CHAPTER 10

2849 Words
NANG mag-umpisa nang tumugtog ang banda ay wala nang ibang nakikita si Amarantha kundi si Timothy. Mabuti na lang at pumuwesto siya sa may bandang likuran para hindi halata na bukod-tangi sa binata lang nakapagkit ang kanyang paningin. Para baga siyang nahihipnotismo nito, at mientras tumatagal ang pagtitig niya rito ay mas lalong lumalalim ang paghanga niya para sa lalaki. Para na nga niyang hindi kakilala ang sarili dahil hindi naman siya basta-basta nagkakagusto kung kani-kaninong lalaki, lalo na sa mga lalaking sobrang hangin na animo ay may dalang bagyo! Pero si Timothy, ewan niya, pero iba talaga ang dating nito sa kanya, iba ang hatid na kaba na dulot nito sa puso niya na lalong nadagdagan matapos ang pagkukuwento nito. Natapos ang concert ng mag-a-alas-nueve na ng gabi. Pagkatapos ay pinaunlakan naman ng mga miyembro ng banda at nakababatang facilitators ang mga requests ng mga matatanda na isayaw ang mga ito sa saliw ng makalumang tugtugin. Tahimik niyang pinagmasdan ang mga nagsasayawan. Si Lola Charito ay nakipagsayaw rin sa drummer ng banda. Hindi naglaon, natanaw niya si Timothy na noon lang nakaupo sa ‘di kalayuan matapos ang walang humpay na pagsasayaw kasama ang ibang mga lola. Bakit bigla na lang siyang nagkaroon ng piping hiling na sana ay isayaw rin siya nito? “A penny for your thoughts?” Narinig niyang bati ni Julianne bago tumabi sa kanya sa upuan. Nakausap na niya ang magandang babaeng kaharap noong nasa ospital ang lola niya kasama ang ilan sa mga kabanda nito dahil makailang beses itong dumalaw sa lola niya sa ospital noon. Ngumiti siya rito. “Thanks for coming, Mara,” wika nito sa napakamalambing na boses. “Ako nga ang dapat magpasalamat sa pagtanggap n’yo rito kay Lola Charito, eh,” nahihiyang anas niya. “She’s like family. Actually, nagkikita rin kami sa Manila, kasi pumupunta kami sa group nila minsan isang buwan,” paliwanag nito. Tumango lang siya at ngumiti. Muli niyang hinanap si Timothy para lang manlumo nang hindi na niya ito nakita sa kinauupuan nito kanina. *** PAGKATAPOS ng pakikipagsayaw ni Timothy sa mga matandang babae, agad siyang naupo at hinanap si Amarantha. He saw Julianne walking towards her. Lalapitan na sana niya ang dalawang dalaga nang tumunog ang cellphone niya. It was a long distance call at alam na niya kung sino ang nasa kabilang linya. Hindi pa nga pala niya ulit natatawagan ang ama. Halos araw-araw kasi itong tumatawag sa kanya o ‘di kaya ay kay Von, simula nang dumating siya sa Pilipinas. “Hey, Dad—” Naputol ang pagbati niya nang marinig ang paghikbi sa kabilang linya. “Ivory?” usal niya sa pangalan ng kapatid niya. “Why are you crying, sweetie?” nag-aalalang tanong niya. Agad na nagbago ang hilatsa ng mukha niya nang marinig ang may-ari ng mga hikbi. I-It’s me, Tim,” pakli nito. “N-Nina?” naninigurong anas niya na hindi niya alam kung lumabas sa bibig niya at narinig nito. “I-I missed you so much, Tim!” bulalas nito sa pagitan ng paghagulgol. Agad niyang hinagip ang jacket at dali-daling umakyat ng first floor para lumabas ng bahay. “Why are you calling me now?” malamig niyang tanong pagkasarado ng front door saka umupo sa ikalawang baitang ng front porch. “I missed you, Tim,” ulit nito sa garalgal na boses. Pagak siyang tumawa saka isinuklay ang daliri sa buhok niya bago itinukod ang mga siko sa tuhod. “Missed me? Kaya pala hindi na kita mahagilap when you left me?” sarkastikong sambit niya. “I-I got scared, Tim—” “Wow! Natakot ka pero hindi ka nahiya sa ginawa mo! You cheated on me! Ni hindi mo man lang inisip ang relasyon natin habang nakikipaglandian ka sa ibang lalaki. You didn’t care sa maaaring maging outcome ng ginawa mo!” He was so furious pero pinigilan niya ang sariling magwala sa galit. “I know, it was my mistake. I admit, I was weak and—” “I don’t care kung paano mo nakuha ang number ko. Hindi na ako magtataka dahil alam kong you’ll use all your connections to do so, but why the b****y hell are you calling? Ano pang kailangan mo sa akin?” straight to the point na tanong niya. Kilala niya ang dalaga at alam na alam din nito ang ugali niya. Sa dami kasi ng common friends nila, tanging ang malalapit lang na kaibigan ang nasabihan niya ng tungkol sa tunay na nangyari sa kanila ni Nina. Para kasi sa kanya, hindi niya kailangang ipangalandakan sa madla kung paano siya iniputan sa ulo ng dating nobya. “I still love you, Tim,” anito na nakapagpatulala sa kanya nang ilang sandali. Nangati ang mata niya dahil sa nagbabadyang luha. Nanakit rin ang lalamunan niya dahil sa pagpipigil ng emosyon. Inalis niya ang bikig sa lalamunan bago bumuga ng hangin. “Don’t do this to me. I’m trying to move on,” halos pabulong na anas niya. Pinakiramdaman niya ang sarili niya at gusto niyang dagukan ang sarili dahil naroon pa rin ang sakit, katunayan na kahit papaano ay mahal pa rin niya si Nina. “Alam kong sobra kitang nasaktan. I don’t deserve your forgiveness because I cheated on you. Mas tatanggapin ko na sigawan mo ako at sabihan ng masasakit na salita, but please, don’t push me away! I want to prove to you na nagbago na ako. I will be a better girlfriend to you. I’ll be the girl you truly deserved!” umiiyak na paliwanag at pakiusap nito. Napahaplos siya sa batok bago nakasagot. “Bakit ngayon lang, Nina? I tried so hard to find you and tell you that I’ll take you back no matter what, that I’ll accept your baby and even treat your baby as if my own.” Umiling siya at tumitig sa kawalan bago nagpatuloy. “Ikaw ang umalis. Ikaw ang nang-iwan, Nina. Hindi ako. Yet, parang ako pa ang nagpumilit na bumalik ka at maging tayo ulit. You never called... and now, after few months, ngayon na medyo okay na ako, saka ka tatawag sa akin and tell me these things to win me back? Then, kung ayaw mo ng sagot ko, you’ll tell me not to push you away?” He was trying his best to be civil, at least, dahil talagang nasasaktan pa rin siya. “Yes, I know. Kaya nga nagso-sorry na ako, ‘di ba? I admit, it was my mistake! I don’t know. Hindi ko alam kung paano ko ‘yon nagawa...” pahayag nito sa pagitan ng pag-iyak. “Please give me a chance. Ngayon lang ako nagkalakas-loob na magsabi sa iyo because I knew, I’ve done such a terrible thing. Isa lang, please. Just give me one more chance to fix ‘us’ up. I loved you! I still do—” “If you honestly loved me, you will never ever think of even liking somebody else! It’s either you love me or not, that’s it! Walang iba pang option!” mariin niyang sagot. He started to lose his patience with this woman, who’s tying to defend her actions na kung tutuusin, kung sa iba siguro nito ginawa ay pihadong wala nang ganitong usapan. A man  with a broken heart would immediately shut her down! “M-Mahal pa rin kita, Tim. Maniwala ka,” ulit nito. This time, her voice was pleading. Sa narinig ay agad na lumambot ang mukha niya. How he wanted to hear those words from her before. “Stop this, Nina—” “I had a miscarriage, Tim. Wala na ang bata. I don’t have any reason to stay with him,” pag-amin nito. Nagulat siya sa narinig. If this happened before, ‘di pa natatapos ang sinasabi ng dalaga ay taos-puso niya itong tatanggapin. Pero iba na ngayon. Siguro, mahal pa rin niya ito but he could not take her back now... not yet or not ever? “I’m sorry to hear that,” sinserong wika niya sa mahinang tinig. Kahit paano naman ay may simpatya pa rin siya para rito lalo’t alam niyang big deal iyon sa babae. After all, she tried to keep that baby even if it meant breaking up with him. “Please, Tim, take me back and tell me that you love me... that I’m still the one. I promise, I’ll be better this time around!” pakiusap nito, hopelessly pleading. Mahina siyang tumawa saka humugot nang malalim na hininga. “Nina...” Umiling-iling siya habang pagak na tumatawa. “My precious, Nina.” Muli siyang nagpakawala ng hangin sa dibdib bago nagpatuloy. “I want you back... I still love you... You’re still the one... I can’t live without you!” pag-ulit niya sa sinabi nito saka napakagat-labi. Those words were confusing him now. Iyon ang mga katagang gustung-gusto niyang sabihin sa dating nobya noon... pero ngayon, tila gusto niyang masuka sa pagsasabi noon dahil hindi naman talaga iyon ang nararamdaman niya ngayon. “Yes, Tim. I know and I’m sure, ako pa rin ang mahal mo,” buong kumpiyansang sagot ng babae sa kabilang linya. Naantala ang atensyon niya sa pakikipag-usap kay Nina nang marinig niya ang pagsara ng front door. Paglingon niya ay wala naman siyang taong nakita kaya marahan siyang tumayo saka tumawa nang walang emosyon. “Are you kidding me right now, Nina? I mean, seriously, ganyan ka pa rin magsalita as if nothing happened?”  He heaved another sigh. “Honestly, if this happened months ago, I admit, siguro posibleng hindi na ako mag-isip pa because I was such a fool in love with you. Pero ngayon, I don’t know... I don’t even know what to think right now,” pag-amin niya. “Don’t say that, Tim! Basta, I will make you mine again! Alam ko, ako pa rin ang mahal mo and I will not give up!” buong kumpiyansang pahayag nito. “I loved you so much that I almost lost my will to live when you left me...” “Just wait for me, Tim... please!” “Things have changed, Nina... I’ve changed,” anas niya. Our if nowhere ay biglang rumehistro ang mukha ni Amarantha sa kanyang harapan. “I’ll make it up to you, Tim, I promise. Everything will go back to the way they were before ‘pag nagkita tayo ulit. Eight years are hard to—” “No, it will not... and I guess, I cannot talk to you anymore,” sambit niya, at pagkuwa’y tumayo. “Now, I’m sure, hindi na kita mahal tulad ng dati,” makahulugang wika niya. “Wait! What are you talking about? Gusto mo lang akong saktan, ‘di ba? ‘Di ba?” sigaw ni Nina sa kabilang linya, dahilan upang bahagya niyang ilayo ang cellphone. Bumuga siya ng hangin saka pumikit para pigilan ang sariling patulan ang babae. “It was not sudden, Nina. It took me gallons of tears and guts to move on. Wala akong balak gantihan ka. You know me so well. I’m not that kind of person kahit pa sinaktan mo ako nang sobra. Yes, nawalan ka ng anak, and as cold as this may sound, but… that was your karma. I told you, things already changed, pati ang dikta ng puso ko. I can’t believe that our eight years were clearly defeated by few weeks. Can you even imagine that?” Habang sinasabi niya iyon ay walang laman ang isip niya kundi si Amarantha. ‘Damn! I think, I’m really in love… again!’ napagtanto niya sa sarili. “What rubbish are you trying to imply? That’s bullshit, Tim! You’re just trying to hurt me, I know. You just want me to feel the pain I caused you kaya mo sinasabi ‘yan!” she screamed. Same old Nina na nagwawala kapag hindi nakuha ang gusto. “Hindi lahat ng iniiwan ay umaasa pang babalikan, Nina. I admit, I wanted you to come back, but not anymore. Wala ka pa ring pagbabago sa pag-uugali mo. Now that I am moving on, here you are, shouting at me dahil hindi mo gusto ang mga sinasabi ko. Dahil hindi mo gusto ang mga naririnig mo,” he said in a sarcastic yet calm voice. He sighed again. All he could hear was Nina’s sob and cry. “I’m sorry, Nina, it’s over,” pagtatapos niya bago nagtangkang ibaba ang telepono. “It’s not over until I say so!” hiyaw nito. Alam niyang hindi ito magpapatalo kaya hindi na niya sinagot ang sinabi nito at ibinaba ang telepono to end their conversation. He brushed his hair with his fingers and looked at the sky filled with stars and bright full moon. Maging siya ay nagulat sa mga sinabi niya. He was still unsure sa nararamdaman niya kay Amarantha kanina lang, subalit ngayon, ano’ng pumasok sa kukote niya at tinuldukan na niya nang tuluyan ang relasyon nila ni Nina? He couldn’t take it back, at wala siyang planong bawiin iyon. *** MATAPOS magpaalam sa abuela ay hinanap ni Amarantha si Delilah. Gusto niya kasing bumalik sa attic para masilayang muli ang kagandahan ng bulkan. Mabuti na lamang at maliwanag ang kalangitan at wala na ang fog. Sana lang ay sapat ang liwanag para makita pa rin niya kahit papaano ang Taal. Bahagya siyang nadismaya nang malamang hindi sapat ang liwanag ng gabi para muli niyang mapagmasdan ang bulkan. Tanging mumunting mga ilaw na nagkalat sa dilim ang nakita niya. Humugot siya ng hininga at nagdesisyong manatili na lang muna roon para magmuni-muni. ‘I want you back... I still love you... You’re still the one... I can’t live without you...’ Iyon ang paulit ulit na naririnig niya sa isip niya na sinabi ni Timothy sa kausap. ‘Sabi ko na nga ba, eh. Mahal pa rin ng gunggong na ‘yon ang ex niya,’ sa loob-loob niya. May kung anong hapdi na gumuhit sa puso niya. Ganoon din ang naramdaman niya noong nalaman niyang nakabuntis si Ador! Pero, bakit parang mas masakit ngayon? ‘Ah, ewan!’ waksi niya. Bahagya niyang sinampal ang sarili. “Gumising ka nga Mara! Para kang baliw! Ah! Nakakainis kasi! Ay naku!” usal niya. Bumuntong-hininga siya at muling iginala ang mata sa mga mumunting ilaw na nagkalat sa ibaba. Bumababa na rin ang fog kaya mas lumalamig sa veranda. ‘Kung anu-anong kalokohan ‘yang iniiisip mo, Mara! Puwede, bumalik ka sa kasalukuyan!’ saway niya sa sarili nang maisip si Timothy. Muli siyang nagpakawala ng hangin saka umiling. Nababaliw na yata siya. Parang tukso, bumalik sa gunita niya ang muling pagsibol ng paghanga niya para sa binata nang masaksihan niyang kumanta at tumugtog ito kanina. At siyempre, idagdag pa ang nalaman niya na matindi itong magmahal. Sino ba naman ang matinong babae na hihindi sa katulad nito? Iyon nga lang, sa tindi ng pagmamahal nito, parang hirap itong makausad kahit pa nga sobrang sakit ng ginawa ng dati nitong nobya. At iyon ang pinanghihinayangan niya dahil pag-aari na ng iba ang puso nito. Isa pang malalim na hininga ang pinakawalan niya dahil sa  pag-iisip kung bakit ganoon na lang ito magpahaging sa kanya? Wala lang ba itong magawa sa buhay kaya pati siya ay pinagdidiskitahan? Ipinilig niya ang ulo saka kunot-noong iwinaksi ang iniisip dahil baka iba lang ang interpretasyon niya sa pakikitungo nito sa kanya. Baaka nga mamaya, eh, balewala lang naman talaga rito ang mga iniaaksyon at sinasabi nito sa kanya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at maingat na isinara ang pinto ng veranda. Masarap namnamin ang malamig at preskong hangin, ngunit kung magtatagal pa siya roon ay paniguradong sisipunin na siya o baka mamaya, matuluyan siyang magkasakit lalo’t medyo masama na ang pakiramdam niya mula pa kanina. Maingat niyang ipininid ang pinto ng attic maging ang pinto na papanhik sa silid. “Ay! Diyos ko po!” Halos mapatalon siya sa gulat nang sumalubong sa kanya ang nakangiting si Timothy. “Huwag mo nga akong ginugulat palagi! Magkakasakit ako nito sa puso, eh!” Nasapo niya ang dibdib sa sobrang sindak. “Eh, ‘di ako ang gagamot!” pabirong wika ng binata. “Gagamot ng ano?” kunot-noong tanong niya, hindi kaagad nakuha ang ibig ipahiwatig ng binata. “Your heart, kung puwede sana,” sagot nito na walang bahid ng pag-aalinlangan habang siya naman ay hindi malamang paghinga ang gagawin. Lumunok siya at hinamig ang sarili bago pinukulan ng malamig na tingin ang kaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD