Mabilis lumipas ang mga araw.. Feb. 14 ng umaga, kaarawan ko na.. Ang daming pinamili ni tita.. Magpapa-party ka po ba sa buong st. Tita? Hehehe
Sabado ngayon kaya walang pasok ang iba mong tita, matutulungan nila akong mag asikaso., ikaw magligpit ka nalang dito tapos mag ayos ka na ng sarili mo.. Puntahan mo si...
"tita.. Tita... Tao po..
Sinong pupuntahan ko tita? Hahaha
Ayan.. Yang batang nasa pinto.. Natawa din si tita..
Pagbukas ko, Happy birthday Ash and Happy Valentines.. sabay abot ng 3 red roses..
" thank you..
" Jester iho,.
Yes tita??
"pakisundo mo ang iba nyong kaibigan ha..
Opo, tita
-niyaya ko din po ang iba kong guro.... Sambit ko .
" Ayos lang.. Mga 3 pm nakahanda na ito lahat...
Oh sya.. Bumalik ka nalang mamaya. Maglilinis muna ako ng bahay..... Ay.. Teka... Sabi ni tita.. Iho may tindahan kayo diba..
'Opo..
" May mga maliit ba kayong softdrinks?
"meron po, pero nandyan lang po sa malapit yung kinukuhanan namin. Ilang case po ba?
Papasama ako kila paul at kami na po ang bibili..
" Sige.. Kahit ano basta maliliit... Mga 4 cases siguro ay ayos na..
"Okay po,. Hatid namin ni paul maya maya..
" Ito ang pambayad.. Inabot ni tita ang 1k.. Kasya nba yan?
"Sobra sobra na po ito... Balik ko nalang po ang sukli mamaya..
Wala pang isang oras ay nandyan na si Jester at Paul dala ang isang cooler box..
" Tita bumili na din po ako ng yelo 40 pesos..
Kalahating sako... Ito po ang sukli..
Sa likod nya ay kasunod si Bryan na may bitbit na sako.. Ibinuhos ito sa cooler kasama ng softdrinks...
" may maitutulong pa po ba kami?
"sa ngayon po okay na yan.. Balik kayo ng 3PM,. Salamat ha..
" sige po tita, alis na po kami.. Bye Ash.. Silip pa nito...
.. Bye... Salamat
bago Alas 4 ay nandito na sila..
Isa isang nagdatingan.. Masaya naman ang aking kaarawan.. Napaka raming handa.. Tumawag sa telepono ng lola ko ang teacher namin at sabi daw ay papunta na sila... Hindi nila alam tong bahay,.
"Sunduin nyo na... Sabi ni tita.. Kasama ko si Jester at Leah ay pumunta kami sa sakayan ng tricycle para abangan sila Sir. Lopes, Mrs. Villorente at 2 pa naming guro..
Maya maya lang ay dumating na sila.. May bitbit pa silang regalo... Nakakahiya...
" Happy birthday Ash, thank you for inviting us sabay abot ng gift.
" Salamat po ma'am Sir. Dito po tayo..
Nakita kong nakasilip si Kuya Zandro sa bintana.. At ang daming tao sa kanila.. Hinayaan ko nalang at direto na kami sa bahay..
Nagkainan ang mga guro at konting kwentuhan sa mga tita at lola ko.. Mabuti nalang at magaganda naman ang komento nila patungkol sa akin.. Maya maya ay na open ang topic ng pag alis ko sa bakasyon. Maari pong umuwi si Ash once a week, ginawa ko din po ito nung ganyang edad ko.. Same school kaya tiwala po ako na kayang kaya ng mga batang ito yung mga kakailanganin nilang gawin.. Besides kasama po ako sa trainer nila sa bakasyon kaya bibigyan ko po kayo ng update.
"maraming salamat po sir. For looking after my niece..
" your welcome po,. Napakahusay ng pamangkin nyo, wala Kaming masabi.. Kung hindi ito transfer baka makipag agawan ito sa Valedictory award.
Makalipas ang ang halos 2 oras ay nagpaalam na sila Sir.
"hatid ko na po kayo, sama ako sabi ni Leah..
Kaya naglakad na kami, oh 4th periodical exam is coming... For now doon muna ang focus ha..
" Opo sir.
Sige, sasakay na kami.. Happy bday ulit..
"salamat po, see you po on Monday ma'am, sir..
Pababa kami ni Leah.. Ng sinalubong kami ni kuya Zandro.. Nakita kong nag aayos ng mahabang lamesa sina Zandre at Aubrey,.
" Ash daan ka muna dito sa bahay..
" kuya naman.. Nagpapatawa kaba? Wala naman po kaming ibang madadaanan eh - natatawang sagot ko..
" ano kasi... Bday namin ni Zandre.. Ngayon ay nakaupo na ang mga barkada nila sa mga upuan na nakalagay sa harap ng mahabang mesa..
"Ha.?? Seryoso ka ba??
Natawa si Leah..
" bakit??
"kasi po birthday ko din,
Bisita ko po yung mga sinusindo at hinahatid ko sa sakayan.. May handaan din po sa bahay..
" hala... Ang galing.. Sabi ko na eh.. Meant to be talaga tayo.. Haha
Lumapit si Zandre.. Ash kain muna kayo ng maganda mong kasama, sige na.. Pa birthday mo na sakin..
" Happy bday sa inyong dalawa.. Balikan ko na po mga bisita ko..
" happy birthday din sayo Ash.. Sabi ni kuya Zandro..
-hala totoo ba? Sabi naman ni kuya Zandre... Happy bday Ash.. Bye...
Ang cute nyong tignan nung Zandro ha... Meron kang hindi kinukwento sakin.. Iba eh... May spark..
Ssshhhh... Baka may makarinig sayo..
"uy paano naman si Jester..
" oh bakit? Wala akong sinasagot.. Nanliligaw lang sila.. Lets keep it that way.. Matira matibay hahaha nagtawanan pa kami bago makarating sa loob..
" Jester dalahan mo si tita ng food pag uwi mo ha...ay hindi... Hatidan na natin sya ngayon.. Pwede po ba tita?
"sige sige.. Iaayos ko lang..
Naglalakad kami ni Jester ngayon.. Ang sama ng tingin samin ni kuya Zandro.. Aray naman.. Malakas na salita ni kuya Zandre.. Napangiti tuloy ako.. Ano ba pre... Ang hina mo naman.. Bulyaw ng iba pang kaibigan nila.. Paglampas namin sa bahay nila..
"anong meron don? tanong ni Jester..
" bday nung kambal...
"ka bday mo si Zandro?
" well.. Yeah... Parang hahaha.. Sagot ko naman.. Ngayon ay malapit na kami sa kanila.. Ma, nandito po si Ash.. Lumabas sa tindahan si tita.. Happy bday iha..
"salamat po, dinalahan ka po namin ng miryenda ma.
" ang dami naman nito, mukang kasama na ang almusal bukas, thank you and Happy bday sayo iha.. nakangiting sabi ni tita.. Dapat di na kayo nag abala pa, kamusta ka naman iha? Okay naba yung sa play at PUP??
" okay naman po tita, payag naman po ang lahat..
"of course, magandang opportunity kasi iyon. So paano ba yan.. Sayo ko na naman ipababantay itong binata ko ha..
" opo tita, walang problema.. Kukurutin ko po kapag matigas ang ulo hahaha... Nagtawana pa kami ni tita,
-pabili po.. Si jester ang pumunta sa tindahan..
Oh sya isasalin ko na ito.. Para makabalik na kayo,.
Pumasok na si tita sa tindahan, Ash upo ka muna.. Iihi lang ako sabi ni Jester.. Saka umakyat ito.. Nagtaka ako kasi nandito sa baba ang banyo nila sa baba.. Ma.. Ma...? Tawag nya..
pumasok si tita... Ma... Nandito po ako sa taas.. Umakyat si tita,.
" pagbaba ay bitbit ni tita yung chocolate na isang bag.. Like literal na naka transparent bag... mahigit isang kilo yata o baka dalawa.. This is from me and tito.. Inabot sakin.. Si Jester naman ang kasunod.. Ash para sayo..
"Oh my gosh.. Isang gray.. Bear..ang laki.. Mga 4ft cguro ito.. Iniabot nya sakin..
" Ipinabili nya yan sa papa nya.. Kakadating lang kahapon.. Sinabi nya na ireregalo nya sayo..
"ikaw talaga... Pero salamat..
Sige po tita.. Balik na po kami sa bahay,.
Yakap yakap ko ang bear at sya ang may bitbit nung madaming chocolates.. Napadaan kami ulit kila kuya Zandro.. Aray naman talaga oh... Sabi ni Zandre..
" Ash wait.. Pumasok ito sa loob.. Paglabas may isang basket ng red roses at isang bear din na kasing laki nitong bitbit ko ngayon.. Kulang peach naman ito..
'Oh my Gosh... naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko.... Wala na kong pwesto sa room ko.. Itong dalawa nalang hahaha..
" happy Birthday and happy valentines baby...
Kinuha ko ito... At niyakap din..thank you..
" Jester would you mind?
"no.. No of course not.. Kinuha nya ang basket of roses.. Salamat po.. Uwi na kami.. Happy bday din..
" iba na talaga ang tama mo tol.. Buti may express delivery na ngayon.. Mga buang.. Nakahanda talaga yung kasi Valentines ngayon.
" baby?? Kayo na ba?? Tanong ni Jester..
"no, nanliligaw din sya.. Bahala kayo kung anong gusto nyong itawag sakin.. Hahaha basta matira matibay hahaha..
Pagdating sa bahay.. Hala ang gaganda naman nyan..
Kanino galing sabi nintita..
Sa dalawa po... Sagot ko.. At alam na nya kung sino..
" chocolates??
-kay J po
" Flowers??
-kay KZ po..
Napangiti si tita...
Yung mga bitbit mo kahapon?? Sa mga extra po... Hahahaha
Alam na yun ni tita.. Yung iba kasi ay medyo walang pag asa.. But Jester and Zandro are different, they are on real fight..
Nagpatulong ako kay Jester na iakyat sa room ko ung mga bear.. Pagpasok nya ay agad nilapag sa kama yung galing sa kanya,. Itong isa dito lang to sa sahig.. Natawa naman ako..
Hinawakan nya ang kamay ko,
I love you Ash,.
-tanging ngiti ang sagot ko dito.. Tara baba na tayo..
May name nga pla yang bear na bigay ko sayo...
"ano?
Jesti... Sabi nya..
Para maisip mo ko kapag yakap mo yan..
Okay okay.. Bye Jesti... Mamaya na kita yayakapin... Ako ba pwedeng ngayon na? Sabi ni Jester..
Ewan ko kung bakit.. Niyakap nya ako ng bigla pero hindi ako pumalag... Niyakap ko rin sya..
Sabay bulong na.. Baba na po tayo.. Sure baby.. Sagot nya..
Hey.. Wala bang iba hahaha..
Nagtatawanan kaming bumaba ng hagdan..
Wala kang originality sabi ko sa kanya..
Girl... Upo ka,. Si tita magpapainom.. Huh?
Huwag kang maingay... Baka marinig ng ibang tita mo.. Yang mga kaibigan mo bumili ng gin.. 3 nilagay sa plastic. akala ko kanina ay sprite..
. At nilagay sa pitchel saka nilagyan ng juice.. Hayaan mo na.. Madami naman kayo kaya mauubos nyo yan agad.. 15 ka na.. Pwede na yan.. Minsan lang naman eh.. First time kong uminom... Parang makapal ang mukha ko.. Natatawa kong sabi...
Pero normal naman ang lahat... Pero nung uuwi na sila nahilo ako ng bahagya pagtayo ko.. Ayan girl.. Alam mo na ang pakiramdam.. Sila kasi noon pa ay umiinom na..
Oh sya gabi na.. Hatid ko na kayo sa parang..
Teka lang sabi ni Jester.. Ligpitin ko lang to.. Maya na pagbalik natin.. Ihatid na muna natin sila sa sakayan... Naglalakad kami.. Pakiramdam ko hindi talaga diretso ung lakad ko eh.. Magkalingkis pa ang kamay namin ni Leah.. Habang si Jester ay nasa likod lang namin naka alalay.. Hindi sya uminom..
"Girl... Ang pangit mo maglakad.. Haha
" si leah naglakad ng pasexy... Oi mas pangit ka maglakad... Ganda ganda ko eh.. Hahah
"ay girl... Huwag ako.. Ui ano ba kayong dalawa... Pinagtitinginan na kayo ng tao.. Lea umayos ka nga..
" opo tatay... At humagalpak kami ng tawa ni leah...
Hindi ko napansin na nakalampas na kami kila kuya,
Bahala na... Eh ano kung nakita nya akong ganto.. Sa isip ko..
" halika na.. Balik na tayo sabi ni Jester.. Bakit ka naman kasi uminom.. Hawak ako nito.. Eh ang kulit nila eh.. Huwag mo na kong hawakan.. Kaya ko naman eh.. Pero bakit parang matutumba ako kapag binitawan nya ako?? Punyetang alak yan ah... Okay naman ako kanina..
" here, inabutan ako ni kuya Zandro ng juice na may maraming yelo.. Nakakunot ang noo..
" what's that? Kung alak po yan.. Ayoko na..
"ano yan pre? Tanong ni Jester,
" juice.. Madaming ice para umayos ang pakiramdam mo.. Uminom ba sya?.. Tanong nya kay Jester..
'oo eh... Napilitan..
"ikaw pre, umiinom ka ba?
' naku hindi.. Ayaw ni Ash..
Sabi nya ayaw ng lalaking umiinom ng alak kasi one of the reason kaya nagkasakit daw ang papa nya is alak.. Noon umiinom ako, I even drink with my Dad..
" kaya pala.. Ahm ash.. Sila lang ang umiinom ha.. Di ako kasali..
" ewan ko sayo, medyo napalakas yata ako ng sabi.... Oh ayan na yung baso mo.. Salamat..
" tara na baby.. Sabi ko kay Jester..
" sige pre..
Ay tuluyan na kaming naglakad..
"huy ano ka ba? Si Zandro parang binuhusan ng malamig na tubig don..
'naiinis ako kasi nagsinungaling pa sya, as if naman hindi ko nakita na tinatagayan sya kanina..
" nagagalit kang uminom yung tao, eh ikaw nga dyan hindi makatayo ng diretso. Tapos tinawag mo pa akong baby sa harapan nya, bakit tayo na ba?
" bakit ayaw mo ba?
"ayoko... Lasing ka lang at ako ang napapagtripan mo.. Natatawa nyang sabi... Umayos ka.. Nasa gate nyo na tayo.. Diretso kami sa bahay.. Niligpit ni Jester yung lamesa.. Si tita ay naghuhugas ng pinaglutuan.. Naka paper plate naman kasi para less ang huhugasan.. Ano anak... Masakit ulo mo?
Opo...
'Hahaha ayos lang yan.. Matulog ka na kaya.. Teka po, parang nasusuka ako eh.. Oh sya.. Maghilamos ka o kaya maligo para mahimasmasan ka..
'okay po, ito na isuot mo.. May nakahanda na pla akong pantulog.. Pajama ito at sando.. Sige ligo na.. Bilisan mo... Huwag mo ng basain ang buhok mo ha..
"opo... Okay na yan Jester.. Punasan mo nalang.. Tapos pasuyo.. Timplahan mo si Ash ng gatas.. Magsalang ka ng tubig... Sige po tita... Ng matapos maligo ay diretso ako sa kwarto.. Humiga at niyakap ko si Jesti..
" maya maya ay kumatok si Jester.. Ash... Ash..
Pasok...
" binuksan nya ang pintuan, nakita nya akong nakayakap kay Jesti.. Sarap naman sana pala sarili ko nalang ni regalo ko sayo eh.. Hahaha..
Inumin mo daw tong gatas sabi ni tita.. Para makatulog ka agad.
" umupo ako,.. Napalunok sya na nakatingin sa dibdib ko..
Nakalimutan kong wala na pala akong bra kasi matugulog na ko.. Tinakpan nya ang mata nya.. Ash.. Ano ba??
" oh bakit...
"yung dibdib mo, sabi nya..
Kinuha ko ang kumot.
. "Okay na..
Sorry.. Bat ba kasi need pa yang gatas... Antok na ko..
"Inumin mo na... Sabi ni tita eh..
.. Hindi purong mainit ang nilagay ko kaya maiinom mo na agad.
Ininom ko iyon ng diretso at iniabot ang baso kay Jester.. Hinawakan ko ang kamay nya..
Hinila ko sya ng bahagya... Malapit sa mukha ko ang mukha nya.. Salamat.. Sabi ko... Bigla nyang idinikit ang labi nya sa labi ko.. Imbis na umatras ay pumikit lamang ako.. Itinuloy ni Jester ang paghalik sakin.. Mga 2 minuto siguro..
Ahmmm... You're Welcome.. Uuwi na rin ako ha.. Bye ash.. Nataranta syang umiwi.. Tita.. Naubos na po ni Ash... Uuwi na din po ako.. Sige sige.. Ingat ka... Salamat...
'JESTER' s POV
Shit... Bakit ko sya hinalikan?? Yun kasing mga labi nya.. Parang hinila ako.. s**t baka magalit sya sakin bukas.. Naglalakad akong inaaway ang sarili ko..
Anong ibig sabihin ng halik na yun.. May ibig sabihin kaya o lasing lang talaga sya.. Hindi sya umiwas.. Lumaban pa sya ng halik sakin.. s**t Jester... Lagot ka kay Ash sa Lunes...
Nang biglang humarang sa harapan ko si Zandro. Oh pre.. May kaylangan ka?
"gusto ko lang itanong,. Kayo na ba?
Malungkot nyang Tanong..
" how I wish.. Sabi ko.. Sa totoo lang pre... Pwede kong sabihin sayo na oo kami na.. Tapos titigilan mo na ang pagporma sa kanya.. Kaso hindi eh.. Hindi pa..
Ang totoo nyan... . Nainis lang sya sayo kanina..
Nung sinabi mong hindi ka uminom.. Eh kitang kita nya daw ang pag abot sayo ng tagay kanina..
"inabutan ako pre, pero hindi ko ininom..
Kung tutuusin.. Bday ko ngayon.. At dapat sa mga oras na to eh sumusuka na ko sa kalasingan.. Pero dahil ayaw ng babaeng mahal ko yun.. Hindi ko ginawa
' sige pre uwi na ko, subukan mo nalang ipaliwanag kay Ash.. Pero huwag muna ngayon. Natutulog na kasi sya nung iwan ko sa room nya. Geh pre uwi na ko.
Hindi ko na dapat sabihin yun pero gusto kong mag isip sya.. Kung ako ang masusunod. Gusto ko ay iwasan na sya ni Ash.. Gusto ko sana akin nalang si Ash.. Pero di naman pwede yun. Si Paul nakasalubong ko.. Pre sama ka? Iinom kami dyan sa tabing bahay nyo.. Gabi na pre.. Magagalit si mama..
Sige pre.. Pasok na ko.. Tuluyan na kong pumasok sa bahay... 16 na ako pero hindi ako masyadong nagbabarkada.. Mas gusto ko pang doon tumambay kila Ash para nakikita ko sya palagi..
Ma, nandito na po ako.. Buti naman, tulungan mo akong magsara ng tindahan anak.. Sige po ma,
Amuy alak ka anak.. Sa damit lang po ma, uminom kasi sila Paul at Leah kanina... Ako nagligpit don sa lamesa.. kahit amuyin mo pa po bibig ko.. Di po ako uminom ng alak. Magagalit kasi ang dalawang mahal kong babae.. Alam ni mama na sya at si Ash ang tinitukoy ko..
"anak, tingin ko ay wala pang plano si Ash na magka bf, okay lang ba talaga sayo ang maghintay?
" opo ma, 1 at kalahating tao pa.. Saka sya pipili samin ni Zandro.
ZANDRO's POV
Natutulog na sya nung iwan ko sa room nya..
Damn! What does he mean.
Nakakainis.. Parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig..
Gusto kong makausap si Ash.. Gusto kong magpaliwanag.. Pero.. Hay.. Wala naman akong kasalanan, hindi na nga ako uminom eh.. Kahit kaarawan ko din naman.. Samantalang sya nga ay hindi makatayo at lakad ng diretso... Ang labo naman... Bahala nga sya...
Lumapit ako kila Zandre at nagsimulang uminom..
Maya maya ay buhat ng uncle nya si Ash... Kasunod ang tita nya. Papuntang sakayat. Agad akong sumunod..
"-Ano pong nangyari..
Pa, ibigay mo si Ash kay Zandro.. At balikan mo si Jay kila Elvie.. Huwag mong sasabihin ha.. Sige sige.. Dalahin natin sya sa ospital..
Pagtingin ko sa mukha ni Ash ay puno ito ng pantal.. Pati pala braso nya..
Sumakay kami ng tricycle... At nagpadala sa pinakamalapit ng ospital..
"Ash baby... Are you okay? Wake up please... Please... Ash wake up.. Pero hindi sya sumagot.. Hindi Sya Basta tulog lang.. Wala syang malay,.
Allergy.. Allergy sa alcohol... Yun ang sabi ng doctor. Agad syang tinurukan ng maibaba ko sya sa kama.. Unti unti nawala ang pamumula nya after 30 minutes.. Pero nandon pa ang pantal,. Ngayon lang ba ito Misis? Tanong ng doctor kay tita..
Oo Doc. Ngayon lang po, actually konti lang yung natikman nya, does this mean bawal po sya sa kahit anong alak?
"hindi naman po, kung ano lang ang ininom nya ngayon
... Pwede naman sya sa beer.. Napangiti pa ang Doctor. Pwede nyo na po syang iuwi pagkanagising sya..
...kung magising sya sa loob ng 2 oras pwede na pero kung hindi, obserbahan pa namin sya..
" Sige po doc
nasa room kami ngayon...
nagpaalam si tita na lalabas lang para magbayad..
hawak ko lang ang kamay ni Ash at hindi ko sya binibitawan...
Nagkamalay si Ash paglabas ng tita nya,.
" may masakit ba sayo baby?
" tubig... Gusto ko ng tubig..
"Oh shoot... Wala tayong dala.. Pero kung okay ka lang ay bibili ako, nasa baba ang tia mo eh..
" Nasan ba ko at bakit nandito ka?
"ospital po ito,.
" ha? Bakit naman ako nandito eh natutulog na ako sa kwarto kanina..
"hindi ko alam.. Nakita ko lang na buhat ka ni tito mo.. Kasama tita mo.. Tas ipinakarga ka sakin ni tita para mabalikan ng tito mo si Jay.. Kanina ay pulang pula ka na.. Allergy daw sa gin.
" oh okay.. Bakit ka nandito? Diba galit ako sayo?
Dapat si Jester nalang ang nagdala sakin.
"pwede ba Ash.. Huwag ngayon.. Nag-aalala parin ako sayo baby, kanina yung nakita mong itinagay sakin ay hindi ko po ininom.
" eh bakit amoy alak ka ngayon?
"kasi nung sinabi sakin ni Jester na tulog ka na nung iwan ka nya sa kwarto... Ang sakit eh... May kung anong kumurot sa puso ko... Pero nakaka 2 tagay palang ako ng dumaan sila tita.. Sorry na baby... Di na po mauulit..
" huwag kang mangako ng impossible.. Mas okay pa kung ipapangako mong iinom ka lang ng sapat at hindi sobra sobra.. Saka kung pwede sana eh kapag may okasyon lang..
Please...
" opo, pangako po. Salamat baby..
Bumukas ang pinto at pumasok si tita..agad naman akong binitawan si Kuya Zandro..
.
Tita.. Nauuhaw daw po si Ash.. Bibilhan ko lang po muna sya ng tubig or iuuwi na po natin sya?
" uwi na tayo.. sabi ni Tita..
Ashley's POV
Inalis ko na ang kumot ko, okay na po ako..
Mamaya ka na bumili ng tubig pagbaba natin..
" tara na..
Nauna ng lumabas si tita kasi ipapa pirma daw nya yung papel sa doctor..
Paglingon ko kay kuya Zandro ay nakita kong nakatitig sya sakin pero hindi sa mukha ko, kundi sa dibdib ko..
Shit! Sambit nya..
Pagtingin ko sa dibdib ko ay binalot ako ng hiya.. Agad nyang hinubad ang polo na suot nya at binigay ito sakin..
"sorry... Sorry..
" okay lang po, salamat.. Isinuot ko ang polo nya, paglabas namin ng room ay nakita iyon ni tita ...
"oh my God, sorry anak.. Nakalimutan kong nakapantulog ka na nga pala.. Nakahawak ito sa noo nya, sobrang pag aalala ko sayo kanina ay nataranta ako...
Bigla ka kasing bumaba sa hagdan ng hindi ka makahinga? Tapos sobrang pula mo.. Pagdating sa upuan ay nawalan ka ng malay.. Buti at hindi ka sa hagdan nawalan ng malay..
" po? Bumaba ako sa hagdan? Di ko maalala..
" hayaan mo na.. Mahalaga okay ka na ngayon.
-tita may reseta po ba ang doctor? Tanong ni Zandro..
"oo meron, ito.. 3 piraso lang naman.. Akina po, isasabay ko na sa pagbili ng tubig nya..
Iniabot ni tita ang reseta...
Bakit ganon... Pilit kong inaalala na bumaba ako sa hagdan... Pero bat di ko maalala..
Haayan mo na anak... Huwag mo ng isipin.. Sambit ni tita ng mapansing nag iisip ako..
"ikaw ha, may hindi ka sinasabi sakin?
" po? Ano po iyon?
"hiniram mo ba yan kay pogi oh sya ang kusang nag abot sayo?
" sya po ang nagbigay pagkatapos nyang matulala sa dibdjb ko... Natatawa pa ako..
". At least possessive... Gusto kanya lang hahaha
" tita naman eh..
Ayan na sya.. Sakay na tayo.. Dyan na kayo sa loob ulit..
" Oh gamot mo baby ko,
May itatanong sana ako...
" ano po?
"sinagot mo na ba si Jester?
" ha? Hindi pa..
" eh bakit tinawag mo sya kaninang baby mo?
'para magselos ka... Para magalit ka..
" fyi Ms. Montecarlo hindi ako nagalit, hindi ako nagselos..
Nasaktan po ako.. Nasaktan ako kaya ako uminom pag alis ni Jester..
" sorry na, sabay isang matamis na halik sa labi nya ang aking binigay... Happy birthday.. at bulong sa tenga nyang I LOVE YOU..
"ayan.. Ang galing mo talaga... Alam na alam mo ang kahinaan ko eh noh.. Alam na alam... Pano pa ko magtatampo ngayon??
Napangiti lang ako... Saka na kami bumaba..
" Sa Monday ko na ibabalik tong polo mo ha.. Lalabahan ko muna..
"Ha. Huwag na.. Ihahatid ko na kayo hanggang gate.. Tapos saka mo I paabot yan kay tita..
" Mabaho na to, napawisan ko na..
"Ash kahit isang baldeng pawis mo pa ang dumikit dyan.. Eh baka lalo ko yan hindi ipalaba.. Haha tapos gawin kong punda ng unan..
Natawa naman ako... Baliw ka talaga kuya..
" matagal na kong baliw... Baliw sayo.. ? ?
Oh sige pasok na..
Salamat Zandro ha,.
... Wala pong ano man..
Tita paabot po ito kay Zandro.. Nakatalikod ako at ilang hakbang lang ang pagitan sa gate.. ..
Oh iho.. Pinaaabot ni Ash... Salamat daw.. Wala pong anuman.. Sige po, uwi na po ako.
ZANDRO's POV
Okay na ulit ako, isa kiss lang ni Ash natatameme itong puso ko, nakangiti ako habang kausap ang sarili ... Hanggang makarating sa mesa na pinag iinuman ng mga bisita..
"oh pre, tulala ka dyan.. Anong nangyari sa baby mo?
Nahimatay pre, allergy sa alak.. 1st time uminom..
" naku... Edi hindi mo malalasing yun..
"gago, bakit ko naman sya lalasingin. Mga pre tinamaan talaga ko sa batang yun. Kung alam nyo lang. Ganon pala talaga no.. 1st time to... Alam nyo yan.. Sa ilan naman ng naging girlfriends ko, may isa ba sa kanila na ako talaga ang nanligaw? Wala diba.. Pero si Ash.. Kahit yata ilang taon eh kaya kong hintayin.. 15 plang sya.. After graduation ng high school.. Saka daw sya mamimili ng sasagutin..
"karibal mo ba yung kasama kanina?
" Oo pre,
"Well mukang may laban ka naman, lamang ka ng 3 paligo pre.. Pareho kayong gwapo.. Pero may abs ka.. Sya wala..
Hahaha
Or wala pa kasi bata pa..
" kaso magka edad sila.. Magkaklase.. Magkaibigan.. Magkapareha pa nung nakaraan.. Nakahalik na yung kay Ash... Don sa play diba..
" Don lang sya,. Nakangiting sabi ko..
"f**k! Sabi ni Kurt.. Anung ibig mong sabihin?
" wala naman, nakatanggap lang naman ako ng matamis na regalo.., sabay kagat sa labi kom.
"WTF.. panalo ka na pala tol eh.. Hiyawan nila..
' wag nga kayong masyadong maingay.. Plano ko nga palang mag aral ulit.. May alam ba kayong computer school.. Malapit sa PUP?
saktong labas ng mom ko, may dala itong pulutan..
Wag kayong masyadong maingay.. Dapat kasi doon kayo sa bakanteng paupahan nag inom eh..
Mom.. May sasabihin po pala ako...
"yes son?
" okay lang po ba kung ipagpapatuloy ko ang pag - aaral ko?
"Zandro, sa lahat ng sinabi mo.. Yan na yata ang pinaka maganda,. Just tell me what you need. Aayusin ko agad ang papers na kailangan mo.. Same course?
" Yes mom.. But different school..
"babae ba dahilan nito no?
Napakamot ako ng ulo... yes mom, yung future wife ko po.
Well kahit sino pa man sya... Mukang sa tamang landas ka naman nya dadalahin.. So it's fine with me.. Saang school ba kayo mag aaral?
" no ma, hindi po ako mag eenrol sa pag-aaralan nya, gustuhin ko man... Di kaya ng utak. Ko don..brainy yung nililigawan ko, PUP po sya papasok.. Ako po kahit anong computer school nearby..
" wait.. You mean Sta. Mesa??
Tumango ako..
"oh well, if that's what you want... Then fine, once decided ka na talaga..sabihan mo lang ako.
How bout you Zandre?? Any plans??
" mom I'm planning to give you grandchild this year.,
Natatawang sagot ni utol.. You're too young for that!
Saka na ito pumasok..
"pare sigurado ka ba dyan?
" oo pre, di ako papayag na.. Si Jester lang ang malapit sa kanya..
"eh kung ganon.. Tagay. Mo na... Ininom ko ito kasi sabi naman ni Ash.. Occasionally is fine..