Chapter 29: Second Encounter

1111 Words
Monie  UMAGA na naman. Ano bang mayroon sa umaga? Natural, panibagong serye na naman ng kuwento ang madaragdag sa ating mga buhay. Kailangan ng pag-ngiti, at paglaban. Maging hopeful ka, girl. Kukuha ako ng tiyani at bubunutin ang mga negatrons diyan sa isipan mo kapag hindi ka natigil sa pagiging negative thinker. “Ang ganda mo talaga, Monie. Hanggang ngayon, takang-taka ako kung bakit hindi ikaw ang pinili nila biglang miss universe ng dekada sisenta. Masyadong mataas ang standard nila that time kaya hindi ka pinalad na mapili. Ang pinakamagandang payong maibibigay ko sa iyo ay subukan mo nalang ulit sa susunod, I believe ‘cause you believe na marami pa namang susunod.” Pagbubuhat lang ng bangko for today’s video, wala namang ibang nagsalita niyan kung hindi ako lang. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang namamangha sa kagandang tinataglay ko. Isang binibini ngayon ang ginagawan ng pagsusuri ang pinakamagandang sculpture na kaniyang natagpuan sa balat ng lupa. “Monie, nakabihis ka na ba? Inaaya ka na ni Monalya. Tatanghaliin na raw kayo sa pagtitinda.” Narinig kong pagtawag sa akin ni lola Sita. Tila sinampal ako ng matamis na katotohanan, hindi nga pala ako sa beauty pageant sasali, ang role ko is magtinda, not a contestant but a seller. “Oh siya, later nalang ulit ang chikahan natin. Bibitinin ko muna kayo sa pag-gaze sa aking womanity vitavility!” I gave them the sweetest flying kiss, this serves as my sweetest goodbye for them to feel that they are not really alone even though we are surrounded by spaces. Arte. “Sunod na po ako lola,” ang sabi ko. Kinuha ko ang wallet bag sa itaas ng kama ko na may bed sheet na full of dots. Binili kasi iyon ni lola nung magpapasko at magbabagong taon, suwerte raw kasi kapag mayroon no’n. Sa tingin ko, ayan na iyong huli na bumili ako ng bed sheet, wala nang sumunod dahil wala naman ng pera. Kung susuriin, iyong kama ko 3 cm nalang ata iyong taba ng foam, numipis na siya, hindi rin naman kasi ito iyong original na klase. Nasabi lang na kama pero hindi talaga ito nagbibigay ng comfortable feeling kapag natutulog ka. Sa makatuwid, matigas pa siya sa notchis ng mga jowa niyong walang ibang ginawa kung hindi ang mangako, wala namang tinupad ni isa, kay gagaling! Lumabas na ako ng kuwarto dahil enough na ang talk ko ngayon. Si Lola agad ang bumungad sa akin. “Good morning again, Lola! Sana masaya ka po ngayong araw. Mwa-mwa.” I gave her forehead kisses, saka ko siya niyakap at inamoy ang kaniyang leeg. Nakaamoy ako ng pagkaasim doon pero hindi ko na siya pinansin. Namana ko sa kaniya ang pagiging maramdamin, saka marupok. Charis! “Lola, alis na po kami ni Monie para maagang makaubos.” Lumabas galing sa kusina si Monalya. Bitbit na niya roon ang aming mga paninda. Alerted si gurl this morning! Anong nangyari sa kaniya bukod sa nag-transform lang naman kami? “Mag-iingat kayo mga apo ko dahil mahal na mahal kayo ni Lola! Parati niyong ipagmalaki na masarap ang ating mga paninda.” “No worries.” Kinindatan ko siya at binigay ang aking labis na pag-asa. “Two days na Monie,” ang wika nito sa akin habang kami ay naglalakad papuntang labasan. “Oo nga ih,” ang sagot ko. Dalawang araw na ang lumipas simula noong mag-transform kami ni Monalya. Simula no’n, tahimik na ulit ang takbo ng paligid. Sana nga, tuloy-tuloy na ‘to. “Magpapahinga ba muna ang mga kalaban bago ulit sila sumugod?” Gusto kong malaman kung anong taktika ang ginawa ng mga kalaban sa pag-atake nila. “Yup, ganito rin ang ginagawa nila sa Kalawakan. Maghahasik ng lagim maraan, magpapahinga ng mga ilan araw.” Pala isipan kung maituturing ang sagot sa akin ni Monalya. Ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon ang ginagawa nilang estratehiya sa pakikipaglaban? Hindi kaya nagpapalakas pa sila? O baka naman nilamon lang sila ng katamaran? Kung anuman ang kanilang dahilan, inaasam-asam ko ito na malaman. Bilisan namin ang paglalakad ni Monalya. Sa pagpunta palang sa labasan, mauubos na agad ang iyong enerhiya dahil sa layo ng kailangan mong lakaran. Kung dati, nag-iisa lang ako pero hindi ako nalulungkot dahil I can make interventions on how to make myself- happy ngayon masasabi ko na mas double ang saya dahil super kalog din naman talaga nitong si Monalya. “Hoy, ate good morning! Bumili ka na ng pang-almusal ng mga dragon mong anak!” ang alok ni Monalya kay ate na umagang-umaga ay nakapekpek short. I am not against sa woman wearing pekpek short in the morning pero I am wondering lang, hindi kaya lamigin ang kepyas niya sa ginagawa niya? Zharis. Lumingon ito sa amin na tila pinagsukluban ng langit at lupa. Kinilabutan ako sa ekspreyon ng mukha ni ate, parang lalamunin niya kami ng buo. “Kayong mga bakla! ‘Wag niyong sinisira ang umaga ko hindi maganda ang gising ko, huwag na kayong dumagdag pa!” ang sigaw nito sa amin. Napatingin si Monalya sa akin. Alam kong nakaramdam siya ng hiya sa naging tugon ni ate sa kaniya. Ang gusto lang niya ay magbigay ng kulay at kasiyahan ngayong umaga. Ayan ang isa sa mga misyon naming dalawa, nakakalungkot, lagi akong na-miss interpret. Huhu! “May mabigat na problema siguro si ate. ‘Wag mo na iyong damdamin, marami pa tayong makakasalamuha sa mga susunod na sessions ng pagtitinda natin, or baka mamaya lang mayroon naman.” Tanging pagngiti ang inabot niya sa akin at pinagpatuloy namin ang paglalako. Marami kaming nakasalubong na bumili sa amin. Wala kaming hinahabol ngayong araw, hindi na nararapat pa na gamitin ni Monalya ang kaniyang kapangyarihan ng pag-iimpluwensiya. “Feeling ko, maaga tayong makaka-ubos ngayon. Ano sa tingin mo?” ang tanong nito sa akin. “Same feeling!” Buti nalang, hindi naging makatotohanan ang kasabihan na kapag daw may isang customer na sumira ng umaga mo, sira na rin daw ang buong maghapon ng pagtitinda mo. “Monie!” Mabilis ang mga sumunod na pangyayari, nagulat ako ng hitakin ni Monalya ang likuran ko. Tumalsik ako sa damuhan. Doon ko nalang napagtanto na muntikan na pala akong mabangga ng isang itim at magarang sasakyan. Bumisina ito ng malakas bago niya ibinaba ang salamin ng kaniyang kotse. Galit ba sa amin ang driver? Ako ang may kasalanan! Ayos lang sa akin na bundulin niya ako ng paulit-ulit. Ako pa ang luluhod at hihingi ng tawad sa kaniya. “Ang pute!” “Ang guwapo!” “Monalya!?” Bumuwal si Monalya sa kalsada at nahulog ang aming mga paninda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD