"I'm sorry, I lied to you." ani Vince.
Nandito siya ngayon sa mansyon at ito agad ang bungad niya sa akin.
Nalaman ko na pati pala itong mansyon na inakala kong para sa amin ay pag aari pala ni Yael.
Kinukuha niya ang mga gamit niya na naririto. 'yon lang yata ang ipinunta niya rito at hindi talaga ang humingi ng tawad sa akin.
Narito kami ngayon sa living room at kasalukuyan akong nakaupo sa sofa katabi ni Yael. sa katapat na pang isahang sofa si Vince naupo kaharap namin siya.
"Hindi pa rin tama ang ginawa niyo! pinagkatiwalaan kita, akala ko may nararamdaman ka talaga para sa akin... 'yun pala isang pustahan lang pala ang lahat!"
Hindi ko maiwasan ilabas ang galit ko sa kanya. Though, hindi ko maunawaan ang sarili bakit tila parang wala man lang akong makapa na panghihinayang sa nalaman na hindi talaga kami mag-asawa. bagkus naging daan pa ito para tuluyan ko nang palayain ang sarili ko sa isang bagay na matagal ko nang tinatago.
Oo, nasaktan naman talaga ako sa bagay na nalaman ko. Pero napagisip-isip ko na mayroon din akong sekreto na matagal ko nang tinatago sa kanila. At segurado ako kapag nalaman nila ang bagay na ito ay baka kamuhian nila ako.
Kaya sa huli, ngumiti ako kay Vince. nakita ko ang gulat sa mata niya tumingin pa ito sa katabi ko at nakita ko naman ang pag tango ni Yael sa kapatid.
"Pasensya na talaga, Ariyah. babawi ako sa 'yo, ano bang gusto mo?"
Tanong nito at bahagya pang hinawakan ang kamay ko. Hindi alintana ang matiim na titig ng katabi ko. parang wala namang napansin si Vince at hindi parin binibitawan ang kamay ko.
"Wala, wag kana mag abala. kalimutan na lang natin ang nangyari,"
Sincere kong sabi. bahagya ko nang hinila ang kamay ko at baka bigla na lang lumipad palabas si Vince.
Nilingon ko ang katabi ko at nakatitig ito sa akin na akala mo ay may nagawa akong mali sa kanya. e. siya nga itong may kasalanan sa akin. Dahil d'yan sa mga pakulo niya makuha lang ako. so lame, Tsk.
"You heard my wife. you can leave now, at wag kana dito bumalik,"
Sabi ni Yael sa seryosong tinig. galit na siya.
Tinawanan lang naman siya ni Vince at tumayo na ito sabay kuha nang isang maleta na naglalaman ng kakaunti niyang damit.
"Why so possessive?" baling nito sa Kuya niya.
"Leave,"
"Ito na! para ka namang aagawan! e. na sa 'yo na nga!"
Sigaw ni Vince habang papalabas nang pinto nang mansyon.
Ako naman umakyat na at iniwan ko si Yael sa baba. Bigla akong nakaramdam nang pagkahilo.
Dalawang-buwan na rin nang mangyari ang tungkol sa pagkakatuklas ko nang sekreto nila tungkol sa akin.
Nalaman ko din na alam pala ito nang pamilya ko. kahit si Daddy ay alam ang lahat ng ito.
Hindi ko na rin magawang magalit sa kanila at wala naman na akong magagawa nandito na 'to. kasal na ako kay Yael. Gagawin ko na lang ang parte ko bilang asawa sa kanya.
Nakarating ako sa loob ng kwarto namin. pero bago pa ako makalapit sa kama nakaramdam na ako nangpakahilo. Nag akyatan din bigla ang lahat ng kinain ko kaninang umaga lahat sa bibig ko. dali-dali akong napatakbo sa loob ng banyo na ipinagpapasalamat ko na bukas. Baka inabutan na ako sa carpet. nakakahiya naman sa maglilinis nagkalat pa ako.
Pagkarating ko sa loob dumiritso ako sa inidoro. Malinis naman ito. pasalampak ako na naupo saka ko inilabas ang dapat ilabas. pero nanghina lang ako dahil puro tubig lang ang lumalabas sa bibig ko. nasa ganoon akong pwesto nang may humawak sa buhok ko may humagod sa likod ko.
Kahit hindi ko lingunin alam kong ang asawa ko 'yan.
He's scent that I like to smell every morning. alam kong siya 'yan. Itinayo niya ako nakita ko ang pag aalala sa mata niya.
"What happen?" malambing niya tanong.
nagmomog ako sa may lababo na naririto sa banyo at pinusan ko ang bibig ko ng towel na nakasabit sa rack.
Nasa likod ko pa din si Yael at nakabantay lang sa bawat galaw ko.
"Nasuka lang ako, baka sa kinain ko kanina." taimtim lang niya akong tinitigan. Nababasa ko doon ang tila saya habang nakamasid sa akin.
"Baby, aren't you pregnant? I mean, every morning I see you like this. Iniintay ko lang na magsabi ka sa akin," nagulat naman ako sa kanya. napapansin niya pala ang pagsusuka ko sa umaga. at tama siya may hinala na rin ako pero ayoko namang manghula. at natatakot ako sa resulta!
ready na ba ako maging nanay?
Inakay niya ako palabas ng banyo saka marahan na inupo sa kama.
"You know, I've been dreaming you get pregnant with my child,"
Nakikita ko ang saya sa kanya habang sinasabi iyon. Sino ako para ipagkait 'yon sa kanya. nararamdaman ko rin ang sobrang pagmamahal niya sa akin. Niyakap ko siya saka ko marahan na hinalikan ang labi niya.
Nagyakap lang kami habang dinadama namin ang bawat t***k nang puso namin.
Maya-maya pa ay umahon ako mula sa dibdib niya at may kinuha sa drawer. It's time para malaman namin at ito ang tamang panahon lalo na andito siya para sa akin.
"Ok. then, let's find out."
agad na akong bumalik sa banyo at ginawa ang pagtest para malaman ang resulta. I took some of my urine saka ko ito ipinatak isa-isa sa tatlong-samples ng pregnancy kit na nasa harap ko.
Naiwan sa labas si Yael at sabi ko mag hintay na lang siya sa paglabas ko.
Halos mawalan ako nang balanse nang lumabas na ang result!
It's all possitive!
I'm going to be a mother! paglabas ko agad ko ipinakita kay Yael ang resulta. katulad ng inaasahan ko masayang-masaya siya. binuhat niya pa ako at inalog-alog sa ere. sinaway ko lang siya at baka mapaano ang baby sa maliit ko pang t'yan!
He said sorry, and kiss me nonstop!