CHAPTER 12

2884 Words
NAPABUNTONG-HININGA si Amarantha saka tumingin sa labas. Makakatanggi pa ba siya gayong siya na nga ang binibigyan nito ng pabor? “If you don’t mind me asking, bakit ka iniwan ni Lola Cha kanina? Imposible namang nakalimutan niya na kasama ka niya,” pauna nito habang naglalakad sila sa damuhan papunta sa magandang tanawin ng Bulkang Taal. Napasinghap siya nang salubungin sila ng malamig na hangin kaya nayapos niya ang sarili. Medyo masama pa rin ang pakiramdam niya kahit na nakainom na siya ng gamot kanina. Marahil ay nakadagdag iyon sa ginaw na nararamdaman niya. Bagama’t may jacket siya, wari ay nanunuot ang lamig sa buong katawan niya. Iniligoy niya ang paningin sa paligid. Nagbabadya na ang pagbaba ng fog sa ilang bahagi ng parke at medyo malakas na din ang hangin. “Hindi ko alam,” pagsisinungaling niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at bago pa siya nakahuma ay naipatong na nito ang sarili nitong jacket sa balikat niya. Inakbayan siya nito at hinila papalapit habang ang kanang kamay ay masuyong hinihimas ang braso niya. Kahit naiilang siya sa ginawi ng binata, hindi naman siya nakaramdam ng kahit na kakarampot na pagmbabastos mula rito. Banayad at may pag-iingat ang bawat haplos nito sa kanya. “This will make you warm a bit,” anito na patuloy sa ginagawa habang papalapit na sila sa bahagi kung saan tanaw na tanaw ang bulkan. Umihip ang hangin na muling ikipinangatog niya. Iniharap siya nito, kinuha ang mga kamay niya at hiningahan iyon. Napaawang at nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. ‘Diyos ko! Bakit ba gento ang lalaking ito?’ sigaw ng isip niya kasunod ng pamumula ng mukha niya na parang makopa! Ramdam niya ang pagragasa ng dugo sa buong katawan niya. The warmth of his breath brought fire inside her... burning! She gasped and immediately took back her hands. Awtomatiko siyang napadistansya rito. “I-I’m sorry, I didn’t mean—” “N-Nabigla lang din ako, pasensya na. Salamat,” aniya sabay baling sa bulkan para mawala ang pagkailang sa pagitan nila. “Ang ganda talaga ng Taal,” bulalas niya. “Yeah,” sagot nito saka nagpakawala ng hangin. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. “Halika, doon naman tayo sa may tulay. Maganda rin doon,” mayamaya ay yakag ng binata sa kanya. Nagpatianod na lang siya. Kahit nag-e-enjoy siya sa nakikita, unti-unti niyang nararamdaman ang bigat ng katawan. Nanahimik na lang siya at inisip na yayain na lang ito mamaya.  Bago pa man sila makarating sa mahabang tulay ay may isinuot sa kanya ang lalaki. A knitted bonnet and shawl na hindi niya namalayang binili nito sa batang naglalako sa paligid ng Picnic Grove. Maging ito ay bumili rin ng para sa sarili. “Salamat,” sambit niya habang patuloy sa paglalakad. “Just tell me kung hindi mo na kaya ang lamig and we’ll go back to the car,” wika nito. Tumango siya. Kaya pa naman niya at nabubusog ang mata niya sa ganda ng nakikita. Matapos nilang tawirin ang kabilang dako ng tulay ay dumiretso na sila sa bahagi ng park kung saan naroon ang mga kabayo. Bumili si Timothy ng sandwich na kinain nila habang naglalakad. Ang akala niya ay wala nang kasing ganda pa ang tagong mundo niya sa bundok. “Ang ganda rito!” bulong niya saka suminghot. Kumunot-noo naman si Timothy nang titigan siya. “Are you sure you’re okay? Namamalat ka na, ah,” anito, pagkuwa’y ginagap ang kamay niya na lalong nagpalalim sa gitla ng noo nito. “You’re hot. Keep my hands holding yours, okay? Aalis na tayo rito,” anito saka mabilis na naglakad. Tumigil siya at iwinaksi ang kamay nito. “H-Hindi magandang tingnan na hawak mo ang kamay ko dahil hindi naman tayo magkasintahan,” nag-aalangang bulong niya saka tumungo at umubo. Humugot ito ng hangin at marahas itong pinakawalan. Sa malamlam nitong mga mata ay tila may gusto itong ipahiwatig na hindi niya mawari. Tumingala ito saka muling bumuga ng hangin bago nagsalita. “Okay… puwede ba kitang ligawan, Mara?” Natameme siya sa tanong ni