Chapter 4: First Heartbreak

2694 Words
Mag-isang nakaupo si Mara sa kaniyang kwarto isang umaga habang nakikinig ng tugtugin sa radyo nang marinig niya ang boses ng kaibigang si Dan na tinatawag ang kaniyang pangalan. Hindi napigilan ng dalaga ang pagsilay ng pag-angat ng kaniyang labi. Hindi mawala sa isip ni Mara ang gabi kung kailan nag desisyon siyang magtapat ng nararamdaman sa kaibigan. Hindi niya mawari kung ano ba ang naisip niya at bigla na lamang niyang nasabi kay Dan ang pagkakagusto nito sa binata ngunit hindi gaya ng inaasahan, walang nakuhang reaksiyon ang dalaga sa kaibigan. Kahit isang salita ay walang namutawi sa mga labi nito ngunit hindi iyon naging dahilan upang pigilan ng dalaga ang nararamdaman para sa kaibigan pagkat malakas ang paniniwala nito na may gusto rin si Dan sa kaniya ngunit hindi umaamin. Nagpasyang maghanda na si Mara upang pumunta sa kanilang sala kung nasaan ang kaniyang kaibigan na kanina pa nagtatawag.Napagkasunduaan kasi nilang mamasyal sa ilog na madalas nilang puntahan. Dinatnan ni Mara ang kaibigan na prenteng nakaupo sa kanilang rattan na upuan habang hawak ang palumpon ng bulaklak habang nakapatong ang mga ito sa hita ng binata. Ramdam ni Mara ang biglaang pag-init ng kaniyang mukha. Alam niyang halos 'sing pula na ng kamatis ang kaniyang mukha. “Para sa iyo," nakasimangot na sabi ni Dan sabay abot ng mga bulaklak sa kaniya. “Pinabibigay ni Amaro. Nanliligaw ba iyon sa iyo, Mara?” Tanong pa nito. “Hala!" Bakas ang pagkakagulat sa mukha ng dalaga sa narinig, "Bakit ako bibigyan ni Amaro ng bulaklak?” Hindi maitago ang pagkadismaya niya sapagkat buong akala niya ay kay Dan galing ang mga ito subalit natatawa rin ito sapagkat nakikita niya ang inis sa mukha ng kababata. Marahil ay nagse-selos ito. Hindi tuloy niya maitanggi sa sarili na mukhang tama ang hinala niya na may gusto rin si Dan sa kaniya pagkat hindi naman ito maiinis sa ibang lalaking nagbibigay ng bulaklak sa kaniya kung wala itong nararamdamang pagkakagusto sa kaniya. “Hindi ko alam bakit ka bibigyan ni Amaro ng bulaklak. Marahil ay gustong maniligaw," walang ganang saad ni Dan. “Halika na.” Pag-aya niya kasabay ng mabilis niyang pagtayo. “Nagseselos ka ba?” Hindi magawang pigilan ni Mara ang kaniyang ngiti habang pilit na tinutukso ang kaibigan. “Ha? Hindi, ah!” Mabilis na pagtanggi nito. Nangingiti na nga ng tuluyan si Mara habang malokong tinititigan ang lalaki. Hinatak ni Dan si Mara habang hindi nawawala ang simangot sa mukha nito at ang ngisi sa mukha ng dalaga. “Halika na nga," usal pa niya. Namutawi ang katahimikan sa pagitan ng dalawang magkaibigan habang tinatahak nila ang daanan patungong ilog. Pag dating nila doon ay inilatag na ni Dan ang dala-dalang malaking tela na magsisilbing sapin ng kanilang mga pagkain uoang maisagawa ang planong pag pi-picnic. Mamaya na ang alis ni Dan patungong Prague kung kaya’t napagkasunduan ng magkababata na pumunta ng ilog at magkasalong mag almusal. Doon na lamang siya susunduin ng kaniyang mga magulang bago magtungong paliparan. “Napakaganda talaga dito sa ilog, 'no?” bulong ni Mara dahilan ng paglingon ni Dan sa kaniya. Talagang napakainosente ng dalaga. Natitiyak ni Dan na hahanap-hanapin niya ang kakulitan at pagiging masayahin ng kaibigan, maging ang napaka-amo at nakakahawang ngiti nito. “Oo. Walang katulad ang ganda nito," wika ni Dan habang nakatitig kay Mara. Napalingon si Mara sa kababata subalit nahihiyang nag-iwas din ito ng tingin ng makitang matiim na nakatitig sa kaniya si Dan. “Ano ang pangarap mo, Mara?” tanong ni Dan. Panandaliang hindi sumagot si Mara. Wari ay nag-iisip kung ano nga ba ang kaniyang pangarap. “Napagtanto ko kasi na wala ka pang binabanggit sa akin na nais mong kuhaning kurso sa kolehiyo. Ano ba ang nais mong kuhanin?” Bahahyang natawa ang dalaga na siyang ipinagtaka ni Dan. “Sa totoo lang, hindi ko alam, Dan. Noon simple lang ang gusto ko at iyon ay ang maging isang mabuting may-bahay. Hindi ko nga nais na ako ay magkolehiyo.” Huminto ito sa pagsasalita, bahagyang hinayaang panandalian silang lamunin ng katahimikan. “Pero noong nakita ko kung gaano ka kapursigidonng matupad ang iyong pangarap, nagkaroon ako ng inspirasyon. Nakakahawa kasi ang iyong determinasyon. Kaya kung dati ay pinapangarap ko lamang na maging simpleng kabiyak mo, ngayon pinag-iisipan ko na kung ano ba talaga ang nais kong makamit." Nagulat si Dan sa tinuran ng kababata. Bumilis ang t***k ng puso niya sa isiping nais ng kababata na maging kabiyak niya. Pinili niyang isantabi ang nararamdaman niya para kay Mara para sa kaniyang mga pangarap subalit heto ang kaniyang kababata na ipina-prayoridad ang pagmamahal sa kaniya. Para kay Dan ay masyado pa silang mga bata para sa mga ganitong usapin at damdamin. Nais niyang may maipagmalaki muna bago ligawan si Mara. Kaya imbes na magsalita't isatinig ang nararamdaman niya para sa dalaga, mas pinili na muna niyang manahimik habang matamang nakikinig dito. Nagpatuloy si Mara sa pagsasalita ng maramdaman na walang balak magsalita si Daniel. “Nakakatawa mang isipin subalit iyon ang totoo, Dan. Napakasimple lang ng aking pangarap noon. Umaasa nga ako na magbabago pa ang isip mo at hindi ka na tumuloy pa ng Prague," natatawang usal pa nito. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng binata. “Alam mong hindi na mababago pa iyon, Mara," mahinahong ani nito na agad namang sinang-ayunan ng dalaga. “Alam ko," mabilis nitong sagot. “Kaya nga binago ko ang simpleng pangarap ko.” “Kung pagtutuunan mo lamang ng pansin ang Prague, makikita mo kung bakit nais kong magpunta doon. Kung papalarin ay doon na ako maninirahan. Hindi ko maipaliwanag kung bakit naibigan ko ang Prague subalit matutuwa ako kung doon ko matutupad ang mga pangarap ko. Mas matutuwa ako kung makakasama kita doon." Muli na namang sumilay ang napakagandang ngiti ni Mara dahil sa narinig. Tila may humaplos sa kaniyang puso sa isiping gusto ng kaniyang kababata na makasama siya sa Prague. “Subalit mga bata pa tayo para isipin ang mga ganoong bagay. Marami pantayong dapat gawin at patunayan sa mundo. Marami pa tayong oras, Mara pagkat mga bata pa tayo," dagdag ni Daniel. “Ha?” naguguluhang tanong ni Margaret. Napatingin si Dan sa kababata saka marahang napa-iling. “Ang ibig kong sabihin ay mga bata pa tayo para isipin ang tungkol sa pagmamahal o pag-aasawa. Sa tingin ko ay dapat muna nating bigyang pansin ang mga bagay tulad ng pagtupad ng ating mga pangarap," mahabang wika nito. “Tama ka,” pagsangayon ni Mara. Matamang pinagmasdan ni Daniel si Margaret habang nakamasid sa malayo ang huli. “Ano ba ang iniisip mo, Mara? Ano ang pangarap mo?” magkasunod na tanong ng binatilyo sa kaibigan. Inilingan lamang siya ni Mara. “Wala naman,” maikling sagot nito. “pero sa totoo lang, dati pangarap ko nga lang talaga ang makatuluyan ka gaya ng sinabi ko kanina subalit ngayon, pakiramdam ko napaka-imposibleng matupad pa ito dahil aalis ka na. Alam kong napakaraming oportunidad doon kaya kahit ayaw ko, hindi kita pipigilan," mahabang wika ng dalaga. Tahimik lamang na nakikinig sa kaniya si Daniel. Malungkot siyang binalingan ng dalaga. Ang kaninang maganda nitong ngiti ay hindi na mahahanap pa sa mukha nito bagkus, napalitan iyon ng nakakahabag na kalungkutan. “Malaki ang tiyansa na makalimutan mo ako.” Gulat na napatingin si Daniel sa kababata. “Napakaimposibleng mangyari ang sinasabi mong iyan, Mara. Hindi kita kakalimutan kahit anong mangyari dahil ikaw lang ang nag-iisang best friend ko.” Depensa nito habang pilit na nginingitian ang kaibigang malungkot. “Napakaraming magagandang babae ang nakatira doon panigurado,” usal ni Mara, hindi napigilan ang bahagyang pagsigaw. Napahalakhak si Daniel dahil sa tinuran ni Mara. Nagtataka namang napatingin si Mara sa kababata. “Hindi pa man ay nagseselos ka na," natatawang wika ni Daniel kasabay ng bahagyang panggugulo sa buhok nito habang matamang tinititigan. “Hindi ako pupunta ng Prague para lamang maghanap ng magandang babae, Mara. Isa pa, hindi kapalit -palit ang iyong ganda kaya huwag kang magseselos," paliwanag pa nito dahilan ng pamumulang muli ng mukha ng dalaga. Pasimpleng hinawakan ng dalaga ang kaniyang magkabilang pisngi habang pasimple ring tinititigan ang mukha ng kaibigan. Bahagya pa itong napatalon nang nakitang nakatingin din sa kaniya ang binata kaya naman imbes na makipaglaban ng titigan ay mabilis na lamang siyang tumalikod upang itago ang namumulang mukha. “Halika na nga at kumain na tayo,” sabi niya kasabay ng pag-upo upang ayusin ang pagkain nilang dalawa nang mahimasmasan na. Nangingiting umupo din si Daniel sa tabi ng kaniyang kababata upang matulungan ito sa pag-hahapag ng pagkain nila. Mahinhing inilabas ni Margaret ang almusal nilang mag kaibigan. Tahimik silang kumakain habang tanaw ang tahimig sap ag-agos na ilog. “Tiyak na mami-miss mo ang lugar na ito,” pagbasag ni Margaret sa katahimikan. “Tama ka. Wala ng mas hihigit pa dito sa bayan natin. Napakalinis na tanawin at napaka-preskong hangin,” pagsangayon ni Daniel. “Eh, bakit ka pa aalis kung wala naman palang mas hihigit pa dito sa lugar natin?" nakasimangot na wika ni Margaret. “Ayan ka na naman, eh," Natawa si Mara sa reaksiyong ipinakita ng kaibigan. “Biro lang," saad nito. Nagkatinginan ang matalik na magkaibigan at saka sabay na humalkhak. Napatingin tuloy ang ibang mga tao na nag-aalmusal at namamasyal din sa tabing ilog. “Sana magtagumpay ka sa larangang iyong pipiliin, Daniel.” Sinserong hiling ni Mara habang nakatingin sa kaibigang abala sa pag-liligpit ng kanilang pinagkainan. “Mali ang iyong dasal, Mara. Dapat ganito,” ipinikit ni Dan ang kaniyang mga mata kasabay ng pagdikit ng dalawa niyang palad. Siya ay lumuhod at matamang tinuran ang kaniyang dasal, "Pnginoon, sana ay magtagumpay kami ng aking matalik na kaibigan na si Mara sa anumang larangan na aming pipiliing tahakin. Nawa po ay aming kayanin ang mga pagsubok na magpapatatag sa amin, Amen.” sabay mulat ng kaniyang mga mata. “Amen,” wika rin ni Margaret. “Ganoon dapat, Mara. Sa bawat dasal natin ay dapat kasali tayong dalawa. Dahil sa bawat dasal ko ay kasali ka,” pangaral na wika ni Daniel. “Salamat," sinserong sagot naman ni Margaret. “Salamat para saan?” Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng dalaga bago sinagot ang kaibigan. “Salamat kasi marami akong natutunan mula sayo. Salamat kasi nagkaroon ako ng tiyansa na maging isa sa mga kaibigan mo." Hindi mapigilang hindi maging emosyonal ni Mara habang sinserong isinasaad ang pasasalamat sa matalik na kaibigan. Nakita ni Daniel ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ni Margaret. Alam niyang nalulungkot ang kaniyang kaibigan dahil nalalapit na ang oras ng kanilang pag-alis. Ilang minuto na lang kasi ay darating na ang kaniyang mga magulang upang siya ay sunduin. Mula rito ay tutuloy na sila sa paliparan. Sadyang binigyan lamang sila ng oras na magkasalo sa almusal ng kani-kanilang mga magulang. Pagkat alam nilang matagal pa bago muling magkita ang dalawa. Alam nilang sanggang-dikit ang mga ito at hindi halos mapaghiwalay. Subalit ayaw ni Daniel na ipakita sa kaibigan na siya man ay nalulungkot. Kaya naisip ng binata na ipangako sa kaibigan ang isang bagay. “Mara, kung gusto mo ay magkita tayo pagkatapos nating mag-aral sa kolehiyo," suhesyon ng binata sa kaibigan. “Ano ang ibig mong sabihin?” Bakas ang pagtataka sa tinuran ni Mara. “Ang ibig kong sabihin, eh, kung gusto mo kukuhanin kita mula rito papuntang Prague pagkatapos natin sa kolehiyo," paliwanag nito. Nagningning ang mga mata ni mara sa narinig na sinambit ni Daniel. “Talaga?” “Oo," nakangiting sabi ni Daniel. “Pero kailangan mong ipangako na pagbubutihan mo ang iyong pag-aaral at hinding hindi mo bibigyan ng sakit ng ulo sina Tito at Tita," ani ni Daniel. Tumaas ang kilay ng dalaga, hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaibigan. “Aba! Hindi ko naman kaya binibigyan ng sakit ng ulo sina Mama at Papa!” Bahagyang pasigwa na sambit nito dahilan ng bahagyang pagtawa ni Dan. “Talaga ba?” pang-aasar pa nito. Bakas anh pagkakapikon sa mukha ng dalaga na siyang lalong ikinatawa ng binata. “Oo kaya!” “Oh, edi sige," napipilitang ani ni Daniel habang nangingiti pa rin. Sa isip-isip ng binatilyo ay napaka-cute ni Mara kapag napipikon. “Basta, ipangako mo rin na makakapagtapos ka at magkikita tauong muli,” masiglang sagot ni Mara. Natatawang ginulong muli ni Daniel ang buhok ng kababata. “Ipinapangako ko din na pagkatapos natin sa kolehiyo ay kukunin kita at ipapasyal sa Prague. Tiyak na magugustuhan mo rin doon,” wika ni Daniel. “Magugustuhan ko panigurado roon. Alam mo ba kung bakit?” “Bakit?" “Dahil nandoon ka,” maikling sagot ni Margaret na nakapagpabilis ng t***k ng puso ni Daniel. Laking pasalamat ni Daniel ng marinig nila ang pagbusina ng sasakyan ng kaniyang mga magulang dahil hindi niya alam ang isasagot sa tinuran ng kaibigan. “Halika na," pag-yaya sa kaniya ni Mara. “Nariyan