CHAPTER 15

2202 Words
PAGKATAPOS makausap ni Timothy ang bestfriend niyang si Von ay ang kabandang si Greg naman ang tinawagan niya. Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na siya sa loob ng bahay ni Lola Charito. May panghihinayang siyang naramdaman nang makitang wala na sa hapag si Mara. Malamang ay umiiwas talaga ang dalaga sa kanya at hindi niya ito masisisi. He was stupid dahil hindi niya nakontrol ang sarili kagabi na hindi halikan ang dalaga. Sino ba naman kasi ang hindi matutukso rito? With the way she looked at him nang bigla niyang halikan sa noo, parang nanunukso talaga! Plus, the fact that he was really into her—deeply—ay nakadagdag pa ng tukso sa kanya na sundin ang nararamdaman para sa dalaga. Nalimutan niyang kailangan niyang mas magdahan-dahan dahil iba ang dalaga sa mga babaeng nakilala niya. She was definitely one heck of a lady! Pagkatapos kumain ay nagpaalam na siya kina Lola Charito at Rita. “Thank you for taking care of my Amarantha, Tim. Mukhang napagod yata sa biyahe. Hindi kasi sanay bumiyahe ang batang ‘yon, eh,” sambit ng matanda nang ihatid siya sa sasakyan niya. “That’s fine, Lola Cha. I’ll go ahead. Thanks for the nice meal,” nakangiting sagot niya bago sumakay sa kotse. “Lola Cha, can I come back tomorrow?” tanong niya nang nasa loob na siya ng kotse. “Of course!” Naging obvious ang pagliwanag ng mukha ng matanda sa tanong niya. “Thanks, Lola Cha. Mauna na po ako,” sagot niya bago pinaandar ang sasakyan. Kailangan niya pang punuin ang gas tank ng kotse para naman hindi naman nakakahiya kay Greg, bagama’t hindi naman iyon big deal sa kaibigan. Dumiretso siya sa Makati Med tulad ng sinabi nito dahil kasalukuyan itong naroon. “Did something good happen?” usisa ni Greg na matamang nakatitig sa kanya habang humihigop ng kape mula sa isa sa mga coffee vending machine na nagkalat sa ospital. “Yes, I guess,” pag-amin niya saka inihilig ang guitar bag niya sa overnight bag niya bago umupo katabi ni Greg sa waiting area ng ER. “Wow! Well, what can I say? I’m happy for you, bro!” nakangiting bati nito. “Pero pakiramdam ko, papasok talaga ako sa butas ng karayom, doc. She’s really one of a kind! Ngayon lang ako nakakilala ng katulad niya,” aniya habang tila nagsasayaw ang mga mata niya sa pag-alala ng pinagsaluhang sandali nila ng dalaga. Greg shrugged and smiled. “One thing I’ve learned about falling in love is that, it will make you do things that you never thought you could do. So, be ready dahil I’m sure, it will be one hell of a ride!” “I know! Anyway, hindi na ako magtatagal dahil may darating na package for Von sa condo niya mayamaya. Kailan ba ulit ang gig?” aniya. Pagkuwa’y tumayo saka binitbit ang mga gamit niya. “We’ll skip one or two weeks. May conference kasi ako sa Baguio. Sina Julianne at Julius naman ay pupunta ng Singapore. I’ll let you know once I’m back here in Manila,” sagot nito na tumayo na rin. “All right then. Salamat, doc, ha!” paalam niya. He just grabbed a taxi and went straight to Von’s place at hinintay ang package nito. Muli siyang lumabas at bumili ng pagkain sa restaurant na nasa first floor ng building. Napakunot-noo siya nang paglabas niya ng restaurant ay may nahagip ang mata niyang pamilyar na mukha. Bahagya niya pang ipinilig ang ulo saka bumalik sa unit ni Von. Pagkapahinga ay nag-shower na siya, umupo sa sofa, at binuksan ang TV. Mayamaya ay inabot niya ang telepono niya at napangiti nang makita ang hinanap na litrato sa gallery. He snapped that lovely photo while Amarantha was asleep when he came back to the room yesterday to check her fever. That grumpy yet beautiful girl he met few weeks back instantly stole his heart away! MISTULANG nakalutang sa alapaap ang pakiramdam ni Timothy kinabukasan. Pasipol-sipol pa siya habang naliligo. Paglabas niya ng banyo ay eksakto namang nag-ring ang phone niya. It was Von, asking if his package arrived yesterday. Nalimutan niya pala itong tawagan kagabi. “I’m still convinced that you need to settle things with Nina before you do this. Baka mamaya, akala mo pag-ibig na iyang nararamdaman mo pero ‘yon pala you just want to forget Nina and you’ll use Mara as your rebound. Makakasakit ka lang,” muling paalala nito nang malamang aakyat na siya ng ligaw kay Amarantha. Humugot lang siya ng hininga. May punto rin naman kasi ito pero sa ngayon, all he cared about was his heart. Masaya siya at wala na ang bigat sa dibdib niya. Somehow, Amarantha cured his broken heart. “Let’s talk about it later, Von. I need to go,” he said then hung up. It was his first step. Umakyat ng ligaw—the old Pinoy style. *** MAHIGIT dalawang linggo nang umaakyat ng ligaw si Timothy kay Amarantha. Kulang na nga lang  ay mag-igib siya ng tubig at haranahin ito. It didn’t seem to work, bagama’t giliw na giliw sa kanya ang abuela nito. Palagi na lang umiiwas sa kanya ang dalaga sa tuwing naroon siya at tila napipilitan lang na pakiharapan siya. But giving up was not in his vocabulary. He became more persistent lalo at naroon sina Lola Charito at Rita na todo ang suporta sa kanya. “Maiwan muna kita rito, hijo, at tatawagin ko si Mara,” paalam ng matanda nang halos labin-limang minuto na mula nang tawagin nito ang apo ay hindi pa rin ito bumababa. Tumayo siya at nagpasalamat sa matanda bago muling umupo nang nakaakyat na ito. “Good evening, Mara.” Malapad ang pagkakangiti niya nang sa wakas ay bumaba na ito kasunod ang abuela na noon ay dumiretso na sa kusina. “For you,” aniya saka ibinigay ang flowers and chocolates sa dalaga. “Salamat… pero ‘di ba, sabi ko sa’yo, nagsasayang ka lang ng panahon at pera mo sa pagpunta rito at pagbibigay ng kung anu-ano?” Muli ay ang litanyang iyon ang isinalubong nito sa kanya hindi pa man nakakaupo. “Just let me do this, Mara. Give me a chance,” he pleaded, again. “Wala kang aasahan sa akin. Wala akong balak na makipagrelasyon kahit kanino. Sige na, aakyat na ako—” “If this is because of that kiss—” Pinigilan niya ito sa pagtayo ngunit matalim siya nitong tinitigan bago pinutol ang sinasabi niya. “Bakit ba palagi mo na lang inuungkat ‘yon? Balewala ‘yon sa akin. Saka puwede ba, tigilan mo na ako? Bakit ba kasi ako ang pinagdidiskitahan mo, eh? Wala kang mapapala sa akin! Bitawan mo nga ako,” naiinis na wika ng dalaga. “I-I’m sorry,” tanging nasambit na lang niya. “Siguro naman alam mo na ang daan palabas. Utang na loob, huwag ka nang babalik,” anito bago tuluyang umakyat. Naguguluhan na napaupo siya sa sofa. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkaganito ang dalaga sa kanya samantalang ayos naman sila noon sa Tagaytay. Marahil ay ganoon talaga kasama ang ginawa niyang paghalik dito dahil iyon lang naman ang naiisip niyang tanging kasalanang nagawa niya habang magkasama sila roon. Bumuntong-hininga siya saka tumayo. Agad siyang napatakbo sa kusina nang marinig niya ang kalabog na nagmula roon. Naabutan niyang nakahiga si Lola Charito sa lapag at walang malay. “Lola Cha!” sigaw niya. Agad niya itong dinaluhan habang si Amarantha ay nakasunod rin pala sa kanya at mabilis na lumapit sa abuela. “Lola, gising po,” mahina at garalgal ang boses ni Amarantha kasabay ng marahang pagyugyog sa matanda. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ng dalaga at pinigilan ito sa ginagawa. “You’ll make it worse,” aniya saka mabilis na tumawag ng ambulansya. Binawi ni Amarantha ang kamay mula sa pagkakagagap niya at hindi malaman kung ano ang gagawing pagtulong sa abuela. Mahigpit nitong pinisil ang kamay ng matanda at umusal ng panalangin. Tumawag siya kay Greg. Mabuti na lang at tapos na ang conference nito sa araw na iyon. Tinuruan siya nito ng pupuwedeng gawin na first aid habang hinihintay ang ambulansya. The old woman was breathing normally but she was pale. Ilang sandali pa ay dumating na ang ambulansya. Sinamahan niya sa loob ng ambulansya si Amarantha na noon ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Pati ito ay hindi na makausap. “Hey, listen to me. Lola Cha will be all right, okay? Relax,” aniya. Pagkuwa’y kinabig ito sa dibdib niya para aluin. Sa ginawi niya ay saka lang ito napaiyak habang nakamata sa abuela na kasalukyang nasa stretcher at inaasikaso ng paramedics. “Ang lola ko! Ang lola ko!” tanging nasambit lang ng dalaga. “Sssh. Don’t worry, my love. She’ll be taken care of. She’ll be all right. I’m here. I’m not leaving you,” pag-aalo niya. Mabilis silang nakarating sa ospital at agad itong inasikaso sa emergency room. Tinulungan niya si Amarantha sa paperworks dahil ninenerbyos pa rin ito at tila wala sa huwisyo. Hindi na nila namalayan ang paglipas ng oras habang naghihintay sa waiting area. Hindi niya iniwan ang dalaga, not even a second. Agad silang tumayo nang sa wakas ay lumabas ang doktor na tumingin kay Lola Charito. Nakahinga sila nang maluwag nang ideklara nito na wala na sa panganib ang buhay ng matanda. Good thing, it was not a stroke, but Lola Charito was kept under observation. They put her in a private room para makapagpahinga rin si Amarantha sa loob. Dahan-dahan siyang lumapit sa sofa na kinauupuan ng dalaga matapos i-check si Lola Charito na mahimbing na natutulog dulot ng gamot. Naupo siya sa tabi ng dalaga na nakatulog na rin marahil sa sobrang pagod at stress. Inihilig niya ang ulo nito sa balikat niya at marahang hinaplos ang buhok nito. How he adored this girl was still unbelievably real for him. Suddenly, he found himself humming a song that he just recently heard and instantly fell inlove with its content. Tadhana. The same song the band played in Tagaytay. It seemed that he was destined to meet Amarantha right then and there, and everything happened just to fulfil that destiny. “Maybe, I really need to apologize for kissing you that night para mawala na ang galit mo. That’s the only reason I know kung bakit ka galit. You’ve got no idea how I couldn’t sleep that night and how I tried so hard to control myself not to enter your room after that kiss dahil ‘pag ginawa ko iyon, malamang isumpa mo na ako!” Bahagya siyang napatawa sa sarili. He couldn’t believe na para siyang isang teenager na kinikilig. “I even told my sister how adorable you were that she wanted me to bring you home!” patuloy na kuwento niya, which he would not be able to tell her kung sakaling gising ito. Nagpakawala siya ng buntong-hininga and held her hand. “I will not get tired of chasing you, my Probinsyana Girl. I will not give up on you,” he pledged then kissed her hand. Ilang sandali rin silang nasa ganoong posisyon nang tumunog ang cellphone niya. He slowly put her down the sofa so she could sleep comfortably, grabbed a throw pillow, and laid her head down before answering the call. “Hey, Von! Sorry, I’m at the hospital now. Dinala namin si Lola Cha. Bigla kasing nahimatay sa bahay nila... No, all is well, she’s fine... All right…” Inayos niya ang pagkakakumot sa dalaga saka saglit na pinukulan ng tingin si Lola Charito bago lumabas para ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Von at para bumili na rin ng pagkain. *** PIGIL ni Amarantha ang paghinga. Tila siya panandaliang nawala sa huwisyo habang pinakikinggan ang sinasabi ni Timothy na ang tanging naintindihan lang niya ay pagtatapat nitong pagpipigil sa sarili noong magkasama sila sa Tagaytay. Tila tinangay ng hangin ang diwa niya dahil sa kilig na nararamdaman. Alam niya sa sarili niya na gusto niya ang binata. Dangan nga lamang at palaging sumasagi sa isip niya ang ang napakinggang pakikipag-usap nito sa dati nitong nobya. Kahit pa nga iginigiit ng binata na gusto rin siya nito, ayaw niyang umasang totoo nga ang sinasabi nito. Pagkatapos nitong ipagtapat sa kanya kung gaano nito minahal ang dating kasintahan, nagkaroon siya ng insecurity hindi pa man niya nakakaharap ang babae. Paniguradong napakaganda at balingkinitan siguro ang katawan nito para maging ganoon kabaliw ang lalaki rito. Nakahinga siya nang maluwag nang lumabas ito ng kuwarto. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat itugon sa ipinagtapat nito. Baka sa pagkakataong iyon ay kalimutan niya ang kanyang sapantaha at sundin kung ano ang laman ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD