"Nagbihis ako saka ako bumaba para kumain. Iniwan ko si Kenzo na hanggang ngayon ay mahimbing pa ang tulog.Nakalimutan na talaga niya ang sinigang na request ko. hindi bale ako nalang ang magluluto. Marunong naman ako magluto dahil noong nasa bahay pa ako nila Mom at Dad, nagluluto din ako at tumutolong minsan sa mga kasambahay namin. Namimiss ko na sila Daddy. I'm sure hinahanap nila ako ngayon. Bigla ko naalala ang sabi ni Kenzo na tatawagan namin sila ngayon. Bumalik ako sa taas at ginising ko si Kenzo na naghihilik pa! Tinapik-tapik ko ang pisnge niya pero umongol lang ito. Tulog na tulog talaga siya, e. Pero pinagpatuloy ko ang pagtapik sa kanya this time may kasama nang mahinang pag sampal sa guwapo niyang mukha. "Kenzo...wake up! hey, gising nagugutom na ako!" Agad ko naman

