ES13; Recovery

1317 Words
Kristine POV “It’s natural to burp but not that loud,” ani Sir Alfred sa akin. Napangiwi ako sa sinabi n’ya. Mas nahiya ako sa huling sinabi niya lalo pa at kababae kong tao ay parang baka ako kung dumighay. “Oh, halos tapos na pala ang surgery ni Errol. Let’s go at para bago makalabas ng Operating room ang amo mo ay naroon na tayo.” Tumayo na kami at umalis doon. Sandali naming binaybay ang daan patungo sa hospital at in five minutes ay naroon na kami sa waiting area. Lumabas na ang doktor pagkatapos ng sampung minuto. Hinarap niya kami at kinausap niya si Sir Alfred. “We didn’t expect that his condition had worsened. In the normal procedure, he is ready to be discharged in two days. May pamamaga na sa kalapit na joints and it is starting to build fluids. So, recovery is a week just to make sure na ang naoperahang bahagi ay hindi na muling mag-iipon ng fluids,” paliwanag ng doktor. Nasorpresa ako lalo na marunong itong managalog. Pilipina pala ang ina ni Dr. Kwon at ang ama ay isang Singaporean National. “Narinig mo, Kristine? It looks like I will be your frequent visitor here,” sabi ni Sir Alfred sa akin. Nginitian ko lang siya at tinungo na namin si Sir Errol sa kanyang silid. Tulog pa siya nang pumasok kami sa kanyang silid. Nagpaalam si Sir Errol sa akin na lalabas na muna. ********** Matuling lumipas ang mga araw, at sa ikatatlong araw ay dinalaw kami ng physical therapist sa kwarto ni Sir Errol. Mag-uumpisa na therapy ni Sir Errol. Mataman kong pinakingan ang kanyang mga instruction sa akin. Pati na ang hot and cold compress na halinhinan kong gagawin para mas mapadali ang paggaling at panunumbalik ng sensasyon ng pige ni Sir. Isang linggo kami sa hospital bago nakauwi sa kanilang condo. Panay alalay ko pa rin kay Sir lalo na kapag nagbabanyo siya. Okay naman ang recovery ni Sir Errol lalo pa at todo monitor ang mga nurse at physical therapist sa amin. Madali kong nakabisado ang mga exercise at stimulation techniques na tinuro sa akin. Panay bisita rin ni Sir Alfred sa hospital at sa condo lalo pa at isang linggo lang ang pananatili namin dito at uuwi na kami ng Pinas. ******* General Santos City International Airport Sumalubong sa akin ang maalinsangan na hangin ng Gensan. Wala namang bago kasi likas na mainit na talaga ang ciudad ito. Pero, siyempre pa ay nanabik ako sa lupang nagkanlong sa aming pamilya. Na-miss ko bigla si Lolo at si Kristel. Mainit at sabik kaming sinalubong ni Ma’am Rosemarie at Kuya Ronnie sa airport. Syempre pa ay dala ni Kuya Ronnie ang magarang pulang pick up ni Sir Errol. “Welcome back, anak!” Niyakap kaagad ni Ma’am Rosemarie si Sir Errol. Bigla tuloy akong nakadama ng paninibugho. Isa akong ulila sa mga magulang at tanging ang tiyo at lolo ko lang ang nagpalaki sa akin. Sabihin pa ay bigla kong na-miss ang aking mga magulang. “Hindi ka ba binigyan ng sakit ng ulo nitong pasyente mo Kristine?” tanong ni Ma’am sa akin. Kita ko kung paano napakamot sa batok si Sir Errol sa tanong ng ina niya. “Ma! Naging mabait ako!” “O, siya at halina kayo. Mainit na at gusto kong mag-celebrate sa matagumpay mong operasyon,” ani Maam. Sumakay na kami sa pick up at doon sa likod kami ni Sir Errol ay magkatabi. Panay ang tanong ni Maam sa akin kung nagustuhan ko ba sa Singapore kaya sinuwata siya ni Sir Errol. “Ma, hindi kami nag-tour. As I needed the surgery a day earlier because fluids are starting to build up on the joints. Abala si Kristine sa pag-aasikaso sa akin, ultimo pagbabanyo ko ay nakaalalay siya,” paliwanag ni Sir Errol sa ina. Almost thirty minutes lang at dumating na kami sa kanilang bahay. Nauna akong bumaba at inalalayan si Sir Errol. Medyo paika-ika pa rin siyang maglakad dahil sa kanyang opersyon. Nasanay na rin siya sa aking mga hawak at pag-alalay. Noong una ay naasiwa siya sa akin dahil babae ako. Pero, ipinaliwanag ko sa kanya na trabaho ko ang alalayan at pagsilbihan siya para masa madali ang kanyang pag galing. Nakangiti si Aling Luding sa akin lalo pa at kahit nasa condo lang kami parati ni Sir ay nakiusap siya kay Sir Alfred nabumili ng pwedeng ipasalubong sa mga tauhan sa kanilang bahay. ******* Nang gabing iyon, masarap ang ulam namin. Tinolang native na manok at inihaw na tuna belly at panga. Magana kaming kumain at pati ako ay hindi na rin nahiya. Napansin ni Maam Rosemarie na nagustuhan ko ang mga handang pagkain. “Na-miss mo rin ang pagkaing pinoy, Kristine?” nakangiti niyang tanong sa akin. “Oo Maam, lalo pa at pulos noodles at lugaw ang muna ang pinapakain ko kay Sir Errol. Bawal kasi sa unang linggo niya na mag-constipate para hindi bumuka ang tahi niya.” Ngingiti na sana ako pero dumighay ako na parang baka. Namilog ang aking mata at naghagalpakan sila ng tawa. Gusto ko na lang tuloy na bumuka ang lupa at maging patatas dahil sa hiya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi at pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. “Hey, Kristine! What happened to you? It’s natural to belch especially if you ate a lot!” Muling tumawa si Sir Errol. Akala ko pa naman ay pampalubag-loob ang sasabihin niya iyon pala ay pambubuska. Tumunog ang intercom at sinagot iyon ni Aling Luding. May bisita sina Ma’am Rosemarie at pinapasok na kaagad ng guard. “Kumare! Kumusta ka na?” bungad ng panauhin. Namilog ang mga mata ko nang mapagsino ang dumating si Mrs. Lim pala at nagtaka ako na kasunod si Sir Alfred. Ngumiti siya sa akin at lumapit kay Ma’am Rosemarie para magmano. “Sir Alfred, nanay mo po pala si Mrs. Lim?” nahihiya kong tanong. Napangiti si Sir Alfred sa akin. Tumayo naman si Sir Errol at lumapit kay Mrs. Lim para magmano. “It’s been a while,Ninang.” Nginitian ni Sir Errol si Mrs. Lim at bumalik sa kanyang upuan. Nagkamustuhan ang magkumare habang ako ay abalang nakamasid at inunti-unting ubusin ang chocolate cake na panghimagas. At tila biro ng pagkakataon na ayaw kong mapansin ay siya namang pagbanggit sa akin ni Sir Errol. “Tama na ‘yan Kristine at maempatso ka!” buska ni Sir Errol. Hagalpakan ulit sila ng tawa habang ako ay tumulis ang nguso. Nagpaalam ako sa kanila na sandaling aakyat ng aking kwarto. Naiwan sila sa sala habang ako ay nagmamadali na umakyat sa kwarto ko. Nakakahiya man aminin pero parang nasobrahan yata ako sa pagkain at tuloy gusto ko na magbawas. Habang nasa CR at nakaupo sa kubeta ay may text message ako natanggap. Si Lolo Adolfo pala at nangangamusta. Nag-text kasi ako kaninang umaga na nakabalik na kami ng Pinas. Nag-reply ako kay Lolo Adolfo at nangako na hihingi ng day off sa mga amo kapag naka-recover na si Sir Errol. Bumalik ako sa baba matapos ako magbanyo. May mga gamot pa na kailangan na inumin si Sir at dapat ko siyang paalalahanan. Kinuha ko ang mga gamot sa kanyang bag at tiningnan ko ang mga nakasaad doon. Dalawang capsule ang kailangan inumin ni Sir Errol kaya kumuha na rin ako ng tubig. Naglakad ako palapit sa kanilang apat at saglit na inistorbo sila. “Sir, oras na po para sa pag-inom ng gamot.” Inabot ko ang mga gamot na nasa maliit na platito pati na ang isang basong tubig. Inisang inom ni Sir ang mga iyon at iniwan ko na muna sila. Inabala ko muna ang aking sarili sa pag-arrange ng mga essential oils na pinabili ni Sir Errol doon sa Singapore na tiyak magagamit sa kanyang aroma therapy sessions.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD