ES11: Singapore

1122 Words
ES11 Kristine Joy POV Sampung araw mula ng magdesisyon si Sir Errol, tumulak kami papuntang Singapore. Hindi na namin kasama si Ma’am Rosemarie at siya ang pansamantalang magmo-monitor sa kanilang negosyo. Nagulat ako sa bilis na pagkuha ng aking passport. Hinatid ito sa bahay nila Sir Errol isang linggo pagkatapos kong magpakuha ng biometrics sa DFA. Sa business class kami sumakay. At kahit anong pilit ko na sa economy na lang ako ay hindi pumayag ang mga amo ko. Napakabait naman pala ni Sir Errol. Na-guilty tuloy ako na ininsulto ko ang p*********i niya. Kay pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para bumalik ang tikas ng kanyang p*********i. At saka ko na poproblemahin kung paano niya ako magugustuhan. Habang nasa byahe, pabalik-balik ang isang flight attendant na tinatanong si Sir Errol kung may kailangan ba siya. Sa ikaapat na beses ay sinungitan na talaga ni Sir ang kawawang nilalang kaya lumapit na ako. “Sir, bawal po sa inyo ma-stress,” sabi ko sa kanya. Binalingan ko ang pobreng flight attendant at ako na ang humingi ng dispensa para rito. “Pasensya ka na Miss ha? Medyo may iniisip lang at pinagdadaanan lang ang amo ko.” Yumukod ako at tumalikod na ang babae. “You should have not apologized to her!” may bahid na yamot na asik ni Sir. Halos magsabong na ang kanyang mga kilay sa nakatingin sa akin. “With all due respect Sir Errol, dapat lahat ng bagay ay dinadaan sa malumanay na paraan. Ginagawa lang naman ng empleyado ang kanyang trabaho.” Nginitian ko si Sir Errol ng napakatamis nang sa gayon ay makalimutan na niya ang inis. Bumalik na ako sa aking upuan at makalipas lang ang kalahating oras ay narating na namin ang Singapore. Tama nga ang mga napanood namin sa balita. Napakalinis at napakamoderno ng Changi Airport. World class ‘ika nga. Nasa likuran lang ako ni Sir Errol at nakasunod. Lately kasi ay mas lumalala ang paglalakad niya na para siyang pilantod. Tatlong araw bago pa kami nagpunta dito sa Singapore, muling inatake ng cramps si Sir Errol. At sa pagkakataong iyon ay talaga ininda ni Sir Errol. Palabas na kami ng airport nang may tumapik ng balikat ni Sir Errol. Napaangat ang tingin niya at napangiti. “So, you finally decided na magpaopera?” saad ng lalaki. Katulad ni Sir, halatang may lahi siya base na rin sa itsura nito. Matangkad, maputi, at singkit ang kanyang mga mata. “My condition is deteriorating, Alfred. Halos araw-araw na ang atake ng leg cramps ko,” ani Sir Errol sa kaibigan. Hindi ko masyadong mabistahan ang kanyang anyo since naka-focus ako sa pag-alalay kay Sir Errol. Ayoko naman magmukhang intrimitida kaya hinayaan ko sila na mag-usap. “Oh, you have company. A beautiful lady with a beautiful smile,” sabi ng kaibigan ni Sir sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot kaya yumukod na lang ako para hindi naman ako magmukhang isnabera. “She is Kristine Joy, my massage therapist,” matabang na saad ni Sir sa kaibigan. “Kristine, what a nice name. Alfred Lim here.” Inabot ni Alfred ang kanyang kamay sa akin. Kaya, kahit nahihiya ay inabot ko iyon. Mahigpit ang hawak niya sa aking mga kamay at matagal bago niya ito binitawan habang nakangiti siyang dini-display ang kanyang ngiti. “Nice to meet you po.” Parang napapaso kong binawi ang aking kamay ngunit hawak pa rin niya ito. Kung hindi lang tumikhim ang aking amo ay hindi pa rin niya binitawan ang aking kamay. “Oh, sorry.” Binalingan niya si Sir Errol at saka nauna na silang naglakad habang nakasunod ako sa kanila. At dahil pulos matatangkad ay kailangan ko maglakad ng mas mabilis sa haba ng kanilang mga legs. Nakita ko ang amusement sa mga mata ni Sir Alfred. Mas binagalan nila ang kanilang at nakaagapay na ako sa kanila. Napaawang ang aking labi nang mabistahan ang sasakyan ni Sir Alfred. Isang magarang van na parang ginagamit ng mga artista. “You really prepared for my arrival?” Napaismd si Sir Errol na napatingin sa kaibigan na nakatingin sa amin. Sumakay na kami sa van. Gusto ko sana doon sa pinakalikuran maupo pero pinauna nila ako na umakyat at tinuro sa likuran ng driver na doon maupo. “Of course, pinagbigyan ko lang naman ang pakiusap ni Ninang Rosemarie para sa unico hijo niya,” pilyong saad ni Sir Alfred. Hindi ko alam kung namalikmata at nakita ko na kininditan ako ni Sir Alfred. Napaangat ang kilay ko ng wala sa oras. Na siya naging dahilan para pansinin niya ako. “I like your therapist Errol. I think I’ll be visiting you more in your condo.” Napaturo ako sa sarili at hindi na umimik. Tinubuan ako bigla ng hiya. “Stop teasing Kristine, Alfred,” may halong inis na saad ni Sir. Kaya, itinaas ni Sir Alfred ang dalawang kamay. Tahimik ako sa buong biyahe. Tanging ang magkaibigan lamang ang nag-uusap at sasabat lang ako kapag tinatanong ako. Halos trenta minutos din ang ginigol namin bago narating ang isang high-rise condo. Bumaba kami sa ground floor at sumakay ng elevator. Nasa penthouse ang pinindot na button ni Sir Afred. Ang yaman talaga ng amo ko. Napagtanto ko ang agwat ng estado ng aming pamumuhay at bigla kong na-realize ang aking ilusyon na mapansin ni Sir Errol. “Here we are!” untag ni Sir Alfred sabay ng patunog ng prompt ng elevator. Bumukas ang elevator at sumalubong sa aking paningin ang napakagandang garden. Napaawang ang aking labi at napasinghap sa ganda ng mga potted plants. Para akong nasa isang botanical garden. “Thank you for maintaining this property of ours, Alfred. Simula ng maaksidente ako ay halos di ko na maasikaso ang ibang property ni Dad dito sa Singapore,” saad ni Sir Errol. Nilibot niya ang kanyang paningin at lumapit sa isang upuan at umupo. “Nowadays, hirap na ako maglakad ng medyo malayuan. I regretted not listening to my doctor before.” Napailing si Sir Errol at bakas sa mukha niya ang pagsisi sa maling desisyon noong mga nagdaan. “Don’t be too harsh on yourself,” ani Sir Alfred. Nilingon niya ako at minuwestra na maupo na muna. Umupo ako at nakinig lang sa usapan nila. “So, how are you and Gweneth?” tanong ni Sir Alfred kay Sir Errol. Lumambong ang mukha ni Sir Errol at napayuko. “Matagal na kaming hiwalay. After I had an accident and minor surgery. After two months, I found out that I couldn’t have an erection. So, she ditched me. She said she was with a useless man and she can’t accept it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD