Chapter 1
"Shine! My bebelabidabs" tawag ko sa magandang dilag na lalampas na sana sa akin.
Hindi siya lumingon pero huminto siya sa paglalakad.
"Don't waste my time Villanueva" kahit hindi lumingon ay alam kong umirap sya. Kilala ko na ugali niyang bebe ko. Madalas magsungit lalo na pag hindi ko siya nilalambing. Charot sana true.
"Babe naman aga aga high blood agad." Nakangiti kong saad tsaka pumunta sa harap niya. Tinignan lang ako nito na parang napaka boring ng existence ko sa mundo. Napailing nalang ako. Next time na titingin to sakin may halo ng pagmamahal.
Hindi siya sumagot at nagsimula na ulit maglakad at nilampasan na talaga ako. Dinanggi niya pa ng onti ang balikat ko. Nako po ito talaga nang tyansing pa oh.
"Baby naman halika nga rito kikiss kita para naman good mood ka na." Habol ko sa kanya at umamba pang aakbay sana. Kaso isang baliw ang pumigil sa kamay ko at tinulak ako sa braso.
"Stop bothering her Ace" may pagbabanta sa boses ni Anton. Natawa naman ako sa sinabi niya. Huminto sa paglakad si Shine at tumingin sakin tsaka binalingan yung unggoy.
"Don't mind him, let's go."
Sus englishan ba labanan dito? Okay i understanding that.
Pinagsalikop ni Anton ang kamay nila ni Shine at hinatak na ito palakad. Napangiwi nalang ako. Tss. Akala mo naman kung sinong gwapo maputi lang naman siya. Pwe. Mas matangkad pa nga ako don.
"Agang kay broken"
Napatalon ako sa gulat nung may biglang bumulong sa tenga ko. Muntik ko pa siya masuntok at mabalibag buti nalang at maganda ako at pangit siya kaya naawa ako baka lalo siya pumangit.
"Wag ka nga mang gulat Cess! Bwisit ka naman e nagmomoment ako dito panira to." Reklamo ko sa kanya na tinawanan niya lang. Tignan mo to oh tinawanan lang pagkasawi ng puso ko.
Inakbayan niya ako at sabay na kami pumasok sa first class namin. Magkaklase kami sa limang subject. Sa dami ng estudyanteng pumapasok dito half day lang ang klase. At yung sampung subject ay hinahati sa limang araw, minsan ay anim pag naswerte ka. Bali dalawang subject kada araw kaya naman maluwag ang schedule namin. Pampabigat lang yung sobrang daming activities pag malapit na ang exam days a.k.a hell week.
"Wag moko ngusuan diyan. Sa araw araw naman kasi na ginawa ng diyos hindi ka parin nagsasawa sa mukha ni Shine-bright-like-a-diamond na pinaglihi sa ampalaya." Natatawa niyang asar na pinitik pa ako sa tenga. Kinurot ko siya sa tagiliran para quits.
"Excuse me! Yung ganda ng bebelabs ko hindi nakakasawa. Araw araw ko nga hinahanap hanap eh" napangiti pa ako ng maaalala ko ang magandang itsura ni Shine. Kumikinang siya sa isipan ko at nagpapaliwanag sa madilim kong mundo. Corny amp.
"Sus, wag ka na umasa don ungas. Si Anton ang trip non kaya iyak ka nalang!" Tinulak niya ako papasok ng room kaya muntik na ako mapasubsob sa unahan pero buti nalang may sumalo sa bewang ko. Nung iangat ko ang tingin ay nagugulat pa akong napabitaw sa kanya. Si shine my labidabs! Omaygas pri!
"S-shine a-ah hehe" utal kong tawag sa kanya.
"Go to your proper seat." Walang emosyon niyang saad at naglakad sa harap ng teachers table.
Nang ilibot ko ang paningin ay lalong nanlaki ang mata ko. Lahat kasi ng kaklase ko ay nakatingin na sakin at may mga pang asar na ngiti sa labi. Mga animal!
Agad akong umupo sa tabi ni Cess na pulang pula ang mukha sa pagpipigil ng tawa. Hindi ko kaya tumingin sa harap dahil nahihiya parin ako kay Shine. Baliw kasi itong si Cess eh bugbog sakin to mamaya pahamak amp.
"Listen 12-Andromeda, i am here to announce that there's an on going teachers meeting right now. Ma'am Nadia send me here to give the activities she prepared and be her substitute for now."
Kinuha niya iyong tumpok ng test paper na hinati sa dalawa at inabot iyon sa magkabilang row.
"Please pass the paper without creating any noise and answer honestly. You have all your class time to answer that. You may go if you're already done answering. Goodluck." Agad na pinasa palikod ang papel hanggang makaabot dito saamin sa pinaka dulo.
Hindi ako kinakabahan dahil nakapag advance review naman ako at nakinig nung nagdidiscuss si ma'am nadia. Kinakabahan lang ako ngayon kasi si Shine ang nagbabantay at naiilang ako sa presensya niya. Kanina lang sa hallway ay ang lakas ng loob ko lumapit pero ngayon maski tumingin ay diko magawa.
Nagsimula na kami magsagot at wala pang kalahating oras ay natapos ko na iyon sagutan. Nilingon ko si Cess na taimtim lang siyang nagsasagot. Wala pang ibang nagpapasa kaya naman hindi ko parin pinapasa ang akin kahit tapos na ako. Mamaya nalang pagtapos ni Cess para ipapasabay ko.
Kahit kinakabahan ay sinubukan kong lumingon sa harap at halos masamid ako nung makitang nakatingin sa direksyon ko si Shine. Shete mare matutunaw na ata ako! Masyadong seryoso ang ekspresyon ni Shine kaya hindi ko alam kung ano ng naiisip niya. Malalim akong nag imagine at nag assume sa isip ko. Nagulat tuloy ako nung bigla siyang magsalita.
"Cover your test paper Villanueva, if you're done answering please pass it in front."
Grabe may pa especial mention siya oh! Kinikilig ako.
Binalik ko ang tingin sa test paper ko at nagkunwaring nagsasagot habang nakangiti. Sheyt na malagkeyt beybeh.
Pagkalipas ng ilang pang minuto ay may mga nagpasa na rin. 30 minutes nalang bago mag break time. Nilingon ko si Cess, inaayos niya na yung test paper niya. Maya maya pa ay tumayo na siya kaya naman hinila ko siya pabalik.
"Ano?!" Nabibigla niyang tanong. Hindi ata niya napansin na nasa tabi niya pa ako.
"Pasabay" inabot ko sakanya yung papel ko at nagpuppy eyes pa. Pacute yarn?
"Tss, asan na tapang mo ngayon? Nabagok ka na ba at di ka na makalapit sa kanya?" Eto nanaman po siya sa pang aasar.
"Ang dami mong sinabi Cess, kung pinasa mo na sa unahan yan edi kanina pa sana tayo nasa Cafeteria."
Hinampas niya sakin yung hawak niyang test paper namin at inirapan ako. Ipinasa niya na yon sa harap at bumalik sa harap ko. Tinaasan niya ako ng kilay na ipinagtaka ko. Ano nanaman ba?
"Bakit?" Takang kong tanong
"Utang mo sakin pagpasa ko ng test paper mo kaya libre mo ko!" Hinatak niya ako patayo at agad ako hinala palabas ng room. Nagpapasalamat naman ako na hindi nakatingin si Shine nung dumaan kami sa harap niya.
Dumiretso kami sa Cafeteria at onti lang ang nasa pila. Buti naman. Minsan kasi pag may sabay na break ng section ay dumog talaga.
"Tara andon sina Carlo!" Masiglang aya ni Cess nung makita niya ang inspirasyon ng buhay niya. Varsity player si Carlo at kaibigan namin siya nina Cess. Kabaranggay kasi namin at kababata. Lima talaga kaming member ng tropang marupok pero minsan nalang sumama samin yan dahil lagi niyang kabonding team mates niya at chix nila. Wala naman problema samin yon kasi kilala rin namin iyong mga kavarsity niya.
"Sisilay ka lang eh kunwari ka pa" pang ookray ko sa kanya.
"Well, diko naman itinatanggi." Ngiting ngiti niyang saad. Tinamaan ng malala itong kaibigan ko susme nababaliw na siya.
Nakarating kami sa table nina Majoy at Joyce, member ng samahan ng mga marurupok. Nakangisi agad sila kay Cess nung maupo kami sa harap nilang dalawa. Si Cess ang pinaka malakas mang trip samin pero malala ang trip pag pinagsama yang si Joyce at Majoy. Magkasundong magkasundo sa pantitrip pero lagi yang parang aso't pusa.
"Yung tulo mo lumalaway nanaman Princessa, dahan dahan sa pagnanasa" napatawa kami pareho ng malakas ni Joyce dahil sa sinabi ni Majoy. See, abnoy diba.
"Buti sana kung mukha kang nakakaakit pagtumitig, kaso punyeta mukha kang manyak na tambay sa kanto eh!" Pang aalaska rin ni Joyce. Pooh Tang Inamers. Hindi ko kinaya magpigil at natawa na talaga ng malakas sa pang aasar nilang dalawa. Namumula na ang mukha ni Cess at nag iwas na to ng tingin kay Caloy.
"Alam niyo ang eepal niyo! Wala kayong ambag sa lovelife ko mga animal!" Hinampas niya pa ako sa braso nung di parin ako matigil sa pagtawa.
Tuloy lang sa pang aasar sila Majoy at Joyce kay Cess at ako naman ay tumayo para bumili ng pagkain namin ni Cess. Yung dalawa kasi ay nauna na. Pabalik na ako sa table namin nung di sadyang napadpad sa lamesa nina Caloy ang tingin ko. Agad na nanlumo ako at bagsak balikat na umupo.
Alam kong nakatingin na silang tatlo sakin at wala akong pake. Masaya na kanina ang puso ko pero nawasak nanaman ngayon. Sad nako. Kailangan ko halik ni Shine. Isa lang please. Joke.
Lumingon pa ulit ako kina Shine at nasa ganoon parin silang sitwasyon. Katabi niya si Anton na panay ang bulong sakanya. Samantalang nakikinig lang si bebelabs ko na hindi man lang ata alam na andito ako't selos na selos na sa kanilang dalawa.
Agad akong napaiwas ng tingin nung lumingon siya bigla sa direksyon namin. Sh*t muntik na.
Natapos nalang kami sa pagkain na sawi parin ako. Pano banaman yung unggoy talagang di nilubayan si Shine at talagang kulang nalang ay subuan niya ng pagkain. Kala mo naman makaasta jowa niya. Epal.
Napatigil naman kaming apat nung lumapit si Caloy kasama si Tim, team captain ng basketball varsity team. Umakbay agad si Caloy kay Cess kaya naman lihim kaming napatawa dahil namumula na iyong mukha nung isa.
"Guys, baka naman.." unang sabi ni Carlo, nakatayo sa gilid niya si Tim na ngiting ngiti kay Majoy.
"Ano yon papi Caloy?" Malambing na sambit ni Joyce kaya naman binatukan siya nung katabi niya. Lihim akong natatawa sa mga pinag gagawa nila. Mga abnormal talaga.
"We just want to invite you sa party na gaganapin sa condo ko. Its exclusive guys don't worry. Varsity team and sina Shine and Anton lang kasama." Lumingon pa si Tim sa table nila.
Napalingon rin kami don at napairap ako ng wala sa oras nung makitang nakaakbay si Anton kay Shine. Edi meow. Guard may pda po dito oh.
"Sorry Tim, may gala rin kasi kami ngayon eh. Maybe some other time." Sagot agad ni Majoy. She knows.
"Ha? Gala? Duga bat di niyo ako sinabihan?" Reklamo bigla ni Caloy. Ganyan yan, madalas man siya MIA pero always present yan sa mga gala.
"Ahh oo biglaan lang din kanina kami nagplano. You know nakaperfect kasi sa quiz itong si Joyce kaya celebrate rin namin." Taeng rason yan amp bobo nalang maniniwala.
"Oh okay, promise next time sasama na kayo ha." Tatango tangong sabi panungumbinsi pa ni Tim.
Um-oo nalang kami para di na humaba pa ang usapan. Bumalik na ulit sila sa table nila at tumayo na rin kaming apat para sabay sabay na pumasok sa klase. Magkaibang building kami ni Joyce at Majoy. Magkasama kaming dalawa ni Cess at sila naman dalawa magkasama rin.
"Huy gagi nanaginip ka ba?" Maya maya ay tanong ni Joyce kay Majoy. Kunot noo siya at nakanguso pa.
"Ano nanaman ba? Lutang ka nanaman" natatawang sagot sa kanya at minasahe yung noo niya.
"Ikaw lutang buang, anong sinabi mong may quiz eh wala naman nagturo kanina!"
Natawa ako ng malakas dahil sa pagka slow nitong si Joyce. Kabaliwan talaga ng isang to lampas universe. Sabay sabay namin siya binatukan nina Cess at Majoy at tawang tawang tumakbo palayo sa kanya.