Kinabukasan maaga akong nakatanggap ng text message galing kay ate Michelle, para siyang event organizer sa Augustus University. Estudyante rin siya kagaya ko pero fourth year college na siya ahead sakin na second year palang.
Sabi niya ay pumasok ako maaga dahil kailangan nila ng tulong sa pag repack ng foods sa nabagyong province. Syempre agad akong nagreply ng 'Okie ate Mich'.
Kaya naman alas syete palang ay gising na ako't nagpi-prepare sa pagpasok ko. Nagdala ako ng dalawang extra tshirt dahil p.e uniform day namin ngayon. Yung isa para sa pagtulong magrepack, tapos yung isa pamalit ko pagkatapos namin mag p.e.
Pagkababa ko sa kusina ay gising na rin si mama at nagluluto ng hotdog at ham. Nagulat pa siya nung makita ako kasi madalas talaga ako alas diyes na ako bumababa para kumain dahil pang hapon naman ako.
"Aba, magugunaw na ba ang mundo anak?" Nagtatakang tanong ni mama na nasa niluluto parin ang paningin. Lumingon lang siya sakin saglit pinasadahan ang suot ko.
"Hala si mama, ganon po ba ako kaganda sa paningin mo po at nakakagunaw ng mundo?" Biro ko na tinawanan rin naman ni mama kahit na corny. Iiling iling niyang nilipat sa mangkok ang nilutong fried rice. Ako naman ay tumayo na para kumuha ng plato at kutsara't tinidor.
"Himala kasing maaga ka magising at nakangiti pa." Umupo si mama sa harap ko ang nagsalin na ng pagkain sa plato ko at sa sarili niya. Nagpray muna kami bago nagsimulang kumain. Tuwing ginigising kasi ako ni mama dati ay para daw akong tulog mantika. Tapos nananadyak pa raw ako sabi nina Cess na diko naman pinaniniwalaan.
Pagtapos kumain ay sabay na rin kami ni mama gumayak ako papasok sa univ si mama naman sa opisina niya. Nagtatrabaho si mama sa banko at may maliit rin kaming bake shop.
Pagdating ko sa campus ay onti nalang ang estudyante, siguro ay mga late nalang itong nasa may gate. Pinapasok naman agad ako dahil may listahan pala sila ng mga tutulong sa pag repack sa panghapon na class shcedule. Tinignan ko iyong list at sinuro ang mga pangalan na sampu lang pala. Napangiti pa ako nung makita ko ang appelyido ni Shine. Yown kay agang insirasyon naman.
Naeexcite ako pumasok sa di malamang dahilan. Chos kala mo talaga di alam eh. Sa covered court daw sila nagrerepack kaya naman dun ako dumiretso. Pagpasok ay marami ngang mga foods and necessities ang nakatumpok. Naka grupo ang mga studyanteng gumagawa. May nagbubukod ng mga ilalagay, yung maglalagay ng donation sa loob at yung nag aayos non sa karton. Mga boys ang nagbubuhat at nagdadala sa isang tabi ng karton pag naayos na.
Kay ate Mich ako pumunta, nakita ko pa si Shine kanina na napalingon sakin saglit at tinuon na ulit ang paningin sa ginagaw. Sa taga lagay sa eco bag ang ginagawa niya.
"Ate Mich" tawag pansin ko sa kaniya na busy magcheck ng kung ano ano sa hawak niyang papel na nakaipit sa clip board.
"Oy andyan ka na pala, dun ka nalang sa mag aayos ng mga ilalagay sa karton. Kulang pa kasi sila." Tinuro ni Ate Mich iyong katabi ang ng pinaggagawaan nina Shine. Tatlo nga lang iyong mga nandon samantalang lima yung dalawa pang grupo.
"Sige po punta na ako don ate" tumango siya sakin kaya naglakad na ako papunta don. Tinignan ko si Shine na nakatalikod pala sa pwesto namin at nakaharap siya sa entrance ng court.
Tumabi ako kay Jillian na nakatalikod sa side nina Shine. Rinig mula dito sa pwesto ko ang pinag uusapan ng mga kasama. Mali pa ata desisyon kong dito umupo. Pano inuusisa kasi si Shine nung mga kasama niya kung nililigawan o sila na ba ng USG President o mas kilalang Anton Unggoy Gorilla. Nababanas tuloy ako habang nag aayos at naglalagay sa karton nung mga eco bag na may lamang pagkain at gamit.
Napalingon ako nung marinig ko ang pangalan kong tinatawag ng kasama ko sa grupo.
"H-ha? Ano po yon diko po kasi narinig sorry po." Nahihiya kong saad kasi kanina pa pala nila ako kinakausap at tinatawag. Ahead sakin ang mga kasama ko pero ayaw nila magpatawag ng Ate kaya gumagamit nalang ako ng "po" kahit na ayaw rin nila non. Wala sila magagawa.
"Easyhan mo lang kako, para kasing pinanggigilan mo na yang mga eco bag kung hawakan mo" natatawang sagot ni Ate Morisse na tinuro pa iyong hawak ko ngayon na eco bag. Bigla tuloy lumaki ang mata ko nung makitang gusot na nga ang handle non dahil sa paghawak ko ng mahigpit.
Hindi ko rin namalayan na iyon na pala nagagawa ko kaya naman hiyang hiya na nagsorry ako sakanila. Sinabihan naman nila ako na kumain muna dahi baka raw dipa ako nag uumagahan. Pero imbes na sa food table ako pumunta ay sa C.r ako dumiretso. Kailan kong mahimasmasan. Naghilamas ako ng saglit at bumalik na ulit sa pwesto namin.
Pero bago pa ako makarating don ay isang kahindik hindik na tanawin nanaman ang nasaksihan ko. Yung kutong lupa kasi na unggoy ay nakatabi nanaman sa bebelabs ko. Bwisit talaga ang isang to laging panira ng araw.
Rinig ang impit na tili ng mga kasama niya sa grupo. Yung Anton naman tuwang tuwa pa at kala mo nanalo sa lotto kung maka ngiti. Mukha kang si joker baliw!
Naupo ulit ako sa pwesto ko kaya naman busangot na nag ayos ulit ako. Badtrip bat nga ba ako andito? Kanina ang excited pa ako pero ngayon gusto ko na mag uwian.
"Ace tulungan mo naman si Cora dun, wala kasi siya kasama. Dito nalang kami tatlo ni Jillian at Karina." Sabi ni ate Morisse at tinuro iyong pwesto nung Cora na tinutukoy niya. Mag isa nga lang siya don kaya natambak ang gawain.
Tumango naman ako at ngumiti na sinuklian din nila ng malawak na ngiti at parang kinikilig pa. Hala sana ayos lang sila no?
Lumapit ako kay Cora. Ayos na rin to para diko marinig iyong mga ingay sa kabilang grupo. Lumalakas na kasi ang kantyawan nila at masakit na sa tenga.
"Hi Ate Cora, dito raw po ako tutulong sabi ni Ate Morisse." Natawa siya bigla na ipinagtaka ko. Potek sure ako magkakaibigan nga sila. Weird nila amp.
"Don't call me ate ano ka ba. We're same age." Nakangiti na niyang usal. Nakakahawa ang ngiti niya kaya naman ngumiti na rin ako. Ang aliwalas kasi ng presensya ni Cora at mahahalata mong mabait talaga. Tas ang ganda pa at mahinhin ang boses na di makabasag pinggan.
"Sige Cora, nga pala ang ganda mo po hehe" nahihiya kong pag amin na nagpapula sa pisngi niya. Hala pwede na ako mag apply na blush on? Kaya ko pala magpapula ng pisngi.
"T-thank you, ikaw rin dati pa kita nakikita kahit senior high palang tayo." Nahihiya rin niyang amin.
