“TAYO lang naman ang nandirito ngayong dalawa. Walang makakasaksi sa mga bagay na gagawin at gusto mong gawin sa akin. Malaya kang lumigaya at paligayahin ako. Tatanggi ka pa ba sa nilalang na kagaya ko? Ang palay na ang lumapit sa manok. Tutuka ka nalang, aayawan mo ba ang grasyang abot kamay mo na?”
Isang kabanata na ang lumipas ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin natitigil sa pangungumbinsi ang nilalang. Nasa kaniyang pag-uugali na dapat ay makuha niya ang kaniyang kagustuhan sa mga oras na ito dahil hindi matatahimik ang kaniyang kaluluwa, sisigaw ito ng kalayaan ng tawag ng laman.
“Follow your heart, Alfred. Ipipikit nalang namin ang aming mga munting mata, at magbubulag-bulagan na walang nangyayaring kakaiba sa harapan namin. Chance mo na ito upang maka-isa, kaya’t ano na? Aba’t umatak na!” ang panunuhol ng sagwan.
Huwag naman sana siya ang maging dahilan upang makarating sa kapahamakan si Alfred.
“Hoy sagwan, huwag mo ngang dalhin sa baluktot na direksyon si Alfred. Huwag mo siyang diktahan sa magiging desisyon niya sa buhay dahil unang-una--- malaki na siya, nasa tama na siyang edad at may kakayahan na mag-isip. Kaya’t Alfred, huwag na huwag mong susundin ang sinasabi ng sagwan,” ang pangongontra naman ng bangka sa mga linya ng sagwang hawak ni Alfred.
Kailangang maging matalino ni Alfred sa paggawa ng desisyon, dahil may demonyo at anghel na bumubulong sa kaniya.
“Wow. Naririnig mo ba ang sinasabi mo munting bangka? Anong huwag diktahan? Wala kang ambag sa buhay ko kaya’t huwag mo akong manduhan! Eh, ikaw nga itong dikta nang dikta d’yan! Ako ang masusunod, ako ang may hawak ng direksyon. Susunod ka lang din sa akin--- ito lang ang tanging obligasyon na nararapat mong gawin!”
Nagtataka ang nilalang dahil hindi niya nagagawang marinig ang pagtatalo ng sagwan at ng bangka, si Alfred lang ang may kakayahan na makipag-usap sa mga ito. Sige lang at mahilo ka diyan, kanina mo pa ako hinihilo sa pagsasalaysay dahil ayaw mong ibigay sa akin ang name mo, shuta ka! Pero, ang bangka at ang sagwan, para silang mga aso’t pusa, sila nalang ang tanging sandingan at kanlungan ng bawat isa, nagkakaganiyan pa sila, jusko, matinding red flag kaya’t huwag ganorns.
“Tumigil na nga kayong dalawa. Para lang dito magtalo-talo na kayo?” ang kaniyang pagpapatahimik. “Ngayon ko lang kayo nakitang ganiyan sa tinagal-tagal nating magkakasama.”
“Baby boy, crazy ka ba? Sinong kinakausap mo bukod sa akin? Tayo lang namang dalawa ang nandito, or else, you are seeing things I didn’t see.” Lumapit na ang nilalang kay Alfred at hinawakan ang braso nito. “Huwag mo naman akong takutin na ikaw ay isang crazy man din like the men I met long time ago. Hindi ka katulad nila, nararamdaman ito ng dibdib ko… kaya’t huwag kang mahiya at hawakan mo, pakiramdaman mo, ito.”
May kakayahan ang nilalang na manghipnotismo kaya’t nang dumampi ang kaniyang palad sa katawan ni Alfred, tumakas ang katinuan sa kaniyang isipan. Hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman ngunit napuno ito ng init- hindi lang basta init ngunit ito ay init na nangangailangan ng pagnanasa’t mailabas.
Nabitiwan ni Alfred ang sibat na hawak niya. “Kaya mo pala akong saktan dahil lang sa nilalang na ‘yan!”
“Ang sexy mo,” ang sambit ni Alfred. Nabubuo sa kaniyang isipan ang pagkahayok sa makamundong laman. Don’t do that, Alfred! Huwag kang magpalamon sa temporary shawl na ibibigay sa iyo ng nilalang na iyan.
Gulat ang gumuhit sa mukha ng bangka’t sagwan nang banggitin ni Alfred ang mga salitang ito.
“Wui, Alfred! Gumising ka!” Ginawa ng bangka ang kaniyang makakaya, inuga niya ang kaniyang sarili upang mawalan ng balanse sina Alfred at ang nilalang. “Kasalanan mo ito sagwan! Kung hindi mo sana sinuhulan si Alfred, hindi siya maiinganya dito sa makating nilalang na ito!” ang paninisi ng bangka sa sagwan. “Kung may kamay lang ako, nilunod ko na siya sa tubig!”
Malulunod ba ang isang lamang dagat sa tubig? Search niyo nga! Wala akong load, time, energy and effort to do that, ih. Ek-ek.
“Aba’t, wala akong kasalanan, no. Nung hiwakan ng nilalang na ito si Alfred, doon na nagbago ang takbo ng isip ng kaibigan natin. May kakayahan siyang magpabago ng takbo ng pag-iisip. Kailangan nating gumawa ng paraan,” ang paliwanag ng sagwan.
Hindi dapat silang magsisihang dalawa dahil totoo nga na wala ni isa sa kanila ang may kasalanan sa kung ano ang nangyayari ngayon. They just see different things--- one wants Alfred to escape from the pleasure and one wants Alfred to feel it since it does not come—parati.
“Ikaw man, baby boy.” Kinuha ng nilalang ang kamay ni Alfred at idinampi ito sa kaniyang malulusog na dibdib. “Sa iyong- sa iyo lang iyan ngayong gabi. Sulitin mo na at pagsawaan.” Walang kamalay-malay si Alfred sa mga ginagawa niya. Mulat ang kaniyang mga mata ngunit ang kaniyang isipan ay tila nasa ibang panig ng daigdig.
“Gusto mong tikman? Sige’t, gawin mo lang ang gusto mong gawin d’yan.” Inalay na talaga ng nilalang ang sarili niya kay Alfred. “Gusto ko rin makita’t hagkan ang hubad mong katawan.” Tinaas ni Alfred ang kaniyang kamay upang maging matagumpay ang pagtanggal ng kaniyang tapis na nagtatakip dito.
“May masamang binabalak ang nilalang na ‘to, hindi lang ito ang hangarin niya. Hindi ko hahayaan na mamayani ang ganid niyang hangarin.” Mas nilakasan ng bangka ang pag-uga sa kaniyang sarili.
“My pleasure to send help!” Pumasito ang sagwan at hinampas niya sa likuran ang nilalang ng tatlong beses. “Tignan nalang natin kung hindi magkapasa ang iyong likuran sa lakas ng paghampas ko!”
“Aray! Sinong lapastangan iyon?” Napuno ng pagtataka ang isipan ng nilalang nang wala siyang makitang iba bukod sa kanilang dalawa ni Alfred. Ang binata, titig na titig sa lamang nakatutok sa kaniya.
“Tulungan mo kami, sibat!” ang hingi ng assistance ng sagwan. Napagod na agad siya sa simpleng paghampas? Ang weak! “Tusukin mo siya or do whatever the things you want to do!”
“Sure! Sibat is on its way!” Ginawa niya ang kayayahan niya. Tumalon siya ng mataas at tinurok ang kaniyang talim sa likuran ng nilalang. Tumagas ang itim na tinta sa katawan ng nilalang hanggang sa ito ay maglaho ng parang bula---- lumisan ito nang walang paalam. PAIN.