Niena
ANG mga mata ko ay hindi pumapayag na imulat nito ang kaniyang talukap. Nararamdaman ng katawan ko na may malaking pagbabagong naganap sa pisikal na wangis ko.
“Buksan mo na ang mata mo, Monie.” Napabaling ako sa gilid ko dahil may bumulong sa akin kaya’t nabuksan ko rin ang mga mata ko ngunit wala namang ibang naririto bukod sa sarili ko. Nasaan si Monalya? Nilibot ko ang tingin ko sa bawat espasyo ng kinalalagyan namin ngunit… mga lamang kagubatan ang akin tanging nabungaran.
Nagawang masanggi ng mga mata ko ang suot kong pampaa kaya’t nagbigay ito ng pagkakataon upang masuri ko ang pagbabagong ganap sa aking pisikal na wangis. Nakasuot ako ng boots na kulay itim--- malinis, makintab at maaari ka nang manalamin, hanggang tuhod. Hindi lang ito basta ordinaryong itim dahil binabalutan siya ng glitters na may kulay na bahaghari kagaya ng sandata ni Monalya. Sa bawat lining nito, mayroong katamtamang sukat ng crystal na kumikislap na animo’y isang bituin sa kalangitan.
“Saan ka ba nakatingin?” May bumulong na naman… alam kong boses ito ni Monalya kaya’t sa pagkakataong ito, napagtanto ko na ang boses ay hindi nanggagaling sa labas ng aking katauhan, kung hindi nagmumula ito sa loob.
“Nand’yan ka na ba sa loob ko?” ang paglilinaw ko sa aking pag-aakala.
“Oo ma, ikaw ang may navigation this time kaya’t ikaw ay may kakayahan na kumontrol ng pinagsama nating katawan. Ang mga isipan natin ang nagsisilbing tulay ng ating komunikasyon, nararapat lang na huwag mo nang ibuka pa ang bibig mo dahil mukha kang OA- overacting pakpak. You can speak using your mind,” ang saad ni Monalya sa isipan ko.
Napansin ko ang suot kong short, sobrang ikli nito, umangat ang kulay ko sa asul- ocean blue to be specific, it gives emphasize on my long and white legs. Kinikilig ako sa color nito dahil ito ang favorite color ko. This is the color that really captures my heart kahit maraming color ang available sa mundo. May dumagdag na timbang sa ulo ko kaya’t naniniwala ako na humaba ang buhok ko. Hinawakan ko ito at tama nga ang hinala ko, ang haba nito ay umaabot hanggang sa puwetan ko. Tuwid na tuwid ang pagkakatubo, at ito ay may kulay na ash grey. Tila ang kulay ay hinango sa kulay na nakikita natin sa buwan.
Ang pantaas ko ay galing sa kasuotan ng mga sinaunang Pilipina noong panahon ng mananakop na Kastila. Naalala ko ang aralin namin tungkol sa buhay ni Maria Clara, may hawig ang parati niyang suot sa outfit namin ngayon ni Monalya ngunit ito ay more on modern and liberal version ng isang camisa.
It’s a colorless blouse can be associated as having the color of foundations painted on the face to make the skin fairer. Mahaba ang sleeves nito, nakabuka na mukhang isang pakpak ng mga angel sa kalangitan. Hanggang pusod lamang ito, at tawag sa ganitong kasuotan sa panahon ngayon ay crop-top attires. Kung pagbabasehan, ang traditional na version ng kay Maria Clara, sa kaniya ay nagre-represent ng modest, elegant, and feminine traits. Samantalang ang suot ko ngayon, sumisigaw ng boldest, and pagiging dominant. We gays possess the qualities na mayroon ang babae at lalaki kaya’t dapat lang na mas ariba ang sa amin.
Hindi ko tuloy makita ang itsura ng mukha ko, wala namang salamin dito.
“You have no words to say, ma? Satisfied ka na sa naging combination natin? Hindi ka na makakapagreklamo dahil ito na ang permanent look natin,” ang wika na naman ni Monalya.
Did she say permanent? Ibig sabihin, tuwing magta-transform kami, ganito ang magiging itsura ko? At sinabi niya, ako magrereklamo? Paano naman ako makakapagreklamo? Ang ganda-ganda na ng outfit kow! Sino ba naman ako para magreklamo pa, hindi ba? Not sure pa lang ako sa itsura ng face ko, overthinking is not necessary lalo na’t maganda naman ang itsura namin ni Monalya. Walang pangit sa amin therefore, the combination is magiging super ganda, or katamtamang ganda lang pero hindi chaka.
“Can you create mirror so that I can assess our face? See ko lang kung kaninong genes ang nag-dominate sa transformation na ‘to. If more on hawig mo ang peslak natin ngayon, means sa iyo but if sa akin, then my genes dominated our looks,” ang hiling ko kay Monalya.
“Didn’t I just say that you are in the control sa katawan natin kaya’t ikaw ay may kakayahan na gumawa ng mahika, mama,” ang paliwanag niya.
Nawala na sa isip ko na oo nga pala at sinabi niya ito. Ang wangis ko kasi ang inaaalala ko. Mamaya, our appearance is not presentable, hindi ko mapapatawad ang sarili ko na pumayag ako sa kagustuhan ni Monalya. I can’t imagine myself carrying this full image until Monalya finished her mission here on our Planet.
“Sa atin nalang kaya ako magsalamin?” ang tanong ko sa kaniya. If I were be given a chance na irampa ito sa kahabaan ng daan, hindi na ako mag-hesitate na gawin ito ang kaso, dito pa naman ito ang exciting part therefore, I have to wait that until that time arrives. Ang paghihintay ay kinakailangan--- ito ang dapat gawin sa mga bagay na wala sa ating kontrolasyon.
“Gaga! Walang maaaring makaalam nito kung hindi tayong dalawa lang. Confidentiality is the key, no, and no one should break it.”
Sino ba namang siraulo ang mag-break ng confidentiality kung kabilang siya dito? Eh, kasama rin naman ako sa transformation na ‘to, damay-damay na ba mame?
“Ngayon ay sapat na siguro ang paghihintay na nilaan ko upang ibulgar mo sa akin ang powers natin?” ang bigkas ko.
Ito ang pinaka-engrandeng part na hinihintay ko. Sisigurahin kong wala nang interruption na magaganap.
“May kakayahan tayong lumipad ng mas mabilis ng limang beses sa isang falcon na hari ng himpapawid. Isa rin sa ating lakas, ang abilidad na maglaho sa loob ng isang minuto sa lugar na kayang makita ng ating isipan. Kaya rin nating kontrolin ng may limitasyon ang apat na elemento sa mundo; ang lupa, ang tubig, ang hangin at ang apoy,” ang paliwang niya.
“Ahm… ayon lang?” tanong ko na tila unsatisfied for what Monalya stated. Ang hina, hindi nito na-meet ang aking expectation. Eme. Hindi ko masabi kung sapat na ito dahil hindi ko alam kung ano ang kakayahan ng mga magiging kalaban namin.
“Hindi pa ba sapat ‘yarn powers natin? Hindi ka pa talaga kuntento? I spent all my life developing these four elements tapos gan’yan lang ang magiging ekspresyon mo? Wow, ah! Ikaw nalang ang maging superhero dahil pagod na ako--- pagod na ako sa iyo, at pagod na akong intindihin ka!” ang mahaba nitong wari.
Anong kadramahan ito Monalya? Sleep well dahil ako na ang bahala. Gumising ka nalang kapag babalik ka na sa moon. Sandali lang, kanina pa ako nakatayo, nakakangalay rin kaya. Sumalampak ako sa kinatatayuan ko. Comfortable namang umupo, walang itchy thing, and harmful elements that can turn my skin into reddish. The grasses here are giving me the vibes of Bermuda- relaxing and so be it. Binaba ko ang sandata namin na pangkilay sa gilid ko.
“We’re going home na, bakit ka pa umupo? Kailangan na nating umuwi at baka magising si lola Sita, hahanapin tayo no’n. Saka isa pa, hindi ba’t kinakailangan mo pang magtinda bukas? Ano? Naging babae ka lang, tinamad ka na? Marami ka nang savings, huh? Bawal ang tatamad-tamad dito, huy!”
“Pahinga mode ako ngayon. Hindi ako tumatanggap ng pang-aabala na galing sa kahit sinuman. Mauubusan ka ulit ng laway, hindi ako makikinig. Saka sabi mo, bawal may makakita ng itsura natin ngayon, mas maganda kung babalik muna tayo sa pagiging normal natin?”
“Ikaw na mag-isip kung paano, tutal naman namamahiga ka lang d’yan.”
Kung kaya ko lang siyang saktan ngayon, hindi ako magdadalawang isip na gawin ‘to ngunit hindi e. Masasaktan ko lang din ang sarili ko kung gagawin ko ang bagay na ‘to.
“Ano nga sis!? Gimme the ways! Gusto ko na rin humiga sa malambot na foam ng kama ko,” ang pamimilit ko naman.
Baka nakakalimutan niya na siya ang nagdala sa akin sa sitwasyon na ‘to, nararapat lang na siya ang mag-guide sa akin throughout the process, anong process? Syempre, it is on becoming the real woman I am meant to be.
“Kahit kailan Monie, marumi iyang isipan mo. Remember, iisa nalang tayo, be careful sa mga thoughts na naglalaro riyan dahil nalalaman ko rin ito.”
Si akla, antok na siya. Sa isip nga kami nag-uusap! Nag-iisip ba siya o wala siyang isip?
“Sabihin mo na kung paano nang hindi tayo mag--- ”
“Gawin mong baton si Oplo tapos mag-act ka na isang majorette, mapupuno tayo ng rainbow lights at doon ay babalik na tayo sa normal nating katauhan.”
“Sino na namang Oplo ‘yan?” ang tanong ko.
“Iyong armas natin mima, Oplo ang pangalan niya.”
Ang historical ng pangalan na Oplo. Maganda siguro kung gagawin naming Apollo?
“‘Wag mo nang palitan ang name ni Apollo, Akla. Matagal ko na siyang kasama at kung papipiliin ako kung ikaw o siya, siya ang pipiliin ko. Go, gawin mo na ang nararapat gawin nang makauwi na tayo,” ang wika niya.
Hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya. Mas matagal ang pinagsaman nilang dalawa ni Oplo kaya mas matimbang ito kaysa sa akin. Samantalang ako, ito at tamang pa-cute lang sa buhay niya. Masaya naman ako na friend lang ang turing niya sa akin, at hindi na ako maghahangad pa ng malaki. Zharis.
Ginawa ko na ang ninanais niya. May 2 years din akong experience sa paglalaro ng baton dahil kasali ako sa dancers nung elem days: grade 5 and 6. Never akong napabilang sa players ng basketball dahil no’n palang feminine na ‘ko.
Binonggahan ko ang paglalaro sa baton. Ang pagpapaikot dito hanggang sa dumating ang liwanag na sinasabi ni Monalya--- nilamon kami nito ng buo.