HINDI niya alam kung gaano sila katagal at nanatiling nakayakap sa isa't isa ni Prince. She loves to feel his warm embrace. She wanted to stay in his arms and feel the fast beating of his heart inside his chest. God knows how much she loves this man. Pakiramdam na siya’y nalulunod na siya sa lahat ng emosyong nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Ang walang katumbas na saya, matinding kilig at labis-labis na pagmamahal niya rito. Nang maghiwalay sila ay nagkatinginan sila at nagngitian. Sobrang saya niya. Kasiyahang walang makakaagaw sa kanya. At dahil doon ay wala na siyang ibang maihihiling pa. Ilang sandali pa'y tumayo ito mula sa pagkakaluhod at iniumang ang palad sa kanya. Nagtatakang tiningala niya ito. "Your fan wants to dance with you," he smiled at her boyishly. That smile s

