CHAPTER 7

2294 Words
MAGAAN ang pakiramdam ni Timothy nang magising ng araw na iyon. Pupungas-pungas siyang nag-inat, pagkuwa’y binitbit ang guitar bag at overnight bag niya na may lamang ilang damit at jacket niya bago lumabas ng kuwarto. Naabutan pa niya si Von na nagkakape sa kusina, nakatalungko at parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Inilapag niya ang dala sa sofa saka nagtungo sa kusina. “What’s with the long face?” usisa niya habang palapit sa kaibigan. Hindi ito makakasama sa Tagaytay dahil kinailangan nitong umuwi sa Batangas sapagkat may ‘emergency’ daw roon ayon sa kapatid nito. Pati tuloy ang balak nitong pag-imbita sa nililigawang si Khel papunta sa Bahay-Kalinga ay naunsyami kaya wala ito sa mood. Tumayo siya at nagsalin ng kape sa tasa niya saka iyon tinimplahan. Manaka-naka siyang kumain ng niluto nitong agahan habang nananatiling tahimik at nakatingin lang sa mahiya mo miserableng hitsura ng kaharap. “So, when are you coming back?” basag niya sa katahimikan pagkatapos kumain. “I don’t know why they need me there. Depende siguro,” sagot nito saka napailing. “Stop smirking! You don’t even know kung makakasilay ka kay Mara. Alalahanin mo, her lola’s still recovering. Ang alam ko, bawal ang mahabang biyahe kapag ganoon,” putol nito sa tila pagniningning ng mata niya. “Pards, huwag mo akong idamay sa pagiging bitter mo, okay? Ang ganda-ganda ng mood ko, sinisira mo,” nakasimangot niyang sambit. “Dapat nga kasi, sumama ka na lang sa akin sa Batangas—” “And miss this opportunity to be with Mara?” Malinaw na malinaw pa rin sa kanya ang hitsura nito na para bang kaharap lang niya ang dalaga. She was so cute and gorgeous, lalo na kapag nagba-blush ito! “Just be careful. Take it easy,” seryosong payo ni Von. “Pards, I think... I really like her,” pag-amin niya kay Von. “My heart beats eratically everytime I think of her! Siya na siguro ang fate ko! This is it, pansit!” Overacting niya pang sinapo ang dibdib niya na animo’y nangangarap nang gising. Umiling-iling na lang si Von. “Hindii mo pa lubos na kakilala, fate kaagad?” kontra nito. Panira talaga ng moment ang lalaking ito! “Hey, pards! Kontrabida ka! Ang lagay, kapag malungkot ka, dapat ako malungkot din? Unbelievable!” reklamo niya. “Teka, napunta ba sa talampakan ang utak mo nang tamaan ka ni Kupido? What I meant was, hinay-hinay lang. Get to know her. Baka mamaya, masaktan ka lang o makasakit ka,” paliwanag nito. “See? You said it yourself. I need to know her more,” aniya saka tumayo at niligpit ang pinagkainan niya bago muling humarap dito. “Piece of advice from a professional ‘loverboy,’ Von. Mahirap ma-determine kung ‘yong tao na kasama mo ngayon ay pang-forever mo na talaga. Love and fate can never be determined by length of relationship. Even on how deep you shared it with her or how generous both of you offered during your relationship. You know why? Because love is immeasurable while you cannot predict fate...” mahabang paliwanag niya saka nagsimuang maghugas ng plato. Tinaasan siya nito ng kilay. “Ikaw ang gagawa ng kapalaran mo at ikaw ang bubuo ng tadhana mo,” kontra nito. “Yet, I couldn’t agree more with what you said about love,” patuloy nito. Bahagya siyang napatawa. “You know, pards, I really cannot believe you’re talking about love like this! I bet, you’re really in big trouble!” bulalas niya. He never heard Von say those kinds of words, ever. Kahit pa noong may girlfriend ito dati. It’s so amazing how love could change people’s beliefs and how they see colours from their own perspective. Hay, ang pag-ibig nga naman! “Huwag mong ibaling sa ‘kin ang usapan,” umpisa nito. “You’ve got a broken heart. Maybe, you’re still longing for Nina. Huwag kang magpadalos-dalos. Don’t get me wrong. I’m saying this ‘cause I know you loved her so much. What if she realized her mistake and wanted you back? Sino’ng pipiliin mo?” Bahagya siyang tumigil sa ginagawa saka ito hinarap. “Eto, ha, Mr. Computer Wizard, just a piece of another advice. ‘Di lahat ng iniiwan ay mga tanga na naghihintay pa rin sa taong nang-iwan sa kanila. I’m past that stage of moving on. Just so you know, usually, ang mga nang-iwan na ‘yan, kaya bumabalik kasi may gustong takbuhan. It’s not because they want you back or because they still love you,” may hugot na anas niya. Napaubo ito sa tinuran niya. He won the argument! Siyempre, love expert kaya siya! He grinned bago binanlawan ang mga hugasin. Naramdaman niyang tumayo si Von at lumapit sa kanya bago siya inakbayan. “All I’m saying is that, it’s okay to be romantic but you should also be logical. Put a period in your past before you start another chapter in your life,” seryosong payo nito. “Make sure na wala ka na talagang nararamdaman kay Nina or you’ll end up losing your true love in the end.” Napaisip siya sa sinabi nito. Well, his friend had a point. A very valid point. PAGKALIGO at pagkaayos ay lumabas na ng kuwarto niya si Timothy. Von was still sitting on the couch while watching the morning news. “I’ll go ahead. Nasa baba na sina Greg,” paalam niya. “Okay,” sagot nito saka sumaludo. “Ingat sa pagda-drive, ha,” bilin niya saka mabilis na kinuha ang mga gamit niya bago lumabas ng unit. “Thanks, doc!” bati niya sa kaibigan pagkaupo sa backseat. “Good morning, Nurse Julianne,” baling naman niya sa nobya nito na nakaupo sa passenger’s seat. “Good morning, boss,” nakangiti ring bati nito. Dahil siya lang ang bukod-tanging hindi medical practitioner sa banda kaya ‘Boss’ na ang itinawag ng mga kabanda niya sa kanya. Si Greg ay kababata at kabanda niya sa high school bago siya nag-migrate sa UK pagka-graduate niya ng highschool. Tuwing umuuwi siya, sumasama siya sa gig ng college band nito dahil nag-disband ang grupo nila nang magsitungtong na sa college. Well-off ang lahat ng miyembro ng banda. Their gigs are just for fun. Philanthropist din ang grupo. Katunayan, ang kita nila sa gig ay napupunta sa Bahay-Kalinga na pag-aari nina Julianne—ang singer ng banda, at Julius—ang kakambal nito na pianist. Nagkakilala ang band members noong college pa lang ang mga ito. Isang licensed nurse ang dalaga at kung wala sa St. Luke’s ay ginugugol nito ang oras sa facility. Si Greg naman ay isang surgeon sa Makati Med ngunit nagbibigay rin ito ng libreng serbisyo sa ilang public hospitals sa Maynila. Sina Julius at ilan pang miyembro ay pawang mga doktor sa Maynila. Alas-nueve y media na nang marating nila ang Bahay-Kalinga dahil walang traffic. Mabilis silang sinalubong ng tagapangasiwa ng Bahay-Kalinga na si Dante pagparada ng sasakyan ni Greg sa may gilid ng bahay. “Nasa loob na sila. Nagpahain rin ako ng meryenda,” anito habang tinutulungan sila sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa kotse. Si Julianne naman ay nauna nang pumasok sa three-storey house. Every Friday, isang mini-concert ang isinasagawa sa Bahay-Kalinga. Kahit sino ay puwedeng manood at makisaya. Isa ‘yong proyektong sinimulan nina Julianne isang taon matapos nilang maitatag ang banda. “Hey, Tim!” nakangiting sabay-sabay na bati ng mga kabanda niya pagdating niya sa dining area pagkatapos niyang ilagay ang mga gamit sa tutuluyang kuwarto sa ikatlong palapag. Ngumiti siya at isa-isang kinamayan ang mga ito. “Maupo ka na, Tim. Ipaghahain ko na kayo,” wika ni Delilah, asawa ni Dante. “Salamat, Ate Del,” magiliw na sagot niya. Sa magkakabanda ay tanging sina Julianne, Greg at Julius na lang ang wala pang asawa, at palibhasa’y newly single na siya, siya tuloy ang napagdiskitahang buskahin ng mga ito. “I’m sure, matutuwa si Jonie ‘pag nalamang wala na kayo ni Nina. Baka nga dali-daling umuwi iyon ‘pag nalaman na nandito ka sa Pilipinas,” birong-totoo ni Julianne. Ang tinutukoy nito ay ang bunsong kapatid nito na may crush sa kanya. Napangiti lang siya. Hindi niya maiaalis ang disgusto ng mga ito kay Nina dahil nang makasama ng mga ito ang dating nobya ay hindi naging okay ang pakikitungo nito sa mga kabanda niya, lalo na kay Julianne na pinagselosan nito noon. “How about you, Julius? Hindi ka ba susunod na magpo-propose sa girlfriend mo?” pag-iiba niya ng usapan habang impit na nakangiti. “Hey, malayo pa sa isip ko ‘yan. Si Kambal muna, then, baka sakaling magseryoso na ako,” sagot nito na ang tinutukoy ay ang ang newly-engaged na sina Julianne at Greg. Palikero si Julius, pero wala pa itong inagrabyado. Two-timing is not Julius’ style. Iyon nga lang, sa tuwing may bagong nagugustuhan, agad na nakikipagkalas sa girlfriend para makapanligaw ulit. He’s indeed a professional heartbreaker machine! “Alalahanin mo, kuya, dalawa kaming kapatid mong babae, so better behave yourself!” singit ni Julianne. Tumayo naman agad mula sa pagkakaupo si Greg at niyakap ang nobya mula sa likuran ng upuan nito. “Hon, bakit ka naman matatakot? Good boy ako, ‘no!” malambing na anas ni Greg. “Naaalibadbaran ako sa inyo! Get a room!” malakas na hiyaw ni Julius. Malakas na tawanan ang umalingawngaw sa loob ng dining area. Pagkakain ay sabay-sabay na nilang pinuntahan ang mga matatanda at mga nangangasiwa sa facility. Palibhasa ay oras iyon ng activities kaya lahat ay naroroon sa Sala de Abuelos, ang basement ng facility na ginawang activity room. Agad niyang hinagod ng tingin ang silid sa pag-asang naroroon si Lola Charito, ngunit hindi niya natagpuan doon ang matanda maging ang apo nito. Hindi kaya napilit ni Lola Charito si Amarantha na magpunta roon? Bigla tuloy siyang nanlumo at naalala ang sinabi ni Von. Kung sabagay, baka nga hindi na tumuloy ang mga ito dahil sa kalagayan ng matanda. Lumapit na lang siya sa mga kakilalang matatanda at nagmano sa mga ito. Mayroon ding ilan na hindi pamilyar sa kanya na ipinakilala sa kanya ni Julius. Ang iba ay nanggaling pa ng Maynila at karatig-probinsya habang ang iba naman ay galing pa sa ibang facilities na kagabi at kanina pa dumating. Nalaman niyang ang pagkakaroon ng close relationship among other facilities ang programa ng NGO ngayon para pag-ibayuhin pa ang relasyon ng iba’t ibang Home-for-the-Aged community sa buong Pilipinas. “That’s a good plan, doc,” aniya nang ipaliwanag sa kanya ni Julius ang tungkol sa programa. “Sana makipagkaisa rin ang ibang facilities,” anito. Nasa dugo na talaga ng mga ito ang pagtulong sa kapwa. Kilalang professor sa psychology ang ama nito na si Professor Teofilo Amorsolo na tinaguriang Sigmund Freud of the Philippines. Ang ina naman nito na si Mrs. Margarita Dela Paz ay kilala sa larangan ng pagkakawang-gawa. Saglit silang nakisalamuha sa mga grupo bago nagkayayaang mag-practice. “Hanggang kailan ka nga pala rito?” tanong ni Leo, ang drummer ng banda matapos ang unang set ng practice nila. Naupo siya sa tabi nito bago sumagot. “It depends.” “Depende saan?” amused naman na singit ni Roland, ang bass player ng banda. “Baka raw kasi makilala niya ang ipapalit niya kay Nina. ‘Pag nagkaganoon, magtatagal siya rito,” hula naman ni Julius na dinugtungan nang malakas na tawa. “Paano mo nalaman?” sakay niya sa biro nito. “Ikaw?” dudang sambit ni Greg. Iiling-iling siyang tumayo. “Tara, second set,” yaya niya na sinundan naman ng malakas na kantyaw ng mga kabanda niya. PAGKATAPOS ng practice ay muling gumala sa buong kabahayan si Timothy. Nangislap ang kanyang mata nang makitang may mga bagong dating na bisita. Napabuga siya ng hangin at piping humiling na sana ay kabilang sina Lola Charito at Amarantha sa mga papasok. Nanlata siya nang hindi makita ang dalawa. Kung sabagay, siguro nga ay hindi pa kaya ni Lola Charito ang mahabang biyahe. Bigo na aakyat na sana siya sa kuwarto niya para magpahinga nang marinig niya ang boses ni Lola Charito na binabati ang mga kaibigang naroon. Mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti niya nang matanaw si Amarantha na halos hindi magkandaugaga sa bitbit na mga bag. Ang gusto sana niya ay obserbahan na lang muna ang dalaga mula sa kinatatayuan niya ngunit nagsalubong ang kilay niya nang kindatan siya ni Lola Charito na ginantihan niya ng alanganing ngiti. ‘Something’s off with that smile,’ sa loob-loob niya. Lalapit na sana siya sa mga ito nang iwanan at ignorahin ng matanda ang sariling apo saka dumiretso sa kusina. Napailing na lang siya. ‘She’s setting us up,’ nangingiting sambit niya sa sarili saka humakbang palapit sa nagmamaktol na dalaga. Pigil siyang napangiti nang marinig ang sinabi nito. “Para namang pamilyar ako sa bahay na ito! Saan ko naman kaya hahagilapin ang mag-asawang iyon?” “Let me help you. Then, we’ll look for them.” Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. Ang pagkagulat nito ay napalitan ng pagkabuwisit nang malingunan siya. “Ikaw?” kunot-noong tanong nito bago marahas na napabuga ng hangin saka humakbang palayo sa kanya. “Hello again, Mara,” nakangiting bati niya saka kinuha ang mga bag sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD