Kahit papaano nakapagpahinga naman ako ng maayos ngayon. Medyo tinanghali nang gising pero okay lang. Wala naman akong lakad ngayon, e. Nakapag-almusal na ang mga kasama ko sa bahay pero ako tulog pa rin kanina. Pero hinayaan na lang nila ako kasi alam nilang pagod ako. Hinintay na lang nilang ako ang magkusang bumangon. Nang magising ako ay agad din naman akong bumaba para kumain. “Si Daphne po?” magalang na tanong ko kay Aling Nenette nang makasalubong ko ito sa sala. “Lumabas po, Ma’am,” sagot ni Aling Nenette. “Saan daw po pumunta?” curious kong tanong. “Dadalaw daw po sa pamilya niya. Ang sabi babalik din naman daw agad.” Napatango-tango na lang ako. Siguro namimiss din niya ang pamilya niya. Hayaan ko na lang muna siyang sulitin ang time niya sa kanila. Minsan lang niya kasi mak

