NANG mga oras na iyon ay nasa veranda si Francez at tahimik na nakatingin sa langit. Pinagmamasdan niya ang kalangitan na punung-puno ng mga naggagandahan at nagkikislapang mga bituin. Naghihintay siya ng shooting star. Ewan niya, pero trip niyang humiling ngayon doon. Isa lang naman ang hihilingin niya. Na sana ay hindi na matigil ang sayang nararamdaman niya. At maging masaya kasama ang kaisa-isang lalaking mahal niya habang buhay. Yes, she really wanted their love story to end with a happy ending. Ngayon nga ay iniimagine niyang tatanda silang magkasama at magkakaroon ng mga anak ay hindi niya maiwasang mapangiti. She's really happy and grateful with everything she has now. "It's too dark in here, wala ka bang balak sumali sa kasayahan sa baba? Magsisindi na sila ng fireworks." Napak