na ang iyong sundo," dagdag pa nito. Mahahalata ang lungkot sa tinig niya. Bakas din ang matinding pagpipigil niya sa sarili upang hindi maiyak. “Mamimiss kita, Mara,” sabi ni Daniel sabay yakap sa kaibigan. Sa pagyakap ni Daniel ay hindi na napigilan pa ni Mara ang kaniyang mga luha. Sunod sunod na pumatak ang mga ito. “Sobrang mamimiss din kita, Daniel," basag ang boses ng dalaga ng sabihin ito. “Huwag matigas ang ulo at palaging makikinig sa nakatatanda ha, Mara?” tunog nangangaral na usal ni Dan na siyang ikinatawa naman ng dalaga sa kabila ng matinding pag-iyak. "Oo na,” natatawang wika nito habang pinupunasan ang mga luhang hindi mahinto sa pagtulo. “Daniel, halika na at baka mahuli pa tayo anak sa ating flight," pagtawag ng ina ni Daniel sa kaniya kasunod ng pagbaba naman ng Ina ni Mara mula sa sasakyan. “Mara, anak lumapit ka at ng makapagpaalam ka din ng maayos sa mga magulang ni Daniel.” Unti-unti naman na kinalas ni Daniel ang pagkakayakap kay Mara at hinawakan niya ang mga kamay nito upang sabay silang magtungo sa mga naghihintay na mga magulang. “Tito, Tita mag-iingat po kayo roon. Palagi po kayong sumulat, ha?” humihikbing sabi ni Mara. “Oo, hija. Salamat. Palagi ka rin mag-iingat, ha? Pati kayo, mare. Sayang at wala si kumpare,” nalulungkot na saad ng Ama ani Daniel. “Oo nga, pare eh. May importanteng nilakad sa kaniyang trabaho kaya hindi siya nakaliban upang makapgpaalam ng maayos sa inyo. Mag-iingat kayo palagi, ha? Naku at mamimiss naming kayo ng sobra," madamdaming saad naman ng Ina ni Mara. “Mag-iingat po kayo, Tita," saad naman ni Daniel. “Ingatan niyo rin po sana si Mara," bilin pa nito..Tumingin ang binata sa kaibigang umiiyak pa rin hanggang ngayon. “Mara, huwag ka nang malungkot. Kapag nalulungkot ka o nami-miss mo ako, palagi mo lamang alalahanin ang pangako natin sa isa’t-isa. Gawin mo itong inspirasyon upang makamit natin ang mga pangarap natin. Pagkatapos ay muli tayong magsasama sa Prague. Ipapasyal kita doon." “Oo. Basta ipangako mo rin na palagi kang mag-iingat at hinding hindi mo ako kakalimutan,” malungkot na sambit ni Mara. “Hinding hindi mangyayari iyon,” paniniguro ni Daniel. Agad na pinaandar ng Ama ni Daniel ang sasakyan nang tuluyan na ngang makasakay ang binata habang si Mara ay patuloy sa pag-iyak habang iwinawagayway ang mga kamay sa ere, senyales ng pamamaalam. Matinding kalungkutan ang nararamdaman ni Mara habang tinatanaw ang mabilis na paglayo ng sasakyang sinasakyan ng kaniyang kaibigan. Sa kabilang banda, itinatak ni Dan ang mga pangakong binitiwan sa dalaga at pilit na pinapaalalahanan ang sarili na kailangan niyang tuparin ang mga iyon. Wala na nang magagawa pa si Mara kundi maghintay na matupad ang ipinangako sa kaniya ni Daniel. Iyon ang kaniyang panghahawakan. Determinasyon ang nasa isip ni Mara. Ayaw niyang madismaya sa kaniya si Daniel. Nais niya din na ipagmalaki siya nito. Alam ni Mara na mahabang mga taon ang kaniyang hihintayin subalit pursigido siyang maghintay. Alam niya sa sarili niya na tunay ang pagmamahal niya sa kababata. Malungkot siyang inaakbayan ng kaniyang ina habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng matalik na kaibigan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD