ANDITO ako ngayon sa kuwarto ko at kasalukuyang nagpapahinga. Halos kakaalis lang din ni Rain. Dumalaw ito kanina at dito na naghapunan. Buti nga naisipan niyang pumunta dito. Kahit papaano may nakausap ako. Nawala ‘yong sobrang inis ko na naramdaman ko nang makita ko si Drew. Hindi ko na lang ikinuwento ‘yon sa kanya. Baka mamaya mag-alala pa siya sa akin. Ang kulit pa naman niya. Nagtext si Daphne kanina. Hindi raw ito makakauwi ngayon. Baka bukas or sa susunod na araw pa ito makakabalik. Hindi daw kasi ito pinayagan ng lola niya. Okay lang naiintindihan ko naman. Natural lang naman kasing mamiss siya ng pamilya niya lalo’t hindi nila ito nakakasama. Hayaan ko na lang muna siya. Next week pa naman ‘yong susunod na project namin kaya magliwaliw muna siya. Para mairelax din niya ang saril

