"MANANG Dina, nasaan po si Prince?" tanong ni Francez sa mayordoma nang makasalubong niya ito sa sala. Sa totoo lang ay kanina pa niya hinahanap si Prince ngunit hindi niya ito makita. Pati ang parents at ang dalawang kuya nito ay hindi rin niya mahagilap ng tingin. Nasaan ba ang mga ito? Ang sabi nito kanina ay isuot niya ang puting dress na ibinigay ng mama nito na ginawa naman niya. Nang balikan niya ito sa labas ng silid niya ay wala na ito kaya hinanap niya ito. At nakakainis lang dahil nalibot na yata niya ang buong bahay ngunit wala ito. Ni kahit anino nito ay hindi niya mahagilap. Naiinis na talaga siya. Saan ba nagsususuot ang lalaking iyon? "Hindi ko alam hija," sagot nito. "Pero may ipinapabigay siya sa'yo." Kunot noong napasulyap siya sa iniaabot nitong papel. Kinakabang in