Timothy. Maang lang siyang nakatitig dito ay walang maapuhap na sabihin. “A-Ano’ng sinabi mo?” tanong niya nang maka-recover siya sa pagkabigla. Tama ba ang narinig niya o kung anu-ano lang ang naririnig at naiisip niya? “Sabi ko, kung puwede ba kitang ligawan,” ulit nito na may ngiti sa labi, ngunit naroon pa rin sa mata nito ang antisipasyon at kaba. Sasagot na sana siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at malapit lang sila sa may cottage. Agad siyang inalalayan ni Timothy para sumilong. “Ang lakas ng ulan! Hindi man lang nagbigay ng warning!” palatak ng binata habang nakatingala sa langit. “Okay ka lang ba?” baling nito sa kanya na may pag-aalala. “O-Oo, okay lang ako,” wika niya habang nakamasid sa malakas na buhos ng ulan. Tila nasa state of shock pa rin siya dahil sa sinabi ng binata at hindi niya alam kung dahil ba sa sama ng pakiramdam kaya nag-iinit ang katawan niya o dahil sa  mahigpit na hawak ng lalaki ang baywang niya. Nabasa na ang shawl at jacket na suot niya kaya’t tagos na tagos ang lamig sa basa na ring katawan niya. Hindi naglipat saglit ay napabahing na siya. “P- Pasensya na,” aniya sabay singhot. “Here.” Muling hinubad ng binata ang suot na jacket na ibinalik niya kanina pati na ang shawl nito at ipinatong sa balikat niya. Hindi na siya tumanggi pa at atubili iyong tinanggap. “Pa’no ka? Sobrang lamig,” nag-aalalang tanong niya. “Don’t worry. Sanay ako sa lamig,” sagot nito. “We should get out of here. Matatagalan pa ang ulan na ito. Nagdidilim na ang langit,” obserba nito. Hindi niya na marinig ang sinasabi ng binata dahil sa lakas at ingay na dulot ng ulan na sinamahan pa ng ilang beses na pagkulog at pagkidlat. Nakailang bahing na rin siya at nangangatal na siya sa ginaw. Ang binata naman ay hindi na magkandatuto sa paghimas sa braso niya. Makaraan ang halos sampung minuto ay ni hindi man lang humina ang ulan. Naupo na lang siya sa sementong upuan at niyapos ang sarili. “Damn!” palatak ng binata saka siya kaagad na niyakap. “You’re shivering!” “N-Nagiginaw na talaga ako,” bulong niya na hindi niya sigurado kung naiusal niya. Nangangatog pati ang bibig niya at nagkikiskisan na ang ngipin niya sa nginig. Mabilis siya nitong pinangko at patakbong sinalubong ang malakas na buhos ng ulan patungo sa sasakyan. Hindi niya na namalayan pa ang sumunod na pangyayari maliban sa pagpasok sa kanya ng binata sa loob ng sasakyan. *** WALANG nagawa ang heater ng kotse sa panginginig ni Amarantha. Ramdam ni Timothy ang pangangatal ng dalaga habang mariin nitong hawak ang kanang kamay niya na nasa kambyo. Animo’y sa kanya ito humuhugot ng init at lakas sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Halos hindi niya na makita ang daan pabalik ng Bahay-Kalinga dahil sa pinaghalong malakas na ulan at fog sa paligid. Kailangan nang makapagpalit ng damit ng dalaga dahil kung hindi ay malamang na lalong lumala ang sakit nito. He stopped the car and looked around. “Thank God!” anas niya sa sarili nang may makitang ‘Guest House for Rent’ na karatula sa may gilid. Agad siyang pumasok sa may eskenitang itinuro ng karatula at binaybay ang makitid na daan patungo roon. Ang dulong bahagi ng eskenita ay tinutumbok ang apat na malalaking bahay. Bukod-tanging ang apat na palapag na bahay sa kanan ang naiiba sa katabi nitong tatlong bahay na may dalawang palapag ang taas. Sa pagitan ng four-storey house at una sa tatlong two-storey house, ay may hedge na korteng malaking puso na may more or less four to five feet ang taas. Sa taas noon ay nakalagay ang Fortress in the Sky habang sa unahan ng hedge ay may maliit na fountain. Itinigil niya ang sasakyan sa harap mismo ng four-storey house saka mabilis na lumabas ng sasakyan at pumasok roon. “Welcome po sa Fortress in the Sky, Sir,” anang lalaking receptionist na sa tantiya niya ay nasa early twenties ang edad. Nakasuot lamang ito ng simpleng makapal at itim na jacket at maong pants habang nakaupo sa reception desk. “Hi. May available rooms kayo?” agad niyang tanong. Hindi siya umupo nang imuwestra sa kanya ng lalaki ang dalawang upuan sa harap ng reception. “No, thank you, I’m in a bit of hurry,” tanggi niya. “Sir, isang guesthouse na lang po ang available. Wala na po kaming available room sa itaas,” wika nito. “You mean those house outside?” paniniguro niya. Tumango ito. “Okay. Here’s my card. We’ll stay there,” walang atubiling wika niya. “By the way, do you have a doctor on call?” patuloy niya sa nagmamadaling paraan. “Yes, Sir. Bakit po?” Tumigil ito sa pagsusulat saka nagtaas ng tingin sa kanya. “I’m sorry, but can I send my friend inside the house na muna then balik na lang ako for check-in—” Hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin nang magsalita ang isang matandang babae na kapapasok lamang at may bitbit na mga gulay at prutas. “Ako na’ng bahala sa kanya, Bong. Akina’ng susi sa guesthouse,” anito saka lumapit sa kanila at inilapag ang mga bitbit. “Inabot ka ng ulan? Basang-basa ka, hijo, ah,” puna nito saka siya inaya pagkakuha ng susi sa receptionist at pagkaabot ng lalaki sa kanya ng credit card niya. Binigyan siya ng matanda ng isang payong saka siya sinabihang i-park niya ang sasakyan sa tapat ng kahulihang guesthouse na kaagad niyang sinunod. Mabilis niyang pinangko si Amarantha papasok ng guesthouse habang ang matanda naman ay kaagad na binuksan ang heater ng bahay. Iginiya siya nito papanhik sa kuwarto na naroon saka inilabas ang mga puting bathrobes at towels mula sa cabinet na naroon. Pumasok ito sa loob ng banyo at binuksan ang mainit na tubig sa bathtub na naroon para magkaroon ng steam sa loob. “Dito mo dalhin at nang pagpawisan,” yakag ng matanda. Iniupo niya sa nakasaradong toilet seat ang dalaga habang ang matanda naman ay tinimpla ang init ng tubig sa bathtub. “Nasaan tayo?” mahinang anas ni Amarantha nang saglit itong magmulat saka muling tumungo at humilig sa balikat niya. “Somewhere safe,” pakli niya saka hinagod ang buhok nito. “O, hijo, ilublob mo na siya rito nang mainitan ang katawan. Mamaya, paliguan naman ng buhay na tubig para bumaba ang lagnat niya,” anang matanda. “Manang, pakisuyo lang po na kung maari ay kayo na lang po ang magbihis sa kanya,” pakiusap niya sa matanda pagkatapos niyang maibaba sa bathtub si Amarantha. “Walang problema, hijo,” anito bago bahagyang ngumiti. Sinabihan siya nitong manatili sa loob ng banyo kahit nakatalikod just in case na kailanganin nito ang tulong niya. Masyado kasing mahina si Amarantha at baka mag-collapse any moment. “Tapos na, hijo. Ikaw na lang ang magbuhat sa kanya sa kama,” wika nito matapos isuot ang bathrobe kay Amarantha na noon ay nakaupo sa may toilet seat. Agad siyang tumalima at binuhat ang dalaga na agad ipinulupot ang kamay sa batok niya. “Pagkainit-init niya, hijo! Saglit lang at ikukuha ko kayo ng bimpo na may yelo at nang maihaplos mo sa kanya. Magpalit ka na rin ng tuyong damit at baka pati ikaw ay magkasakit,” anito bago tuluyang lumabas ng kuwarto. “Salamat po,” pahabol niya. Mabilis siyang pumasok ng banyo at nagbihis ng bathrobe. Isinampay niya sa bathtub ang mga basang damit nila at muling lumabas. Naupo siya sa gilid ng kama at muling hinaplos ang buhok ng dalaga. Namumutla na ito at mataas pa rin ang lagnat. Bahagya niyang naulinigan ang pag-ungol nito kaya itinaas niya ang blanket hanggang sa leeg nito dahil nanginginig pa rin ang dalaga. Makalipas ang ilang sandali ay narinig niya ang tatlong mahihinang katok mula sa labas ng pinto ng kuwarto bago pumasok ang matandang tumulong sa kanila kanina. “Heto at ipunas mo sa buo niyang katawan,” anito saka siya sinaway nang makita na halos tabunan na niya ng blanket ang buong katawan ng dalaga. “Ay naku! Huwag mong kumuta’t ‘di lalabas ang init ng katawan niya,” wika ng matanda “Ganoon po ba? Salamat po,” aniya bago kaagad na ibinaba ang blanket ng dalaga. “I-dial mo lang ang zero kapag may kailangan ka, ha. Kahit mamaya ka na mag-check-in. Ako na’ng bahala. Ila-lock ko na rin ang pinto sa ibaba,” anito bago lumabas. Marahan niyang pinunasan ang dalaga mula sa mukha na namumutla, pababa sa leeg. Pagkuwa’y tumigil siya at napalunok. Muli niyang isinawsaw ang hand towel sa ice-cold water, piniga iyon, at pinunasan ang braso ng dalaga. Isinunod niyang haplusan ng hand towel ang legs nito, her short but flawless legs. Muli siyang napalunok at napabilang ng sampu hanggang sa matapos ang pagpupunas niya rito. Muli niya itong pinagmasdan bago napabuntong-hininga. ‘How could freckles be so damn sexy?’ sa isip-isip niya. Muli niyang ipinatong ang kamay sa ulo nito. Mas okay na ito kaysa kanina. Itiniklop niya ang cold hand towel at pinanatili iyon sa noo ng dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito na nangangatog pa rin. Pagdaka’y bahagyang umungol ang dalaga na naghatid ng kaba sa kanya. ‘Damn! Control yourself, Timothy! You like this girl! Don’t blow it!’ bulong niya sa sarili. He gently caressed her hair and kissed it. She was like an angel while asleep. Ang sarap pagmasdan. Her pale face started to gain color. “Binago mo lahat ang paniniwala ko. I thought, moving on was next to impossible. Meeting you proved me wrong. I kept asking myself, ilang linggo pa lang ba nang magkakilala tayo, and yet, I feel like I’ve known you for so long. Siguro nabibigla ka rin, and maybe, hindi mo ako paniniwalaan but I guess, I loved you from the moment I saw you. How could that even be possible? Kahit ako, ‘di ko alam ang sagot!” Napangiti siya sa sarili. He can’t believe he was telling these things to her. She gently moved and slept on her side, in a fetal-like position. Nalaglag mula sa noo nito ang bimpo. Muli niya itong sinapo. Ngayon ay medyo bumaba na ang lagnat nito. Muli niyang idinawdaw sa malamig na tubig ang bimpo at inilagay sa noo nito. “Salamat,” naulinigan niyang bulong nito bagama’t nakapikit. Bahagya niyang tinapik sa balikat ang dalaga bilang pagtugon. Nang masigurado niyang okay na si Amarantha at banayad na ang paghinga nito, saka siya nagpasyang marahan lumabas ng kuwarto at bumaba. *** MALAKAS pa rin ang ulan. Mabuti na lang at nag-iwan ng payong ang matanda sa sala. Kinuha ni Timothy ang overnight bag niya mula sa kotse saka nagbihis, bago muling lumabas at pumunta sa main house para mag-check-in at mag-order na rin ng room service. “Kumusta na ang nobya mo, hijo?” concerned na tanong ng matanda nang maabutan siya sa reception. May hatid na kilig sa kanya ang sinabing iyon ng matanda kaya’t hindi na niya itinama ang sapantaha nito. Isa pa, ayaw niyang mag-iba ang tingin nito sa dalaga. Mamaya ay pag-isipan pa nito na masamang babae si Amarantha. “Mababa na po ang temperature niya. Salamat po,” nakangiting sagot niya. “Mabuti naman. Siyanga pala, tawagin mo na lang akong Manag Pesang,” pakilala nito. “Inay, um-order po siya ng bulalo,” imporma naman ng receptionist.  “Ah, hamo’t dadalhin ko na lang ang pagkain sa bahay n’yo pagkaluto. Balikan mo na roon ang nobya mo,” taboy nito. “Salamat po,” sagot niya at saka patakbong bumalik sa inuokopang bahay. Mahigit-kumulang kalahating oras ang lumipas nang dalhin ni Manang Pesang ang niluto nitong bulalo. Pagkuwa’y may dinukot sa bulsa at ibinigay sa kanya. “Ipainom mo ito sa kanya pagkatapos n’yong kumain nang tuluyan na siyang gumaling. O, sige na’t gabi na.” “Salamat po ulit, Manang Pesang,” aniya bago ipininid ang pinto at ini-lock iyon. Alas-tres ng hapon nang dumating sila roon at ngayon ay mag-a-alas-otso na ng gabi. Mahimbing pa rin ang tulog ni Amarantha at sa awa ng Diyos ay nagno-normal na ang temperature nito. Nakatawag na siya kay Greg at ikinuwento rito ang nangyari. Ito rin ang nagbigay ng numero ni Lola Charito mula kay Julianne. Sinabi niya sa matanda na inabutan lang sila ng ulan para hindi ito mag-alala. Napangiti na lang siya nang imbis na mag-alala ay natuwa pa si Lola Charito, o siguro ay lubos lang talaga ang tiwala ng matanda sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD