Torrid Tahimik kaming naglakad papunta sa pinakatahimik na bahagi ng rooftop garden. Mas malamig ang simoy ng hangin doon. Sa ibaba ay kumikislap ang mga ilaw ng lungsod, habang ang mahinang tugtog mula sa restaurant ay halos hindi na marinig. Sa gilid ng hardin ay may isang kahoy na bangkong napapalibutan ng puting rosas. At nakasandal dito ang isang acoustic guitar. Napatingin ako rito, saka kay Diego. Dahan-dahan kong itinaas ang isang kilay. "Huwag mong sabihing..." Napangiti siya. "Bakit?" "May balak ka na naman?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay kinuha niya ang gitara at umupo sa bangko. Tumingin siya sa akin. Yung tingin na para bang ako lang ang taong naroon sa buong siyudad. "Halika." Napailing ako habang natatawa. "Hindi ako kakanta." "Hindi naman ikaw." "Eh?" "Ak

