Fred
‘DUDE, if you have free time, we can have a good time, again. Last time you didn’t enjoy the get to together. Hoping sa susunod, wala nang interruption, to make the good time last for a long time.’
I saw again the name of Kyller popped up on my notification. I read his message and guest what, nag-aaya na naman ang loko. I can’t reply because I am driving. I simply tapped the video call button. Kapag hindi sumagot ang loko, hindi siya makakakuha ng response mula sa akin.
“Dude? Miss na kita, gago!” Katatapos lang siguro maligo ng loko dahil nakahubad siya at nakatapis ng tuwalya ang pang-ibaba. Napansin ko ang paglaki ng katawan niya. Addict kasi ito sa pagpunta sa gym. Ang hulma ng katawan niya ay sakto lang para maging thirst trap sa mga gays, and girls. May pagkakataon nga na pati straight na lalaki, nagkakagusto na rin sa kapwa straight.
The world becomes so different now. Ako, hindi ko nalang alam kung anong ibibigay sa akin ng mundo, kung limang babae or isang binabae. Erase that thought Fred! You’re straight. You must be longing for a real woman.
“Apologies bro, hindi ako makakasama sa mga good time na ‘yan. You know what’s happening in the world right now. An army like me must serve the country,” ang dahilan ko kay Kyller na tila isang matino at masunuring mamamayan ng bansang Pilipinas.
I am heading way to my home; I need the signatures of both mom and dad agreeing on me to enter in pre-service as reserved military army para sa bayan. This is just my agenda for today, kukuha lang din ako ng ibang gamit needed and babalik na sa camp.
“Are you really the Frederick I have known in my whole my life? The son of mayor na player and fucker! Look at you now. Will the world come to an end at aga mo namang nagbago?” ang sagot nito at saka tumawa.
“Gago, ano nga palang ginagawa mo ngayon? Why don’t you try to enter into a military service nang makapakinabangan naman ang mga muscles mo ng bayan!” ang salita kong may kasamang panghihikayat sa kaniya.
Maangas itong si Kyller kaya sigurado ako na kagaya ko ay mamaniin lang din niya ang trainings. Sa babae lang naman sumusuko at nagiging mahina ang isang ito.
“Fred, you know, gabi-gabi ay nauubos ang lakas ko. Saka, I am busy with med school,” ang paliwanag nito.
Bano ang loko. Fineflex pa ang mga muscles niya, akala mo namang maiinggit ako pero papunta na nga roon. Joke. I forgot that he’s studying to be radiologist.
“How’s Rad tech course?” ang tanong ko. “You can be a military doctor soon, include this on your lists for the future stuffs you’ll be doing,” ang siyang dagdag ko pa.
“My alluring sexy classmates made even easier med school. Ang gaganda talaga ng mga nagdo-doktor! Nope bro. I am not a double hero, I’ll merely stay on my track, being a doctor.”
Hindi na ako magtataka kung may na-take home na siya na isa sa mga block mates niya. Magaling siyang didiskarte kapag ganito ang usapan.
“Sige na, Fred. Send me your schedule para kami na ang mag-adjust sa ‘yo. Tagal ka na naming hindi nakakasama at nakakatampo na!”
“Ulol pero sige’t masusunod master!”
My friends have lots of savings and possession than my family. Tunay ko silang kaibigan dahil hindi sila makokompleto hangga’t wala ako. They don’t need my money. They have their own means but iba pa rin talaga ang saya kapag sama-sama ang magkakatropa.
Pinatay na niya ang tawag. Hindi ko na naitanong pa kung may pasok siya. Pinindot ko ang lock ng phone ko, at nang tumingin ako sa harapan… may dalawa na namang pabaya na lumagpas sa pedestrian lane. Mabilis kong inapakan ang preno, at at bumusina ng malakas.
Nakita kong hinaltak ng isa ang kasama niya. I can’t understand but this reminds me of what happened nung nakaraan na may nabundol ako. f**k! Will this be again my fault kung nabundol ko na naman sila? May daan para sa mga naglalakad, at sa mga nakasasakyan. There is a CCTV in this street kaya if ever, mas mausisa ang sitwasyon.
Dahan-dahan kong binaba ang salamin ng sasakyan upang pagsabihan ang mga ito at manghingi na rin ng tawad. They act like a weird one dahil natulala sila sa itsura ko nang maibaba ko ang salamin.
“Ang pute,” ang narinig kong bulong nung babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng dress habang nakatitig sa akin ang mga mata.
“Ang guwapo,” ang siya namang salita ng isang naka-short na maikli kaya kitang-kita ko ang kaniyang mahabang legs. He’s gay, at halata naman ito.
Ako ba ang tinutukoy nilang guwapo? Sa akin sila nakatingin, ibig sabihin ay baka nga ako? Well, hindi na ako magtataka. Na-intimidate ako sa tingin nung babae, kung makatingin siya sa akin parang ang tagal-tagal na naming magkakilala.
Magsasalita na sana ako ngunit bigla siyang bumuwal sa kalsada. May hawak siyang bilao na naglalaman ng paninda kaya’t kumalat ito sa kalsada.
“Monalya!?” Ito ang tinawag sa kaniya nung binabae. Monalya ang pangalan niya. Mabilis akong bumaba upang tulungan sila.
“Anong nangyari?” ang tanong ko. Gusto kong malaman, baka mamaya may sakit sa puso ang babaeng ito, hindi niya nakayanan ang kaguwapuhan ko kaya’t siya ay nawalan ng malay.
Hindi sumasagot ang bakla, nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at sinakay ko na sa sasakyan ko si Monalya para madala ‘to sa hospital at malaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
“Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?” ang tanong nung gay sa akin.
Seriously? Hindi niya alam ang natural response kapag may ganitong aksidente? Malamang, I need to bring Monalya in the hospital. May connectivity problem yata sa loob ng utak niya kaya ang bagal-bagal ng pag-proseso.
“Pulutin mo na iyang mga paninda mo sa lapag at sumakay ka na sa sasakyan kung gusto mong sumama sa amin,” ang sagot ko.
“Okie!”
Mas mabilis pa sa Cheetah siyang kumilos. Inayos niya ang mga paninda na nahulog sa kalsada. Mabuti nalang at may mga supot pa ito kaya’t mapakikinabangan pa. Hindi malalagyan ng dumi but if I’d be asked, hindi na ito dapat ibenta pa.
Monie
DIOSES ng Malolos, hindi ko alam kung anong nangyari kay Monalya pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit mas nag-alala ako sa guwapong driver ng sasakyang sinasakyan ko ngayon kaysa sa kaibigan kong hinimatay sa kalsada dahil sa ginawang pagligtas sa akin.
Kinurot ko ng very light ang hita kong alaga sa hilod ng pagmamahal upang bumalik ang diwa ko’t maging seryoso sa kung ano ang nangyayari.
“Patawad, nakaharang pala kami sa daan, hindi na namin napansin.”
Nahihiya ako ngunit pinilit kong magsalita at ito nga ang sinabi ko. Alam ko na ako ang may kasalanan dahil may linyang naghihiwalay sa mga naglalakad at nakasasakyan. Kung hindi ako lumagpas doon, hindi naman mangyayari ito.
Kasalukuyang nakahiga si Monalya sa tabi ko. In all fairness, malaki ang sasakyan niya. Ang lakas ng aircon at ang bango-bango pa. Kahit wala kaming kitain ngayong araw, ayos na ayos lang sa akin dahil naka-jockpot ako, mima. Busog na busog ang mga mata ko sa view na nakikita nito ngayon. Bumalik ako sa reyalidad dahil dukha kami, ito ang katotohanang hindi mababali ninuman.
“Sa susunod, maging mapagmasid kayo sa paligid, hindi lahat ng motorista ay mabait. Ang iba ay tatakbuhan kayo,” ang sagot nito habang nakatingin sa salamin doon sa harapan ng kaniyang car kaya’t natama ang aming mga paningin.
Eh--- bet eng gewepe nemen pe nye? Eke kenekeleg kepeg nekekete ke ekey kenekeleg.
“Ah--- oo nga. Katulad nung bumangga sa akin no’n sa madilim na street. Muntik na akong mamatay pero hindi niya manlang ako nagawang tulungan. Simple act like pagdadala sa akin sa hospital pero wala ih. Tinakbuhan niya lang ako,” ang seryosong wika ko at may lungkot sa mga mata.
Nakita ko na tila nagulat siya nang marinig ang sinabi ko. “Wala naman na akong sama ng loob sa taong ‘yon. Pinagdarasal ko lang na sana, may peace of mind siya ngayon at huwag niya nang gagawin pa sa iba ang nagawa niya sa akin.”
Nginitian ko si pogi dahil mukhang hindi na niya ibig pang kausapin ako. Ano kaya talagang nangyari kay Monalya? Alam kong may kakaibang nangyayari sa kaniya dahil may super powers siya. Iba ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay.
“Malayo pa ba tayo sa Hospital?” ang tanong ko sa kaniya. Hindi naman sa pagmamadali, nais ko lang din na mabuwag ang katahimikan na siyang nananaig sa loob ng sasakyan.
Alam ng puso’t isipan ko, itong si Monalya, hindi na siya na ngangailangan ng tulong medikal galing sa mga propesyonal. The power bestowed on her is much effective than the scientific knowledge of human. Mas advance sila kaysa sa atin.
“Malapit-lapit na,” ang tanging sagot ng lalaki.
Ngayon ko lang nausisa ang litrato na nasa harapan ng sasakyan malapit sa pinagkakabitan ng tablet na gadget. Isa itong family picture; may nanay, isang anak, at tatay… ang tatay sa litratong ito ay walang iba kung hindi si Mayor, at si pogi naman ang junak.
Simply means, anak siya ni Mayor?
“Puwede pong magtanong?” ang salita ko.
“Sure, sige lang. Ano ‘yon?” Nginitian niya ako at sapat na ito upang mahipnotismo ako.
“Kaano-ano mo si Mayor Harake?” ang medyo nahihiya kong tanong. Dapat siguro, hindi ko na ito tinanong pa dahil nagmumukha lang akong usisero? Hindi naman siguro? Maybe, it’s none of my business, anymore.
“He’s my dad.”
True na pujie niya nga si Mayor? Hindi na ako magtataka, may mabuti rin siyang puso katulad ng dad niya..