ES4: Atake

1188 Words
Aburido. Bugnutin. Tigang. Iyan ang description ko sa amo na si Sir Errol. Gwapo nga siya pero parang ampalaya ang laging ulam sa uri ng pakikitungo niya sa akin. Pero, hindi. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Sa laki ng sahod at sa bait ni Mrs Reeves ay sapat na dahilan na iyon para pagtyagaan ko si Sir Errol. Kasama naman na talaga ang sermon sa sahod. Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo. Feel na feel ang pagbabad sa bathtub. Ginamit ko pa ang isang lavender bath bomb na sabi ni Mrs Reeves ay malaya akong gamitin ang mga toiletries doon. Pagkatapos ko magbabad ay nagbanlaw na ako ng katawan. Nilinis ko ang anumang patak ng tubig na naroon sa dingding at sa glass partition. Paglabas ko sa banyo at akmang magbibihis na ay narinig ko ang intercom. Dali-dali akong tumakbo sa kwarto ni Sir errol. Ibinuhol ko lang ng maayos ang aking roba. Nakita ko si Sir na nakahandusay sa sahig at sapo ang kanyang pigi. Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya tulungan. “Sir, saan po ba ang muscle cramps ninyo?” tanong ko dito. “Damn! Where have you been? I've been ringing the intercom and it took you forever to go here with that attire!?” Namimilipit pa rin siya sa sakit pero naisingit pa rin na pagalitan ako? Aba matindi pala ang sapak ni Sir! “Kung sinabi ninyo sa akin kung saan ang pulikat ninyo. Disin sana na-relieve na ang sakit. Sir, know your priorities.” Naiinis man ako ay ako na rin ang boluntaryong naghanap ng muscle na umuklo sa bandang pigi niya. Nakita ko kaagad ang nanigas na muscle pero kailangan ko na hawiin ang tuwalyang nakatakip doon. Tinampal ni Sir Errol ang kamay ko. “Are you a pervert?” Namumula sa galit na tanong niya sa akin. “Trabaho lang Sir! Walang personalan. Not unless gusto ninyong tuluyan na manigas ang muscle ninyo at tuluyang maging pilantod ay madali naman akong kausap.” Tinaasan ko ng kilay ang aking amo. Madilim ang mukha niya nang patuloy kung hinagod ang pigi nito. Gumawa ako ng pabilog na paghagod at minuwestra na tumagilid siya. Kahit asar ay tumalima din naman si Sir Errol sa akin. Pakipot pa talaga. As if naman hindi siya nakasuot ng boxers at nahihiya pa sa akin. Ilang minuto pa ay bumalik na sa dati ang muscle niya. Binangon ko si Sir at binalik ko ng buhol ang kanyang twalya. “May lakad po ba kayo bukas Sir? We can start the relaxation massage session tomorrow.” Seryoso kong saad sa kanya. Tumayo na kami pareho at bumalik na ako sa kwarto ko. Kaagad ako nagbihis at humiga na. Kaninang tinutulungan ko si Sir ay nahagip ng aking mata ang kargada nito. Daks nga siya! Tulog pa iyon sa lagay na iyon ha! Paano kaya kung galit iyon? Hindi ko ma-imagine kung kakasya ba iyon sa bibig ko. Erase. Erase. Erase. Mygad bakit ang bastos na yata kaagad ng naiisip ko? Sa propesyon kong ito dapat ay propesyonal dapat ako. Bumangon muna ako at kinuha ang isang journal. Inilista ko ang unang atake ng muscle cramp ni Sir. Inilagay ko rin ang schedule niya ng relaxation massage. Bukas ko malalaman kung ano at saan dapat ako mag-focus para mabawasan ang pulikat ni Sir Errol. ******** Kinabukasan maaga akong gumising. Pababa na ako ng komedor nang mapansin ko ang mga amo ko. Sir Errol ay nakasuot lang ng plain tshirt at grey na jogger. Si Ma’am Rosemarie ay tulad ng dati ay naka-house dress lang. “Iha, come have breakfast with us.” Anyaya ni Maam sa akin. “Mamaya na lang po siguro Ma'am.” Nahihiya akong makisabay sa kanila lalo at seryoso pa rin ang mukha ni Sir at di man lang ako binati. “Good morning Sir,” bati ko kay Sir Errol. Ngunit isang tango lang ang sagot nito. Abala kasi siya sa pagbabasa ng newspaper. “Hija, huwag ka na mahiya sa amin. I demand na every meal ay sabay tayong kumain.” Wala na akong nagawa kundi sumabay na mag-almusal sa aking mga amo. Pagkatapos kumain ay ni-remind ko si Sir sa schedule niya na masahe mamayang hapon. Tumango lamang siya sa akin at nauna na siyang umalis sa hapag-kainan. “Inatake nanaman pala ng pulikat si Errol kagabi Hija? Madalas ay napapansin ko kapag stress siya ay napapadalas ang sumpong niya. Ayaw pa kasi niya sumailalim sa corrective surgery sa hips eh. Nagmamatigas pa kasi.” Nagmamaktol si Ma'am Rosemarie sa akin. Dinala niya ako sa terasa sa ikalawang palapag. Doon kami nagkwentuhan at nabanggit niya sa akin ang pagiging sports enthusiast ni Sir noong hindi pa naaksidente. Hindi naman pansinin ang naging injury ni Sir liba lang sa minsan ay parang kakaiba ang paglalakad nito. “Ma’am okay lang po ba magtanong? Bakit ayaw ni Sir magpaopera kung iyon naman pala ang kailangan para mas madali siyang gumaling?” Nagtataka talaga kasi ako sa rason. Kung siguro ay naagapan kaagad ang corrective surgery ay wala itong iniinda ngayon. “Atin-atin lang ito Hija ha? Pagkatapos kasi niyang maaksidente ay hiniwalayan siya ng kanyang girlfriend na si Gweneth. Lalo na nung nalaman nito na naging impotent si Errol. Kaya nga pinipilit ko na magpaopera na para bumalik sa kanya si Gweneth pero matigas ang ulo niya. Nasaling ang pride niya sa ginawa ng nobya.” Marami pa ang naging kwento ni Ma'am Rosemarie sa akin tungkol sa nobya ni Sir. Pamilyar ang pangalan nito sa aking pandinig dahil sabi ni Maam ay galing din ito sa pamilya ng mga beauty queen. Napakunot ang noo ko. Anong klaseng nobya ang iiwan ang nobyo dahil lang wala ng kakayanan na magpaligaya sa kama? Kung kinumbinse sana nito ang nobyo na magpaopera malamang ay hindi galit si Sir Errol sa mundo. Hay naku buhay! Kung sino pa talaga ang minamahal ay siya pa talaga ang nag-iinarte. Ano pa ba ang hahanapin? Gwapo naman si Sir, matangkad, mayaman, may panlaban ang kargada. Konting suyo lang naman siguro kay Sir Errol ay papayag ito magpaopera. May tinitingnan si Ma'am sa kanyang cellpone at tinawag niya ako. “Hija, ito yong ex-girlfriend ng anak ko. ang ganda niya ‘diba.” Tiningnan ko ang larawan na tinutukoy ni Ma'am at parang nakita ko na ito sa kung saan ay hindi ko natandaan. “Isa siyang socialite na nakabase sa Davao kaya pamilyar siya.” Napatango na lang ako sa sinabi ni Ma'am. Bagay nga naman sila ni Sir. Gwapo at maganda. Kaya bigla akong nanlumo. Hindi talaga kami bagay ni Sir, iyon ang na-realize sa sarili ko. Kaya pagbubutihin ko na ang ang trabaho ko para magkabalikan sila ni ex niya at para hindi na siya maging bitter. Gwapo na sana si Sir eh kahit saang anggulo tingnan. Kulang lang talaga sa dilig. Isang taon na kasi mula ng madisgrasya ni Sir. At kung bago ay sexually active si Sir ay talagang nanlumo talaga ito nang nalaman ang kalagayan. Kung kelan may crush na ako mukhang sa maling tao pa ako nagkagusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD