Grabe! Pagod na pagod ako ngayon. Halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko namamanhid na. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sa wakas, tapos na din ang unang project ko dito. Pero kapalit naman nun ay sobrang pagod. Maghapon kasing photoshoots, pictorials at interviews ang nangyari. Nakakainis sa totoo lang! Pagdating ko kasi sa venue kung saan gaganapin ‘yong photoshoot ko ay ang daming taong nakaabang sa akin. Mga reporters at mga fans bagay na ikinagulat ko. Ang usapan kasi walang media para hindi masyadong hustle. Ang hirap din kasi magfocus sa trabaho kung laging may kamerang nakatutok sa bawat galaw mo. Isa pa nakakaabala lang sila. Ang nangyari tuloy talagang natagalan kami. Paano ang daming fans ang nakikisingit na magpa-picture habang nakasalang ako sa photo

