Chapter 10: Sita’s Thoughts

1497 Words
 "LOLA, kapag may nangyari sa akin, parati mong tatandaan ito, ha? May kahon po akong gold na may sticker na barbie doon sa ilalim ng durabox kong pink. Kuhain niyo nalang po roon, at may surprise po ako sa iyo that you can amazingly find there if ever na may maganap sa life kong something na unexpected that will bring changes to our life. Kapag nakalimutan mo itong powerful message ko sa iyo, hala ka, sige! Mumultuhin po kita ng bonggang-bongga, ayieee, pero I still love you. -this is you’re not super ganda but fresh na apo- ang pangalan ay Monie ” "Apo?!" Naalimpungatan si Sita sa kaniyang pagtulog nang maalala niya ang parating hinahabilin sa kaniya ng kaniyang apo sa tuwing umaalis ito bago maglako ng kanilang paninda sa kalye. Lumingon siya sa kaniyang kanan kung saan nakapuwesto ang higaan ng kaniyang apo, nakita niya itong nakahiga at ganoon pa rin ang kasulukuyang sitwasyon. ‘Panaginip lang pala,’ ang usal niya sa sarili. Nakita niya ang orasan sa kaniyang harapan at napagtanto niyang alas tres na nang umaga. May kailangang gawin si Sita ngayon, susubukan niyang maglako ng paninda upang nagkaroon sila ng pang-gastos sa araw-araw, at makabili ng mga mahahalagang medisina na kailangan ng kaniyang apo. Hindi man sumasang-ayon ang kaniyang katawan sa ideya niyang ito ngunit kinakailangan niya itong gawin. Ang tawag ng sitwasyon ang kailangang manaig ngayon at wala nang iba pa. Tumayo siya sa kaniyang umuugang papag. Napaaga lang ng isang oras ang gising niya, sa tuwi ay alas kuwatro, mulat na ang mga mata niya, naghahanda na rin para sa panibagong araw. Inayos nito ang sarili niya, kahit anong pilit niyang ituwid ang kaniyang likuran, wala na siyang sapat na kakayahan, babaluktot ito ng kusa. Kinuha niya ang tungkod niya sa gilid ng papag. Hinawakan muna ang kamay ng kaniyang apo bago tumungo sa kusina upang umpisahan ang kaniyang paghahanda ng mga paninda. Lulutuin nalang niya ang kakanin dahil nung isang araw ay nakisuyo siya sa kaniyang kapitbahay na tutungo sa bayan na ipamalengke siya ng mga sangkap na kinakailangan niya. Noong dati, si Monie ang gumagawa ng halos lahat, ngunit ngayon ay hindi na maaari pa. Ang pagtitinda nalang ang tanging alam niyang paraan upang mabuhay sa araw-araw. Ipagdarasal nalang niya na sana maubos at maraming bumili sa kaniyang paninda para makapagpahinga siya ng maaga. “Kung may isang bagay man na hindi mananakaw ang mundo sa iyo Sita, ito ay ang magic mo pagdating sa pagluluto ng masasarap na kakanin. Dadamayan ko ng pagmamahal ang pagluluto ko upang mas lalo itong sumarap. Sa unang kagat pa lang, sigurado akong malalasap na nila ang tunay na linamnam!" Hindi pa tuluyang tinatakasan ng pag-asa si Sita, gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya gumaling lang ang kaniyang apo, kagaya ng ipinangako niya rito. Marahil, nature na nating mga tao na maging matatag, at maging palaban sa oras na dumating ang matinding pagsubok sa ating buhay. Those who have the power to bounce back always win in life. Sa buhay, bounce lang nang bounce ang kailangan, talunan lang ang problema. Drama now, talon later, ganern. "Kung hindi lang sana nawala ang kakayahan ko, ang kapangyarihan ko, hinding-hindi daranasin ng apo ko ang sitwasyon na mayroon siya ngayon," may pagsisisi nitong wika. "Hindi rin naman siya isisilang sa mundo kung hindi ako napadpad dito, hindi mabubuo ang kaniyang ina. Wala ang napaka-cute at ganda kong apo. Gusto-gusto niya na tinatawag siyang maganda dahil nga simula pa lang, babae na raw siya, babae at hindi lalaki. Hay, ang apo kong magiliw at mapagmahal!” Mababakas ang maliit na porsiyento ng pagsisisi sa kaniyang dibdib, ngunit tanggap niya at masaya siya sa kapalaran na kaniyang sinapit. Hindi man umayon ang mga bituin sa kalangitan, pinili naman ito ng puso niya, ito ang bagay na hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya. Clingy kasing type ng apo si Monie, he always kisses and hugs his lola. Isang apo lang siya pero daig niya pa ang sampu sa pagmamahal at kakulitan nito. "Ipinangako ko sa apo na ako ang aalagaan ko siya, at ibibigay ang lahat ng pagmamahal na hindi niya nakuha sa kaniyang ina dahil sa maaga nitong nilisan ang mundo, ngunit iba ang nangyari, siya pa ang nag-aruga sa akin. Mahina na kasi. Hindi tuloy siya nakakuha ng magandang edukasyon, hindi siya nakapag-tapos ng pag-aaral, kaya sa panahong ito, ako naman, ako naman ang gagawa ng paraan, pipilitin ko… at kakayanin ko." Habang naghahanda si Sita, patuloy ang pagragasa ng mga salita sa kaniyang isipan, pilit niyang pinapalakas ang kaniyang loob dahil walang ibang gagawa nito para sa sarili niya. Mapapansin ang panginginig ng kaniyang kamay, kulubot na rin ang mga balat nito, nagpapakita lamang na mahina na at hindi na niya kakayanin pa kung mapapagod ang kaniyang katawan. Mabuti nga, at hindi maulan noong nakaraan, kung hindi ay mahihirapan pa siyang kuhain sa kanilang taasan ang mga ipanghahasod sa tulo ng ulan sa kanilang bubong na tanging gawa lamang sa pawid. Kinuha niya ang kawali at hinugasan niya gamit ang sabon sa lababong gawa sa punong kawayan, kulay kayumanggi at tila bibigay na. Mabuti nalang at marami pa silang tabing kahoy na panggatong, noong nakaraan, bago maganap ang aksidente ni Monie ay may natumbang puno sa bakuran nila dahil sa lakas ng bagyo. Mahina na rin ang puno kaya't hindi nakayanan ang bagsik na dulot ng malakas na hangin. Kinahoy nila ito ng kaniyang apo dahil hindi nila kaya na bumili ng gasul, kaya't nagtatiyaga lang sila sa pagluluto gamit ang kahoy. Ito na ang kinalakihan ni Monie, sanay na rin siya sa gawaing ito at kahit kailan, hindi niya nagawang magreklamo sa buhay na kinagisnan niya. Kumuha ng gaas si Sita, binuhos ito sa kahoy. Sa tulong ng pospuro, pinagliyab niya ito. Habang hinihintay niyang maluto ang kaniyang paninda, bumalik siya sa kaniyang kuwarto upang kumustahin ang apo. Umaasa siya na may biglang himala na magaganap, kung saan, magugulat nalang siya isang sandali, balik sa normal na muli si Monie. "Apo, ilang araw ka nang gan'yan? Wala ka bang balak gumising? Ilan linggo nang nag-aalala sa iyo si Lola. Alam mo namang nasasaktan din ako na nakikita kang ganiyan," pilit na kinakausap ni Sita ang kaniyang apo na hanggang ngayon wala pa ring kamalayan sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan. "Kapag nagising ka na r'yan, ipaghahanda kita ng paborito mong pagkain. Iyong abodong may tatlong siling pula. Ewan ko ba, parati mong hiling na dapat, tatlong piraso ang sili ang nakalagay sa abodo. Hay, naalala ko tuloy ang iyong ina, hilig niya rin ang mga ulam na niluto sa toyo. Ang lakas-lakas ng hatid ng paglalambing mo sa akin. Kahit marami na akong nararamdaman sa katawan, kapag nakita ko ang ngiti at naramdaman ko ang yakap mo, tila wala akong sakit. Nalulumbay na ako sa yakap mo, apo." “Patawarin mo ako apo kung walang pampagamot sa iyo si lola sa Hospital. Hayaan mo, hihintayin natin ang himala ng Diyos, hindi siya mapapagod na dinggin ang mga panalangin natin. Darating ang mga sagot sa dasal natin sa tamang panahon. Halika’t magdasal tayo?” Pumikit si Sita at pinatong niya sa kaniyang noo ang kaniyang kamay na magkadikit. “Panginoon, nandito na naman po ako si Sita, ang dating hindi na niniwala sa kakayahan Mo, ngunit ngayon ay alagad na ako ng himala at pagpapalang kaya Niyong ibigay sa aming lahat. Alam ko na marami rin akong pagkakasala, sa isip, sa salita man o sa gawa, pero Panginoon, sa puntong ito ay lakas loob po ulit akong humihingi ng tulong sa iyo. Pagalingin Niyo po ang apo ko. Huwag na huwag Niyo pa pong kuhain siya sa akin dahil hindi ko pa ho kakayanin.” Pinarihin ni Sita ang ilang butil ng maninipas ng hula sa kaniyang mga mata gamit ang magaspang niyang palad, hindi ito dulot ng kalungkutan kung hindi ng labis na pagpapala at pagpapasalamat. Sa oras na hipuin ng Diyos ang puso mo, mapapaiyak ka nalang ng hindi mo namamalayan. Muli siyang bumalik sa kusina, nakita niyang luto na ang kakanin. Tumagal ng halos isang oras ang kaniyang paghahanda bago tuluyang maisa-ayos ang mga paninda. Nilagay niya ito sa basket. Ang bilao ay malaking sagabal sa kaniya kaya hindi na niya ito naisipang gamitin pa. "Oh, iiwan ka muna ng lola Sita mo rito at ako’y magbabanat pa ng marupok na buto. Basta, magpalakas ka. Never let negative thoughts ruin your energy," ang wika ni Sita. Akala niyo, hindi siya marunong mag-English, no? Akala niyo lang! Pero ang totoo, marunong talaga. Sinabi niya na nga 'di ba? Hindi pa rin kayo believe? Hayst. Pero ito lang ang concern ko, may thoughts pa ba ang unconscious na tao? Negative thoughts pa nga ang sinabi ng matanda. Iba rin talaga ang power ng isang Sita! Hindi naman siguro mapapano si Monie dahil wala naman siyang malay? Goods pa nga kung pagbalik ni Sita sa kubo ay may malay na ang kaniyang apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD