"Honey. I have an urgent meeting. baka humabol na lang ako mamaya sa dinner, Okay?" sabi ni Yael.
Tinignan ko siya nang maypagdududa. Nakita ko naman ang pag ngisi niya. mas lalo naman ako napasimangot.
"Hey, I'll be back at six," hinalikan niya ako sa noo at saka nagmamadaling sumakay sa kotse niya. napahabol na lang ako nang tingin sa sasakyan niya.
Mabigat ang loob na pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam kong dahil ba ito sa pagbubuntis ko. O baka dahil sa may basihan talaga ang pagseselos ko.
Simula kasi nang malaman naming buntis ako ay todo ang pagbabawal ni Yael sa akin kahit ang lumabas nang bahay ayaw niya.
"Anak, kumusta ang kalagayan mo d'yan?"
"I'm fine. wag ho kayo masyado mag alala, Mi."
Narinig ko ang pag buntonghininga ni Mommy sa kabilang linya. nasa opisina si Yael kaya naiwan na naman ako dito sa mansyon mag-isa.
"Pinapasabi pala nang Daddy mo, kailan ka daw pupunto sa bahay?" aniya.
"Hindi ko pa alam. Mi. magpapaalam po muna ako kay Yael."
Pinasigla ko ang boses ko. Ayoko na isipin ni Mommy na may mali sa akin.
"Alright. Sweeatheart. I love you. bye,"
"I love you too. Mommy," pinatay ko na ang tawag saka ako bumalik sa taas.
Habang binabaybay ang hagdan hindi maalis sa isip ko ang text message na natanggap ko kahapon galing sa hindi ko kilalang number.
Uknown number. "Meet me, here's the address. Makati Palanan street.'" isa pang text ang kasunod na nag pop-out sa inbox ko.
Unknown number. " Blue-gate.. arizala residence."
Gusto ko sana mag reply pero natatakot ako sa malalaman ko.
Tungkol kaya ito sa asawa ko? napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na parang iba ang ikinikilos ni Yael.
Lagi itong umaalis nang umaga at kapag tatanongin ko ang lagi niyang sagot "It's important." katulad na lang ngayon. Ugent daw.
Pagkatapos laging late na umuuwi sa gabi. ang buong akala niya tulog na ako sa gabi. pero hindi. Kaya alam ko ang mga iilang beses na umaalis din siya nang hatinggabi.
Isang umaga habang nag aalmusal kami. Hindi na ako nakatiis at tinanong ko siya.
"Hon, Saan ka galing kagabi?" hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtiim bagang niya.
Nag angat siya ng tingin mula sa plato niya at sinalubong ang mata ko.
"Pinagdududahan mo ba ako?" umiling-iling ako saka ko siya nginitian nang mapansin ko na parang nagalit ko siya.
ako na din ang unang nag iwas ng tingin.
"Next time. don't ask me any thing. Wala akong ginagawang masama kong 'yon ang ibig mong sabihin sa tanong mo, tanging trabaho lang ang pinupuntahan ko. bukod doon, wala na." saka siya mabilis na tumayo at naiwan ako sa lamesa.
Simula nang mangyari 'yon hindi na ako nagtanong ng kahit ano sa kanya. hinayaan ko na lang siya.
Napahimas ako sa umbok ko nang t'yan. kapag napatunayan ko na tama ang hinala ko. Hindi ko alam kong anong magagawa ko.
Wala akong sinayang na sandali at agad ko pinuntahan ang adress na ibinigay sa akin nang kung sino mang tao iyon. kong ano man ang naroon bahala na.
May takot at kaba sa dibdib ko kung ano ang madaratnan ko sa lugar na 'yon. pero handa ako sa anuman.
Pasado alas 9 ng umaga nang marating ko ang Palanan street sa Makati.
pagbaba ko sa taxi ay muli akong nakatanggap ng text sa parehong numero.
Isang pulang bahay raw ang hanapin ko. malapit sa TALIPAPA.
Ipinagtanong-tanong ko iyon sa mga vendor at kaagad naman nila sa akin itinuro.
" Kumaliwa ka diyan sa kanto, " turo sa akin ng isang ale na nagtitinda ng gulay.
" Iisang bahay lang ang may ganyang kulay dito. kina Avery 'yan, kaibigan ka ba niya?" nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ng babaeng hinahanap ko.
" Opo, kaibigan niya ako. gusto ko sana siya dalawin e. di ko naman po alam ang bahay niya. " ani ko naman. ngumiti siya saka tumango.
" Sige, mukhang nariyan naman ang batang 'yan. at kanina... nakita ko may bisita siya e. baka iyong nobyo niya, " segundo pa niya.
Ako naman ay tila natuod sa kinatatayuan ko. si Yael ba ang tinutukoy niya?
Nang nasa tapat na ako ng gate ng bahay
nang sinasabi nilang Avery. Bumuntong hininga ako bago sinubukan kumatok.
Napalinga ako sa paligid pero wala naman ang sasakyan ng asawa ko.
Hindi kaya...
Hindi, may tiwala ako sa kanya. hindi naman siguro niya ako lolokohin!
Naghintay pa ako ng ilang segundo bago bumukas ang gate at bumungad sa akin ang isang magandang babae. pero napansin ko ang pamumutla niya at hindi magandang ayos ng damit.
Sabog sabog din ang kanyang buhok na animo'y sinabunutan.
Napatitig ako sa itsura nya.
Ngunit napansin ko ang ilang pulang marka sa leeg at dibdib niya.
" May kailangan ka?" aniya sa mahinang tinig.
Napatitig ako sa kanya. at aaminin ko ay parang gusto ko siyang sugurin kahit hindi ko pa naman kompirmado kung babae siya ng asawa ko!
pilit akong ngumiti sa kanya.
" Ako si Ariyah. Hinahanap ko kasi si Avery? nandito ba siya?" mahinahon ko pa ring tanong s akanya.
Napansin ko ang paglikot ng mata niya. para siyang hindi mapakali.
" Sianbi kasi sa akin na dito raw ang bahay niya, "
" Ako si Avery, Anong kailangan mo sa akin?"
Sa wakas ay sinalubong na niya ang mga mata ko.
parang bigla siyang tumapang.
" Puwede ba sa loob nalang tayo? Importante ang sadya ko e."
" P-Pero-"
" Hidni ako magtatagal. may kailangan lang ako sa 'yo, aalis din ako kaagad. " ani ko pa.
Nginitian ko siya. iyong klase ng ngiti na may babala.
" Tuloy ka, p-pasensya ka na... nasa loob kasi ang boyfriend ko. pasok ka. " nilakihan niya ang pagbukas ng gate at saka ko pinapasok sa loob.
Napangisi naman ako. ngayon ko malalaman kapag nagsisinungaling ka saakin Yael.
Hidni talaga kita patatawarin!