Chapter 2

1605 Words
Kakauwi ko lang galing sa bahay nina Majoy, natuloy parin kasi iyong usapan namin na biglaang gala. Nag movie marathon lang kami at chikahan tungkol sa mga jontis naming kabatch. Naabutan ko si mama na nasa living room. Maraming papel sa harap niya at may hawak siyang calculator at nagpipindot don. Busy nanaman ang workaholic kong nanay. Lumapit ako kay mama at niyakap siya patagilid tsaka siya hinalikan sa noo. "Kumain ka na po Ma?" Marahan kong tanong. Ngumiti sakin si mama at tumango. "Kung nagugutom ka may ulam akong tinira sa kusina ha." Binalik ni mama ang atensyon sa ginagawa niya kaya naman naglakad na ako papunta sa kusina. I eat again kahit na busog na ako sa kinain ko kina Joyce. Hindi ko rin kasi kayang balewalain ang luto ni Mama, syempre nag effort siya lutuan ako kahit na marami siyang ginagawa. Kaya mahal na mahal na mahal ko siya eh. Tinignan ko ulit si mama mula dito sa kusina. Nakasuot siya ng salamin kaya naman lumalabas ang nakakaintimidate na aura ni mama. Seryoso kasi siya at parang di pwedeng istorbohin. Pero kahit na ganyan attentive si mama sa paligid niya. Kahit ata kaluskos ay naririnig niya. Depende nalang kay mama kung iintindihin niya o hindi. Mindset ba mindset. Pagtapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko't lumapit ulit kay mama. Niyakap ko ulit siya pagilid at hinalikan sa ulo. "Labas lang ako ma, bili lang ako FT sa 7/11" paalam ko kay mama. Bigla kasi ako nagcrave sa ice cream at alam kong magugustuhan rin yon ni mama. Pambawas stress lang niya. Tumango lang siya sakin at tinignan ako saglit. Kiniss ko ulit siya sa noo bago lumabas ng bahay. Nagbike ako para makarating agad don at para di na magbitbit. Pinarada ko sa labas ang bike ko at kinandado iyon. Para efas. Papasok palang ako sa loob ay namataan ko na ang taong diko inaasahang makikita dito sa ganitong oras. Mag aalas onse na rin kasi ng gabi. Nasa harap siya ng coffee vending machine. Nakatukod ang isang kamay at nakahawak sa noo ang kabila. Napakunot ang noo ko at pumasok na ng tuluyan. Dumiretso muna ako sa ice cream section at kumuha ng tatlo don. Dalawa lang sana kaso baka gusto rin nung isa. Lumapit ako sa cashier at nagbayad na. Nilingon ko si Shine na tahimik lang nakaupo sa isa sa mga upuan sa labas. Iniihipan niya iyong kape niya habang habang nakatuko ang isang kamay at hinihilot ng kabilang kamay ang kanyang ulo. Lalagpas na sana ako sa kanya dahil ramdam ko parin iyong hiya sa katawan ko kaso nga lang ay napalingon siya bigla sa direksyon ko nung tumunog iyong chime. Napataas ang isang kilay niya bago binalik ang tingin sa kanyang kape. Nagdalawang isip pa ako kung lalapit sa kanya at sa huli ay sinunod ko ang mapilit kong puso. Naglakad ako palapit sa inuupuan niya at tumigil sa kanyang harap. Walang paalam na umupo ako sa upuang nasa harapan niya. "H-hi?" Nahihiya kong bati sa kanya at tinignan niya lang ako. Walang mababasang emosyon sa maganda niyang mukha. Parang inaantok pero nilalabanan niya lang. Sa pagkakatanda ko ay kasama siya sa party ni Tim at kasama niya don si Anton. Tss. "Bat mag isa ka lang? Asan si Anton? Di ka man lang sinamahan dito." Sunod sunod kong sabi. Umangat ulit ang isa niyang kilay sa sinabi ko. "And what are you then? An air?" Mataray niyang tanong saka sumimsim sa kape hawak niyang kape. "Oo kaya nga di mo ako napapansin eh kasi hangin lang ako sayo." Bulong bulong ko sa sarili. Namayani ang tahimik na simoy ng hangin sa paligid namin. Walang nagsasalita. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o samahan siya hanggang sa magdesisyon siyang umuwi na. Luminga ako sa paligid at nakita kong may nakatingin samin na tatlong lalaki. Malabo atang maiwan ko siya dito. Bukod samin ay iyong tatlong lalaki lang kasi ang customer dito. "Go if you want to Villanueva, its already 11:30 pm. Mrs. Villanueva must be looking for you now." Nakapikit niyang saad. Napatitig tuloy ako sakanya. Sulitin ko na hanggat di pa siya nagsusungit. Ang ganda ganda talaga nito ni Shine. Bagay sa kanya yung pangalan niya kasi para siyang kumikinang lalo na pag nakangiti. "Ha? Hinahanap mo ba ako? Di naman ah." Maang kong tanong sakanya na naging dahilan ng pagmulat niya ng mata. "Until now you still have the energy to flirt huh?" Onti nalang talaga ay magdudugo na ilong ko sa bebelabs kong ito. Hindi ko siya pinansin at nilinga ko ulit ang mata ko sa paligid. Hinahanap ko iyong pamilyar na kotse niyang kulay red. Sinilip ko pa sa kabilang kalsada kasi baka doon siya pumarada pero wala. Nagtataka akong lumingon sa kanya at nagulat pa nung makitang nakatingin rin siya