Dalawang linggo na siya sa Ilocos at nanibago siya sa buhay probinsya dahil sobrang tahimik ng paligid lalo kung dapithapon na. Nami-miss niya ang mga magulang at mga kapatid at ang kaabalahan niya sa trabaho sa Albano Corp. "Hi, Insan!" Isa sa mga naging malapit niyang kaibigan dito ay si Benjie na second cousin niya. Halos kapitbahay lang niya ito na lagi niyang kalaro sa basketball tuwing hapon na siya lamang niyang libangan. Nagdadala ito ng iba pang kaibigan ngunit ngayon ay isang magandang babae ang kasama nito. Nakasakay ang pinsan sa bisekleta na mabagal lang ang takbo habang ang babae ay naglalakad lang. "Bestfriend ko, si Almira," pagpapakilala nito. Inilahad niya ang kamay at tinanggap naman ng babae. "I’m Ethan. Pinsan ako ni Benjie." "Kaklase ko naman siya sa St. La