"Hala totoo ba? Bat parang ngayon lang kita nakita? Nantitrip ka ata eh" gulat kong tanong. Kasi bago talaga sa paningin ko yung itsura niya. Sina ate Morisse ang kilala ko pati sina Jillian dahil dati ko na sila nakakasama sa mga organization sa school pero si Cora ay hindi ko pa nakita. O siguro nakita ko na pero diko lang natandaan.
"Sus pano sa isa lang nakatutok ang paningin mo." Pang aasar niya at tumingin pa sa direksyon ni Shine na nagpapula sa pisngi at tenga ko. Hala shet alam niya? Potek na yan!
"H-huy issue nito. Shh ka lang baka may makarinig sayo" bulong ko sa kanya at bahagya pang lumapit sa pwesto niya. Naka indian seat kasi kami.
"Hoy ano yan ha! Kayong dalawa nagkakamabutihan na diyan!" Sigaw bigla ni Ate Jillian na ikinatawa namin pareho ni Cora.
"Baliw! Nagcoconfess lang itong si Alas, crush daw ako eh" pang aasar ni Cora sakin na ikinatawa ko ng malakas. Takte gusto ko na siya, ibig kong sabihin gustong maging kaibigan. Wag kayo issue gaya ni Cora ha!
"Aysus osiya pagpatuloy ang pagpaparami!" Natatawang sigaw rin ni Ate Morrise.
Napalingon naman ako sa paligid at nagulat nung nasa amin na pala atensyon ng lahat maliban sa katabi ni Anton na busy parin mag lagay ng delata at gamit sa eco bag. Grabe di talaga marunong magselos to. Bat naman siya magseselos si Anton ka ba? Tanong naman ng utak ko sakin.
Nabalik lang ako sa ulirat nung pitikin ako ni Cora sa noo. Dejavu. Nilingon ko siya ng nakanguso habang hinihimas ang noo ko. Natawa siya sa itsura ko na halos naluha luha na siya. Abnoy rin ang isang to bagay sia ni Cess maging tropa.
"You're really a cutie Alas." Tumigil na siya sa pagtawa at ngumiti sakin. Ang ganda talaga nito mukhang hindi nakaranas maging pangit mula pagkabata. Yung bang nagskip sa jejemon days tas puro lang glow up. Kaso wala ng mas gaganda kay Shine sa paningin ko eh. Kumikinang kasi yon na nagdadagdag sa natural niyang ganda.
"Naks may nick name na agad ako sayo ah" natatawa ko rin na asar sa kanya. Siya lang kasi ang tumawag sakin ng Alas. Lahat ay Ace na.
"Siguro naman matatandaan mo na ako ngayon?" Tumaas ang isang kilay niya.
"Oo ba basta ililibre mo ako eh" malawak ang ngiting usal ko. Sumasarap ang kahit anong pagkain kapag libre.
"Sure yun lang pala" confident niyang saad. Ipapakilala ko siya kina Cess sa susunod sure ako makakasundo nila agad si Cora.
Nagpatuloy na ulit kami sa pagrepack ng mga gatas at diaper na bukod pa sa ipapamigay na donations para sa mga baby. Naol baby.
Masaya kaming nag kukwentuhan ni Cora na nanghahampas kapag sobrang tuwa niya. Grabe ang isang to malambot ang kamay niya pero ang bigat. Pareho naman kaming napatigil ag napalingon sa likod nung may tumawag sa apelyido ko. Kahit nakapikit ay kilala ko na agad kung sino.
"Villanueva, Michelle's calling you. Go to her now" maotoridad at malamig niyang saad pagtapos ay tumalikod at naglakad pabalik sa grupo niyang nakapwesto na sa foof table. Wala na don si Anton na ikinapanatag ng buong sistema ko.
"She's really intimidating huh?" Biglang nagsalita si Cora sa tabi ko. "And bossy" Dagdag niya pa.
"Sanay na ako, basta si bebelabs ko walang kontra kontra sunod agad! Kaya babye na muna at baka magulpi ako ng asawa ko ag diko pa sinunod." Natatawa kong saad at kumaway pa sa kanya.
Lumapit ako kay ate Mich na nasa Food table na rin pala. Saglit na natigil sa pag uusap iyong kasama nila sa mesa dahil napunta sakin ang atensyon nila. Nahihiya tuloy akong lumapit kay Ate Morisse. Nag usap usap na ulit sila kaya naman nabawasan ang hiya na nararamdaman ko.
"Ate Mich bakit po?" Tila nagtaka pa siya saglit sa paglapit ko kaya naman nagsalita ulit ako. "Pinatawag niyo raw po ako sabi ni bebela— este si S-shine po." Utal ko nung muntik ko na masabi yung endearment ko sa aking mahal.
"H-ha?" Napalingon siya kay Shine na katabi niya na nagkibit balikat lang at nagpatuloy sa pagkain ng sandwich niya. "A-ah oo, sabay na kayo ni Cora kumain. Mamaya na ipagpatuloy yon at tutulong na rin kami sainyo para mabilis." Aya niya.
Diko namalayan na nakalapit na pala samin si Cora na nasa likod ko na at tumikhim.
"Thanks for the invite ate Mich but we've already talk na sa labas na kami kakain ni Alas." Nakangiting ani Cora na kumindat pa sakin. Tuloy ay inasar kami nina ate Jillian at Morisse. Namumula tuloy ang mukhang napaiwas ako ng tingin kay Shine nung bumaling siya bigla sa diresyon ko.
"A-ah oo nga pala ate Mich, lilibre po kasi ako ni Cora." Nahihiya ko ulit sambit.
"Oh is that so, okay then, enjoy your date—” hindi na natuloy ni ate Mich ang pang aasar nung biglang nagsalita si Shine.
"You're not that poor to let others treat you, nagawa mo nga akong ilibre kagabi, Villanueva. Eat here." Napatigil ako sa paghinga at nagugulat na napatingin sa kanya. Bukod kasi na alam pala niyang para sakanya iyong Ice cream ay nagtagalog siya! Magugunaw na nga yata ang mundo katulad ng sabi ni mama.
"Excuse me Miss Mendoza, but me and Alas already talked. Its her condition na ilibre ko siya para maging friends kami, just so you know." Hindi ko alam pero parang may imaginary battle sila dahil sa way ng titigan nila. Sanaol tinititigan ni Shine. Gusto ko rin, kaso wag naman masamang tingin. Baka bigla ako bumulagta.
"I'm not talking to you so shut up" mataray na nilingon ni Shine si Cora. Shete anong meron bat ang hot nila masyado? Chill mga mameh.
"Shine, Cora what's with the commotion here?" Biglang may nagsalita sa likuran namin at hindi ko na kailangan lingunin para makilala. Boses palang niya ay naaasar na agad ako. Masyadong masakit sa pandinig.
"Nothing." Maikling sagot ni Cora na nakatingin parin kay Shine. Yung isa naman ay hindi rin nagpapatalo at nakikipagtitigan hanggang ngayon.
Tumingin si Anton kay Cora saglit tsaka naglakad papunta sa harap ni Shine. Hinawakan niya sa palapulsuhan at mahinang hinila patayo.
"Let's go Shine, Dean's calling you."
Masama siyang tinignan ni Shine at hinila pabalik ang kanyang kamay.
"Don't touch me, i can go there by myself." Inikutan niya pa iyon ng mata at tumingin ng masama sakin saglit bago naglakad palabas ng court.
Nakahinga ako kahit papano ng maluwag dahil sa unang pagkakataon, hindi niya sinunod iyong ulupong.
Sa huli ay sa labas parin kami kumain ni Cora. Nagtext na rin sakin si Ate Mich na hindi na namin kailangan bumalik sa court kasi sila na raw tumapos nung naiwan namin. Kaya ang siste ay umuwi nalang ako pagkatapos namin ni Cora kumain para makapagpahinga pa ako para sa mamayang klase. Alas diyes palang naman kaya pwede pa ako umidlip.