Chapter 26: Little Changes

1668 Words
Monalya  GAWA sa matibay na pundasyon ang katawan ni Monie na pinanday sa matagal na panahon. Dulot ng mga karanasang ibinato sa kaniyang pakikipaglaban, mura pa ang edad ngunit malayo na ang tinahak niyang daan hindi katulad ng sa ordinaryong nilalang. Ang kaniyang puso, ito ay may busilak na loob kaya’t nagawa nitong masabi ang lahat ng sinigaw nito kanina. Naaawa ako sa kaniya ngunit ang bagay na ito--- ang parusahan siya ay nararapat kong gawin upang alamin kung siya ba ay karapat-dapat na tanggapin ang kapangyarihan ko, gayundin ay maging matatag na labanan ang mga kalaban. Sa kasalukuyan, abala ang aking mata sa pagtanaw sa maamong pigura ng nilalang na aking magiging kapitan--- hindi katipan sa buhay ngunit kapitan sa pakikipaglaban. Walang ibang bagay gumagalugad sa aking atensyon at nakatuon lang ito sa mukha ni Monie. Wala na itong kamalayan, wala na siyang buhay ngayon--- ito ay dahil sa bagsik ng pinsalang dinulot ko sa kaniya. Ang mga dugong tumagas mula sa kaniyang katawan ang kauna-unahang patunay ng kaniyang lakas dahil hindi siya nanghina. Kung sa ordinaryong nilalang, ora-mismo na hinagis ko siya at nabali ang kaniyang likuran. Hindi ko masabi ngunit baka wala na itong buhay sa unang pagtira pa lang. Maamo ang mukha ni Monie, tila hindi siya gagawa ng kahit anong maitim na kasalanan at hindi magsasalita ng mga bastos na kawikaan. Naituturan niya ng mga ito sa kadahilanang buhat lamang ito ng pambibiro at adhikaing pasayahin ang kaniyang kapwa. Ang intensyong makapanakit ng damdamin ng ibang tao ay hindi niya hangarin--- ang interpretasyon ng iba na malayo sa nais niyang iparating ay hindi na niya kasalanan pa. Ang tanging responsibilidad niya ay magpasaya hindi makasira ng araw ng iba. Iniisip ko kung bubuhayin ko pa si Monie or hahanap nalang ako ng iba na mayroong mas matibay na pangangatawan ngunit babalikan lamang ako ng dahilan ko na hindi na ako makahahanap pa ng katulad niya--- alam ng puso’t-isipan ko, kakaiba ang isang ito, natatangi siya sa nakararami. May katangian siyang nagbubukod sa kaniya sa kaniyang kauri. She is special, and what sets him unique is something that I must discover as soon as possible. “Bakit mo naman siya pinatay, friend?” ang tanong sa akin ng baging na nasa itaas ng puno. May kalayuan ang distansya nito sa akin ngunit nagawa niya pang masaksihan ang mga ginawa ko sa kaibigan ko. Ngumisi lang ako sa kaniya at hindi na ito sinagot pa. “Hoy, bakit mo ka ko siya pinatay, friend?” ang tanong nito muli. Ang kulit niya ngunit wala akong sapat na oras at enerhiya upang siya ay pagtuunan ko pa ng aking pansin. “Huwag kang bastos! Tinatanong kita.” Naramdaman ko ang paghaba ng kaniyang gamalay. Aatakihin na ako kaya’t nilabas ko na ang sandata ko upang putulin siya. Marami nang nangyayaring pababago ngayon dahil sa madilim na liwanag na tinapon ng mga kampon ng kasamaan. Nagbigay sila ng enerhiya sa ibang nilalang kung kaya’t nagkaroon ang iilan ng malay at kakayahan na makipaglaban. Nakita ko na unti-unting tumaas ang mga d**o sa paligid, pa-direksyon ang kanilang pag-atake papunta sa akin. “Ibigay mo ang nilalang na iyan sa amin; makalalabas ka ng ligtas sa kagubatang ito.” May kakayahan na rin silang makapagsalita. Si Monie ang tinutukoy niyang nilalang na nararapat kong isuko sa kanila. “Kinakailangan namin ng pataba nang sa gayon ay mas yumabong ang aming kapangyarihan.” “Huwag kayong lalagpas sa punong iyan dahil kung susuway kayo sa utos ko. Mapipilitan akong sunugin ang lahat ng damong kayang abutin ng paningin ko.” Hindi ko pa ito kayang gawin dahil hindi pa kami nag-aanib ni Monie. Nais ko lang takutin ang mga damong ito na akala mo’y kung sinong magaling kung makapagsalita. “Hindi mo kami kayang takutin gamit lang ang mga salita mo. Ilang wild fire na ang pinagdaanan namin. Wala pa kayong mga tao sa mundong ito ay nandirito na kami. Tahimik at payapang namumuhay ngunit nung dumating kayong lahat, ang mundong ito ay nagbago, kayo ang dahilan kung bakit kami nakalbo, nasunog, at nagkaganito. Wala kayong pasasalamat sa mga nauna sa inyo. Kayong mga tao ay hindi dapat bigyan ng awa at proteksyon!” Nagsimula na silang umatake sa akin. Sa dami at ligsi nila, nahirapan akong tapusin sila nang sabay-sabay. Ang mga sinabi niya, may tuwirang relasyon sa kung ano ang impormasyong binigay sa akin ng dahon na nakasalubong ko sa daan nung kami ay patungo sa dagat upang ipasyal ni Alfred. Silang mga tao lang din ang punot dulo ng lahat ng nangyayari sa mundo nila. Kung may dapat mang sisisihin, sila lamang at wala nang iba pa. Their apathy and ignorance are instruments of suffering and chaos found in this world. Nagsisimula nang lumala ang lahat… sa mga susunod, aasahan ko na ang takbo ng buhay ay hindi na magiging normal pa. Napagod na ako sa pag-iwas sa mga maliligsing damong ito kaya’t hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, inalay ko na sa kanila ang katahimikang sinisigaw ng mga kaluluwa nila kahit wala naman sila no’n, in the first place. Mayroon pa bang susunod na gustong kumalaban sa akin? Kung mayroon pa, huwag na kayong mahiya’t tayo’y magbardagulan na dito. Nandito lang din naman tayo, bakit hindi pa natin ito itodo to the highest. leybel? Genern! “Anek? May gusto pa bang sumugod mga mami? Kung bet niyo pa, aba’y gumora na! Kasi mamaya, bahala kayo dahil ako na ang mahihiya niyang mag-invite sa inyong lahat ek-ek,” ang sigaw ko sa kaniya kagaya ng narinig kong pagsigaw ni Monie sa akin nung hinahabol niya ako’t, iniwanan ko siya dahil kailangan kong alamin kung anong nangyari at nararapat lang na masagot kung anong pakiramdam ang hinayahag ng intuition ko. “Nasa likuran mo na ako, mhie!” Na-feel ko nalang na may kumabog sa likuran ko, napaluhod ako dahil sa lakas ng enerhiyang binigay niya sa akin. Isa pala itong puno, isang puno na biktima ng deforestation. Natusok pa ata ng matalim niyang sanga ang likuran ko. “Look at your back mama kasi nang hindi ka nasaksaktan ng ganiyan. Ngayon, alam mo na ang feeling ng ginawa mo sa kasama mo ngayon? Hindi ka manlang naawa sa kaniya na paslangin siya. Kitang-kita ko ang ekspresyon ng mukha mo kanina habang ginagawa mo ang bagay na iyon. Mararamdaman mo ito ng mas double, mas mapanganib!” Kasalukuyan pa akong nakaluhod kaya’t nakaramdam ako ng hapdi sa parteng ito. May tumutusok sa panluhod ko, mga maliliit na bagay na tila pumapasok sa loob ng katawan ko. Ang hapdi “Hapdi ‘di ba? What you do to the world will just bounce back to us.” Nakaaasar ang tono ng pagsasalita ng hubad na punong ito. Sumusobra na siya! Pinilit kong tumayo kahit makirot ang tuhod ko dahil aaminin ko na naisahan nila ako sa parteng ito. Maliit ang nilalang na umatake sa panluhod ko ngunit kakaiba ang kapangyarihang angkin niya. Humarap ako sa puno ngunit alerto siya, nagawa niyang hampasin ang tiyan ko na nagdulot upang mabunsol ako. “Oh jiva? Binunsol mo rin si Monie kaninetch? This time, i-rate mo naman ang level ng pagbubunsol ko sa ‘yo. Masakit nek? Lesson learned ka na, ate. Minsan, ang paligid mo ang babato sa iyo ng mga kakagahan mo! Trip pa more therefore, enjoy more pain.” Kung makapagsalita sila, hindi nila alam kung ano ang dahilan ko kung bakit ginawa ko ang bagay na iyon kanina kay Monie. Saka, bakit ba sila nakiki-alam sa buhay ko? May sarili akong desisyon at disposisyon sa buhay. Hindi dapat sila maki-alam lalo na ang makisali sa mga nais ko. Sinasagad ako ng mga ito! “Tama na.” Hinawakan ko siya sa katawan niya at hinagis sa lugar na hindi na siya matatagpuan pa. Ganoon kabilis ko lang siyang tinalo dahil alagad lang naman siya. Maikukumpara ko siya sa isang langaw kung pagbabasehan ay ang mga nakakalaban ko sa kalawakan, hindi naman sa pagyayabag, ngunit ito ang katotohanan. Gagawin ko na ang ritwal. Ito na talaga--- wala nang back-out pa! Lumapit ako kay Monie, hinipo ko ulit siya sa kaniyang noo upang ibalik ang buhay ng aklang ito. This time, mas kinakailangan ko ng matinding lakas upang ibalik ang enerhiyang nawala sa kaniya. Kung susumahin, tumagal ng ilang minuto ang panggagamot bago niya tuluyang iminulat ang mga mata niya. Luminga-linga siya sa paligid na tila nagtataka kung anong nangyari at bakit siya nakahiga sa damuhan. “Anong nangyari, atashi? Anong ginagawa natin ditey?” Nabura na ang ala-ala niya sa kaninang naganap. Ang tanging huling natatandaan niya nalang ay iyong pinuntahan namin si lola Sita sa batis upang magpaalam sa kaniya. “Gabi na, mami! Hinahanap na tayo ni lola Sita. Taretch na kayiz?” Hinampas niya ako sa braso ko. Napangiti nalang ako ng malapad dahil siya na muli si Monie, ang happy go lucky kong friend. I feel guilty tuloy dahil sa nagawa ko sa kaniya. “Mami, mag-transform pa tayo nakalimutan mo na ba?” ang sabi ko. Napatingin siya sa itaas at inalala ang sinabi ko. “Ay oo nga pala! Nakatulog ba ako mami? Sorry ha? Pagod lang itek sa pagtitinda! Bakit kasi hindi mo ako ginising emelya? Ginabi na shuloy, us!” ang sagot nito. Hindi na ako nagsalita pa. Ipapakita ko na sa kaniya ang bagay na dapat niyang makita. Tinataas ko ang kamay ko, at lumabas roon ang liwanag… matapos nito ay niluwa ang sandata ko. “Aanhin mo ng pangkilay, mima?” ang tanong niya habang nakakunot ang noo. “Ito ang sandata ko,” ang sagot ko. My weapon is shaped like an eyeliner. It infuses powers that may come unpredictably in some scenarios. “Wow, mima! Pahawak naman ako, keri ba?” For this time, nakita ko na naman ang childish side ni Monie, wala at ang cute lang. “Sure. Bilisan mo lang at mag-transform na us,” ang sagot ko at inabot ito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD