CHAPTER ONE
MARLYN
"Mommy? Daddy, what happened? Daddy what are you two doing?" Tanong ko sa kanilang dalawa nang maabutan ko silang nag-aaway pag pasok ko sa loob nag bahay galing school. Grade 6 pa lamang ako at nag-iisang anak lamang. Napansin ko na kada uwi ko malungkot si Mommy na parang galing sa pag-iyak. Ngayon nadatnan ko silang dalawa na ganito at nakita ko naman si Mommy na umiiyak. Habang may maleta sa harapan ni Daddy. Kaagad na lumapit sa akin si Mommy at niyakap niya ako nang mahigpit. Umiiyak si Mommy sa aking bisig. Kaya tumingin ako ulit kay Daddy.
"Dad?" Bumuntong hininga si Daddy saka hinawakan ang maleta.
"Maghiwalay na kami nang Mommy mo. Hindi ko na siya mahal." Malamig na wika ni Daddy. Malakas na umiyak si Mommy habang magkayakap kami.
"May babae siya sweety. Nakita ko mismo. Kaya pala palagi niyang sinasabi na may out of the town meeting siya at laging may over time. Dahil kasama pala palagi ang babae niya." Umiiyak na sabi ni Mommy. Matalim kung tiningnan si Daddy.
"Kailan pa Dad? Kailan mo pa kami niloloko ni Mommy. Ang akala ko mabait ka. Kaya nga idol kita. Kasi ang akala ko mabuti kang tao. Tama pala ang nakita ko nuon na may kasama kang babae. Ang akala ko ka meeting mo lang. I hate you, Daddy! I hate you!" Sigaw ko habang dinuduro siya. Hinaplos ko ang ulo ni Mommy.
"Sweety I'm sorry. I love you iha. Kami ang may problema ni Mommy mo. Kaya huwag ka sanang magalit sa akin. I'm sorry, pero bigla nalang nawala ang pagmamahal ko sa Mommy mo."
"Dahil ba hindi mo kasama si Mommy araw-araw? Dahil ba ang babae mo magkasama kayo sa trabaho. For now on hindi na kita Daddy. I hate you! Kaya umalis ka na kung gusto mo. Sumama ka sa babae mo!" Sigaw ko kay Daddy. Inalalayan ko si Mommy upang umakyat sa taas. Tinatawag pa ako ni Daddy ngunit hindi ko na siya pinansin o hinarap. Alam ko ang kwento nang buhay ni Daddy at Mommy. Mayaman si Mommy at mahirap lang si Daddy. Pero kahit mahirap si Daddy minahal siya ni Mommy. Pero bakit nagawa niya pa ito kay Mommy. Pagpasok namin sa loob ng silid ni Mommy humagulhol ulit si Mommy nang iyak. Mahal na mahal ni Mommy si Daddy. Dahil nakita ko kung paano kami alagaan ni Mommy. Hindi ko lang alam ang rason ni Daddy kung bakit nagawa niya lang lokuhin si Mommy.
"Tahan na , Mommy. Nandito lang ako hindi kita iiwanan. Huwag mong sayangin ang mga luha mo. Ipakita mo kay Daddy ang sinayang niya. Magpa ganda ka Mommy. Tingnan natin kung hindi ka hahabolin ni Daddy. Pero huwag kang marupok Mommy. Narinig mo na ang kanyang sinabi kanina na hindi ka niya mahal. Baka kapag maubos ang pera niya sa kabit niya babalik siya upang humingi nang tawad sa'yo. I hate him Mommy." Umiiyak na wika ko kay Mommy. Kahit mahal at idol ko si Daddy, sa kanyang ginawa kay Mommy ang lahat na iyon ay biglang napalitan ng galit. Kaya hinding-hindi ako mag bo-boyfriend o mag-asawa kung katulad lang naman sila ni Daddy. Mga taong hindi makuntinto. Hinaplos-haplos ko ang likuran ni Mommy na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"I'm sorry iha kung lumaki ka na hindi kumplito ang pamilya mo. Alagaan kita at mamahalin sweety. I'm sorry kung naging failure si Mommy. I'm sorry sweety." Umiiyak na saad ni Mommy.
"I love you, Mommy. Nandito lang ako hindi kita iiwanan. Mommy kapag maka graduate na ako nang high school sasama tayo kay Lolo sa Switzerland. Duon tayo mag bagong buhay na wala si Daddy." Tumango si Mommy habang umiiyak pa rin. Ilang minuto pa kami nagyakapan hanggang sa gumaan ang pakiramdam namin ni mommy.
"Mommy, paano mo nahuli si Daddy na may babae siya?" Tanong ko kay Mommy nang naging okay na ang kanyang pakiramdam. Uminum muna siya nang tubig bago kweninto sa akin.
"Matagal na akong nag hihinala na may babae ang daddy mo, simula n'ong hindi niya na iniiwan ang cellphone niya. Dati naman wala siyang pakialam sa kanyang cellphone. Pero napansin ko na may password na ang kanyang cellphone. Kahit gabi na siya umuwi busy pa rin siya sa kanyang cellphone. Kahapon sinabi niya na may over time sila sa opisina kaya hindi siya makauwi. Binigyan ko nang malaking pera ang kanyang secretary para sabihin sa akin kung may overtime nga sila. Sinabi sa akin nag kanyang secretary na isang araw hindi pumasok sa opisina si Manuel. Naka cancel raw lahat na appointment niya. May natanggap akong message galing sa unknown number na nasa Batangas daw si Manuel kasama si Lucy na, nasa accounting department. May mga pictures na pinadala sa akin . Masaya silang magkayakap nang Daddy mo at may naghalikan pa sa labi." Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit. Niyakap ko ulit si Mommy dahil nag-umpisa na naman siyang umiyak.
"Humanda ka sa akin bukas Lucy, makikita at makilala mo kung sino si Marlyn." Kausap ko sa aking sarili. Sobrang bait kasi ni Mommy kaya siguro nagawa sa kanya ito ni Daddy.
"Hayop kang babae ka! malandi ka. May asawa at anak ka na. Hindi ka pa nakuntinto. Nagpa b*****g ka pa sa Daddy ko." Sigaw ko sa maharot na babae. Maaga akong nagising upang puntahan ang malandi na babae. Nalaman ko na may asawa't anak na pala ito. Tinawagan ko ang kanyang asawa upang ipaalam ang ginagawa nang kanyang asawa. Umiiyak ang kanyang anak na babae na sa tingin ko sampong taong gulang. Hindi ako nakatulog kagabi para lang malaman ang background ng babae. Mabuti wala pa ang hinayupak kong ama. Maingay na nag bulong-bulongan ang mga nakarinig sa sinabi ko.
"Hala siya ang babae ni Sir Manuel? Akala ko kung sino na mabait at mahinhin. Yun pala nasa loob ang kulo." Narinig ko na sabi ng isang babae at marami pa silang sinabi.
"Hon, I will explain. Mag-uusap tayo sa bahay." Umiiyak na sabi ni Lucy sa kanyang asawa.
"I hate you, Mommy. Kaya pala wala kang oras sa amin ni Daddy dahil may lalaki ka. I hate you." Umiiyak na sigaw din nang anak ni Lucy sa kanya. Tumingin siya sa akin at umiyak dahil sinabi ko na ayusin niya na ang kanyang mga gamit dahil tanggal na siya sa kanyang trabaho. Sa akin naka pangalan ang kompanya. Kaya may karapatan akong tanggalin kung sino ang gusto ko.
"I'm sorry, Marlyn. Hiwalayan ko na ang daddy mo. Huwag mo lang akong tanggalin sa trabaho." Lumuhod siya sa harapan ko na nagmamakaawa. Umalis na rin ang kanyang asawa at anak. Dahil sa galit ko sinampal ko siya ng ubod nang lakas.
"Mag dusa ka, sana bago mo gawin sa pamilya mo at pamilya ko iniisip mo muna. Hindi ko kayo mapatawad nang Daddy ko. Kaya lumayas ka sa kompanya ko." Sigaw ko at sinampal ko siya ulit
"Sweety." Narinig ko ang boses nang walang hiya kong ama. Kaya umayos ako nang tayo upang sana umalis na. Ngunit hinawakan niya ako sa aking kamay.
"Marlyn what are you doing here? What did you, do to Lucy?" Tiningnan ko nang masama si Daddy. Biglang nawalan ako nang respito sa kanya.
"Who are you? I don't know you. Kaya bitawan mo ang kamay ko " nagulat si Daddy sa aking sinabi. Biglang tumulo ang kanyang mga luha. Niyakap niya ako ngunit buong pwersa ko siyang tinulak.
"I hate you! Simula n'ong niloko mo si Mommy. Kinalimutan na kita. I hate you Manuel." Umiiyak na sigaw ko sa kanya. Maraming tao at empleyado niya ang naka tingin sa amin. Dahil sa gulat ni Daddy sa mga sinabi ko sa kanya parang natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Kaya kaagad ko siyang iniwan. Narinig ko pa ang mga tao na sinisigaw ang pangalan ni Daddy. Pero hindi na ako nag aksaya pa nang oras upang lingonin siya. Dumiretso akong pumasok sa aking kotse at sinabi kay Kuya Diego na ihatid na ako papunta sa school.