"Tahimik lang ako na umiiyak habang nakaupos sa ibabaw ng kama. Nakatiklop ang dalawang tuhod ko at yakap ko ito. Ang tanga-tanga mo, Ariyah! Ngayon ano pa ang isusumbat mo sa asawa mo? wala na... dahil ginawa mo na din ang bagay na ginagawa nila ng kabit niya! Bumaba ako ng kama at nagtungo muli sa pinto at pilit ko ito binubuksan! "Kenzo! ano ba! palabasin mo 'ko dito!" Kinalampag ko ito. "Kenzo please... mag usap tayo, Kenzo!" Napaatras ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Kenzo. "Stop crying." Lumapit siya sa akin at niyakap ako. mas lalo lang lumakas ang iyak ko. nahihirapan na din akong huminga barado na ang ilong ko dahil sa pag iyak. "Kenzo please, hayaan mo ako makauwi at makapag usap kami ni Yael. After no'n babalikan kita dito." I said between sobbed. he nodded.

