Tahimik na nakamasid si Daniel sa bintana ng eroplanong sinasakyan niya at ng kaniyang mga magulang. Ilang oras na lang at lalapag na sila sa Vaclav Havel Praque airport. Bagaman at may lungkot na nararamdaman si Daniel sapag-iwan sa kababatang si Margaret ay hindi maikakaila ng binata ang saya na nararamdaman dahil sa katuparan ng kanyang pangarap na makarating sa bansang Prague. Tila nakini-kinita na niya ang kaniyang sarili na nililibot ang maliit na bansang ito.
Maghahapon na ng makarating sila sa apartment pansamantala nilang titirhan.
“Anak, sana ay magustuhan mo ang iyong bagong silid," wika ng Ina ni Daniel.
Matamang pinagmasdan ng binata ang kaniyang bagong silid. “Maganda ang napili niyong apartment, Ma." Nakangiting sagot niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa bintana ng kaniyang silid kung saan mula roon ay pinagmasdan niya ang payapang tanawin sa labas. Tanaw mula rito ang isang puno na may pulang mga dahon.
“Pinili namin ng iyong ama ang apartment na ito dahil alam naming magugustuhan mo ang tanawin sa labas. Presko at mahalaman. Parang nasa probinsya pa din tayo,” sagot ng kaniyang ina.
“At isa pa, malapit ito sa unibersidad na iyong papasukan,” dugtong ng kaniyang ama habang nagbu-buhat ng kanilang mga bagahe.
Pumasok ang ina ni Daniel sa isa pang silid na hinala ni Daniel ay silid naman ng kaniyang mga magulang. Sumunod naman ang kaniyang ama. “Magpahinga na muna tayo bago tayo bumaba at maghapunan," ika ng ama niya.
Pumasok na rin sa kaniyang silid si Daniel. Pagka-ayos ng kaniyang mga gamit ay nahiga siya sa kaniyang kama. Tulala siyang nakatingin sa kisame. Hindi niya alam kung bakit may kakulangan siyang nararamdaman. Hindi niya maalis sa kanyang isipan ang malungkot na mukha ng kaibigan niyang naiwan.
Hindi namalayan ni Daniel na siya pala ay nakatulog. Napansin na lamang niya ito nang magising siya dahil sa biglaang pagkatok ng kaniyang Ina sa kaniyang silid.
“Daniel, anak, halika na at kakainin tayo ng hapunan.”
Kahit inaantok pa ay mas pinili pa rin niyang bumangon na ay maghanda para sa hapunan. Hinala niya ay mamamasyal sila ng kaniyang mga magulang upang maghanap ng makakainan at upang maging pamilyar na rin sila sa lugar.
Laking pasasalamat ni Daniel sa suot na makapal na damit nang halos manginig at mapahaplos sa kaniyang magkabilang braso nang salubungin sila ng malamig na hangin pagkalabas sa kanilang tinutuluyan. Hindi niya napigilang hindi pagkumparahin ang klima rito at ang klima sa Pinas.
Nagdesisyon silang maglakad-lakad na lamang upang malaman kung ano ang mga establisyementong malapit sa kanilang tinutuluyan at sa kanilang paglalakad ay may nakita silang isang kainan. “Dito na lamang tayo kumain at medyo pagod na akong maglakad.” Bakas nga ang pagod sa tono ng pananalita ng kaniyang ama kaya hindi na sila umangal pa.
“Ang bilis mo namang mapagod, mahal ko," natatawang tukso ng ina ni Daniel sa asawa. "hindi pa nga kalayuan ang ating nalalakad.”
“Aba at ganito talaga kapag nagkakaedad na," malambing namang saad ng kaniyang ama kasabay ng paghawak nito at paghalik sa kamay ng kaniyang ina.
“Excuses, excuses," tukso naman ng ina ni Daniel dahilan ng biglaang pagtawa nilang pamilya. Natutuwa siyang pagmasdan ang kaniyang mga magulang. Napaka-sweet ng mga ito sa isa’t isa. Hindi tuloy niya maiwasang humiling na sana ay maging ganito sila ni Mara balang araw.
Biglang napahinto si Daniel sa naisip. Tila nabigla siya sa naisip na mabilis niyang iwinaksi. Kailangan niyang mag-focus at magpursige para sa kanilang mga pangarap. Saka na lamang niya iisipin ang kaniyang kababata. Sa ngayon kailangan niyang panindigan ang kaniyang naging desisyon.
Tila pang magkasintahan ang lugar na kanilang pinasok dahil napupuno ito ng pangromantikong mga disenyo. Lagalg ang pangang pinagmasdan ni Daniel ang nasabing kainan at hindi niya maiwasang hindi purihin ang kagandahan nito. Bukod sa romantikong aura, sinalubong din sila ng musikang kay sarap sa tainga, tila nanghehele at nang-aakit.
Ang upuan sa gawing dulo ang napili ng kaniyang magulang. Doon ay tahimik silang kumain nang isang napakagandang dilag ang lumapit, tila may nais sabihin na hindi niya masabi.
“May I know what you looking for, miss?” Tanong ni Daniel nang mapansin ang itsura ng babaem
“I’m sorry to disturb you but could you please tell me where is this place?” Sagot nito.
May ipinakita itong address na nakasulat sa isang papel subalit dahil bago pa lamang sina Daniel doon ay hindi rin alam ng binatilyo kung saan ang lugar na iyon.
“I am sorry but I’m just new here. I’m afraid I won’t be of any help," hinging-paumanhin ni Daniel.
“Oh! It is okay. I am new here as well. Sorry to bother you. By the way I am Lisa." Masiglang pagpapakilala ng babae na agad namang tinugunan ni Daniel. Tumayo siya mula sa pagkakaupo upang pormal na makapagpakilala sa babae.
“I am Daniel,” ika niya sabay lahad ng kamay.
“Nice to meet you, Daniel” Nakangiting sabi ni Lisa.
“Nice to meet you too, Lisa. By the way, these are my parents." Bahagyang nilingon ni Daniel ang mga magulang na kanina pa nagmamasid sa kanila. "This is my dad, Emmanuel and my mom, Lorena." Pagpapakilala niya sa kaniyang mga magulang kay Lisa.
“Nice to meet you, sir and madam," magalang na sambit ni Lisa.
“Nice meeting you too, Lisa. You are so beautiful,” magiliw na bati ng ina ni Daniel.
“You have such a lovely family Daniel,” puri ni Lisa sa pamilya ni Daniel na siyang bahagyang nagpatawa sa kanila.
“Thank you. Are you alone?” Tanong ni Daniel. Luminga-linga ang binata sa paligid, tila tinitignan kung may kasama ba ang babae.
“Actually, yes I am. Im new here and I thought it won’t be a bad idea if I tour around for a bit. Then I got hungry and decided to eat here but now I do not know where is my way home," natatawang paliwanang ni Lisa patungkol sa kaniyang sitwasyon.
“As far as I like to help you, we are also new here," nahihiyang sabi ni Daniel sabay kamot sa kaniyang batok, senyales na siya ay nahihiya.
Natatawang tinanggihan naman siya ni Lisa. “Don’t worry, I understand. Actually I am very happy to meet you and your parents even for a bit of time. Though I think I have to go now," pamamaalam nito.
“Are you sure you will be okay?” Anang ina ni Daniel.
“Yes madam, I will be okay. Thank you for asking. I’ll go now. Pleasure meeting you all.” Nakangiting pagpapaalam ni Lisa.
Halos mabali ang leeg ni Daniel at ng kaniyang mga magulang habang tinatanaw ang unti-unting paglayo ng dalaga sa kanila. “Ang ganda naman niya,” puri ng ama ni Daniel sa dalagang ngayon ay tuluyan na ngang nakalayo sa kanila.
“Naku, mas maganda kaya si Margaret, 'no?” Nakaismid na sabi naman ng kaniyang ina.
Napailing na lamang si Daniel sa tinuran ng ina. Alam niya kung gaano kamahal ng mommy niya si Margaret. Kulang na lamang ay ampunin ito ng kaniyang mga magulang. Ramdam din niya na nais ng kaniyang ina na sila ang magkatuluyan ni Margaret.
“Oh siya, tayo na at umuwi. Baka tayo ay maligaw din katulad nung Lisa,” natatwang sabi ng kaniyang ama.
Sabay-sabay silang tumayo matapos makapagbayad ng kaniyang ama. Madilim na sa labas at lalong lumamig ang simoy ng hangin.Walang atubiling inalis ni Daniel ang suot niyang makapal na sambra nnang mapansing napahagod sa magkabilang braso ang kaniyang ina. Akmang iaabot na sana niya iyon nang maunahan siya ng kaniyang ama kaya naman isinuot na lamang niya ulit. Talagang malambing ang kaniyang ama pagdating sa kaniyang ina, sa isip niya.
Alam niya kung gaano kamahal ng kaniyang mga magulang ang isa’t isa. Saksi siya sa araw-araw na lambingan ng mga ito. Sumaging muli sa kniyang isipan ang kaibigang si Marga. Aminado siyang nami-miss na niya ito. Nam-imiss niya ang kakulitan ni Mara. Napapaisip siya kung ano ang ginagawa sa mga oras na ito ng kaniyang kababata. Panigurado ay nanonood ito ng paborito nilang programa sa telebisyon o 'di naman kaya ay nagbabasa ng libro sa silid.
Umiling-iling si Daniel. Nagtataka siya kung bakit palagi na lamang niyang iniisip si Mara. Marahil ay dahil hindi pa siya sanay na hindi nakikita ang maamong mukha ng kababata.
“Bukas ay pupunta tayo sa iyong bagong paaralan, Daniel kaya matulog ka ng maaga ha?” saad ng kaniyang ama.
“Opo, Pa.” Aminado si Daniel na kinakabahan siya subalit alam niyang kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob upang malampasan ang bawat pagsubok. "Ma, Pa, salamat, ha? Dahil kahit mahirap ay sinusuportahan niyo ang mga pangarap ko," aniya. Alam kasi niya na hindi biro ang halaga ng pagpunta nila sa Prague.
“Ano ka ba, anak? Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal ng iyong papa, 'di ba? Wala kaming hindi kakayaning gawin makita ka lamang namin na masaya," sabi ng ina ni Daniel.
“Tama ang iyong mommy, Daniel. Nag-iisa ka lamang naming anak kaya lahat ng gusto mo ay sususndin naming basta makakabuti sa iyo at sa kinabukasan mo. Isa pa ay alam naming kung gaano ka ka-responsableng bata. Sana lamang ay huwag kang magbabago kung hindi ay madi-dissapoint kami ng iyong ina," panagral kay Daniel ng ama.
“Opo, pa. hinding hindi ko kayo bibigyan ng sakit ng ulo.” Bakas ang kasiguraduhan sa boses ng binatilyo.
Huminto sa paglalakad ang ina ni Daniel na wari ay may naisip na napakagandang bagay. “Naku! Daniel, may isa pang dahilan kung bakit hindi ka pwedeng magpasaway,” natatawang ani nito sa anak.
May hinala man ay tinanong pa din siya ni Daniel. “At ano naman kaya iyon mahal kong mommy?” Bakas din ang tawa sa kaniyang mukha at tono ng pananalita.
“Aba, hindi ano, kundi sino,” sagot naman ng ina.
“Huwag mong sabihing si Margaret?” sabad naman ng ama ni Daniel.
“Mismo!” pasigaw na sagot ng ina ni Daniel sabay padyak ng paa.
“Sinasabi ko na nga ba,” natatawang bulong ni Daniel.
“Bakit, anak? Wala ka ba talagang gusto kay Mara?” tanong naman ng kaniyang ama habang matamang nakatitig sa kaniya na may halong panunukso.
Bigla na lamang umalis si Daniel at nauna ng naglakad pauwi na siya namang nagpahalakhak sa kaniyang mga magulang. Tila wala siyang maitatago sa mga ito.
Unti-unti din niyang nararamdaman na nahuhulog na siya kay Mara subalit dahil mas prayoridad niya ang kaniyang pangarp ay pinili niyang iwanan si Mara.
Pagka-uwi nila sa kanilang tinutuluyan ay nag kaniya-kaniya na silang pasok sa kanilang mga silid. Kailangan nilang bumawi ng lakas dahil sa nakakapagod na flight nila papuntang Prague. Isa pa ay maaga silang gagayak upang pumunta sa paaralan ni Daniel. Hindi pa nila gaanong kabisado ang daan kaya nagdesisyon silang agahan ang pag-alis upang may oras silang hanapin ang paaralan.
Samantala sa kaniyang silid ay abala si Daniel sa pagsulat. Susulatan niya si Mara. Nais niyang magpadala ng regular na liham sa kaniyang kababata pagkat ayaw niyang mawala sila ng komunikasyon sa isa’t-isa.
Nais niyang ikwento sa kababata ang kaniyang karanasan sa unang araw niya dito sa Prague. Tiyak na pagtatawanan siya nito kapag nalaman na muntik na niyang mailuwa ang kinakain kanina dahil nanibago siya sa lasa ng mga pagkain. Tiyak din na hahalakhak si Mara sa isiping kinakabahan siyang pumunta sa bagong paaralan.
“Namimiss na kita, Mara," pabulong na sambit ni Daniel sa kaniyang sarili.
Matapos magawa ang liham ay inilagay niya ito sa kaniyang bag. Bukas na bukas ay magpapatulong siya sa kaniyang ama na pumunta sa post offce upang maihulog ang kaniyang liham. Nais niyang makuha ito agad at mabasa agad ng kaniyang kababata. Aantabayanan niya ang bawat sagot ng kaibigan sa kaniya.
Nakangiting nakatulog si Daniel nang gabing iyon habang dinadama nag matinding pagka-miss niya sa kaibigan. Kinabukasan ay maagang nagsi-handa ang pamilya ni Daniel upang magtungo sa paaralan. Sa kanilang paghahanap ay nakita nila si Lisa, ang dalagang nakilala nila sa kainan kagabi. Subalit hindi sila nito nakita.
Tatawagin niya sana ito subalit tinawag na siya ng kaniyang ama at itinuro ang isang napakaganda at malaking establisyimento. “Nandito na tayo sa bago mong paaralan, anak” sabi ng ama niya.
“Napakaganda dito, pa." Bakas ang pagkamangha habang pinagmamasdan ni Daniel ang bagong papasukang paaralan. “Tiyak na mas gaganahan akong mag-aral nito. Kung sa larawan ay nakakabighani na, mas higit ang ganda nito sa personal," .dagdag na papuri niya.
“Sabi ko na nga ba at magugustuhan mo ito, anak.” Bakas ang kasiyahan sa boses ng kaniyang Ina.
“Oh siya, tumuloy ka na sa loob upang alamin ang mga dapat mong gawin. Hindi ka na namin pwedeng samahan sa loob at baka ikaw ay pagtawanan," natatawang sabi ng in ani Daniel
“Bakit naman ako pagtatawanan?” Inosenteng tanong ni Daniel
Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang at sabay napahalakhak. “Naku bata ka, gusto mo bang isipin nila na binata ka na pero kasama mo pa rin ang iyong mga magulang sa kolehiyo?” tukso ng kaniyang ama.
“Si papa talaga," natatawnag sabi ni Daniel sabay kamot ng batok. “Sige po ma, pa, pupunta na po ako sa loob. Saan niyo po pala ako hihintayin?”
“Dito ka na lamang namin hihintayin sa labas, anak. May mga upuan naman dito. Hindi ka pa namin pwedeng hayaang umuwi mag-isa at hindi mo pa kabisa ang daan pauwi.” Mahabang pahayag ng kaniyang ina.
“Sige po, ma, pa.” Nagsimulang maglakad papasok si Daniel sa paaralan. Kinakabahan siya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin subalit kailangan niyang pagdaanan ito.
Abala si Daniel sa pagtingin sa mapa na ibinigay sa kaniya bago makapasok ng paaralan. Medyo may kalakihan kasi ang paaralan. Hinahanap ni Daniel ang building para sa mga Engineering student na tulad niya.
Sa kaniyang paglalakad ay muntik na niyang makabanggaan ang isang babae. Pareho silang nagkagulatan dahil abala din pala ang babae sa pagtingin sa mapa.
“Ikaw?!”
“You?!”
Magkasabay na saad nila. Pareho din silang natawa sa kani-kanilang reaksyon. Ang babae sa harap ni Daniel ay walang iba kundi si lisa. Napagalaman ni Daniel na doon din papasok si Lisa subalit isa naman itong estudyante sa larangn ng musika. Katulad niya ay bago lamang din sa Prague ang dalaga.
Mabilis silang nagkapalagayan ng loob at nagdesisyong samahan ang isa’t isa sa paghahanap ng kanilang departamento. Tinulungan muna siya ni Lisa na hanapin ang engineering building upang makakuha ng class schedule bago nila hinanap ang para kay Lisa. Bago magpaalam sa isa’t isa ay nagpalitan muna sila ng address.
Masayang naglalakad si Daniel. Sa isip niya ay matagumpay niyang nalagpasan ang unang pagsubok sa pagtupad ng kaniyang pangarap at nagkaroon pa siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Lisa.
Pagkalabas ng paaralan ay hinanap ni Daniel ang kaniyang magulang. Nakita niya ang mga ito na masayang nagkukwentuhan na tila walang inaalala. Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga ito.
Balang araw, magiging ganyan kami ni Mara. Saad ng puso ni Daniel na sinangayunan naman ng kaniyang isipan.