sakin. "What now?" Mataray nanaman niyang tanong. "H-ha?" Nagloloading ang utak ko dahil sa titig niya. Hindi ako makapag isip ng maayos. "That ice cream your holding surely melted now." Tinignan ko iyong ice cream na hawak ko at mukhang totoo nga iyong sinabi niya. Pinisil pisil ko pa iyon para isure at malambot na nga. Napanguso tuloy ako ng wala sa oras. "Tunaw na nga sayang sayo panaman sana iyong isa—" napatigil ako sa pagsasalita nung makita ko siyang namumula ang mukha at nakabaling sa ibang banda ang paningin. Nakatingin siya sa kawalan. "Shine" tawag pansin ko sa kanya. Pero hindi parin siya tumitingin sakin. "Shine Elgid" sinama ko na iyong second name niya baka sakaling lumingon pero makunat ang isang to. Ganon ba ako kapangit kaya ayaw niya akong sulyapan man lang? "Bebelabs ko" nilambingan ko pa iyong boses ko at nagulat ako nung bigla siyang lumingon! Nakataas nanaman iyong isang kilay niya at matalas ang tingin sakin. Gabayan niyo po ako lord. "A-ah hehe tatanong ko lang naman kung san kotse mo?" Utal kong tanong sa kanya. "Tim drive me here." Malayo sa tanong kong sagot niya. Gara rin ng isang to buti nalang labs ko siya. Pinsan niya si Tim kaya di na nakakapagtaka. Baliw nga lang dahil hinayaan na mag isa lang siya dito. "Sa tingin ko kailangan mo na magpasundo— I mean anong oras na rin kasi at delikado mag isa rito." Nag aalala kasi talaga ako sa kanya kaya diko magawang umalis. Nagtext na rin ako kay mama na kasama ko si Shine ngayon. Kilalang kilala niya yang si labs kasi bukambibig ko ang maganda niyang pangalan. Alam niyo naman yung kasabihan na "Mother's knows everything" at "Walang lihim na di nabubunyag" salamat sa butihin kong kaibigan na nanlaglag lang naman sakin. "I can take care of my self Villanueva, you may go now thanks for accompanying me here." nakapikit na ulit siya at hinihilot ang kanyang noo. Ramdam kong nahihirapan siya sa pagmasahe sa kanyang noo dahil medyo nanghihina na rin siya dahil sa antok. Marami ata itong nainom ah. Kinikilig na lumipat ako sa tabi niya at marahang tinanggal ang kamay niyang nagmamasahe sa noo. Pinalit ko iyong kamay ko at marahan siyang hinilot. Sinigurado kong hindi siya makakaramdam ng sakit. Nagulat pa siya nung una pero kalaunan ay pumikit ulit. Sarap no? Girlfriend material na ba lalabs ko? Ano pa hinintay mo jowain mo na ako! "Its always my pleasure to accompany you Miss Mendoza. Kahit for lifetime o forever pa goods ako diyan" biro ko at agad na tinikom ang bibig nung samaan niya ako ng tingin. Ilang minuto pa tinagal ng paghilot ko sakanya hanggang sa hawakan niya ang kamay ko ay alisin sa ulo niya. Pigil hininga akong nakatingin sa kanya. Ramdam kong umiinit ang pisngi ko hanggang sa tenga. Hawak niya parin ang kamay ko kaya naman unti onti nanaman bumubuo ng iba't ibang senaryo ang malandi kong imahinasayon. Nabalik lang ako sa reyalidad nung maramdaman kong mahinang tinulak ng hintuturo niya ang noo ko. Tumingin ako sa kanya at sa kamay kong nakalutang na sa ere. Gagsti pahiya konti ako don binatawan niya na pala. Sheyt. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin at bahagyang tumikhim. "I already messaged my driver Villanueva, go now its very late." Tinulak niya bahagya ang balikat ko pero hindi naman ako umurong kahit onti. Pangatlong tsansing na niya yan ngayong araw qouta ka na bebelabs ha. "Hihintayin kong makarating siya bago ako umalis dito Shine." Pagpupumilit ko na siyang ikina ismid niya lang. Natawa pa ako ng mahina nung bumulong bulong siya sa sarili. Hanggang sa dumating yung driver niyabay wala ng umimik saming dalawa. Tumayo lang kami nung pumarada iyong red na kotse niya sa parking ng 7/11. Inihatid ko siya sa kotse niya at sumalo pa sa kanilang driver na ngumiti at tumango lang sakin. Inaya niya pa akong sumabay na pero sinabi kong may dala akong bike. Nung makaalis na ang kotse nila ay tsaka lang rin ako sumibat. Kinabahan pa nga ako kasi akala ko may sumusunod saking kotse pero paglingon ko naman ay wala. Dali dali ko nalang pinedal hanggang sa makarating sa bahay. Wala ng tao sa sala kaya naman dumiretso ako sa kusina. Malinis na rin doon kaya naman niref ko ang ice cream na binili at nilock ang pinto't pumanhik na sa taas. Naglinis muna ako ng katawan bago pumunta sa kwarto ni Mama. Tahimik na ang paligid nung buksan ko ng maliit ang pinto niya. Tulog na siguro si mama. Sinara ko ang pinto at bumalik na sa kwarto ko para matulog. Hayy masyado akong napagod sa roller coaster kong feelings kanina. Nalungkot, natuwa tas nalungkot ulit pero atleast tuwa parin ang ending.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD