Monie
ITO na naman tayo, dating gawi, I have been noticing that myself is pinagtatrayduran na rin ako, sometimes. Ito ang unang beses, oo sawa na kayong marinig sa akin ang salitang unang beses pero, sino ba naman kasi kayo para husgahan ako, hindi ba? Tao lang din ako, tao lang din kayo, therefore--- it’s a tie. Walang lamangan dahil dito sa buhay sa mundo, walang dapat maiwan at nararapat lang na sabay-sabay ang pag-angat ng lahat.
The first visual that captures my eyes is si Monalya. As far as what my memory perceives, ganito rin iyong time na ginising niya ako having been unconscious for weeks. Ngayon, I tried my best to remember the reason why I fell asleep hence, even a tiny piece is hard to remember. Tumayo nalang ako, I shake myself as femininely as I can, to be specific, my head so that the energy of reality will enter into my being.
Ayaw ko nang itanong pa kay Monalya kung anong nangyari. Wala naman sigurong mag-tatangkang hipuan ako habang wala akong malay dahil first and foremost, kami lang naman maharil ang tao dito.
Ngayon ay nakalabas na ang kaniyang sandata that shaped like an eye-liner, kasalukuyan itong hawak-hawak ng aking mga kamay. Sinusuri kung ano ang kakaibang kontribusyong maibibigay nito sa akin; sa aking kapwa, at mundo as a whole, ngayon, bukas at magpakailanman. Ang lalim naman ang wordings ko.
Makulay ang hawakan nito; bahaghari, to be specific—rainbow, nakakikilig dahil it has resemblance sa komunidad kung saan ako nabibilang--- the LGBTQIA plus community. If you’ll ask me what rainbow colors represent us, my answer will be just very simple and can be easily grasped, we impart magical colors that bring happiness to everyone. May mga tao pa rin na hindi kami tanggap sa kung sino kami, hurtful words and physical abuse are still present sa mga kagaya namin yet nothing will ever happen kung ang mga mata namin ay sa kanila lang nakatingin, there are beautiful and positive sceneries when you broaden your horizons, them—should not be the limit.
Imbis na kulay brown ang nasa top nito, iyong mismong pan-drawing, it is a crystal white, you are welcome to make it as a mirror when you want to assess what’s happening in your physical psyche. It gives you reflection so you can better know the things to be changed and improved on yourself. Confidence is a great power that can have in your life- means you have peace of mind that you are capable of doing great things like other people. Minsan, kapag nawawalan ka na ng hope, tumingin ka lang dito, and thus you will be reminded of how beautiful you are, you have survived battles that come in your life, and beautiful tomorrows are still ahead of your path.
“Paano tayo makakapag-unite gamit ang isang ito, mhie? Explain mo na ito sa akin as briefly and comprehensively as you can- that one which does not include any interruption or what so ever,” ang wika ko kay Monalya.
“Ganito ‘yan ma, kailangan muna natin mag-isip ng ating superhero name. ‘Wag ka nang mag-suggest dahil ako na ang bahala, it should be a combination of our name.”
“Ah, ikaw lang ang may say sa kung ano ang dapat maganap? Hmmm… I’ll think of beautiful combination.” Hinarang ko ang palad ko sa mouth niya para mag-hinder ito upang hindi siya makapagsalita.
I am Monie, and she is Monalya.
“What if… we get prefixes in our name, Mo…” Hindi pa man ako natatapos sa kung ano ang sasabihin ko, isang malakas na galapak na agad ang nakamtan ng ulo ko.
“Siraulo ka talaga, Monie! Try the next suggestion,” naririnding wika nito. Alam niya kaya kung ano ang Momo? Sa place namin, ito ang panakot sa aming mga bata dati. Umuwi raw kami ng maaga dahil kung hindi ay may makakasalubong kaming momo sa daan, kukuhain kami at gagawing duwende. Kaya habang lumalaki ako, lubha ang takot na mayroon ako para sa momo na iyan, lately lang sa akin nag-sink in ang katotohanan na hindi pala ito totoo, gawa-gawa lang ng mga matatanda at nagpasalin-salin na from generations to generations. As a result, ayaw kong makakita ng momo, pero ngayon, may gusto akong makita, Ka-Momol.
Wait, naisip ko lang, your ka-Momol can also be ghost, after makuha iyong mga bagay na gusto niya sa iyo, after specific time, that person will be gone. Hindi kaya it has connotation ngayon having in the present moment? Momo in my childhood life seems not existing hence the momo in the present era does really exist- when it enters into your life, you’ll feel mixed emotions dominated by happiness, yet when it leaves you… sorrow will eat you up, there are people who fell into a depressing state. I therefore conclude, mas nakakatakot pala ang momo ngayon kaysa noon.
“NIEYA bet mo?” Monalya suggested. Naririnig ko ang NIEYA na ‘yan sa TV ha. Wow, hands-off na ako, may TV pala kayo sis? Kailan pa?
“Sis, malaki iyong noo natin both dahil matatalino tayo pero wag na tayong makipag-compete sa NAIA-” ang sagot ko.
Ang chaka kasi ng name, NIEYA? Nieyaya ko ang anak ni Belen na si Ben para makipagkangkangan until Sunday happens. Ems.
“Ano naman ang NAIA?” Inosente nga pala siya kaya ang ending nito, kailangan ko na naman mag-explain.
You spark problems in your own life, Monie! Grow up!
“NAIA means Ninoy Aquino International Airport. Sis, ‘di ba galing ka sa moon? Ngayon dito sa Earth, hindi lang basta earth in general ang tawag sa mga lugar na pupuntahan mo. There are countries name, and specific name of places--- may tinatawag tayong geographical locations. Ngayon, you are here in the Philippines, and in-order for you to go other country, kailangan mong pumunta sa mga ganito, airport ang tawag dito, mama. And Ninoy Aquino International Airport is the biggest airport in the Philippines. Hindi rin ako sure, mama. Search natin mamaya para maging legit ang source,” ang mahaba kong paliwanag.
“Sus, hindi ko kailangan ‘yan. I can go to other country in just a blink of an eye,” ang sagot ni Monalya.
“Ikaw na ba ang sagot para makapag-travel ako around the world?” ang tanong ko sa kaniya habang kumikinang-kinang ang aking mga mata.
“Lalaki ka ba sis? Magpatubo ka muna ng abs, gawin mo ring manly ‘yang voice mo katulad ni Alfred.” Napatakip siya ng bibig niya nang mapagtanto ang pangalang binanggit niya.
“Ganda ‘yarn?” Nasampal ko siya dahil kinikilig akong tignan ang mga mata niya. Ganiyan pala ma-inlove ang isang Alien, no? Almost ilang araw lang? Hindi niya mababanggit ang name ni Alfred kung hindi pa siya napa-fall sa lalaki.
Nagulat ako ng tapikin niya ang noo ko. Napapakit ako, at wala na naman akong maalala sa nangyayari kung hindi tanging nag-iisip kami ng name para sa super hero thing naming dalawa. Nakakalimutan ko ang ibang bagay kapag tinatapik ni Monalya ang noo ko. Hindi kaya may nangyari kanina kung bakit ako nakahiga sa damuhan? Binura niya ang ala-ala ko kaya kahit maliit na detalye ay wala akong matandaan? Kinapa ko ang wetsang ko ng nanginginig. Shuta! Baka hindi na akek virgin? Hindi naman ito kumikirot kaya sa tingin ko, wala namang pumasok na troso sa loob nito.
Magpapanggap nalang ako na hindi ko alam ang ginagawa niya. Humihinga pa naman ako, I’m still at safe condition.
“Naka-isip na ako!” ang nakangiting wika nito.
“Go spill!” Sana lang ay maganda ang naisip niya dahil ang mga suggestions ko sa kaniya ay wa-epek at tila napahiya pa ang lola niyo.
“NIENA: Monie and Monalya?”
May bubbles na biglang pumasok sa sisidlan ko ng buhay, kinikilig ako sa name na sinabi niya--- NIENA? Ang soft at ang feminine!
“Gage! I love it!” ang sagot ko with clapping of hands. Kinuha niya ang ‘Nie’ sa akin at ang ‘Na’ sa kaniya. “Panalo!”
“Ilalavarn na natin iyan?” paninigurado nitong tanong. Much better kung ikukumpara sa mga names na binanggit ko kanina.
“N- for nationhood, A-able, E- enthusiastic, N-naturalistic, A- aesthetic! Pak!” ang sigaw ko. Binigyan ko na ng word each letter sa NIENA which indicates nationhood, we will try to bring peace in the world, we are able to put beliefs in our capabilities with enthusiasm. By being naturalistic, our aesthetic powers will be manifested.
“The next part, kinakailangan mo na drawingan ako ng kilay gamit iyan, after mo, ganoon din ang gagawin ko sa iyo. Kailangan ay symmetrical sa kung ano ang pagkakagawa ko sa iyo. Gets mo? Tapos after that, kailangan nating ipagkiskisan ang puwet natin for 5 times then bigla tayong haharap ng sabay saka natin bibigkasin ang salitang NIENA. Kuha mo ba?” ang paliwanag niya.
“Seryoso ba na ayan talaga ang tamang paraan?” Hindi ba parang naglalaro lang kami? Ano ito childhood play? Bakit ganito iyong ways? Sounds funny yet I am hopeful that it’s effective.
“Bilisan mo na!” Kulang nalang ay sakalin niya ako sa pagmamadali. It’s good because she has good hygiene. If ever, agnas na ang balat ko forda laway of this ferson. Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang gusto niya.
“Ang magkamali ay pipingutin ko, ha!?”
“Opo, master!”