ES5: Assessment

1226 Words
ES5 After lunch, pumasok ako sa aking kwarto para ihanda ang mga gagamitin kong paraphernalia. “Record book, essential oils, carrier oils check,” sabi ko ng malakas. Minsan kasi may ugali akong ulyanin kaya anuman ang nasa isip ko ay kailangan ko pang sabihin para hindi ko ito makalimutan. Tinungo ko ang closet at buhat doon naglabas ako ng mga hand towel at tatlong tuwalya. Napagkasunduan namin na sa kwarto na ni Sir Errol gagawin ang aking assessment sa kanya. Syempre pa ay andun si Ma'am Rosemarie kaya hindi ako maasiwa. Though, sanay naman ako sa ganyang mga scenario ay si Sir Errol mismo ang nag-specify na dapat andun ang ina n’ya. Alas dos na kami nagsimula. Uunahin o muna ang assessment para alam ko ang mga reflex points at manipulations ang gagawin. Kinunan ko si Sir Errol ng kanyang blood pressure gamit ang manual na sphygmomanometer. Normal naman ang kanyang blood pressure. “Sir, I’ll be doing a thorough interview. I am asking that you tell me your medical conditions” seryosong saad ko. “What are you? A doctor? Do I need to disclose everything to a manghihilot?” sarkastikong saad niya sa akin. “I am a Licensed Massage Therapist NCII passer, Sir. Kailangan po talaga ang thorough assesment para malaman namin ang pinaka the best treatment approach na bagay batay sa medical condition ninyo. To answer your question, no I am not a Doctor but a complementary medical practitioner. We have our boundaries and limitations on how we exercise our vocation.” Nakangiti man ako ay gasinulid na lang talaga ang pasensya niya. “And also I signed a non disclosure agreement. Meaning to say what I know about your medical history will be kept in secrecy.” “Okay, let's start then.” Tiningan ni Sir si ang ina nya na andun lang sa isang couch sa gilid at pabuklat-buklat ng magazine. “First, we will be doing. Steam bath, this process will allow to drain any toxins in the body. Mapapalambot din nito ang balat, thus making the massage more easy. Lalo sa katulad ninyo na mabuhok,” paliwanag ko. Kumunot ang noo ni Sir Errol na tila galit sa sinabi ko. “And what about me being hairy? Is there anything wrong with that?” todo simangot ito na parang nagme-menopause na babae. “Sir, I'm just stating a fact. Mamaya nyan aaray-aaray kayo.” Sarap talaga kurutin itong Sir Errol na bugnutin. Halatadong tigang eh! Mga kaisipang naglalaro sa akin habang pigil ang sarili na pilosopohin ang masungit na pasyente ko. Steam bath occured almost twenty minutes lang naman. Gumamit ako ng mga dahon ng mga dahon na karaniwang makikita sa bakura. Dahon ng mangga, kalamansi, sambong, luya at kahit tanglad. Kitang-kita ko kung paano nalukot ang gwapong mukha ni Sir. Sarap talagang asarin na vetsin at paminta na lang ay tinolang manok na siya. Inutusan ko siyang magpalit muna ng boxers shorts dahil nabasa ng steam ang suot niya. Pagbalik niya ay kaagad ko na siyang pinadapa sa kama niya. Una kong pinisil ang kanyang kanang sakong at napaigtad siya. Doon pa lang ay may napagtanto ako. Tama ang nakita ko sa kanyang medical record na pinakita ng ina. Barado or naipit ang kanyang sciatic nerve kaya madalas siyang pulikatin at may mali sa paglalakad niya. Iyon lang ang dapat kong kumpirmahin. Ang mas kailangan ko na lang gawin ay kumbinsihin siya na kung gusto niyang bumalik sa dati ang kanyang angking kakayahan ay magpaopera na dapat siya. “Sir, anong gusto ninyong pressure? Soft, moderate, or hard?” tanong ko. Humalakhak si Sir Errol sa narinig. First time ko na marinig na humalaklak at umalingawngaw iyon sa buong kwarto niya. First time kong narinig ang halakhak niya at talaga namang mapang-akit iyon. May tila amusement akong nahihimigan at ang lamig ng boses nya ay parang galing sa natunaw na nyebe. Napatingin si Ma’am Rosemarie sa amin ngunit nagkibit-balikat lang ako. “You sound like an erotic massage therapist offering extra service.” Muli siyang tumawa na tila kinikiliti kaya hinayaan ko lang siya sa gusto niyang isipin. Madalas nga naman akong napagkakamalan na nag-o-offer ng extra service. Nakailang beses na rin akong sinubok ng mga mayayaman kong kliyente at tinatawanan ko na lang. Katagalan ay naging mga suki ko nga sila at galante naman magbigay ng tip. Pati nga mga asawa at nobya nila ay sa akin na rin nagpapa-home service at kapag ganoon ay palaging tiba-tiba ako. Mahina na ang dalawang libo na kita sa mga couple na satisfied sa king serbisyo. At sino ako para tumanggi sa grasya? Naging seryoso ito at ako ay nag-concentrte na s pagmamasahe sa kanya. Diniinan ko ang kanyang gastrocnemius muscle. Saktong pressure lang ng ginamit ko and in a matter minutes ay narinig ko na si Sir Errol na umuungol. Kung sa sakit ba iyon o sa sarap ay hindi ko alam. Tiningnan ko ng kanyang mukha at nakangiti iyon. Hay, buti naman at nagustuhan ng kurimaw na ito ang hagod ko, sigaw ng utak ko. “Ahhhh. . . g-ganyan nga. Kaya ka pala patok sa mga customer mo dahil masarap kang humagod,” nakakalokong palatak ni Sir. Kung anuman ang pakahulugan niya bahala na siya sa buhay niya. Umakyat ako sandali sa kama para ang kanyang hamstring naman ang pagtuunan ng pansin. Naramdaman kung medyo na-tense siya. “Please relax, Sir. You will have muscle pain if you are tense in a massage session,” paliwanag ko sa kanya. Doon lang ito nag-relax nang sinabi ko ang mga katagang iyon. Umangat ang paningin ko at nakita ko si Ma'am Rosemarie na matyagang inoobserbahan ang mga ginagawa ko. Nginitian niya ako at sumenyas pa ito ng thumbs up. “Sir, I will be touching your coccyx bone. Please, bear with me.” Diniinan ko ang kanyang coccyx bone at katulad ng ibang mga kliyente ay na-tense sya. Kaya, minasahe ko ang kanyang buttcheeks gamit ang aking palad. Gumawa ako ng circular motion at nang may nasagi akong parte ng kanyang sciatic nerve ay muli siyang napaigtad. Nag-aalalang tumingin si Ma'am Rosemarie s akin. Kaya, tatapusin ko muna ang session bago ko ipapaliwanag ang mga na-obserbahan sa kanya. Pinagpahinga ko muna si Sir Errol na nakatulog bago ko pa man matapos masahein ang likod niya. Lumabas kai ng kwarto ni Ma'am at iginiya niya ako patungo sa kanyang silid. Pinaupo niya ako sa kanyang upholstered sofa na naroon. Napaka-elegante ng kanyang silid. Wala akong masabi kundi super yaman talaga nila. “So, how's your assessment Kristine?” kabadong tanong niya sa akin. “Tama naman po ang lahat ng sinabi ninyo sa akin. Iyong sinabi ng doktor sa kanya na surgery iyon po ang susi para gumaling. Siguro kung may nagtyaga na Physical Therapist sa kanya ay malamang magaling na siya. Kaya po sinabi ng doktor na kailangan ng surgery dahil maaring maging permanente ang damage ng kanyang sciatic nerve kapag hindi naagapan. Napansin ko po kasi na minsan ay parang pilantod maglakad si Sir Errol,” mahaba kong paliwanag kay Ma'am. Kilangan maintindihan nila na kahit magiging okay ang response ni Sir Errol ay surgery pa rin ang sagot para manumbalik ang kakayahan ni Sir sa kama. “I will try to convince him, Kristine. At sana this time ay makinig na siya sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD