Matapos kong serbisyuhan ang mga Lim ay binigyan ako ng calling card ni Mrs Lim. Isang nagngangalang Rosemarie Reeves ang naghahanap ng Massage Therapist. Best friend ito ni Mrs Lim kaya ako ang kanyang naisip i-refer.
As usual, tiba tiba nanaman ako sa mga Lim. At sino ang hindi matutuwa na imbes dalawang libo lang ang kikitain ko ay limang libo ang binigay ni Mrs Lim sa akin. Puring puri niya talaga ang aking serbisyo. Ayon dito ay naiiba daw ang aking haplos sa mga naging massage therapist nila noong nakaraan. Para sa akin naman ay ibinibigay ko lang ang pinaka professional approach ko.
Bago ko kasi sila imasahe ay tinatanong ko muna sila sa kanilang estado ng kalusugan. Kung nilalagnat ba? May resita bang gamot ang kasalukuyang iniinom? Ano ba ang tagubilin ng doctor? May sugat ba sila o anumang skin disease? At higit sa lahat ay kukunin ko ang presyon ng dugo para malaman kung ano ang the best na approach. Habang ginagawa ko naman ang assessment sa isang pasyente ay inoobserbahan ko ang kanilang kaanyuan. Pati na rin ang mga daing nila at kung ilang araw na din nilang iniinda ito. Hindi kami mga doctor pero kailangan namin mag-ingat dahil isang pagkakamali lang ay nanganganib ang aming certificate na pinaghirapan. Paano pala kung may sintomas na sila ng malalang sakit at minasahe ko pa rin na imbes makatulong ay mas makasama pa pala?
Maraming maling akala sa aming bokasyon. Akala nila ay basta basta lang ang pagpisil sa isang kliyente. Kinukuha muna namin ang datos ng kanilang pangkalahatang kalusugan. Ganyan ang dapat na ginagawa ng isang complementary health practitioner. Hindi kami pwedeng mag diagnose ng sakit dahil hindi namin iyon trabaho. Pinakamainam pa rin ang kumunsulta sa doctor kahit pa may idea kami kung ano ang nararamdaman nila. Ang tanging ginagarantiya lang namin ay pagkatapos ng masahe ay maibsan ang kanilang pakiramdam lalo na yung mga stress sa trabaho at maraming iniisip na problema. Nirerelax kasi namin ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng paghagod, pagpisil at pag stretch ng mga kalamnan na nanigas sa sobrang pagtatrabaho. Ika nga nila pamper yourself once in a while by having a relaxing massage with your trusted massage therapist.
Nasa gate ako ngayon ng tahanan ng mga Reeves. Meron itong guardhouse na nakakubli sa kaliwang gilid pero tila wala namang nakabantay. Ang kanilang tahanan ay matatagpuan sa tuktok ng isang burol. Isa itong two storey white mansion na may bakod na bricks at may red steel gates. Maayos ang pagkakalandscape ng malawak na solar nito. May fountain pa nga sa gilid nito na katabi ng isang grotto. Maraming mga nakatanim na sari staring potted plants na sa tingin ko ay collection ng mga nauusong species at variety ng mga ornamental plants. Mayroong ferns to aglaonema to bougainvillea, roses, daisy, anthurium, caladiums at ang mga orchids na nakakapit sa mga tree trunks. Nagmistulang isang mini botanical garden pa ito dahil may mini pond na may koi fish at pagong. Maraming nakatanim na palmera ang nakahanay papunta sa malawak na garahe kung saan ay nakahilera ang limang sasakyan. May isang kulay itim na Hummer, isang L300 van na puti, isang Bugatti Veyron na sport car, Ford F150 pick up na pula at may isang Big bike pa sa pinaka gilid. Wow, sobrang yaman nga naman nila!
Pinindot ko na ang doorbell at ilang sandali pa ay may lumabas na matandang babae. Nasa dalawang daang metro pa ang distansya ng gate sa kanilang mansion kaya medyo matagal akong napagbuksan. Mainit pa naman ang panahon kaya tigbi tigbi ang pawis ko kahit maaliwalas naman ang suot kong scrub suit. May dala din akong backpack kung saan ko inilalagay ang aking mga kagamitan sa pagmamasahe.
"Kanina ka pa inaasahan ni Mrs. Reeves iha," ang bungad sa akin ng humihingal na matanda na pagod yata sa pagbukas ng gate. Wala din ang guard dahil kasalukuyan itong nanananghalian sa komedor.
" Magandang tanghali po. Pasensya na po medyo nahirapan lang ako makarating dito dahil ang hirap makakita ng masasakyan. Ilang tricycle driver ang tumanggi na ihatid ako dahil sa layo. Kaya nagtaxi na lang po ako." Ang sagot ko naman sa matanda habang nagpupunas ng aking pawis. Kasalukuyan na namin binabaybay ang daan patungo sa mansion. Pagpasok namin sa mabigat na solid elm double main door ay tinulungan ko pa ang matandang nagpakilalang si Nanay Luding. Sa bigat ng maindoor ay nababahala akong baka mabinat ito.
Napanganga ako sa gayak ng kanilang sala. Simple lang pero humihiyaw sa karangyaan. Sa gilid ay nakahilera ang mga naglalakihang painted Chinese jars. Nakasabit malapit sa grand staircase ang naka frame na family portrait. Ang white upholstered sofa naman ay mahihiya kang umupo dahil sa sobrang linis nito ay baka madungisan ko pa. Sa ceiling ay may nakasabit na napakagandang chandelier. May grand staircase din na gawa sa marmol kung saan kasalukuyang bumababa ang napaka simple ngunit eleganteng babae na sa aking hinuha ay si Mrs. Reeves.
Nakasuot lang ito ng isang plain beige house dress pero naka light make up naman na bumagay sa morena beauty nito. Nakapuyod ang buhok niya at bakas ang napagandang mukha nito kahit may edad na ito.
"Welcome to our home iha," nakabukas ang mga braso nito na tila pinapalapit ako para akoy masuri niya sa malapitan. I gladly obliged at lumapit naman ako para tanggapin ang kanyang bisig. Hinalikan nya ang aking magkabilang pisngi. Oh my gosh nakakahiya naman at bumeso pa talaga si Mrs Reeves sabi ko sa sarili ko.
"It's my pleasure po Madam, na kwento po kasi ni Mrs Lim na nangangailangan daw kayo ng serbisyo ng isang massage therapist. Kayo po ba ang magiging kliyente ko?" Ang nakangiti kong tanong sa kanya. Tinatanya ko pa ang approach ko para makapalagayang loob ko siya. Mahalaga kasi sa bokasyon namin ang good customer rapport ng sa ganoong paraan ay mas magiging relaxing ang isang massage session.
" No, it's my son actually. Kagagaling niya lang sa isang minor car accident and his doctor recommended to have physical therapy. Pero nothing seems to work for him kasi ayaw niya makipag cooperate. Nakailang Physical Therapist na siya pero lahat sila umaayaw after three sessions. Ewan ko sa anak kong iyon ang hirap pa naman maghanap ng mga Licenced P.T," ang problemadong usal ng ginang. Napabuntong hininga ito at napahilot sa sentido. Napapabakas sa kanyang mukha ang pag alaala sa anak na tumangging napasailalim sa Physical Therapy.
" Mukhang mali yata ang nilapitan ninyo Madam. Massage Therapist lang po ako. Isang Licenced Physical Therapist po talaga dapat ang gagawa ng therapy lalo at galing pala siya sa injury. Isinangguni niyo po ba sa kanyang doctor ang tungkol sa pag refuse niya sa mga P.T?" Ang nababahala kong tanong sa mabait na ginang.
"Don't worry iha, nakonsulta ko na sa doctor nya. A massage therapist will do dahil sabi naman ay walang malalang damage sa kanyang katawan pagkatapos ng aksidente. More on psychological ang problema niya. And he is also refusing to see a psychologist. Can I trust you when I'm about to tell you a secret?" Minuwestra niya ang kanyang kamay para palapitin ako para maibulong niya ang sekretong nais sabihin sa akin. At na shock ako sa kanyang sinabi. Nabigla man ay nanatiling poker face ako. Kailangan professional ang approach ko na siyang dapat.
Confidentiality is required in our vocation kaya itatago ko ang lihim ng aking pasyente. You can gain your client's trust if you maintain a professional approach especially sa mga sensitibong bagay katulad ng mga medical history ng mga kliyente.
"Don't worry Madam your secret is safe with me."Nakangiti kong gagap sa mga kamay nito. Reassuring her that everything will be kept a secret.
" Mama, good afternoon! "
Napalingon ako sa grand staircase at napanganga ng bumaba buhat doon ang isang lalaking makalaglag panty sa gwapo. Napahawak ako sa bewang ko at baka makalas ang garter ng panty ko sa kagwapuhan niya. Pinigil ko ang pag-awang ng aking bibig at baka tumulo pa ang laway ko. My God! Ang gwapo-gwapo niya. Gusto kong tumili sa kilig pero pinigil ko ang sarili ko. Halos hindi ko hiniwalayan ng tingin ang lalaki hanggang sa tumabi ito sa kanyang ina.
"Good afternoon po, Sir." Ang bati ko dito sabay yukod. Nakamata lang ako at iniwasan na ang magsalita baka mabulol pa ako. Pasimple ko itong tiningnan at sinuri ang kanyang itsura. Wala man lang silang pagkakahawig ng kanyang ina. Ang tangkad nito at maganda ang pangangatawan. He has this hazel color for his eyes and auburn- haired din ito at mamula mula ang kutis nito. Halata ang foreign blood nito dahil sa kanyang physical attributes. Kaya ko kayang panindigan ang professional approach sa kanya? Pero sa tingin ko ay medyo aloof at malamig makitungo ang magiging kliyente ko.
He just looks at me as if I don't exist. What do I expect? According nga sa ina nito ay medyo may kagaspangan ng ugali nito after the accident. Umalis din kaagad ito dahil may dadaluhan daw na meeting with other partners in their office. Nang makaalis na ito ay biglang nagsalita ang ginang.
"Iha, may i-ooffer ako sayo. I want you to stay here so that you can focus on his massage session every two days. Alam ko it will be very inconvenient to both parties dahil hindi masyadong accessible to public transport ang aming tahanan. I'll be offering you fifty thousand pesos a month plus fringe benefits that include SSS, Philhealth and Hdmf contributions. May transportation and clothing allowance ka rin. Kaya sige na iha, pumayag ka na. You are my last resort." Ito ang mahabang pakiusap ni Mrs Reeves sa akin habang hawak ang aking dalawang kamay. Pinisil niya ito na para bang sa paraan na iyon ay makumbinsi niya ako sa kanyang offer na trabaho.
Maganda nga naman ang offer niya ngunit iniisip ko din ang iba kong mga kliyente na nangangailangan ng aking serbisyo once tanggapin ko ang kanyang alok. At isa pa, fifty thousand is too much kahit super rich sila. It's way too good para sa trabaho ng hindi naman ganun kahirap. Siguro masyadong ma attitude si Sir pogi kaya malaki ang offer ni Madam.
"Pag-iisipan ko po Madam. Magpapaalam po ako sa Lolo ko at syempre sa mga kliyente ko like Mrs. Lim, " ang pakiusap ko dito.
"Wala kang poproblemahin kay Anita iha, s'ya nga ang nag suggest sa akin about you. She said,"don't worry she's the best massage therapist in town," according to her. Medyo maselan nga yan si Anita kung tutuusin pero given na highly recommended ka niya. I think you're the best for the job I offered. Nag woworry nga din kasi siya sa kanyang inaanak. Errol is Anita's inaanak that's why she will always understand."
Napanatag naman ako sa sinabi ni Mrs. Reeves.