Confession Celeste's POV Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo roon habang hawak ang mga bagay na ibinigay ni Diego. “Celeste.” Napatingin ako sa kanya. “Hmm?” “Go.” Napakunot-noo ako. “Saan?” Ngumiti siya, iyong ngiting alam kong may kasunod na kalokohan. “Maghanda ka.” “Ngayon?” Tumango siya. “Yes.” “Pero...” “Haven’t I told you?” Lumapit siya nang kaunti at bahagyang yumuko para magpantay ang mga mata namin. “I got you.” Hindi ko napigilang mapangiti. Dinala niya ako sa isang private dressing room na inihanda niya. Pagkapasok ko sa loob, ilang sandali akong nanatili sa harap ng malaking salamin. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang magpalit. Maingat kong inayos ang buhok ko at naglagay lamang ng sapat na makeup para hindi magmukhang pinag-isipan ko na

