang nakangiti nitong sagot. Napatingin ako kay lola Sita dahil tila nagulat siya- seryoso ang dating sa kaniya ng sinabi ni aklang fresh. Pero sa akin, alam kong eme lang ito no. Nabubuhay na kami sa panahon ng impormasyon at teknolohiya, hindi na tatalab sa akin ang mga kuwentong barbarong ganito.
“Ako naman galing sa Planet Venus- Goddess Venus is my mother kaya I am the princess of beauty. I am the living manifestation of a perfect form of gorgeousness. The one who has no flaws and is surrounded by perfection. Oh, lavarn ka pa d’yan? Durugin ko Adams apple mo. G ka?” Wala siyang ideya kung sino ang binabangga niya kaya’t lalavarn ako.
“Nope, I really came from Buwan,” ang seryosong sagot niya. Si lola Sita, nakatahimik lang siya. Hindi ko ma-explain narratively pero mukhang may iniisip niyang malalim. Just take her time.
“Sis, ‘wag nga ako. Hindi pa dumarating ang era ng alien invasion, matagal pa iyon,” ang sagot ko. Naka-keme mood ang betlang ito. Sinong hilo naman ang maniniwala sa kaniya na galing siya sa buwan? Kung siya si Neil Armstrong, mana pa. Kung sa kaniya nasalin ang consciousness nito, maniniwala pa ako ng sobra at baka sinamba ko pa siya.
“Hindi ka nagtataka kung bakit kita napagaling? Sa tingin mo, kung normal ako kagaya niyo, paano ako nagkaroon ng kakayahan na pagalingin ka?” ang pamprosesong tanong nito. Binalot ako ng katahimikan. Hinayag ako ng sinabi niya sa malalim na pag-iisip.
Sabagay, hindi ko agad na analisa ito. Inuna ko pa kasi ang pag-engage sa mga flirty and nonsense thoughts. Naaasar na rin ako sa self ko. Malapit nang dumating ang time na mag-self harm ako. Joke, depression has no room for me na wala namang pera, financial depression mana pa.
“Paano mo nga pala ako napagaling? How could you able to do that?” ang seryoso kong tanong.
“Galing nga kasi ako sa buwan, atashi! Pinadala ako rito dahil may mga nilalang na paparating sa planeta niyo na nagbabadyang sakupin kayo. Hindi naman sa sasakupin ngunit balak ng mga ito na kumuha ng dugo ng mga inosenteng bakla na kinakailangan ng kanilang Diyos upang mabuhay. Ako ang naatasan na humarap sa kanila ngunit may problema ako.” Bahagyang sumimangot ang mukha niya nang mabanggit ang ikalawa sa huling salita.
“Anek?” ang chika ko.
“Hindi ko magagamit ng lubos ang kapangyarihan ko unless makahanap ako ng isang bakla rin na may busilak na puso at may palaban na pagkatao. Higit sa lahat, kakayaning tanggapin ang pag-aanib naming dalawa.”
This time, na-feel ko na truthfully ang mga sayings niya. Kung doon nga siya nagmula, sinusuportahan ito ng ginawa niyang pagpapagaling sa akin. Teka lang sandali. May narinig akong kakaiba.
Pagsasanib?
Qualified ba ako d’yan? Sounds so bongga so, sana ako nalang kasi I nominate myself na agad-agad. Pero sandali ulit. Ano raw? May mga shutaelya na pupunta rito sa Earth para kuhain ang mga katulad ko? Saka ko nalang ito iisipin dahil wala ako sa mood.
“Sumapit na ang panahon- magaganap na ang nakatakdang mangyari.” Narinig kong bulong ni lola Sita.
“Ano pong panahon ang sumapit?” ang tanong ko kay Lola. May alam ba si lola mga bagay na ito? May mga lihim ba siyang hindi niya kayang i-share sa akin? Paano nga pala niya nakilala itong si akla? Saan sila nagkita at paano nakarating si akla rito? Hindi kaya galing din siya sa Buwan kasi mukha siyang Alien? Biro lang.
“Wala namang sumapit. Binasa ko lang iyon.” Tinuro niya ang tulang nakasabit sa dingding ng aming kubo. Ayon ang tulang ginawa ko nung elementary ako na nag-wagi ng mga iba’t-ibang pangaral. Shuta. Akala ko naman may something. Nakalimutan ko na rin kasi ang lines sa piece na iyon.
“Kinabahan naman ako sa iyo lola Sita, akala ko naman po informed ka rin sa mga mangyayari,” ang sagot ni Akla. Nasabay kasi ang reaksyon ni lola.
“Hindi mga apo, wala akong alam d’yan.”
“Oh, siya nga po pala, ako si Monalya--- ang isa sa mga mandirigma ng kalawakan. Naninirahan kami sa buwan. Huwag kayong mag-alala dahil lahat kami na nakatira sa Buwana ay malaki ang pagkakahawig sa iyong mga tao. Ang kaibahan lang namin sa inyo, may angkin kaming kakaibang lakas, katangian, at kapangyarihan gayundin ay mas progresibo ang antas ng aming pamumuhay.”
Monalya ang name niya?
“According sa name mo, Monalya… hindi halata na nanggaling ka nga sa buwan. It derived from its root word moon which has a Filipino translation of Buwan?” Napangisi ako. Trivia revealed agad sa likod ng pangalan niya. Kaloka!
“Shhh… quite ka lang. Hindi ganoon iyon.”
“Ngayong may name ka na, maluwag na ang dibdib ko dahil mapapangalanan na kita,” ang wika ko. Napansin ko ang bayong na nakatabi sa gilid ng pintuan ng kubo. “Lola, bakit po nandoon ang bayong na iyon?” ang baling ko kay Lola.
Paminsan kasi, ito ang bayong na ginagamit ko sa pagtitinda. Eh, matagal ko na siyang hindi nagagamit. Bakit siya nandoon? Hindi kaya tama ang iniisip ko?
“Susubukan ko sanang magtinda ngayong araw ang kaso oras na makalabas ako ng pintuan ng kubo natin, nakita ko ang nakahandusay na katawan ni Monalya sa lupa. Walang saplot, akala ko ay wala na siyang buhay. Sinamantala ang kahinaan niya at itinapon nalang sa harapan natin,” ang kuwento ni lola Sita.
Huh? Kanina lang sila nag-meet and greet nitong si Monalya? Seems na parang matagal na silang magkakilala. Shuta pala ang nangyari rito kay akla. Nahulog siya sa lupa?
“Lola naman, bakit niyo pa po sinubukang gawing iyon? Paano po kung may mangyaring masama sa inyo sa daan? Hindi ho sasapat ang kikitain niyo sa araw na iyon pambili po ng mga medisinang kakailanganin niyo,” ang wika ko dahil sa pag-aalala.
Hindi sumagot si Lola at dito ko napagtanto na wala akong karapatan na sisihin siya. Alam ko na gusto niya lang din na makatulong sa akin. Ngunit hindi e, mahina na si lola at mabilis siyang hingalin. Paano kung atakihin nalang siya habang nasa kalagitnaan ng pagtitinda?
“You don’t have to do that anymore, lola. I am here to provide for us, two.” Tumayo ako at binigyan siya ng yakap na punong-puno ng pagmamahal.
“Patawad apo, gusto lang talagang makatulong ni lola sa iyo. Alam mo namang mahal na mahal kita at gagawin ko lahat para sa iyo.” Naiiyak naman ako sa mga wordings ni lola. Sabi ko, ayaw kong maging fragile e.
“Sali na nga ako sa inyo. Puwede ba? Ang emotional ng pamilyang ito!” Naki-hug na rin sa amin si Monalya.
“Sabi mo, galing ka sa buwan? So, wala kang pamilya rito sa Earth?” ang tanong ko kay Monalya. Tumango siya. “Ready to be part of our family?”
Gumuhit ang malapad at matamis na ngiti sa kaniyang labi. “Sure, why not!?”