Chapter 12: Healed

1281 Words
Monie IMBERNA! Napamulat ako dahil sa naramdaman kong pagkirot ng likuran ko. Kinapa-kapa ko ito because may nararamdaman akong kakaiba rito. Tila may matigas na laman na nabuo. Hindi ko malaman kung kinakalyo na ba ako. Yuck, this is so hilarious and unbelievable. My current situation tells me to discover if how many days na akong walang touch sa reyalidad. Ilan araw na ba akong nakahiga sa higaang ito? Saka, anong ginagawa ko rito? Ang huling matibay at malinaw na memorya sa isipan ko, magtitinda ako dapat dahil ito lang naman ang everyday routine ko. What time na ba ngayong morning? Alam kong late na kahit wala kaming wall clock sa home, ang mainit na temperatura ang naghahayag nito. Lord, kailangan ba kitang sisihin dahil late mo na akong ginising? Ano bang nangyari sa akin? Nakapagtataka lang kung sinong nilalang ang naglipat sa akin dito, usually hindi naman ako nahiga sa pagpag na ito dahil sobrang tigas niya. At isa pa, hindi ako kering buhatin ni lola rito pagora rito no! Shinake ko ng a little bit ang head ko upang alalahanin kung ano ang nangyari sa akin. Clinosed ko muna ang both eyes ko para mas maging realistic ang pagbabalik tanaw ni Monie Ernie. May second name ba akong Ernie? Hala, nakalimutan ko na rin. Naalog ata ang neurons ko sa brain. Bibilang muna ako ng one to five bago ako magbalik, balik sa kaniya? Sandali, wala naman akong babalikan, ah? Single ‘to since birth, no. Hindi pa pinapanganak sa mundo ang tatalo sa kasikipan ko. Saka, if ever man, hindi ko ugaling bumalik sa mga taong sinaktan ako ng todo. Sandali. Naalala ko na ang lahat. Naalala ko kung ano ang nangyari sa akin, kay Monie. Nagtitinda ako no’n, super havey pa nga ng paglalakad ko, best in tindera ako for 10 consecutive years dahil may plaque of appreciation na magpapatunay nito. Next, I saw the young handsome face ni mayor--- may edad na siya but still--- hindi maikakaila ang hotness na tinataglay nito. The memory is kinda fresh… I know he bought all my products for his driver. Binigyan niya pa nga ako ng pera--- five hundred pesos ata ito at tandang-tanda ko pa. After that scene, biglang dumilim ang paligid, kailangan kong makauwi ng maaga dahil alam kong hinihintay na ni lola ang pagbabalik ko. Commercial lang, nasaan nga pala ang lola ko na ‘yon? Syempre, need kong mag-short cut, dahil kapag hindi ako nag-short-cut sis--- mababasa ako ng ulan, okay lang sana kung ako lang ang mababasa pero hindi e, hindi ganern dahil mababasa rin ang mga bagay na nakapaligid sa akin, hindi naman ako selfish para sarili lang ang intindihin ko during that time that I need to make an urgent decision. Ang dami ko na palang na-say in just few moments, and then ito, to make the story short, nabundol ako ang sasakyan. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay. Finally, I wake up with this condition. Sandali, kinusot ko ang mga mata ko dahil may naanigan akong nakatayo rito. Sino ‘tong nilalang na nakaharap sa salamin naming pinundar ko nung 15 years old ako? Ang tagal-tagal na sa amin ng salamin na iyan, baka siya lang ang makasira. Hindi ako makapapayag! At sandali lang, may napansin ako, hindi ako maaaring magkamali, kilala ko kung sino ang nag mamay-ari ng suot niya ngayong pantapal--- sa akin ito at paano niya ito nakuha? “Who are you? Anong ginagawa mo sa mansyon namin? Huwag mong subukan na gumalaw ng masama dahil hindi ako magdadalawang isip na balian ka ng leeg. Ang lakas ng loob mo, talagang ginawa mo pang outfit ang pangtapal ko, haniz?” ang eksahedara kong sigaw sa kaniya. Kumuha ako ng pamalo, sa oras na mamali siya ng galaw ay puputok ang mga dapat pumutok sa kaniya. “Monie, apo ko? Ikaw ba ‘yan? Nagising ka na?” Nabitiwan ni lola ang hawak niyang baso na may lamang tubig nang makita ako. Si lola naman, akala mong nag-ibang bansa ako. Lumakad siya papalapit sa akin at yinakap ako. Muntik na akong hindi makahinga sa ginagawa niya. “Monie, apo ko? Gising ka na nga apo. Salamat sa Diyos. Dininig niya ang mga panalangin ko. Akala ko, hindi ka na magigising pa’t sobra akong nag-alala sa iyo, apo.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni lola to the point na hindi na ako makahinga. “Lola, kung totoong mahal niyo ako at kung busilak talaga riyan sa puso mo ang sincerity sa kung ano ang nararamdaman ko lola, kalasin mo ang pagkakayakap sa akin--- hindi na po kasi ako makahinga, e. Sa true lang po.” Ito lang naman ang hiling ko ngayong araw na sana ay pagbigyan niya. “Sorry apo, na-carried away lang ang lola mo. Sadyang walang paglagyan ang kaligayahan ko today. Overflowing e!” ang sabi ni Lola. “Lola, I am alive. Buhay na buhay po ako. Magaling na magaling. Sandali, sino po siya?” ang tanong ko naman. Mukhang kakilala ni Lola ang nilalang na kasama namin ngayon sa bahay. Iisipin ko nalang ay katulong namin siya. “Apo ko, hindi ko rin alam e.” Napangiwi ang nguso nito. “Huh? Nagpatuloy po kayo ng hindi niyo kakilala? Paano kung may nangyari sa iyo habang wala akong malay? Lola, hindi ko kakayanin. Hindi ko kaya nawala ka sa tabi ko. Lola, sana inisip niyo ang mga circumstances ng mga magiging aksyon niyo bago kayo magtuloy lang nang kung sino-sino…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumingit na ang nilalang na kasama namin ngayon. “Sorry po, mukhang nakakagulo lang ako sa pamilya niyo. Gusto ko lang sanang sabihin sa apo niyo lola Sita na si Monie na ako po ang nagpagaling sa kaniya. Maraming salamat po,” ang sagot nito at tinalikuran kami. “Saan ka pupunta?” ang tanong ni lola Sita rito. “Sa kusina po, kukuha lang akong inumin, kanina pa po ako uhaw na uhaw ih,” ang sagot nito. Bigla akong niyakap ng kahihiyan, siya ang nagpagaling sa akin? Pero, papaano niya naman nagawa iyon? I should have treated her well. Hindi niya deserve ang ginawa kong treatment sa kaniya. F-ck self, ang immature mo. Charot! “Lola, sandali lang po. Susundan ko siya.” Tumungo ako sa kusina upang humingi ng paumanhin sa nagawa ko kay ate gurl. Nakita ko itong tinutungga ang basong gawa sa kahoy. Love local kasi ang hashtag namin rito kaya puro gawa sa kahoy ang aming mga equipment and furniture. “Mhie, ano nga pala ang name, mo? Sorry sa aksyon ko kanina, haniz? Hindi ko naman kasi knowing na ikas pala ang bonggang na nagpagaling sa akin. Hindi ko rin naman alam ang mga chika. Kuwento niyo sa akin ni lola, nek? Ganoon lang talaga madalas ang lola mo, pero hindi naman ako galit na galit. Slight lang pi.” Tumingin siya sa akin ng masama, nakatatakot ang tingin niya. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng gan’yang tingin. Lumakad siya papalapit sa akin, hindi ko maintindihan ang sarili ko ngunit hindi ko magawang maigalaw ang katawan ko. “Apologies accepted ganda! Pasalamat ka, cute ka.” Kinurot niya ang magkabilang pisngi ko na tila isa akong bata sa paningin niya. Jusko, akala ko, katapusan ko na. May kakaiba sa isang ‘to. “Tara na sa salas niyong masikip like you para maikuwento ko na sa inyo ni lola ang everything you need to hear.”Hinila niya ako papunta sa salas nang matapos siyang makainom. Baklaan din ang isang ito kahit mukha siyang babae!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD