ES12:allergic

1132 Words
Kristine POV Nakikinig lang ako sa usapin ni Sir Errol at Sir Alfred habang abala ang aking mga mata na puirihin ang magagandang tanim na naroon. Bonsai plants, ferns, mga anthorium na katulad na katulad sa garden ni Maam Rosemarie. Sa bandang dulo noon may isang grotto. Napangiti ako at lumapit doon para mas makapag-usap ang amo ko at ang kaibigan niya. Narinig kong tumunog ang prompt ng elevator at bumukas ito. Lumabas doon ang driver at tangay ang aming mga bagahe. Sinalubong ko siya at nginitian. “Thank you,” saad ko. Kinuha ko ang bagahe ko na bagaman maliit ay may kabigatan rin. Hindi ko mawari kong intsik ang driver o Pinoy. “Walang anuman,” sagot niya sa akin. “Pinoy pala kayo manong? Mukha kasi kayong tsikwa,” biro ko sa kanya. Isang ngiti lang ang sagot niya at sumunod ako sa kanya. Nasa kanya pala ang susi ng penthouse. Nagtataka man ay sumunod na lang ako. “Iha, ako nga pala si Berting. Ako ang katiwala ng mga Lim. Driver at hardinero nila ako. Ako ang nag-alaga ng penthouse ng mga Reeves bilang part time ko naman,” salaysay niya sa akin. Bumukas ang pinto at pumasok sina Sir Errol at Sir Alfred. “Ipapahatid ko na lang ang grocery kay Mang Berting later. ALm ko naman na kaya na ng iyong tauhan na asikasuhin ka, right Kristine?” anito sa akin. Nanlaki ang aking mata at napatango na lang. Napahalakhak si Sir Alfred sa mukha ko at nagpaalam na. “The room on the right side is yours Kristine. I will use the left room,” ani Sir Errol. Kaya, hinila ko na ang mga bagahe namin para sana isaayos ang mga gamit namin. “You don’t need to unpack. Since the operation will be tomorrow and we might need to stay in the hospital for a week,” sabi ni Sir. “Okay Sir. Dadalhin ko lang sa kwarto ninyo ang mga gamit ninyo.” Tumalikod na ako para puntahan ang aking kwarto. Maaliwalas ang kabuuan ng silid at simple lang. Off white ang kulay ng pintura ng silid at beige naman ang mga naroong tokador. May isang bedside table at sa unahan niyon ay ang pinto patungo sa isang banyo. Nagpalit lang ako ng damit na komportable at saka pumunta sa silid ni Sir. Tinulak ko lang ang nakaawang na pinto at nanlaki ang mata ko nang makita na tanging boxer shorts lang ang suot ni Sir. “What are you doing?” dinig kong sigaw ni Sir. Kaya, awtomatiko kong nahila pasara ang pinto. Kumabog ang aking dibdib sa aking nakita. Hindi dahil first time ko nakakita ng naka-boxer na lalaki kundi dahil nakalimutan kong kumatok sa pinto bago pumasok sa silid ni Sir. Ang tanga mo talaga Kristine! sermon ko sa aking sarili. Napapadyak ako dahil sa inis ko sa sarili. Bumalik ako sa aking silid at inabala ang sarili na isalansan ang ibang gamit sa tokador na naroon. Nang matapos ko nang gawin iyon ay lumabas na ako ng silid at saktong lumabas na rin si Sir Errol. “Sir, pasensya na po talaga,” apologetic kong saad. Napaismid si Sir Errol pero may nakikita akong kapilyuhan sa kanyang mga mata. “It’s okay. It is not as if you saw me naked and aroused.” Nag-iba ang tono ni Sir Errol kasabay ng buntong-hininga niya. “Gagaling kayo Sir. At kapag nangyari iyon ay pwede mo na uli balikan ang love of your life,” aniko. Kahit sinabi ko iyon na pampalakas ng loob ay hindi ko maiwasan ang malungkot. Kapag gumaling si Sir Errol ibig sabihin lang ay goodbye ilusyon. Goodbye jumbo hotdog. “We will have our late lunch. Nagpa-deliver na ako at any minute now ay narito na iyon. Kumakain ka ba ng noodles? Singaporean laksa kasi ang inorder ko eh.” “Oo naman Sir, hindi ako mapili sa pagkain. Higad lang yata ang hindi ko kayang kainin eh,” sagot ko. Sukat sa sinabi ko ay umalingawngaw ang malutong na tawa ni Sir sa kabuuan ng condo. Alanganin akong napangiti sa kanya ng tumigil na siya sa pagtawa. Ngunit, halos magkulay kamatis naman ang mukha ni Sir Errol sa pagpipigil ng tawa niya. “Kristine, Kristine your humor never fails to amuse me,” ani Sir sa akin. Ilang minuto pa nga ang nakalipas at tumunog ang intercom. Ayon sa lobby attendant ay delivery daw kaya pinindot ni Sir Errol ang access sa elevator para sa delivery boy. Matapos tanggapin ang order ni Sir Errol sa delivery man, nag-umpisa na kaming kumain. Pero, nang sinandok ko ang laksa ay may halong hipon iyon. Patay! Allergic pa naman ako sa hipon! sigaw ng utak ko. Nagtaka si Sir Errol kung bakit ayaw ko pa mag-umpisa kumain. “Is there anything wrong with the food, Kristine?” Nahihiya man ay sinandok ko ang hipon at pinakita sa kanya. Tumaas ang kilay niya sa akin at clueless pa rin siya sa gusto kong pahiwatig. “Sir, nakalimutan ko, allergic pala ako sa hipon at talangka. Actually, kaya ko naman i-tolerate basta hindi marami at saka may baon naman akong gamot,” nahihiya kong saad. “No. Don’t eat that. Magpapa-deliver na lang ako ulit. Is Jollibee okay with you? Meron naman malapit dito na branch. Kung hindi ka pa gutom at almost thirty minutes din ang hihintayin mo,” saad ni Sir. “Sige po Sir Errol. Pasensya na talaga,” sabi ko. “No, it’s okay. Baka mamaya itakbo pa kita sa hospital at mapurnada ang operasyon bukas. This is my last meal for today since I need to do fasting before the operation.” Umorder nga si Sir Errol ng Jollibee chicken at imbes na rice ay spaghetti at pineapple juice ang kapares. ******* Kinabukasan, maaga pa kaming sinundo ni Mang Berting siya kasi ang magsislbing driver namin patungo sa isang sikat na hospital. Nakatakdang i-assess muna si Sir para sa routine check up at sa masusing paliwanag ng doktor bago nga ang operasyon. Tatlo hanggang apat na oras ang igugugol na panahon para sa operasyon. Bago pa man isalang si Sir Errol ay nagmamadaling dumating si Sir Alfred. Sandaling nag-usap muna sila at saka ibinilin ako ni Sir Errol sa kaibigan na pakainin muna ng almusal. Dinala ako ni Sir Alfred sa isang food kiosk kung saan naroon ang iba’t ibang asian at western cuisine. At dahil masyadong marami ang pagpipilian ay doon kami sa japanese food napunta. Ramen ang napili ni Sir Alfred sa akin. At dahil mahal ang bili ni Sir Alfred ay inubos ko ang isang serve. Narinig ko ang mahinang tawa niya nang dumighay ako. Gusto kong lamunin na lang ng lupa nang mamalayan kong nakatingin ang mga naroon na kumakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD