ES3: Meet the Client

1858 Words
Pagkatapos ng pag- uusap nila ni Mrs Reeves ay magpapamasahe ito sa kanya. The usual routine before she does the treatment is an interview at assessment muna. True to the words of many about her service, satisfied client si Mrs Reeves. Bongga din ang ang bayad dahil two thousand pesos lang naman dahil kasali daw ang reimbursement ng pamasahe. Nag-alok pa ito na ihatid ako sa bahay ngunit tumanggi na ako bagkus ay sa isang kilalang mall ako nagpahatid para mag grocery muna bago umuwi. Sumaglit muna ako sa lingerie section at bumili ng kalahating dosenang underwear. Nakakahiya naman kung ang mga lumang underwear ko pa ang dadalhin ko sa mansion ng mga Reeves. Nag grocery din ako ng mga kailangan sa kusina pati na ang mga pang meryenda ni Kristel sa bahay. Nakapag withdraw naman ako sa ATM na para allowance niya. Pagkauwi ko ng bahay, agad kong hinanap si Lolo para magpaalam. "Mano po, Lolo," bati ko sa kanya habang kasalukuyan itong nanood ng pang hapon na newscast sa TV. Tumango lamang ito sa akin at binalik kaagad ang atensyon sa pinapanood. "Lolo, may nag-offer kasi sa akin ng trabaho. Stay in at malaki naman ang sahod at may benepisyo pa. Sana pumayag kayo para makapag ipon ako ng pang kumpuni ng bahay natin. " Ang mahina kong pagpapaalam sa kanya para hindi ito mabigla. Sanay kasi si Lolo na kahit gaano karami ang kliyente ko sa isang araw na minsan ay ginagabi na rin ako ay umuwi talaga ako sa bahay. " Ikaw ang bahala Apo, basta ang bilin ko sayo huwag basta isusuko ang bataan. Cenomar muna bago bukaka, " ang nakangiti nitong sabi sa akin. Noong una hindi ko kaagad na gets pero ng malimi ko ang sinasabi niya ay kinurot ko ito sa tagiliran. " Lolo naman eh! Trabaho ang pupuntahan ko hindi nobyo. Atsaka dalagang Pilipina ito no. Ang magiging asawa ko lang ang pag-aalayan ko ng aking alindog!" Natawa na din ako sa mga bilin n'ya . Nakakaloka si Lolo! Buti at pumayag naman kaagad siya at nagbilin pa na magpakabait daw ako sa aking magiging amo. Hinintay ko muna si Kristel para mabilinan na wag maging pasaway sa Lolo. Nag empake na ako. Kaunti lang naman ang dadalhin ko. Kasya lang sa isang may kalakihan na backpack. Nagdala na din ako ng ilang personal na gamit. Ang aking sapatos at ilang tsinelas at sandals ay inilagay ko lang sa isang eco bag para bitbitin. Bukas pa naman ako pupunta sa mga Reeves dahil yun naman ang napagkasunduan namin ng ginang. Kinagabihan ay magana kaming naghapunan kasama ang aming kasambahay na si Aling Lorena. Malayong pamangkin ito ni Lolo Adolfo at biyuda na rin. Ang mga anak ay pawang may mga asawa na at nasa malayo na nakatira. Naiinip diumano itong nakatunganga lang sa kanyang bahay kaya ng maghanap ako ng makakasama sa bahay ay nagboluntaryo ito na siya na ang kunin namin. Mas safe nga naman dahil kamag anak lang namin at mas panatag kami na maalagaan ng maayos si Kristel. Nagbilin na ako sa kanya patungkol sa plano kung trabaho at pinakiusapan ko siya na sa bahay na pumirme habang wala ako. Buti at pumayag ito dahil ilang kanto lang din naman ang distansya ng sariling bahay nito mula dito sa amin. Uuwian na lang daw niya paminsan ang kanyang bahay para linisin. Nalungkot man si Kristel ay pumayag na din ito. Dalaga na ito kung tutuusin dahil katorse na ito. Panatag naman ang loob ko na magagabayan ng maayos si Kristel dahil mabait itong bata at sinusunod naman ang mga bilin ni Lolo. Kinabukasan ng tanghali ay tumulak na ako papunta sa mga Reeves. Nagtaxi na ako dahil sadyang malayo nga naman ang kanilang bahay. Pagkababa ko ng taxi pagkatapos magbayad ay sakto namang nasa bakuran si Nanay Luding kaya di na ako nagdoorbell. Nang makita niya ako ay binuksan nito ang gate at pinapasok na ako. Sa sala na daw n'ya ako hihintayin dahil andun daw si Mrs Reeves. Pag pasok ko sa kanilang bahay ay nanonood ito ng palabas sa TV. "Good noon po." "O, iha so ibig sabihin payag ka na?" Ang tanong nito sa akin ng nakangiti dahil nakita nito ang mga gamit na bitbit ko na. Nag text naman ako sa kanya kagabi para kumpirmahin ang pag tanggap ko sa offer n'ya. "Opo, Ma'am. susubukan ko pong matulungan ang inyong anak." Tuwang tuwa ito at niyakap ako. Sa ganoong tagpo ay inabutan kami ng kanyang anak. Di kaagad namin ito namalayan kung hindi pa ito tumikhim. "Mama, I'll be heading now. You take care." He said na hindi man lang gumawi ang kanyang paningin sa akin. Ay snob! sayang makalaglag panty sana ang kagwapuhan snob naman pala. "Iho, she is Kristine Joy. Yong sinabi ko sa iyo kagabi and she will be staying here." Ang seryosong sabi ng ginang na nakamata sa anak na napakaseryoso ang itsura. Biglang kumunot ang gwapong mukha nito as if in discontentment. " We'll talk later Ma, I'll be late. May tambak na mga papeles na kailangan kong pirmahan at may meeting nanaman ng mga stockholder." He sighed at animo napipilitan lang ito sa pupuntahan. Ayon kasi sa ina nito hindi masyadong lumalabas ng bahay ang anak nito not until recently na may commotion sa company kung saan sila ang major stockholder. " Come with me iha, I'll bring you to your room." Hinawakan nito ang aking kamay at iginiya na umakyat sa grand staircase. Pagkarating sa ikalawang palapag ay binaybay namin ang pasilyo at ang pinakadulong kwarto ang tutulugan ako habang andito sa kanila. Bago makarating sa kwarto ko ay kwarto muna ng aking isnaberong boss. Myghadd at magkalapit pa talaga kwarto namin. Habang papasok kami sa kwarto ay ipinaliwanag ni Mrs Reeves kung bakit kailangan na nasa malapit ako. Madalas daw Kasi itong pulikatin sa hatinggabi o di kaya madaling araw si Sir Errol. Kaya daw din ito na frustrate sa mga nagdaang mga P. T ay dahil palagi pa rin daw itong pinupulikat kahit nag undergo na ng mga Physical therapy sessions. Nagpaalam na si Mrs Reeves na pupunta sa kanyang kwarto at magpahinga daw muna ako. Infairness sa binigay nilang kwarto na sa pagkakaalam ko ay guest room ay sadyang napaka ganda naman. Walang masyadong adorno pero kumpleto sa furniture. May tokador sa gilid ng queen size na kama. Nang umupo ako sa kama ay napag alaman kong gawa ito sa memory foam. Hmmm perfect para sa mga taong palaging pagod at maraming iniindang sakit sa katawan. May upholstered sofa bed din malapit sa malaking French window na natabunan ng puting kurtina. Fully carpeted ang sahig at may malaking split type air-conditioning unit pa. Simple pero naghuhumiyaw sa karangyaan. Ang banyo naman ay maganda rin. May bathtub pa nga at sa bandang toilet area ay ang lagayan ng sari saring mga toiletries. Nang binuksan ko ito ay tumambad sa akin ang mga imported na shower gel, bath bombs, shampoo, lotion, conditioner at may mga skin care products pa! Iba talaga pag mayaman. Samantalang kaming mga simpleng tao ay sabon, shampoo at toothpaste ay sapat na. Nang maisalansan ko sa wardrobe ang ilang piraso kong damit at nakapagpalit na ng pangbahay ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Kasalukuyang nagluluto si Aling Luding ng kung ano. Nang tiningnan ko ito ay ginataang bilo bilo pala. Paborito diumano ito ng mga amo. Tutulong sana ako kaso ay tumanggi na ang huli dahil papatapos na daw ito. Bilin din daw ni Mrs Reeves na huwag na daw ako tumulong sa gawaing bahay. Aba sosyal ako buhay senyorita ako at ang masahe lang talaga ang nakatoka kong gawain. Kinagabihan ay kasalo ako sa hapunan ng mag-ina kahit na tumanggi ako noong una ay nagpupumilit si Ma'am na sabay ako sa hapag kainan. Asiwa man dahil medyo stoic ang mukha ni Sir Errol ay pinilit kong kaswal lang ang mukha pero medyo bantulot pa rin ako sa pagsubo ng pagkain. Napansin ito ni Ma'am kaya sinabi ko na lang na naalala ko ang aking abuelo at batang pinsan. Nasa kalagitnaan na ng hapunan nang makarinig kami ng tunog ng intercom. Si Kuya Mario ang nasa kabilang linya at sinabing may bisita daw si Sir Errol. Ilang sandali pa ay dumating ang bisita na nagpakilalang si Sean. Kaibigan at kasabayan pala ni Sir sa mga kinahihiligan nitong sport. Napatingin ako dito dahil tila nang-aarok ng tingin sa akin. Nginitian ko naman ito bilang paggalang atsaka pinagpatuloy ko ang aking pagnguya ng pagkain. Nag volunteer ako na tumulong maghugas ng pinggan pero todo tanggi si Aling Luding. Iginiya ako ni Ma'am Rosemarie sa living room para magtsaa. Gusto daw nito ulit magpa massage ng likod nito at sumakit dahil sa pag Cross stitch. Pagkatapos magtsaa ay pumunta na kami sa kanyang kwarto. Pinakiusapan ko itong mag warm bath muna. Ilang sandali pa ay lumabas na ito ng banyo na naka silk pajama. Inumpisahan ko siyang masahiin sa pamamagitan ng paglalagay ng langis na may halong ginger and orange essence. Kinalat ko ang langis sa kanyang likod. Pinadapa ko siya sa kanyang kama at atsaka hinagod ang kanyang baywang pataas ng limang beses. Diniinan ko ang gilid ng kanyang scapula ng tatlong beses. Atsaka ko naman mahina ng diniinan ang gilid ng kanyang spinal column mula baywang pataas. Pinaikot ko ang aking mga hinlalaki habang hinahagod pataas ang aking mga daliri. Binaybay ko ang mga muscle niya sa likod at gumawa ng milking pattern na animo kumukuha ng gatas ng baka. Tense nga din talaga ang kanyang muscle sa likod at bandang batok. Halatang stress ito o di kaya ay maraming alalahanin ang bumabagabag dito. Madalas naman sa nagiging kliyente ko ay talagang pananakit at paninigas ng kalamnan ang idinadaing sa tuwing nagpapaserbisyo ng masahe sa akin. Kaya ang aking laging payo sa kanila ay huwag masyadong isipin ang mga problema at irelax ang isip dahil kung palaging iisipin ang stress at problema ay naapektuhan ang katawan. Particular na unang mararamdaman ang pananakit ng kalamnan at sakit ng ulo kapag stress ang tao. Naghihilik na si Ma'am Rosemarie ng bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Si Sir Errol pala. Minuwestra ko ang aking hintuturo sa aking labi para ipahiwatig na tulog na ang ina nito. Nakatingin lang ito sa akin at lumabas na din kaagad. Sinundan ko siya at mahinang sinambit ang kanyang pangalan. "Sir Errol, wait." Napatigil siya at nilingon ako. Bakas sa mukha niya ang pagkayamot pero hinintay niya pa rin naman ako. "Paano ko po kayo dadaluhan kung sakali atakehin kayo ng pulikat sa gabi?" Ang tanong ko sa kanya na nakatunghay lamang sa magiging reaksyon niya. He sighed at iritang sumagot. "There is an intercom connected in your room. Once I press the button it will automatically send a signal to you. I need you to be snappy. I don't need a lousy employee." Yon lang ang sagot niya bago umalis. Pumasok na ito sa kanyang kwarto na katabi lang pala ng guest room na tinutuluyan ko. So, indifferent nga ugali nito. Kung gaano siya ka gwapo ay siya rin namang kabaliktaran ng ugali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD