ES15: Ligaw

1100 Words
Kristine POV Nagtataka ako kung ano ang gagawin ni Sir Errol sa ballpen at papel. Dahan-dahan siyang humakbang malapit sa bed side table at doon siya nagsulat. Hinintay ko siyang matapos sa kanyang gagawin at inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto. Natapos siyang magsulat at tinawag niya ako para lumapit sa kanya. Nagtataka man, nilapitan ko siya at nang inabot niya ang isang kopya, namilog ang aking mga mata sa nakasaad doon. “Sir, hindi naman kasali sa trabaho ko ito Sir.” Nanlumo kaagad ako sa nabasa ko. Hindi ko akalain na aabot sa punto na magiging desperado si Sir Errol para lang muling magkabalikan sila ng ex-girlfriend. Gusto kong magalit sa aking nabasa, pero at the same time naawa ako sa kanya. Lumapit si Sir Errol sa akin at umawang ang aking labi nang lumuhod siya sa aking harap. Tiningnan niya ako at humigpit ang hawak niya sa aking mga kamay at mahigpit na pumisil. “Name your prize, Kristine. Kapag naibalik mo sa akin ang nawawala kong kasiglahan, may gantimpala ka.” Kung dati ay ayaw akong titigan ni Sir Errol, ngayon ay buong tapang niyang sinalubong ang tiim kong pang-aarok sa kanya. Wala akong maisambulat na salita sa kanya. Ang kanyang kulay mapusyaw na tsokolateng mata ay tila nagmamakaawa na pagbigyan ko ito sa kanya hiling. Nakaawang ang kanyang labi at mainit ang kanyang mga kamay na pumisil ng mas mahigpit pa. Parang doon niya inaarok ang aking magiging desisyon. Bumuntong-hininga ako at nilubayan ko siya ng aking tingin. Pinasadahan ko ulit ang nakasulat doon sa papel. Matay man isipin ay ngayon ko napagtanto na ang desperadong tao, gagawin ang lahat makamit lang ang inaasam. Kung tatanggapin ko ang alok ni Sir Errol, mababayaran ko na ng buo ang loteng hulugan na kinatitirikan ng aming bahay na kailangan na ng renovation. Kaya, nakapagdesisyon na ako. “Sige na nga Sir, basta ba manatiling sekreto lahat kahit kay Ma’am Rosemarie.” Sa wakas ay nabigkas ko iyon sa kanyang harap. Kitang-kita ko kung paano nagningning ang mga mata ni Sir. Pumilas ang nakakabighaning ngiti ni Sir Errol. Mahihiya ang model ng toothpaste sa ganda ng mga ngipin niyang pantay-pantay at nakakasilaw sa puti. Nanlaki ang mata ko nang niyakap ako ni Sir Errol ng buong higpit. Unang beses kong maramdaman ang kanyang yakap ng pasasalamat. Napakainit nga naman ang maikulong sa kanyang bisig. Kung sa ganitong paraan ko pala mas mapapasaya ang taong lihim kong tinatanggi, ikalulugod kong tulungan siya. Bahala na kung masaktan ako. Bahala na kung sa huli ay iiyak ako kung hindi man masuklian ang piping pag-asam ko na sana ay mabigyan ako ng pagkakataon na madama ang pagmamahal niya. Paano nga ba mahalin ng isang Errol Reeves? Para sa isang katulad ko na isang hamak na empleyado lang ng mga taong maimpluwensya sa mundo ng pagnenegosyo, suntok sa buwan ang inaasam ko. Kahit minsan man lang ay mabigyan ako ng pagkakataon na maipadama sa kanya itong aking nararamdaman. Ninamnam ko ang mainit na yakap ni Sir Errol, iyon ang aking magiging konsolasyon. Kung sa huli ay maging sugatan man ang puso kong naghahangad, bahala na. ********** Sumapit ang gabi at maayos naman ang naging mood ni Sir Errol. Kapansin-pansin ang pagiging magiliw ni Sir Errol sa aming lahat na mga kasama sa bahay. “Sir, kakain na po.” Lumapit ako sa kanya at inakay na siya papunta sa dining area. Kung dati ay ilang na ilang siya sa akin, ngayon ay wala na siyang pagkailang man lang sa katawan kahit kaunti. Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa kanyang silya na may additional na cushion, lalo pa at iyon ang bilin ng doctor kay Sir Errol sa akin. Isang buwan na kailangan ingatan niya na hindi bumuka ang sugat at baka maimpeksyon. Masagang hapunan ang aming pinagsaluhan. Abala si Aling Luding na masaya kaming pinagsisilbihan. Nagustuhan yata nito ang pasalubong ni Sir Errol na fish skin at nagtanong kung magkano ang bili ni Sir. Patapos na ang hapunan nang tumunog ang intercom na konektado sa guardhouse. Naroon sa may gate si Sir Alfred kaya, inutusan ni Sir Errol ang guard na papasukin ito. Ilang sandali pa, pumasok si Sir Alfred sa main door. Nagtataka ako nang may bitbit ito na isang pumpon ng puting rosas. Binati ko siya at sandaling nagpaalam para kunin ang gamot ni Sir Errol sa kanyang kwarto. Umakyat na ako at kinuha ang mga gamot ng amo ko. Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang palitan nila ng salita. “Naligaw ka yata? Saan ka ba galing at mukhang hindi ka yata natuloy sa panliligaw mo?” ani Sir Errol. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nang makarating sa dining area, kumuha na ako ng tubig na maligamgam sa water dispenser. Kahit abala sa pag-uusap ang magkaibigan, sumingit na ako. Kaagad namang tinanggap ang mga gamot at inisang lagok ang tatlong kapsula na inabot ko sa kanya. “Kristine, pwede ka bang makausap?” ani Sir Alfred. Tumayo siya at hinawakan ang mga dala niyang bulaklak. Halos mahulog ang mga mata ko nang iangat niya ito at iabot sa akin ang mga iyon. Napalingon ako sa paligid at tinuro ang sarili ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na napahalakhak. Umalingawngaw sa kabuuan ang malutong na halakhak ko na parang sa bruha.Napahawak ako sa aking tiyan habang pinagmamasdan ang mukha ng magkaibigan. “Ay si Sir Alfred! Joker!” Tumawa ulit ako at nang makita ang seryosong mukha ni Sir Errol na tiim lang na nakatitig sa kanyang kaibigan, napatigil ako. “Sorry Sir Alfred ha? Hindi lang kasi ako sanay na pinagtitripan.” Imbes na magalit, lumambong ang mata niya na nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong na-guilty lalo pa at pusturang-pustura pa siya sa gabing ito. Nakasuot siya ng muscle t-shirt at black ripped jeans. Namumutok ang kanyang muscle sa suot na pang-itaas at ang tanging nakikita kong accessories niya ay ang kanyang wristwatch na itim. Malamang luxury brand iyon sa yaman ba naman ng pamilya nito na halata naman sa estado nito sa buhay. Lumapit si Sir Alfred sa akin at hinuli ang aking mga kamay. Napangiwi ako at napatingin kay Sir Errol na tila ako nanghihingi ng saklolo. Pero, halos wala naman siyang pakialam. Blanko ang kanyang ekspresyon at hindi ko maaninag ang pinapahiwatig ng kanyang mga mata. “Ay Sir Alfred, akin na po ang kamay ko.” Tila napaso ako ng kung ano na binawi ang aking kamay na hawak ng aking kaharap. tiningna kong muli si Sir Errol na ngayon ay nakangiti na sa amin ni Sir Alfred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD