Maupo ka, Akyat lang ako para mag bihis," Napatingin ako kay Avery ng marinig ko siyang nagsalita.
" Nasaan nga pala ang boyfriend mo? Pakilala mo naman ako, " Tanong ko sa kanya.
Natigilan siya.
" A-Ahm, A-ano... Nasa taas sa kwarto namin. " Muling umahon ang inis sa loob ko sa narinig.
" Ganun ba? matagal na ba kayo?" Tanong ko.
Pigil na pigil ko ang wag mag taray sa kanya pero kusang dumudulas sa bibig ko ang mga tanong na yon.
Napalunok siya at biglang na tense. Mukhang may tinatago talaga siya.
" Sabihin mo na ang pakay mo nang makaalis ka na, Sorry miss, ha? Pero kasi... Hindi kita kilala at bigla ka na lang pumunta dito sa bahay ko. Nadistorbo mo kami ng boyfriend ko. Ano bang kailangan mo?" May himig ng inis sa tono niya.
" Yael Montebañez ba ang ngalan ng boyfriend mo?" Deritso ko nang tanong sa kanya.
Ayaw ko na rin mag aksaya ng oras sa babaeng 'to!
Umawang ang bibig niya at halatang nagulat. Pero muli rin tumitig sa akin na may pagtataka.
" kilala mo si Yael?" Aniya.
" Siya nga?!" Lumapit ako sa kanya at matapang ko siyang tinignan sa mga mata.
Nababas ako ang halo halong emosyon sa kanya. Parang may pag aalala akong nakikita sa mga mata niya.
" Si Yael ang nobyo mo? At nasa kwarto mo siya, ganun ba yon?!" Hindi ko maiwasan sumigaw sa harap niya.
Nanginginig ang mga kamay ko at gusto ko siyang hablotin sa buhok! Pero pinigilan ko ang sarili ko.
" It's not what you thinking... M-mali ka nang pagkaka intindi. hindi siya-"
" Ilabas mo ang asawa ko!" Tinabig ko siya at saka nilagpasan ko siya para tunguhin ang hagdan sa kaliwang bahagi ng bahay.
.
" wait! Anong ginagawa mo? Bawal ka umakyat sa taas! Trespassiny 'yang ginagawa mo!" Hindi ko siya pinansin at basta nalang ako umakyat sa taas ng bahay at hinalughog ang bawat silid na madaanan ko.
Nasa likod ko naman si Avery at panay pigil sa akin.
" Bitiwan mo ko! Ilabas mo ang asawa ko! Mga hayop kayo, Ikaw pala ang kabit niya. Alam mo bang may asawa siya at ako 'yon?!" Nilingon ko siya at basta nalang tinulak sa dibdib. Napasalampak naman siya sa gilid ng hallway matapos niyang matumba dahil sa ginawa ko.
Nakita ko ang pag daing niya na animo ay may iniindang sakit. Pero hindi ko iyon pinansin. Lumuhod ako sa harap niya at saka ko hinablot ang mahabang buhok niya para iharap sa akin.
" A-aray, bitiwan mo 'ko!" Sigaw niya sa mukha ko. Pero hindi naman siya nanlaban. Hinayaan niya lang ang kamay kon sa buhok niya
" Isa kang makating babae. Para sabihin ko sa 'yo, Magkaka anak na kami ni Yael. Kaya layuan mo ang asawa ko. Kundi ay papatayin kitang higad ka!" Pagkatapos ko iyon sabihin sa kanya ay basta ko nalang binagsak ang ulo niya dahilan para bahagya siyang mahilo sa ginawa ko.
Parang hinang hina siya. Tsk. Lampa naman pala itong higad na 'to.
Muli akong tumayo at saka tinungo ang huling pinto sa dulo ng hallway, iyon na lamang ang hindi ko pa nabubuksan.
Tumayo na rin si Avery na tila naghihina. Parang hirap na hirap siyang igalaw ang katawan niya. Nakakunot noo ako.
Nagtuloy tuloy ako sa pag lapit sa kawarto. Nang matapat ako sa pinto ay kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sa sobrang lakas ay tila sasabog na ang puso ko.
Pinihit ko ang seradura. Tumulak iyon. Bumukas.
Halos kaposin ako ng hangin nang tumambad sa akin ang isang madilim na silid. Humakbang ako papasok.
May isang pigura ang nakahiga sa ibabaw ng kama. Tila mahimbing ang tulog. Nakadapa ito at bahagyang nakatalikod sa gawi ko ang kanyang mukha. Kaya hindi ko makita kung ang asawa ko ba ito o hindi.
Wala akong sinayang na sandali. Naalala ko na naman na kabit ng asawa ko si Avery. Kialala niya ito.
Kaya malamang ito nga ang lihim ng asawa ko.
Mabilis akong lumapit sa kama at hiniklas ang kumot sa katawan ng lalaki. Nagulat ito sa ginawa ko kaya mabilis din itong bumangon at napatingin sa akin!
Halos malaglag naman ang panga ko sa nakita ko!
Mabilis akong tumalikod at nagtakip ng mga mata. s**t!
" Who the f**k are you?!" Narinig kong turan ng lalaki sa likod ko. Galit ang kanyang boses.
nakita ko si Avery na pumasok dito sa kwarto. Walang gana niya akong tinignan bago ako nilampasan.
" S-Sory, h-hindi ko alam. A-akala ko... s**t!"
Napamura ako sa sarili ko dahil sa katangahan ko. Nasaktan ko pa si Avery!
Na mukhang may iininda sa katawan base sa kanyang mga kilos.
" Asawa siya ni Yael, hinahanap niya dito ang asawa niya. Pinagbintangan pa niya akong kabit nito. Tinulak at sinabunutan pa niya ako sa labas, "
Narinig kong sumbong ni Avery. Napakagat labi ako.
Patawarin niyo po ako, Lord!
"What?" Tila ireta na ang lalaki. Mas lalo naman ako nahiya. Ano ba kasing puamosk sa isip ko at nagawa ko ito?
" You, humarap ka nga at magpaliwanag ka, ' napalingon ako sa kanila.
Nakabihis na ang lalaki at ngayon ay nakaupo ito katabi si Avery.
" Ano... Pasensya na. Akala ko kasi nagloloko sa akin ang asawa ko. Narinig ko kasing ma kausap siya sa phone at Avery ng pangalan. Akala ko kabit niya. Pasensya na, "
" Avery is his sister, " Aniya.
Napasinghap ako sa narinig. Kapatid?
" Long lost sister. Si kuya Yael pa lang ang nakakaalam na magkapatid kami. Kaya ko siya kausap sa phone ay dahil tumawag ako sa kanya para humingi ng pera." Kwento ni Avery.
I was speechless.
" B-Bakit?"
Bumuntong hininga siya bago sumagot.
" I have cancer. I need money for my medication and other therapy. Itong boyfriend ko si James, ang kasama ko sa lahat ng hirap ko. silang dalawa ni Kuya ang nasasandalan ko. " Naiiyak niyang kwento.
Parang bigla kong gusto iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa nagaw ako sa kanya.
" Sorry, I didn't know. I thought he is cheating on me, " Mahina kung sagot.
" Pasensya rin. Hindi ko agad nasabi sayo kanina noong tinanong mo 'ko. Galit na galit ka kasi e. Kawawa pala ang magiging kabit ni Kuya pag nagkataon!" Ngisi niya.
" Subukan niya lang. Mas malala pa ang gagawin ko sa ginawa ako sayo kanina, " Naiisp ko palang yon umiinit na ang ulo ko!
" Tsk, " Aniya.
Napangiti ako. Marami pa kaming napag usapan.
Mabait siya. Marami siyang kinwento sa akin tungkol sa buhay niya.
Kung bakit siya nawalay sa pamilya niya. At paano siya natagpuan ng Asawa ko.
Sobra akong nahihiya sa inasal ko. Di bale. Pag uwi ko ay babawi ako sa asawa ko.
Para sa maling akala ko sa sakanya. Bigla ko tuloy na miss ang mister ko!