Monalya
“DIYOS ko! Ano ho ba ito? Bakit may patay rito sa harapan namin? Mga kapitbahay tulong! May patay, may patay! Kawaan ka ng Diyos. Alam kong hindi mo ginusto ang nangyari sa iyo at bunga lang ito ng mga makamundong hangad ng mga tao. Ipagdarasal ko ang kaluluwa mo ineng na nawa ay makamtan mo ang kayapayapaang kailangan mo.”
Ano ba iyon? Ang ingay-ingay! Bakit sigaw nang sigaw? Ang aga-aga pa e. I don’t know but I think I only slept for 1-2 hours. My rest was being interrupted because of her shouts. Umuusal pa ata siya ng banal na panalangin. Mahusay at napakarelihiyoso nitong taong ito.
“Hoy! May matutulog dito. Respeto naman po. Ngayon pa lang ako nahihimbing. Kung alam niyo lang ang pinagdaanan ko sa planeta namin. Hinding-hindi kayo magkakaroon ng lakas ng loob na sumigaw ng ganiyan habang may nagpapahinga sa harapan niyo,” ang usal ko Patawarin niyo ako kung ganito agad ang ugaling pinakita ko. Dala lang ito ng pagkapagod buhat ng matagal na paglalakbay.
“Panginoon, patawarin mo’t nagkamali ako. Hindi pa pala siya patay!” ang sigaw na naman nito.
Patay? Sino ang sinasabi niyang patay? Hindi ba, ang patay hindi na nakakapagsalita? Patay, patayin kita sa sarap, sige ka! Minulat ko ang mga mata ko at nasilyan ko ang kakaibang lugar na kinalalagyan ko ngayon.
“Sino ka?” ang sigaw ko sa matandang sigaw nang sigaw. Wala namang ibang nilalang sa pigilid therefore, ako nga ang tinutukoy niya. Ako ang sinasabihan niyang patay? Sa ganda kong ito? Pagkakamalan niya akong patay? Nakababastos man ngunit mas maganda kung tatanggapin ko nalang ito.
Kailangan kong mag-behave ng superb. Dapat ay magalang at attractive hindi dahil dayuhan ako sa mundong ito kung hindi dahil ito ang sangkap na kinakailangan ko upang maging matagumpay sa mithiin ko.
“Ikaw ang sumagot ng tanong ko, sino ka? Bakit ka nakahubad at nakahiga d’yan sa lupa? Anong nangyari sa iyo, apo?” ang tanong niya. Naramdaman ko ang pagkakaroon ng mabuting puso ng taong ito nang marinig ko ang salitang binanggit niya sa dulo apo, hindi ko alam kung anong nais na ipakahulugan nito ngunit magaan ang dating ng salitang ito sa akin.
Tila matagal na kaming magkakilala. Hindi ko maipaliwanag ngunit mas gumaan ang dibdib ko nang makita ko ang mga mata niya. May kapangyarihan din ba siya? Nakakapagtaka ngunit, nag-uusap ba ang mga tingin namin?
Pero sandali lang, nag-iinit ang punong tainga ko sa nasasaksihan ko ngayon. Sandali, sandali, gusto ko munang mag-sink in sa akin ang lahat- kung ano ang ginawa nila sa akin. Bakit ganiyan sila!? Hindi ko matanggap, dito pa talaga ako hinulog ni Sir sa lupa? Ang tigas-tigas! Ang hapdi tuloy ng batok ko. Ako ba iyong nilalang na nagmula sa langit, nahulog sa lupa na una ang mukha? Pero hindi e, batok ang nauna sa akin. Buhat ng lahat, nagpapasalamat ako’t buhay pa rin ako at walang mga galos kahit ang tigas ng lupa, solid na solid ang composition.
“Sandali, huwag kang aalis diyan, ikukuha kita ng pantapal,” ang wika ng matanda sa akin. Pumasok siya sa loob ng isang bahay na kahoy na walang sapat na pundasyon. Safe place ba ito para sa kaniya? Maharil nga, diyan siya nakatira.
Pantapal? Bakit kailangan ko ng pantapal? Agad kong binusisi ang itsura ko. “Mamiii!!” Napasigaw ako ngunit sa isip ko lang nang napagtanto kong wala pala akong saplot ni isa. Bawal sumigaw ng very too loud, it will catch the attention of others.
Where are my costumes? Nasaan iyong costume ko kung hindi kayo makaintindi ng English! Saan niyo nilagay?! You took everything away from me. You left me with nothing. Bakit binuhay niyo pa ako, huh? Bakit, bakit?
Wait, ano itong espada sa harapan ko? Shuta! Beklur na rin akis? Trew na itey wala nang bawian? Tinutoo nila ang sumpa sa akin na sa oras na mapadpad ako sa mundong ito ay mag-iiba ang kasarian ko. Nagpapakita lang ang sitwasyon na ito na kailangan ko mapagtagumpayan ang misyon ko dahil kung hindi, shegi akis… for a lifetime na akong beklur. Tinakpan ko ng both hands ko ang nasa harapan ko--- para hindi ito makita ni lola oras na siya ay makabalik.
“Oh opo, sa apo ko iyang belo na ‘yan. Kinuha ko lang sa damitan niya. Ingatan mo nalang dahil medyo aggressive siya. Baka sikmuraan ka kapag nagising at nakita niyang suot mo iyan. Hindi naman siya nanlalapa kaya safe ka pa.” Binalot niya ang dala niyang malapad na tela sa aking katawan.
Natawa ako sa sinabi ng matanda. Hindi lang siya maalalahanin at matulungin, siya ay masiyahin din. Awww… ang hands-on naman ng matandang ito. Naalala ko tuloy ang mga magulang ko sa buwan noong mga nabubuhay pa sila. Paborito ni nanay na bisihan niya ako ng mga magagandang damit na produkto mismo ng kaniyang malikhaing kamay. Hindi sana ako nakahubad kanina if nabubuhay pa si nanay.
“Tara sa loob?” ang aya nito sa akin. Talagang papasukin niya ako sa munti nilang tahanan kahit ngayon pa lang kami nagkakilala? Hindi pa nga niya alam ang tunay na ugali ko ngunit ang bait-bait na agad niya.
“Nasaan po ang apo niyo?” ang tanong ko since nabanggit niya na pag mamay-ari ng apo niya ang bagay na nagtatakip sa katawan ko ngayon.
“Nasa loob, kaya nga kita inaaya para makita mo ‘di buh?”
I her personality! Matanda na pero bagets ang mga talkative splokening words. Eh kung inutog ko kaya siya at itarak ang noo sa kawayang nasa unahan ng bahay nila. Zhariz. Natawa nalang ako sa sinabi niya, gayundin ay hinayaan siyang ipasok ako sa kanilang kubo. Hindi ko na nagawa pang usisain ang itsura ng loob ng bahay dahil bumugad sa akin ang nilalang na nakahilata na tila may mabigat na karamdamang dinadala.
Napahinto ako sa tabi niya at nagsalita, “siya ho ba ang apo niyo?” Naawa ako sa kasalukuyang kondisyon nito. Hindi siya gumagalaw at tila ilan sandali nalang--- ang hininga niya ay tatakasan na siya. Hindi sumagot ang matanda, naramdaman ko ang bigat sa dibdib niya dahil sa pananahimik niya. Sa likod ng matulungin at masaya niyang ugali, may delubyong nakakubli rito na hindi nakikita ninuman.
“Ano pong nangyari sa kaniya?” ang maingat kong tanong. Nagiging emosyonal na si lola, panunuri pa lang ang ginagawa ko sa apo niya. Gusto kong malaman kung bakit siya nagkaganiyan dahil baka makagawa ako ng paraan upang mapagaling siya.
“Nabundol siya ng mabilis na sasakyan, hindi na namin nakilala pa kung sino ang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi ko na rin siya maipagamot dahil wala naman kaming pagkukuhaan ng ipangtustos sa kaniya sa hospital,” ang pagkukuwento ni lola.
Anong klaseng sasakyan ang nakabundol sa kaniya? Hindi naman siguro sasakyang lumilipad dahil wala namang kakayahan na magpalutang sa ere ang taong ito? Tunay na nakaawa ang kondisyon niya dahil sa tingin ko… matagal na siyang nakaratay sa higaan na ito.
“Mabait ang apo ko na niyan. Masunurin, masayahin at masipag kaya sobrang dinudurog ang puso ko sa tuwing nasisilayan ng mga mata ko ang kasalukuyan niyang sitwasyon. Wala. Natanggap ko na, masakit talaga kasi ganiyan naman ang buhay, hindi puro ilagaya, ma-suwerte ka na kung nakaranas ka ng panandaliang saya.”
Hindi naman ako iyakin, ah? Bakit tumatagos sa akin ang lahat ng salitang binibigkas niya? Dama ko ang bigat ng emosyon. Ganito ba ang mga tao? Emosyonal? Ito siguro ang isa sa kahinaan nila na matapos nilang malagpasan ay magbibigay sa kanila ng kakaibang lakas.
“Maaari ko ho ba siyang hawakan?” Pagkuha ko ng permisyon ng matanda. Walang kasiguraduhan kung gagana ang kakayahan kong magpagaling ngunit wala namang masama kung ito ay susubukan ko.
“Anong gagawin mo sa kaniya? Paki-usap, huwag mong sasaktan ang apo ko kahit anong mangyari.” Mahal na mahal niya ang apo niya, ang paraan niya ng pagsasalita at ang emosyon niya ang nagpapahayag nito.
“Gagamutin ko po siya.” Nginitan ko ito at binigyan ng positibong awra upang hindi na siya mangamba sa gagawin ko. Kagalingan lamang ang bitbit ko, at hindi delubyo.
“Albularyo ka ba, ineng?” ang tanong niya.
Pamilyar sa akin ang salitang Albularyo, ito ang manggagamot.
“Albularyey po na apo ng mga Catalonans noong panahon ng pre-colonial Philippines, ninong ko nga po si Lapulapu, e. Saka po si Father Pedro Valderama ang nagbinyag sa akin, at ang panauhing pandangal ko ay si William Howard Taft,” my comprehensive and historical explanation.
“Sige na. Gamutin mo na siya, please be careful, ha?” she gets convinced easily. This is how you influence people.
Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Pumikit at umani ng makapangyarihang orasyon. Susubukan kong punan ang lahat nang enerhiyang nawala sa kaniya. Ramdam ko ang lakas na sinagupa ang katawan niya nang bumunggo ito sa isang sasakyan. Nakakamangha lang dahil buhay pa siya kahit na ganoon ang kaniyang sinapit. Napuruhan siya ng malala sa nangyaring aksidente.
“Dumistansya muna kayo ng kaunti sa akin, please po? Para maging conducive ang space for the healing process,” ang hiling ko sa matanda. Nararapat lang kasi na maluwag at maayos kong maisasagawa ang pagpapagaling sa apo niya.
“Sure, ineng.” Dumistansya siya kaya’t binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
“Ang paghilom ay huwag ipagkait, ibalik sa dati ang munting paslit. Ang paghilom ay huwag ipagkait, ibalik sa dati ang munting paslit. Ang paghilom ay huwag ipagkait, ibalik sa dati ang munting paslit.”
Nang samuhin ko ang mga salitang ito nang tatlong beses, binalot ng transparent na liwanag si akla. Tumagal ito ng ilang minuto hanggang sa mawala ng tuluyan ang linawag. Nakaramdam ako ng pagkapagod dahil sa enerhiyang nawala sa akin. Sana lang ay hindi maging useless ang ginawa ko. I poured almost 30 percent of my power here kaya need ko ng powerful rest after this one.
“May water po kayo riyan?” ang tanong ko kay lola dahil sa pagka-uhaw.
“Oo ineng. Hindi lang water, gusto mo ng kakanin?” ang sagot niya at nag-alok pa ng isang uri ng pagkain. May binuklat siya sa bayong na bitbit niya kanina at may kinuha roong puting pagkain. Inabot niya sa akin ito. “Oh ito at hawakan mo, ikukuha lang kita ng tubig sa kusina. Bantayan mo ang apo ko, no?”
“Sige po, lola.”
Ito ang unang beses na nakarating ako sa mundong ito, ngunit masasabi ko na nakararanas ng kakapusan sa buhay ng mag-lola. Kailangan na ng renovation ang bahay nila. Kung ikukumpara sa amin, isang daang siglo ang bibilangin upang maabot nila ang antas ng sibilisasyon ng aming lahi.
Gula-gulanit na ang tabing na yari lamang sa marurupok na materials, kaya kong ipalamon sa apoy ang bahay na ito kung naramdaman ko lang na may masamang balak sa akin ang matanda. Ngunit wala. May mga larawang nakatapal sa pader, larawang hindi nagalaw. Ibang-iba ang mundong ito sa mundong kinalakihan ko.
Hindi pa nagigising si Akla. I am kinda worried if may power still works here on Earth. Teka lang, eksakto. Naka-jockpot ako! Kailangan kong maghanap ng nilalang na kailangan kong makipag-fusion. If gagana ang powers ko at magigising siya, a great possibility na siya, siya nalang ang taong ito? Hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko sa kanila, mamaya nalang kapag nakabalik na si lola.
Naglakad ako papalapit sa isang bagay na nakakabit sa pader, nagbibigay ito ng repleksyon ng itsura ko. Mukha pa rin akong babae, nanatili pa rin ang itsura ko, ngunit may isang bagay na magpapatunay na ako’y hindi na tunay na babae at ito ang sumpa na binigay nila sa akin--- ang bagay na nasa pagitan ng mga hita ko.
Sandali lang, hindi kaya sa akin nalipat ang bagay na pinahawak sa akin ni, sir? Hindi siguro dahil maliit ang sa akin, at iba ang haba at taba nung sa kaniya? Alam kaya nina Starsa at Spacia na nandito na ako sa Earth? May ways kaya in order for us to have communication kahit we are far from each other? Ang dami kong tanong but what is the most important today, ang ganda ko sa salamin na ito. Petite at ang kinis. Wala kayong duga ire? Nakita ko ang itsura ni akla, maganda siya rin ngunit dahil sa nangyari sa kaniya, medyo naging tuyot ang itsura nito.
“Salamin-salamin, sino ang mas maganda sa amin, ako or siya?” Tinuro ko ang baklang nakahiga. “Alam kong ako ang isasagot mo, ‘di bey? Sa kinis ko pa lang, wala na siyang panlaban!” ang tila hibang kong kausap sa salamin.
“Panloob ba mami or panlabas ang gandang tinutukoy mo?” sagot nito sa akin. Hala, ang saya ko! May kakayahan akong makipag-usap sa mga bagay-bagay or pili lang?
“Both.”
“Sa panloob po, I’ll go for Monie kasi matagal na po namin siyang nakakasama, mabait po si akla kahit medyo may kakirehang taglay. We are having same feelings kay nay Sita, we are sad din po having to see his condition.”
So, Monie ang pangalan ni Akla? At Sita naman si Lola? Nararamdaman ko nga rin na mabuti siyang tao, hindi ako mag-aaksaya ng kapangyarihan kung hindi ito binulong sa akin ng puso ko.
“Sige, magpahinga ka na riyan,” ang wika ko sa salamin.
“Pero bongga ang physical aura, mo! Long-legged mamie. Kisena!” ang mga huling salita nito bago tuluyang magpahinga.
“Who are you? Anong gingawa mo sa mansyon namin? Huwag na huwag mong susubukang gumalaw ng masama dahil hindi ako magdadalawang isip na tanggalan ka ng batok! Ang lakas ng loob mong pumasok rito nang walang paalam. At ang tigas ng hiya mo, no? Talagang ginawa mo pang outfit ang pangtapal ko?”
Nagulat ako sa nilalang na tumalak sa likuran ko.
“Monie? Apo ko?”