March 20, 4th periodical exam. Maagang natapos ang klase , kasi test lang.. Tapos na lahat. Last day na ito.. Friday ngayon.. Uuwi lang ako at magbibihis.. Pupunta kami sa PUP to fill up some documents. Okay guys, don't forget yung form para sa guardian ha. At xerox copy ng kanilang I.D,. Yung kay Ash nandito na sakin. Sige.. Antayin ko kayo within 30 minutes. Direstso na kayo sa parking, AER623 ang plate number ng car ko. See you later guys Sir. Bawal mag short? Tanong si Paul, actually walang bawal pero it's our 1st day, lets keep it formal. Pants and blouse girls.. Pants and polo for boys..
Everything clear?
Yes Sir. - sabay sabay kaming 4.
Sabay sabay din kaming umuwi.. Kahit napapadaan ako sa bahay nila Zandro ay wala sya dito. Kaya diretso lang..
Ng makauwi.. Nagmamadali akong naligo.. 10 minutes lang,. Nakahanda naman na ang isusuot ko kagabi pa eh.. White blouse na may flowery design sa bandang laylayan and black fitted pants.. Then 3 inches heels stiletto white as well. Nagpulbo ako this time, nagsuot ng silver na hikaw at necklace at pinkish lipstick. Naka clip lamang ang buhok.. Naka push up b*a LOL
I checked my bag, powder, comb, 2 black ballpen, notepad, school ID, wallet, atm at pera.. Okay.. I think I'm good to go.. Nagspray ako ng pabango,. At nilagay na din ito sa bag.. Oops.. Tissue at panyo.. Kumuha ako saka alcohol..
Lahat naman ay maliliit lang kaya magaan parin ang aking sling bag, pagbaba ko.. Iniabot ni tita yung tsinelas na nakapaloob sa isang shoe bag... Anak kasya pa ba ito jan? In case na sumakit ang paa mo.. Ay okay po tita, salamat po.. Aalis na po ako. Sige nak.. Mag-ingat ka ha... Tumawag ka kung may problema.. Opo tita. - yung lang at umalis na ako.
Habang naglalakad ay bigla akong nagulat, kasalubong ko si Zandro may kasamang babae na naka pulupot ang kamay sa braso nya,. Who the hell is she. Pero patuloy akong naglakad hanggang sa magtama ang mata namin..
"Woah! Saan ang lakad mo baby?
" sa PUP po, tinaasan ko lang sya ng kilay..
"oh by the way, this is Sally.. Inabot nya ang kamay nya sakin ng biglang sumigaw si Jester, Ash.. Ikaw nalang ang wala.. Tumatakbo ito. Ay sorry naligo pa kasi ako eh.. Pabebeng sagot ko.. Nakalapit na samin ni Jester, hi pre sabi ni Zandro.. Hi sabi ni Jester... Tara na, Ayan na yung sasakyan ni Sir. Kasi sabi ko tatakbuhin na kita.
kanina pa ba kayo? mabilis lang naman akong naligo ahhh..
"bye, nice meeting you.. Humawak din ako sa braso ni Jester. At saka kami umalis na papunta sa sasakyan ni Sir.
Sorry sir . Late na po ba ako? Hindi ah... Wala pa nga si Paul at Myka eh.. Natatawa naman itong Jester. Sasakalin kita, pinatakbo mo ako eh naka heels ako.. pinawisan ako ahh..
Ayan na sila.. Papalapit na.. Okay dito na kayo sa gitna..
Honda Odyssey ang sasakyan ni Sir. Kaya maluwag ito para sa amin..
"By the way guys, ang gagwapo at gaganda nyong 4, but I must Say, Ash... You look stunning. Hindi ka na mukang incoming 4th yr. Para ka ng 2nd yr. College na lumalaban as Ms. PUP,.
" hala sir. Thank you po,
"oo nga pala guys, nagtuturo din ako ng ilang subject sa PUP..
" if ever po pala sir. Magiging teacher ka po ulit namin. Nasa engineering department ako... Oo nga pala.. Have you decided kung anong kukunin nyo sa college?
"ako sir. Hindi pa sabi ni Jester... Depende pa po sa kung anong kukunin ni Ash.. Hahaha
" ay ganon? Ikaw ha.. Study first..
"Ikaw Myka?
" education sir. I really want to be a teacher like you po. "Thats good, how bout you paul?
" torn between engenering or architecture Sir. Katulad ng papa ko.
"wow...
" how about you Ash?
"I am thinking of accountancy Sir.
Well you love math.. But still choosing po, I still have a year to decide..
" actually guys you still have 2 yrs. To decide... Kasi kapag 1st yr.. Naman na kayo for sure di pa kayo decided.. But in the middle of the year.. Doon na kayo makakapag isip ng gusto nyo.
Okay guys.. Pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan. We are now entering Polytechnic University of the Philippines..
Welcome guys..
"Nakakamangha.. Ang laki ng school..
Halos sabay sabay naming wika..
Nagpark lang si Sir. At bumaba na kami.. Unang bumaba si Jester at inalalayan ako.
Okay ang una nating pupuntahan ay ang theater department, kasi sila ang sponsors nyo dito..
Malapit lang yun, bago sumakit ang binti ni ash... Nandon na tayo.. Nagtawanan pa kami.. Okay so ayan guys dyan yung sa medical.. Doon naman ang education.. Ang engineering ang nasa ibang lugar... Bale sa kabila kasi yun. And here we are. Isang malaking auditorium.. Pagpasok namin doon ay may isang room. Kumatok si Sir. Saka may nagbukas ng pinto. Hi, Sir. Ikaw pala.. Tuloy ka po, ito n nga at nagsisimula na kaming mag assign ng lines for audition. Are they..? Yes sagot ni Sir..
"good afternoon po,
Guys sya si Ms. Santiago, usually sa audition sya ang nag aasign ng gagamiting peace for audition.. Para kung saan kayo nababagay na character. Sir. Are they your Romeo and Juliet?
'Yes,
" Do guys still know some of your lines??
I heard magaling daw kayo eh..sayang at hindi ko nakita..
Can I get a sample?
" sure po, can we get a minute.. Sure sure.. You have 30 minutes.. Kayo naman dalawa.. Here are some lines.. Paki basa ha.. No need to memorise but its a plus..
" less than 15 minutes bumalik kami ni Jester, were ready na po.. Agad? Sabi nito, yes po.. Wow..
Okay, the stage is your..
Inalis ko ang heels ko at nagsimula na kami.. Napatahimik ang lahat.. Pagkatapos ng ilang batuhan ng linya... Tumayo si Ms. Santiago... May mga bida na agad ako.. Congratulations..
'Seryoso ka? Sabi ni Sir.
"Yes, they have the looks..
" Pano ang mga 4th year mo?
It will not going to be a problem... Believe me.. Alam nilang kumukuha kami ng high schools.. Okay, so here is my recommendation para sa pagpasok nila dito, please drop by their rooms narin... Pagkasama itong 2 girls at ito ding 2 boys.. For visitors lang un.. Kaya maliit lang guys ha.. Magkatabi din.. So if gusto nio mag ensayo okay lang din..
Binigyan nya kami agad ng kopya ng script..
You will be Aurora.. Present.. Sabi ni Ms. Santiago sakin.
Kasi meron tayong Aurora Past... Dito sa story..
You will be Hernando.. Present din.. - kay Jester
You will be Ella,. Auroras best friend - kay Myka
And you will be Dino- Auroras brother,.
Pinaglapit lapit ko na kayo para makapag ensayo kayo ng ibang lines...
.
"maraming salamat po,
" okay guys.. You will stay here for more than 2 months.. Sa unang bwan ay maaari kayong umuwi ng Saturday at bumalik ng Sunday night or Monday early in the morning..
Last 2 weeks of preparation . Baka wala ng uwian ha.. Pero will try to give you at least a day break... But only here.. Pwede naman kayong dalawin ng parents nyo anytime eh..
Tumango tango kami.. Oh before I forget.. Here are your ID's para sa food and allowance po yan, allowance lang ha.. 4k for a month of practice... So thats 10k more or less for 2 and half months then 2% ng kikitain natin ang magiging bonus nyo.. Computation will be transparent.. Makikita nyo lahat ng sales natin ng ticket.. Will be starting on 26 kaya dapat sa 25 nandito na kayo for final meeting para makakilala nyo lahat ng cast..
So ayun lang guys... If may karagdagan pa ako ay kay Sir. Nyo na malalaman...natapos namin asikasuhin ang lahat in less than 3hrs. Nakasakay na kami ngayon ng sasakyan ni Sir. Palabas ng campus. Ahm sir. Pwede po bang bumaba at tatawag lang po ako sa bahay para magpahanda ng miryenda.. Tapos doon na po kayo.. Oops... Wag na.. Kasi naghanda si Mama, doon na po tayo kumain sir. Okay.. Bili nalang tayo ng cake.. This calls for a celebration..
Sir. Sobrang maraming salamat po ha..
Sambit ko at sunod narin sila... You're welcome guys..
Tahimik kaming nagbabasa ng script.. Guys dito nalang tayo bili sa red ribbon ha.. Opo sir. Ako nalang po ang bibili.. Binuksan ni Jester ang pinto at sinamahan ako,.
Nagulat ako pagpasok ng red ribbon..bakit nandito tong Sally na toh.. Kunyare ay hindi ko sya napansin.. May kasama syang lalaki pero hindi iyon si Zandro.. How bout this one sabi ni Jester.. Okay yan mukang masarap.. Pumunta kami sa counter.. Nilabas ko ang wallet sa bag ko... Akma ko ko itong babayaran ay inunahan ako ni Zandro.. Sinong may birthday? Tanong nya pa..
Wala.. Tipid na sagot ko..
Ano pong isusulat? Here.. Iniabot ko ang papel.. Congratulations
380 lang po, kumuha ako ng 380 sa wallet ko at binalik ang 500 ni Zandro sa kanya..
" No thanks.. I can manage..
" Pauwi ka na ba? Sabi nia..
" Hindi pa.. Kila Jester kami magdidinner kasi... Ah wala... Basta.. . Hindi importante. We need to go, naghihintay sila sir. Sa sasakyan..
Aalis na kami ng bigla nya akong hawakan..
Pre bitawan mo si Ash... Si Jester ang nagsalita..
Binitawan naman nya ako...
Sabay Tanong.. Galit ka ba?
Umiling lang ako at lumabas na kami.. s**t! Narinig ko pang sabi nia..
Actually hindi ko alam kung bakit nga ba ako inis na inis sa kanya ngayon.. Ang naiisip ko lang is yung pagkakalingkis sa kanya kanina nung Sally na yun.
Bumalik kami sa sasakyan ni Sir. Na parang walang nangyari.. Okay.. Lets go.. Sabi ni Sir.
In less than 5 minutes at nakarating na kami.. Pinasok ni sir. Ang sasakyan nya sa gate ng school.. At sabay sabay kaming bumama at nagpunta kila Jester..
"Ash, okay ka lang? si Jester..
"yeah...Im good.
Hi po tita.. Bati ko
Hello iha.. Pasok kayo.. Hi Sir. Good afternoon po..
'Hi Ma'am sabi nmn ni Sir.
"Nakahain na sa lamesa... Kain na po tayo.... Si Jester.. Lumapit kami sa lamesa... Gutom na talaga ko ma, sabi ni Jester... Oh sya sige anak.. Kain na kayo.. Ipinagsandok pa ako ni tita ng sabaw na inilagay nya sa maliit na mangkok. Pansit lang sana ako pero nakakahiya naman.. Kaya nagrice na muna ako ng konte, tapos pansit.. Ang sarap po tita nabusog po ako.. Water iha..ako na po..
Tumayo ako pero inunahan nya ako... Imbes na si sir. Yung asikasuhin nya ay ako talaga..
"Close ka pala sa mom ni Jester..sambit ni Sir.
Si tita naman ang sumagot..
" kasi po sir. Itong binata ko ay nanliligaw dito kay Ashley.. Alam kong bata pa sila pero natutuwa talaga ako sa epekto ni Ashley sa anak ko. Dati pong hindi active si Jester sa school pero laki na po ng pinagbago nya.. Isa pa mabait na bata to itong si Ash..
"Ah.. Kaya pala halos ayaw humiwalay nitong si Jester at kaya pala parang totoong totoo si Romeo..natawa silang lahat si Jester kumakain parin..
" Basta ako sir. Di po ako nagmamadali... Aantayin ko lang si Ash.. Kapag ready na sya.. Saka lang po. For now .. She will be my boss po muna...
" Nabusog ka na? Tanong nya sakin.. Tumango ako..
Hindi pa pwede.. May cake pa tayo hahaha-sambit ni Jester.
Kumuha ng platito si tita.. 5 iyon.. Saka tinidor. Anak bread knife.. At hiniwa na ni Jester ang cake.. Sayo pinakamali Ash...
" Ui.. Busog na nga ako eh.
" . Joke lang.. Ito sayo akin yan hehehe
After kumain.. Konting kwentuhan at nagpaalam na si Sir. Gayon din si Paul at Myka..
"Uuwi ka na din ba? Tanong ni Jester..
" pinapauwi mo na ba ako?
"ui hindi ah... Teka... Pwede ba kaming umakyat sa room ko ma? papakita ko lang po kay ash ang room ko, promise di kami magsasara ng pinto...
" . Sige lang anak... May tiwala naman ako sa inyong dalawa eh.. Napangiti ako.. Tara..
" sige..
Pasok ka..
At pumasok ako sa room ni Jester.. Malinis ito.. Simple lang.. May 2 gitarang nakasabit...
"Marunong ka? Tanong ko sa kanya..
- Yes baby..
" napangiti naman ako.. Kapag nandyan si tita... Ash... Pag alis nya baby na hahah
Kinuha nya ang gitara... At nagsimula itong tumugtog... At kumanta habang naka upo sa single sofa na walang arm rest..
All my bags are packed
I'm ready to go
I'm standin' here outside your door
I hate to wake you up to say goodbye
But the dawn is breakin'
It's early morn
The taxi's waitin'
He's blowin' his horn
Already I'm so lonesome
I could die
So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
'Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again
Oh babe, I hate to go
There's so many times I've let you down
So many times I've played around
I tell you now, they don't mean a thing
Every place I go, I'll think of you
Every song I sing, I'll sing for you
When I come back, I'll bring your wedding ring
So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
'Cause I'm leavin' on a jet…
"tulala ako... Speech less.... Wow.. Ang galing mo palang kumanta... Bat tinatago mo?
" baka kasi mainlove ka agad sakin eh tapos sagutin mo.ko.agad, hindi pa ko ready hahaha.. Gusto mo matuto??
" how I wish... Pero sintunado ako..
Strum Strum lang... Turuan kita... Habang iniaayos nya ang aking mga daliri sa gitara ay napalapit ang kanyang mukha sa akin.. Nagkatitigan ang aming mga mata.. Bigla nya akong hinalikan sa noo. Ang ganda mo talaga baby..
Huy... Wala ka talagang originality... Hahaha
Pinagtawanan ko sya.
" . Sige.. Mag iisip ako.....ahm.. Hon..? Babe...? Sweet.. Mine.. Yun.. Tama.. Mine...
" is that even an endearment?? Natatawa parin ako...
"well kung hindi pa edi good ... Ako palang ang magsisimula.. Mine..
Hindi ko gusto... Sabi ko...
'Sige isip isip pa ko... Tulungan mo ko mag isip sabi pa nya...
" Naku ah... Mabuti pa ihatid mo na ko besti..
"besti?? Ayaw ko yun.. Maktol nya... Parang best friend...
' Ehh kung best lang... Sabi ko..
" Best boyfriend... Best husband... Pwede pwede..
Tatawagin kitang best... Best gf. ??
"you're funny..ha ha.. Sabi ko sa kanya.
" . Oh sya tara na... Hatid na kita..
Bumaba na kami... ma Hatid ko na po si Ash ha.. Sige anak.. Bye po tita... Paalam ko.. Bye..
Lumabas na kami ni Best. Naglalakad kami papuntang bahay.. May nagsalita sa likuran namin..
"Galit ka ba?
" alam ko agad kung kaninong boses yun..
"hindi sabi ko... Pero hindi ko sya nilingon..
" bday ng isa naming kaibigan kaya nandito si Sally kanina, nasa red ribbon kami kasama yung boyfriend nya para bumili ng cake.. Pero hindi na ko sumama.. Nawalan ako ng gana kasi alam kong galit ka..
" hindi ako galit.. Naiinis lang..
-Best.. Thank you sa paghatid... Pasok na ko...
Pumasok ako ng gate at hindi nagpaalam kay Zandro Diretso akong pumasok sa bahay... At masayang nagkwento kay tita...
Tita super laki po pala ng PUP at ang daming students doon, nakakalula po. Ang ganda.. Mabait si Ms. Santiago sa amin. Pero sabi ni Sir. ay nagiging mabangis na Tiger daw yun sa oras ng rehearsal para mas maganda ang performance. Sabi po nya ay 4k ang ibibigay sa amin monthly, libre naman po lahat kaya okay na din.. Nakita narin po namin yung magiging kwarto namin. Medyo maliit lang po iyon pero okay na din.. Maybisang cabinet na pwede namin paghatian ni Myka.. Double deck po ang kama.. Paglabas po ng room ay may CR... ka share na namjn doon sila Paul at Jester. Ang kainan po ilang hakbang lang din ang layo.. May ID po kami para maipakita doon to avail free food.. They usually cook 4 viands as per Ms. Santiago, 3x a day.. Sa 3 to 5 pm daw po ay may mga sandwiches din.. May water dispenser din po na pwede namin kunan ng tubig, napansin ko po na 4 lang talaga ang pwede sa mga room so siguro wala ng ibang outsiders maliban samin. Gate will be locked at 10 Pm daw po, yung gate lang po yun doon sa malapit sa room namin.. Not sure po ako sa gate ng PUP mismo. Pwede nyo daw po kaming dalawin at panoorin sa rehearsal. Sa 1st month po pwede kaming umuwi weekly, pero sa last 2 weeks daw po ay focus na kami.. Wala na pong uwian. Hanggang sa performance day, lahat ng isusuot po daw ay galing na sa school, so wala din pong gastos sa costume. 2 lang po yung free tickets naman.. Front seat.. Ikaw at si Papa po sana ang gusto kong manood samin, kung okay lang po..
Well 2 months will be long pero kaya mo yun anak, ikaw pa..
nang matapos ang pagkukwento ko..
Ay teka pala.. Pinaaabot ni Zandro..sabay bigay sa akin ng isang sobre.. Stationery I guess,
"Nagpaalam din sya kung pwede manood daw kayo ng sine bukas..
" bahala po sya sa buhay nya.. May practice po ako bukas tita.. Dito nalang po ba kami sa doon na kila Ruth? Pang Monday po kasi yun at wala pa kaming practice.. Wala pa kaming steps hehehe...
Naku anak..doon nalang siguro kayo kila Ruth.. Teka... Saan ba sya nakatira?
Malapit daw po sa SM.. sabay sabay nlang daw po kami.. Baka dumaan din po kasi sa munoz para bumili ng props..
Sige anak ikaw ang bahala.. What time ka aalis bukas?
"mga 9 po siguro...
Kasama mo si Jester?
" hindi po, iba ang group nya eh..
" ah okay,. Sige.. Magpahinga ka ng maaga..
Opo tita, last naman na ito tapos bakasyon na..
" bakasyon? Naku wala kang ganon ngayon..
"sabagay po.. March 25 daw po start namin.. As per Sir. Lopez po until 24 nalang din naman kami sa school at sya na po ang bahala sa clearance namin.
Naku ilang araw nalang pala..
Sige ibibili kita ng ilang pantulog at basic needs mo..
" tita may may bago pa po akong pantulog na naka balot pa.. Bago pa po.. Labahan ko nlang..
" make sure 7 pairs ang dala mo.. Iuwi mo nalang ang labahan dito. May mga bagong pa*ty ka pa ba? Yes tita.. Isang box po. Galing kay tita Emma nung pasko..
"great then.. Toothbrush, toothpaste, sabon, shampoo napkin etc.. Nalang bibilihin ko..
" pwede ko na din naman po isabay bukas tita..
"hindi na, magfocus ka nalang sa pagsayaw nyo at ako na bahala sa kailangan mo.
" sige po tita.. Salamat po.
'kain na tayo..
"ay tita kumain na po kami kila Jester, nagluto po mama nya pa congratulations na din sa amin.. Kasama namin si Sir. Kain na po kayo ni Jay at ako na po maghuhugas after for now bihis po muna ako tapos maglilinis.. Dinampot ko ang walis at umakyat na sa kwarto ko.. Nagbihis muna ako ng pambahay at saka nagsimulang magwalis.. Buong 2nd floor pababa.. Dahan dahan lang kasi kumakain na sila tita at Jay.. After nilang kumain ay naghugas na Si tita... Ako naman ay nagpupunas punas ng kagamitan.. Matapos ko ang lahat ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto ko.. Nag toothbrush at hilamos muna ako.. Half bath.. Saka na umakyat.
Kinuha ko ang letter na galing kay Zandro..
Ewan ko ba kung bakit ako naiinis.. As in naiinis talaga ako..
Hi Baby,
Kamusta ka po? Ang tagal nating hindi nagkita. Super miss na kita, kaso sinungitan mo ako agad kaninang umaga pa lang. Meron kaba ngayon? May 3 emoji ito na nakatawang labas ang ngipin.. I don't know why you're angry with me.. Wala akong idea.. But Sally told me na baka daw nagseselos ka.. Kasi nakita mo kanina na nakahawak sakin si Sally.. Yun kasing paa nya ay pinupulikat kaya kapit na kapit sya sakin nung nakasalubong ka namin, tapos alam kong masakit na iyong paa nya ay sinipa ko pa ng marahan kaya po kami nagtatawanan.. Sorry po kung yun nga ang rason kung bakit ka inis sa akin. Sorry baby,.
Gusto ko magpaliwanag sayo kaso wala kang planong pakinggan ako kanina.. Oo nga po pala.. Ang ganda mo po kanina.. Super, you look like an angel.. Kaso nung sumimangot.. Nawala na yung angel aura... You look fierce.. Ang ganda mo pero nakakatakot.. Parang gusto mo kong sapakin eh.. Can I make it up to you? Watch tayo ng movie bukas.. Sa Monday kasi wala na naman ako.. I have news po pala pero gusto kong sabihin iyong sayo in person. Okay lang po ba? aantayin kita bukas, before 10 am.. Good night baby, sleep well, I love you, ikaw lang po. Then 3 emoji again with pouting lips...
Your Future Husband,
Zandro.
Pagkatapos kong basahin ay ibinalik ko na ito sa sobre... Pati itong sobre nya ay may drawing pa ng roses,. Napansin kong sorry yung lettering sa tangkay nito..
Itinago ko ang sulat at saka na ko humiga.. At natulog..